Top 30 Tourist Spots in TAGAYTAY Area (Tagalog)

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Last updated: 25 May 2024

Maraming dahilan para bumisita sa Tagaytay! Mula sa napakaraming masasarap na kainan hanggang sa magagandang view ng Taal Lake, appealing ito sa mga naghahanap ng break dahil puwedeng mag-chill at mag pagpag ng stress dito. Dahil na rin sa malamig na klima, kumportable rin maglakad-lakad at mamasyal. Marami ring family-friendly activities and romantic attractions.

Ito ang ilan sa mga pwedeng gawin at mga lugar na pwedeng pasyalan sa Tagaytay area. Isinama namin ang ilan sa mga popular na tourist attractions sa labas ng city pero easily accessible naman.

NOTE: Posibleng magbago ang opening hours at entrance fees kaya i-check muna ang official websites o Facebook pages ng mga lugar na nasa listahan bago pumunta. Nag-provide din kami ng mga links para sa mga available na activities/tours at hotel booking links para mabilis mong makita ang mga resorts/hotels sa area.


Tagaytay Day Tour from Manila

If walang sariling sasakyan at gusto mo mag-travel conveniently, puwede mag-join ng group tour from Manila to Tagaytay (and back to Manila). Ang usual na meeting area ay SM Mall of Asia (SM MOA). Ito ang mga kasamang lugar sa itinerary:

  • Tagaytay Picnic Grove
  • Sonya’s Garden
  • Palace in the Sky
  • Mahogany Market
  • Sky Ranch
  • Good Shepherd
  • Calaruega Church

RESERVE A SLOT HERE!

PHBEACHKLOOK


Sky Ranch Tagaytay

Ang Sky Ranch Tagaytay ay isang five-hectare leisure park na perfect para sa mga bata pati na rin sa mga kids-at-heart. Meron itong mga exciting rides at activities, mga dining places, mga food stalls, at dog park. Ang pinaka-prominent structure dito ay ang 63-meter tall na Ferris wheel — ang Sky Eye.

Skyranch Tagaytay

Meron din magagandang spots sa park para makita ang view ng Taal Volcano, spaces para sa corporate events, at receptions para sa iba’t ibang okasyon at ibang social gatherings.

If gusto mong sulitin ang iyong pag bisita sa Tagytay Skyranch, puwede ka rin mag-book ng Ride-All-You-Can Day Pass online!

GET RIDE-ALL-YOU-CAN DAY PASS HERE!

Opening Hours: Monday to Friday, 10:00 AM – 10:00 PM; Saturday to Sunday & Holidays, 8:00 AM – 10:00 PM
Entrance Fee: P100/head. Note na may individual admission fees para sa mga attractions sa loob ng theme park.
Parking Fee: Bicycle/Motorcycle, P30; Car, P50; Bus, P150; Overnight/Lost Ticket, P200
Location: Km 60, Tagaytay – Nasugbu Highway, Barangay Kaybagal South, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Mula Manila, sumakay ng bus papuntang Tagaytay at bumaba sa Olivarez/Rotonda. Mula Olivarez/Rotonda, sumakay ng jeep papunta sa Mendez o Nasugbu. Sabihin sa driver na pupunta ka sa Sky Ranch para maibaba ka sa designated stop dahil hindi lahat ng jeep ay dumadaan sa Sky Ranch.


Empty a Bowl of Bulalo!

Kapag iniisip natin ang Tagaytay, ang image ng mainit na Bulalo na nagco-compliment sa malamig na weather sa city ang isa sa mga unang pumapasok sa isip natin. Ang culinary map ng Tagaytay ay puno ng mga bulaluhan na minsan ay magkakatabi sa isang area o nasa gilid ng kalsada. Ilan sa mga kilalang restaurants na nagse-serve ng bulalo ay ang Leslie’s Restaurant, Jaytee’s Filipino Cuisine, Bulalo Point, Balinsasayaw Alfresco Dining & Cafe, RSM – La Terrazza Restaurant, Bulalo Capital, Diner’s Original Bulalo at Ridge Park Kainan sa Kubo.

Bulalo - Mahogany Market

Isa sa mga pinaka-sikat na bulalohan ay nasa second floor ng two-story building sa Mahogany Market. Para itong food court, pero ang lahat ng stalls ay nagse-serve ng bulalo at iba pang dishes. Halos pare-pareho ang mga choices ng mga pagkain sa menu kaya pumili lang ng spot kung saan ka uupo at umorder sa designated stall. Ang ibang restaurants, tulad ng Balay Dako, ay nagse-serve din ng sizzling bulalo.


Shop for Flowers and Plants

Hindi kumpleto ang Tagaytay scenery kung hindi mo makikita ang mga flower at plant stalls sa gilid ng kalsada lalo na sa kahabaan ng Tagaytay-Santa Rosa Road. Pero teaser pa lang ito sa ino-offer ng Tagaytay para sa mga plantitos at plantitas.

Sonya's Garden Plants

Sa mga side roads mula sa main road makikita ang malalawak na property na nagbebenta ng iba’t ibang uri ng flowers at plants, pati na rin garden tools at needs tulad ng lupa, pebbles, pots, at iba pa. Makakakuha ka ng mas murang presyo kung pupunta ka sa bandang dulo ng mga streets na ito. Pero kung wala kang masyadaong oras, marami ring options ang mga roadside vendor along the main road.


View of Taal Lake and Volcano

Alam niyo ba na ang tinatawag nating Taal Lake ngayon ay ang caldera ng isang napakalaking ancient volcano? Pero huwag mag-panic, tanging ang maliit na lang na island (Volcano Island) sa gitna ng lake ang active pa rin. Pero dahil sa geological history na ito, maiintindihan mo ang location, geography, at topography ng Tagaytay.

Taal Volcano View

Nasa edge ng caldera na ito ang Tagaytay City kaya meron itong front seat sa Taal Volcano vistas. At malaking difference ang nabibigay ng view! Maraming taon nang nagbibigay ng aesthetic advantage ang priceless view na ito sa mga commercial establishments tulad ng mga restaurants at hotels na nakakatulong sa economy ng siyudad.

Nakapunta na ang team namin sa ilang accommodations at restaurants na may magandang view ng lake at volcano tulad ng:

  • Balay Dako
  • Josephine’s Restaurant (now Rosario by Vikings)
  • Bag of Beans Charito
  • Ridge Park Kainan sa Kubo
  • Concha’s Garden Cafe
  • Cabanas Dine and Bar
  • Local roadside Bulalohan restaurants

Kung balak mo mag-stay sa Tagaytay for a night at gusto mo ng easy visual access sa stunning natural backdrop na ito sa buong stay mo, ito ang ilan sa mga hotel na may magandang view:

Klook Code PHBEACHKLOOK


Tagaytay Picnic Grove

Para sa mga mas gustong magdala ng sariling pagkain, isa ang Tagaytay Picnic Grove sa mga lugar kung saan puwede kang mag-rent ng tables, gazebos, or hut. Mayroon ding mga amenities kung gusto mong magluto o mag-grill, pero puwede ka ring magdala ng sariling griller at portable burner. Ang ilan sa mga spot ay may view ng Taal Lake, habang ang iba naman ay napapaligiran ng mga puno.

Tagaytay Picnic Grove

Bukod sa picnic areas, mayroon din itong eco-trail, horseback riding circuit, open field para sa pagpapalipad ng saranggola o paglalaro ng badminton at iba pa, zipline experience, souvenir shops, at food stalls. May mga bagong buildings na rin na ginawa — multi-level parking space, new observation/viewing deck, Sky Walk, at business space. Pero ang ilang facilities ay need pa rin ng upgrade at improvement.

Opening Hours: Daily, 6:00 AM – 10:00 PM
Entrance Fee: P75/person
Hut/Cottage Rental: Table (8 pax), P100; Picnic Huts (8 pax), P150; Family Shed (16 pax), P300; Pavilion (20-25 pax), P500; Function Room at Viewdeck (70 pax), P2,500
Zipline Rate: P300 (2-way ride)
Parking Fee: Motorcycles, FREE; Cars, P50; Vans, Jeepneys, Coasters, P75; Bus, P150
Location: Tagaytay – Calamba Road, Barangay Sungay East, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Mula sa Olivarez/Rotonda, sumakay ng jeep papunta sa Calamba o yung may signage na “People’s Park”. Kung gusto mong makasiguro, sabihin sa driver na ibaba ka sa Tagaytay Picnic Grove.


Zipline

Para sa mga adventurous, isa sa mga exciting ways para makita at ma-experience ang magandang surroundings ng Tagaytay ay by zipline!

Zipline- Tagaytay Picnic Grove
agaytay Picnic Grove

Kung first time mo mag zipline, magandang introduction ito dahil hindi masyadong nakakatakot ang ziplines na meron dito — hindi masyadong mataas at hindi masyadong mahaba. Ang Sky Ranch at Tagaytay Picnic Grove ay parehong may zipline experiences.

Madaling makita ang nasa Sky Ranch habang ang nasa Tagaytay Picnic Grove naman ay malapit sa newly renovated na Picnic Town zone. Ang rates ay nasa P200 to P500, depende sa type at sa araw. Mas mura ang rates kapag weekday.


Sample Fruits and Local Delicacies

Blessed ang Tagaytay ng fertile soil kaya naman agriculture ang isa sa mga main sources ng income ng city bukod sa tourism. Meron na lang ilang pineapple fields ngayon dahil sa urbanization, pero sapat pa rin ang naha-harvest ng Tagaytay para ma-boost ang economy.

Cecilia's Buco Pie

Ang iba pang key products ay saging, cacao, coffee, cassava, kamote, at iba pang root crops. Binebenta rin sa mga palengke at street-side fruit stands, lalo na sa kahabaan ng Santa Rosa-Tagaytay Road, ang mga prutas at gulay galing sa mga kalapit na cities. Ang Tagaytay Fruit Market ay nasa junction ng Tagaytay-Calamba Road at Santa Rosa-Tagaytay Road. Puwede ka rin pumunta sa Mahogany Market para sa fresh produce.

Para sa sweet delicacies ng Tagaytay, mabibili mo ito sa mga pasalubong stores sa area tulad ng Rowena’s Pasalubong and Restaurant, Cecilia’s Buco Pie and Pasalubong, Amira’s Buco Tart Haus, Carmela’s Banana Cakes at Colette’s Buko Pie and Pasalubong.


Bag of Beans

Ang Bag of Beans ay isang iconic chain of restaurants dito na mahigit 20 years nang nag-ooperate. Kapag pumunta ka sa Tagaytay, hindi ito kumpleto kung hindi ka pupunta sa Bag of Beans para kumain, mag take-out o bumili ng pasalubong.

Bag of Beans Charito

Ang family-owned at family-managed institution na ito ay kilala ng mga locals at tourists. Nakuha ng homey at rustic interior design nito na consistent sa lahat ng branches ang puso ng mga loyal customers at pati na rin newcomers.

Dahil sa kasikatan nito, maraming Bag of Beans branches na ang sumulpot sa mga busy main roads sa Tagaytay area at mga kalapit na bayan — Main Branch, Charito, Athena, Summit, Antonio & Charito, Splendido, at Twin Lakes. Maraming bestsellers sa menu kaya mahirap mag banggit ng ilan lang sa kanila.

Opening Hours: Between 6:30 AM and 10:00 PM
Tagaytay Branches: Main Branch, Athena, Charito, Summit Ridge, and Antonio & Charito
Contact Details: +63 917 866 6169 / info.bagofbeans@gmail.com


La VeryOl’s Kawa Bath

Yes, tama ang nabasa ninyo. Nakarating na sa Southern Luzon ang kawa hot bath at puwede mo itong ma-experience sa Tagaytay! Palambutin ang naninigas na muscles at maging isa sa mga best bulalo sa Tagaytay. Haha!

La VeryOl's Kawa Bath

Ang kawa ay mas malaki sa usual na metal wok o vat na ginagamit traditionally sa pagluto ng pagkain para sa malalaking celebrations at sa pag-gawa ng muscovado sugar sa ilang lugar sa Pilipinas tulad ng Antique, na sinasabing ang probinsya kung saan nagsimula ang kawa hot bath. Mula sa Antique, nakarating na ito sa ibang lugar sa Pilipinas tulad ng Tagaytay.

Ang La VeryOl Mountain View Garden ay isang family-owned at family-managed garden-slash-spa na nag-o-offer ng kawa hot bath experience malapit sa Manila. Dahil ito ay nakatayo sa ridge, mayroon itong magandang view ng mala-gubat na slopes. Bukod sa kawa hot bath, meron din iba’t ibang massage services. Mayroon rin silang in-house restaurants.

Puwede ka ring mag-stay overnight sa isa sa apat na veranda rooms; puwede rin naman mag day tour lang. Kung mag-overnight ka man or mag-day tour lang, kailangan niyo i-contact ang management para ma-reserve ang room niyo o ang slot niyo.

Opening Hours: Day Tour, 8:30 AM – 6:00 PM; Overnight, 2:00 PM (Check-in) & 11:00 AM (Check-out). CLOSED sila tuwing Monday.
Day Tour Rates: Kawa Hot Bath – P499; Full Body Massage – P899; Kawa Package A – P1,099; Kawa Package B – P1,599; Kawa Package C – P1,399
Overnight Rates: Ang room-only rates ay mula P3,800 hanggang P5,500, habang ang rates naman na may kasamang kawa hot bath at full body massage ay nsa P5,300 hanggang P7,000.
Parking Fee: FREE
Location: St. Francis Drive, Barangay Francisco, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Mula Manila, sumakay ng bus papuntang Tagaytay o Nasugbu sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Bumaba sa Olivarez Plaza. Mayroong tricycle terminal sa gilid. Sumakay ng special tricycle trip papunang Moriellis Restaurant. Puwede mong sabihin sa driver na ihatid ka hanggang La VeryOl’s.


Puzzle Mansion

Ang Puzzle Mansion ay binuksan noong 2012 na may higit sa 1,000 puzzles! Kaya naman ito ay certified ng Guinness Book of World Records bilang pinakamalaking jigsaw puzzle collection sa mundo mula 2012 hanggang 2017.

Puzzle Mansion

Fast forward sa present, mayroon na itong more or less 2,000 puzzles, na ang pinaka-luma ay mula pa noong ‘80s. Ang private museum ay managed ng pamilya ni Georgina Gil-Lacuna, ang may-ari at collector ng mga puzzles. Ang Puzzle Mansion ay located sa Barangay Asisan, ilang kilometro mula sa main road. Makikita ang mga directional signs mula sa main road na papunta sa museum na dating rest house ng pamilya.

Opening Hours: Thursday to Sunday, 8:00 AM – 5:00 PM; Monday to Wednesday, CLOSED
Entrance Fee: P100/head
Location: Cuadra Street, Barangay Asisan, Tagaytay City, Cavite
Parking Fee: FREE

Getting There: Mula Olivarez/Rotonda, sumakay ng jeep papunta sa Nasugbu o Alfonso at sabihin sa driver na ibaba ka sa lugar sa Barangay Asisan kung saan puwedeng sumakay ng tricycle papunta sa Puzzle Mansion.


Museo Orlina

Ang Museo Orlina ay isa pang privately-owned art museum na ipinangalan sa artist at founder nito na si Ramon Orlina na kilala sa kanyang iconic glass sculptures.

Museo Orlina

Noong 2014, binuksan ang museum kung saan makikita ang mga masterpiece ng artist sa second at third levels. Isa sa purposes ng museum ang magsilbing avenue para ma-showcase ng mga baguhang artists ang kanilang mga obra kaya naman makikita rin dito ang mga gawa ng mga young and budding artists.

Ang museum ay may amphitheater at roof deck display. Ang isa sa mga highlights ay ang replica ng isa sa pinaka kilalang glass sculptures ni Orlina — ang “ARCANUM XIX, Paradise Gained”. Ang original work ay kasalukuyang naka-display sa atrium ng National Museum of Natural History.

Opening Hours: Tuesday to Sunday, 10:00 AM – 6:00 PM; Monday, CLOSED
Entrance Fee: Regular, P150; Students and Seniors with valid I.D., P120
Location: Hollywood Street, Hollywood Subdivision, Barangay Tolentino East, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Ang landmark ay ang intersection ng Santa Rosa-Tagaytay Road at Tagaytay-Calamba Road. Makikita mo ang directional signage sa daan papunta sa museum. Ang daan ay nasa gitna ng Tagaytay Econo Hotel at isang restaurant. Kung manggagaling ka sa Olivarez/Rotonda, sumakay ng jeep papunta sa Calamba o yung may signage na “People’s Park”. Sabihin sa driver na bababa ka sa intersection o sa Tagaytay Econo Hotel.


Taal Vista Hotel Restaurants

Sa mahigit-kumulang na 80 years of service, ang Taal Vista Hotel ay nakakuha na rin ng mga loyal na guests. Isa ito sa popular na hotels at event venues sa Tagaytay, lalo na sa mga weddings at corporate activities. Fully equipped ang hotel ng mga facilities at amenities para ma-satisfy ang mga needs ng guests.

Pero hindi lang iyan! Puwede rin mag-dine in anytime sa mga restaurants sa hotel ang mga visitors kahit na hindi naka-check-in. Kasama sa mga restaurants na ito ang Veranda, ang Taza Fresh Table, at ang Lobby Lounge. Puwede ring bumili ng pastries sa in-house bakeshop na The Cakeshop.

✅ If balak niyo na mag-stay overnight dito: CHECK AVAILABILITY & RATES HERE!

Opening Hours: Veranda – Daily, 6:00 AM – 10:00 PM; Taza – Fridays, 12:00 PM – 3:00 PM and 6:00 PM – 10:00 PM; Saturdays, 12:00 PM – 10:00 PM; Sundays, 12:00 PM – 6:00 PM; Lobby Lounge – Saturday to Thursday, 10:00 AM – 10:00 PM; Friday to Saturday, 10:00 AM to 11:00 AM
Contact Details: Para sa mga tanong at reservation, puwede ninyo silang i-contact sa https://www.taalvistahotel.com/contact-us/
Location: Taal Vista Hotel, Kilometer 60, Emilio Aguinaldo Highway, Barangay Kaybagal South, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Mula sa Olivarez/Rotonda, sumakay ng jeep papunta sa Mendez o Nasugbu. Sabihin sa driver na papunta ka sa Taal Vista Hotel dahil hindi lahat ng jeep ay dumadaan kung saan located ang hotel.


Breakfast at Antonio’s

Isa pa sa mga sikat na landmarks sa city at isang culinary institution sa Tagaytay ay ang Breakfast at Antonio’s!

Dahil sa kasikatan nito, kailangan mong pumila para makakain dito. Kung pupunta ka ng weekends at holidays, highly advised na pumunta nang maaga dahil hindi sila tumatanggap ng table reservations.

Breakfast at Antonio's

Bukas lang ba ito kapag breakfast? Hindi. Bukas all day long ang restaurant na may menu na nag-o-offer ng local at international all-day breakfast options, bistro grubs, at desserts. Open din ito para sa corporate events at ibang social gatherings.

Opening Hours: Monday to Sunday, 7:00 AM – 9:00 PM
Contact Details: Para sa event queries, puwede niyong i-contact ang management at kahit alin sa mga number na ito — 046 413 0738 or 046 404 6199 / +63 909 234 7304.
Location: Emilio Aguinaldo Highway, Barangay Bagong Tubig, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Sumakay ng jeep papunta sa Nasugbu at Olivarez/Rotonda. Nasa bandang kaliwa ang Breakfast at Antonio’s. Kung manggagaling ka sa Manila at sumakay ka ng bus papunta sa Nasugbu, sabihin lang sa driver na ibaba ka sa Breakfast at Antonio’s.


Balay Dako

According sa official website, ang ibig sabihin ng Balay Dako sa Negrense ay “Big House”. Ang restaurant ay may old Filipino-Spanish style architecture. Ang interior nito ay maluwag at may magandang view ng Taal Lake at Taal Volcano. Ang malawak na waiting area para sa guests ay maaliwalas at komportable.

Balay Dako

Huwag kalimutan na i-try ang freshly-cooked (or baked) piaya! Makikita mo rin kung paano ito niluluto malapit sa entrance ng second-level dining area. Meron din itong shop kung saan puwedeng bumili ng pasalubong.

Opening Hours: Weekdays, 10:00 AM – 9:00 PM; Weekends & Holidays, 7:00 AM – 9:00 PM
Contact Details: Tandaan na wala silang table reservations. First-come-first-serve basis. Para sa events and gathering queries, puwede ninyong i-contact ang management sa +63 923 726 6290 o balaydakoevents@gmail.com.
Location: Tagaytay – Nasugbu Highway, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Mula sa Manila, bumaba ng bus sa Magallanes Square. Ang Balay Dako ay malapit sa Leslie’s at Dencio’s sa bandang kaliwa. Nasa bandang kanan ang Magallanes Square.


Crosswinds

Ang Crosswinds ay isang 100-hectare Swiss-inspired na residential at leisure community na nasa magubat na landscape sa isa sa magubat na parte ng Tagaytay na may halos 20,000 pine trees. Mayroon itong anim na residential zones, staycation options, restaurants, cafés, specialty shops, at iba pa!

Crosswinds Tagaytay

Ito ay naging isa sa mga rising weekend at culinary destinations sa Tagaytay. Dalawa sa pinakasikat na attractions ay ang NAPA at Ruined Project. Ang NAPA ay kumuha ng inspirasyon sa wine region ng Napa Valley sa California. Mayroon itong hillside vineyard atmosphere dahil sa sloping landscape at mountain valley view na location nito. Ang The Ruined Project ay ang dapat na 50th store ng mas established sister café nito na The Coffee Project. Pero dahil sa pandemic, nag-iba ang plano para dito, at based sa volume ng foot traffic dito lalo na kapag weekends, mas namayagpag ito. Ang ibang establishments sa premises ay Coffee Project, Cafe Voila, Windmill, at Cafe Yama.

May pagkakumplikado ang bagong entrance mechanics sa Crosswinds mula noong sumikat ito noong holiday season ng 2023. Nagcha-charge na sila ngayon ng combined parking fee and voucher ticket. Ang voucher ticket ay consumable at pwede magamit sa mga establishments dito.

Weekday Rates

  • Regular Vehicle: P200 for Parking + P800 Consumable
  • Bicycles/Motorcycles/Big Bike: P100 for Parking + P400 Consumable

Weekend/Holiday Rates

  • Regular Vehicle: P300 for Parking + P700 Consumable
  • Bicycles/Motorcycles/Big Bike: P100 for Parking + P400 Consumable

Getting There: Mula sa Manila, sumakay ng bus papuntang Tagaytay o Nasugbu at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Bumaba sa Olivarez Plaza. May tricycle terminal sa gilid. Sumakay ng special tricycle trip papuntang Crosswinds.


Nurture Wellness Village

Go-to place ng mga gustong mag-relax at lumayo sa fast-paced urban jungle ng Manila ang Tagaytay. Ang Nurture Wellness Village ay nasa gitna ng isang coffee plantation at nagpo-provide ito ng relaxation both physically at mentally.

Photo provided by Klook

Ang wellness village na ito ay ni-launch noong 2001 at aim nito na magbigay sa guests ng experience ng healing power of nature combined with Asian and Philippine-inspired setting, accommodations, at therapy services. Puwede dito ang individuals, couples, friends, families, at kahit big groups. Tumatanggap din ito ng celebrations like weddings, anniversaries, at iba pang occasions pati na rin ng corporate events at team-building activities.

May dalawang type ng lodgings dito at ang isa doon ay ang glamping option, kaya perfect ito para sa mga matagal nang gustong ma-try ang glamorous camping.

✅ Kung plan niyo naman ay mag-stay overnight sa usual na guest room:

CHECK AVAILABILITY & RATES HERE!

Puwede rin kayo mag-reserve at mag-book ng spa package online!

CHECK PACKAGE OPTIONS HERE!

Opening Hours: Daily, 10:00 AM – 8:00 PM. Ang check-in time ay 2PM at ang check-out time ay 12PM the next day.
Contact Details: Accepted ang walk-ins pero highly recommended na may reservation bago ka pumunta. Ang contact numbers ay +63 917 687 8873. Ang email address ay info@nurture.com.ph.
Location: Pulong Sagingan, Barangay Maitim II West, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Kung manggagaling ka sa Manila, bumaba ka ng bus sa Magallanes Square. Ang landmark ay ang Leslie’s at Dencio’s sa kaliwa. Ang Magallanes Square ay nasa kanan. Mula dito, sumakay ng tricycle papunta sa Nurture Wellness Village.


Qi Wellness Living

Chinese-inspired mind-and-body pampering at healing destination na malapit sa main road!

Photo provided by Klook

Ang Qi Wellness Living ay meron teahouse, bath house, at guesthouses. Puwede ka rin pumili ng spot kung saan mo puwedeng i-enjoy ang iyong tea at meal na may magandang view ng mga bundok, ng forest, at ng lake. May iba’t ibang spa packages sa bathhouse na may kasamang massage at soaking pool amenities.

✅ If gusto niyo rin mag-stay overnight: CHECK AVAILABILITY & RATES HERE!

Kung plano mong i-extend ang experience mo dito, puwede mong i-check ang kanilang guesthouse packages at special offers.

CHECK PACKAGE OPTIONS HERE!

Opening Hours: The Bathhouse – Daily, 10:00 AM – 8:00 PM; Teahouse – Daily, 11:00 AM – 8:30 PM
Contact Details: +63 917 522 6969 / reservations@qiwellnessliving.ph (reservations) / info@qiwellnessliving.ph (general inquiries)
Location: Tagaytay – Nasugbu Highway, Barangay Maharlika East, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Mula sa Olivarez/Rotonda, sumakay ng jeep papunta sa Mendez o Nasugbu. Itanong sa driver kung dadaan siya sa Aguinaldo Highway/Tagaytay-Nasugbu Road (not Mahogany Avenue) dahil hindi lahat ng jeep ay dumadaan dito. Kung sasakay ka ng jeep na dumadaan sa Mahogany Avenue route, puwede kang bumaba sa Petron station sa fork paglagpas sa The Lake Hotel Tagaytay. Mula doon, maikling lakad na lang papuntang Qi Wellness Living.


Our Lady of Manaoag (Tierra de Maria)

Dalawang beses nang nakabisita ang team sa Tierra de Maria — isang beses ay weekend at yung isa naman ay weekday. Lagi itong may calming atmosphere even during busy days katulad ng weekends, holidays, at kahit Holy Week.

Tierra de Maria

Hindi gaanong kalakihan ang buong lugar, pero ang 50-foot statue ni Virgin Mary ay nagse-serve na marker nito. Puwede kang pumasok sa chapel para mag-dasal. May interesting section din tulad ng lugar kung saan puwede kang magsulat ng note (prayer requests or prayer of thanks) at i-post ito sa wall o puwede rin ilagay ang prayer requests sa drop boxes. Puwede rin umakyat sa hagdan papunta sa deck kung saan may view ng Taal Volcano at ng paligid.

Para sa mga gustong mag-uwi ng souvenirs, puwede ninyong i-check ang store sa may entrance. Note lang na medyo mahirap mag-park dahil walang space para sa parking. Madalas na nagpa-park sa gilid ng kalsada ang mga visitors.

Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 6:00 PM
Location: Tagaytay – Calamba Road, Barangay Sungay East, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Mula sa Olivarez/Rotonda, sumakay ng jeep papunta sa Calamba o yung may signage na “People’s Park”. Kung gusto mong maka-sigurado, sabihin sa driver na ibaba ka sa Tierra de Maria/Our Lady of Manaoag. Ang chapel ay malapit sa Tagaytay Picnic Grove.


People’s Park in the Sky

Ang People’s Park in the Sky o tinatawag din na “People’s Park” ng locals ay isang unfinished mansion na ginawa noong 1981 sa taas ng isang bundok. Commissioned ito para sa pagbisita ni US President Ronald Reagan, kaya ito tinawag na Palace in the Sky noong una. Pero hindi natuloy ang visit na ito at nahinto ang construction.

People's Park in the Sky

Ngayon, ang unfinished structure ay naging urban park at view deck, overlooking sa lush greenery at lowland. Meron din dito na maliit na chapel, garden, mga souvenir shops, at food stalls. Honestly, kailangan ng lugar ng upkeep at improvement. Pero breathtaking pa rin naman ang views mula rito.

Opening Hours: Monday to Sunday, 7:00 AM – 5:00 PM
Entrance Fee: P50/head
Location: Tagaytay – Calamba Road, Barangay Dapdap West, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Mula sa Olivarez/Rotonda, sumakay ng jeep na may signage na “People’s Park”. Ang jeep ay humhinto sa jumping-off point papunta sa park. Mula sa entrance gate, uphill climb ito papunta sa mansion. Puwede kang maglakad o sumakay ng jeep for P5-10.


Sonya’s Garden

Ang Sonya’s Garden ay nag-open noong 1998. Ito ay may intimate at secluded atmosphere na naka-attract sa mga patrons nito. Parte ito ng usual Tagaytay itineraries, pero located ito actually sa Alfonso, Cavite na short drive lang mula sa city.

Sonya's Garden

Ang iba’t ibang decoration elements sa bawat sulok ay nagbibigay ng warmth sa lugar at ng welcoming feeling sa mga guest. Pinag-isipan din mabuti ang mga products at services, kaya nagkaroon ito ng strong following at loyal customers.

Nagsimula ito bilang simpleng garden restaurant na ngayon ay multi-faceted venture na! Bukod sa restaurant, mayroon din silang bed and breakfast accommodation, spa at massage services, bakery (Panaderia), wedding venue, hair at skin care products (The Apothecary), souvenir shop (Country Store), at furniture shop (Favorite Finds).

Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 6:00 PM
Contact Details: Recommended na may reservation lalo na kung malaking group kayo o plano ninyong mag-avail ng bed & breakfast service. Para sa reservation (restaurant, events, bed & breakfast, at spa), puwede ninyong tawagan ang management dito: https://sonyasgarden.com/contact-us/
Location: Buck Estate Road, Barangay Buck Estate, Alfonso, Cavite

Getting There: Sumakay ng jeep o bus mula Olivarez/Rotonda papunta sa Nasugbu o Alfonso. Sabihin sa driver na bababa ka sa Barangay Buck Estate welcome arch. May tricycle lane sa gilid ng kalsada. Sabihin sa driver na pupunta ka sa Sonya’s Garden.


Mushroomburger

Ang Mushroomburger ay nag-start noong 1979. Kilala ito sa kanilang mushroom burger na pangalan rin ng restaurant. Ang patties ay normally gawa sa 50% home-grown mushroom at 50% beef. Ang mushrooms ay specially cultivated sa isang farm sa Tagaytay at dito rin kumukuha ng supply ang Quezon City branch.

Mushroom Burger

Ang iba pang choices ay no-meat mushroom sandwich at burger na may 50% pork longganisa patty. Bukod sa burgers, ang fast-food chain ay meron din rice toppings, chicken meals, noodle meals at desserts. So how was it? Nagustuha namin ang mushroom burger at mushroom fries!

Opening Hours: Daily, 7:00 AM – 10:00 PM
Location: Tagaytay – Nasugbu Highway, Barangay Kaybagal South, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Mula sa Manila, sumakay ng bus papuntang Tagaytay at bumaba sa Olivarez/Rotonda. Mula sa Olivarez/Rotonda, sumakay ng jeep papuntang Mendez o Nasugbu. Sabihin sa driver na pupunta ka sa Mushroomburger dahil hindi lahat ng jeep ay dumadaan dito.


Twin Lakes Shopping Village

Bago makarating sa boundary ng Tagaytay at Nasugbu from Manila, madaraanan ang Twin Lakes Shopping Village, isang leisure center na paboritong puntahan ng mga road trippers.

Twin Lakes Shopping Village

Sa unang tingin, para itong collection ng coffee shops at snack places. Pero tip of the iceberg pa lang ito. Marami ka pang makikita sa ibaba. Ilan sa mga establishments dito ay Starbucks, Bag of Beans, Amira’s Buco Tart Haus, 7/11, at Robinsons Supermarket.

Meron ding mga dining spots dito na may magandang view ng ridge at picture-perfect spots kung saan puwede kang mag picture-taking kasama ang family at friends mo.

✅ If gusto niyo masubukan mag-stay sa Twin Lakes Hotel: CHECK AVAILABILITY & RATES HERE!

Opening Hours: 7/11 – Daily, 24 Hours; Robinsons Supermarket – Daily, 7:00 AM – 10:00 PM; Amira’s Buco Tart Haus – Daily, 8:00 AM – 8:00 PM; Santis Delicatessen – Daily, 8:30 AM – 8:00 PM. Ang kalimitan na opening schedule ng iba pang establishments ay from 9:00 AM to 8:00 PM
Location: Tagaytay – Nasugbu Highway, Barangay Dayap Itaas, Laurel, Batangas

Getting There: Sumakay ng jeep papunta sa Nasugbu at Olivarez/Rotonda at sabihin sa driver na bababa ka sa Twin Lakes Tagaytay. Kung manggagaling ka sa Manila at sumakay ka ng bus papuntang Nasugbu, sabihin mo lang sa driver na ibaba ka sa Twin Lakes Tagaytay.


Caleruega

Ang Caleruega ay nasa municipality ng Nasugbu sa Batangas pero easily accessible mula sa Tagaytay. Ipinangalan ito sa Caleruega municipality sa Spain kung saan ipinanganak si Saint Dominic de Guzman, ang father of the Order of the Preachers.

Caleruega

Unang na-establish bilang venue para sa retreat and contemplation, ang church complex ay nag-evolve bilang isa sa mga choice destinations para sa weddings at prenuptial pictorials. Ang well-maintained green surroundings nito ay nakaka-attract hindi lang ng retreaters kundi pati na rin ng day-trippers na gustong ma-appreciate ang ganda ng nature. Malawak ang property pero pwede ka humingi ng map sa may entrance gate.

Opening Hours: Monday to Sunday, 7:00 AM – 5:00 PM; Public Sunday Mass Schedule, 10:30 AM
Entrance Fee: P30/head
Location: Calleruega Road, Barangay Kaylaway, Nasugbu, Batangas

Getting There: Sumakay ng jeep papunta sa Nasugbu at Olivarez/Rotonda at sabihin sa driver na ibaba ka sa Hillcrest/Arillo. Usually, may mga tricycle na naghihintay sa side ng entrance. Dadalhin ka nila sa Batulao jump-off point o sa Caleruega. Sabihin sa driver na sa Caleruega ka pupunta.


Queens Strawberry Farm

Kung fan ka ng strawberries, ang bayan ng Alfonso, isa sa mga kalapit-bayan ng Tagaytay ay mayroong strawberry farm na may restaurant, café, at bakery. Ang Queens Strawberry Farm ay nag-o-offer ng mga bagay na strawberry-related: food, activities, at iba pang produkto.

Queens Strawberry Farm Salad

Posible rin ang strawberry-picking activity sa tamang season. Puwede rin masubukan ng mga visitor ang rod fishing o pagpapakain ng mga isda sa vicinity. Para sa strawberry-picking at rod-fishing activities, kailangan mong i-check ang official website para sa available schedule.

Ang farm ay isa ring bed and breakfast place at events venue. Puwede ka rin bumili at mag-uwi ng strawberry jams, strawberry cheesecake, buko strawberry pie, strawberry loaf bread, at iba pa!

Opening Hours: Weekdays, 10:00 AM – 8:00 PM; Weekends, 8:00 AM – 9:00 PM; Cafe Victoria – Weekends, 11:00 AM – 9:00 PM
Entrance Fee: FREE
Parking Fee: FREE
Location: Sitio Hawilian 2, Barangay Upli, Alfonso, Cavite

Getting There: Mula Manila, sumakay ng bus papuntang Tagaytay o Nasugbu sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Bumaba sa Shell Station sa tapat ng Splendido Taal. Mayroong tricyclee terminal sa gilid ng kalsada (Alilio Drive). Sumakay ng tricycle at sabihin sa driver na pupunta ka sa Queens Strawberry Farm.


Golden View Grill Cafe & Restaurant

Naghahanap ka ba ng affordable place na may magandang view ng Taal Lake habang umiinom ng kapeng barako? Ang Golden View Grill & Restaurant ay paboritong stop ng travelers lalo ng mga motorcycle enthusiasts na bumibiyahe sa Tagaytay ridge area.

Golden View Grill & Cafe Restaurant

Ang simpleng two-level roadside restaurant na ito ay nagse-serve ng bulalo, lomi, goto batangas, kapeng barako, at choco tableya. Mayroon din silang Filipino dishes at rice meals for breakfast, lunch, at dinner. Kung oorder ka ng hot coffee or chocolate, may kasama itong dalawang roll ng suman for only P120!

Kahit na nasa area ito na parte na ng Calaca, Batangas, madali pa rin itong marating dahil malapit ito sa Cavite-Batangas boundary.

Opening Hours: Monday, Wednesday to Sunday, 8:00 AM – 9:00 PM; Tuesdays, CLOSED
Location: Diokno Highway/Payapa Road, Barangay Tamayao, Calaca, Batangas

Getting There: Mula sa Tagaytay via Tagaytay-Nasugbu Highway, head towards Nasugbu. Bago makarating sa arch na mark ng border ng Cavite at Batangas, lumiko pakaliwa sa Diokno Highway (Payapa Road). Dumiretso hanggang makarating sa restaurant na nasa kaliwang side ng daan. Ang travel time mula sa border hanggang sa restaurant ay nasa limang minuto.


Bahay Pastulan’s Ube Jam

If paborito niyo ang Ube Halaya jam ng Good Shepherd, hindi mo na kailangan bumiyahe ng five to six hours papuntang Baguio para bumili ng signature jam na ito dahil mabibili mo ito sa Bahay Pastulan sa Tagaytay.

Bahay Pastulan

Ang Bahay Pastulan ay operated by Good Shepherd’s Sisters at meron sila ng mga products na mabibili sa main branch sa Baguio. Nadaanan na ito ng team ng ilang beses at hindi mahaba ang pila rito. Minsan, wala talagang pila.

Available din ang peanut cluster, cashew brittle, lengua, snowballs, angel cookies, choco flakes, alfajor cookies, banana chips, sampaloc candy, at marami pang iba. I-try din ang kanilang Take Out Products na snack/merienda items.

Opening Hours: Monday to Thursday, 9:00 AM – 5:30 PM; Friday to Saturday, 9:00 AM – 6:00 PM; Sunday, 9:00 AM – 4:00 PM
Contact Details: (046) 483 3590
Location: Santa Rosa – Tagaytay Road, Barangay Francisco, Tagaytay City, Cavite

Getting There: Ang Bahay Pastulan ay nasa Santa Rosa-Tagaytay Road. Ang best way para pumunta dito ay via private car. Kung magco-commute, sumakay ng jeep papunta sa People’s Park at bumaba sa Tagaytay Econo Hotel sa junction ng Santa Rosa-Tagaytay Road at Tagaytay-Calamba Road. Mag-hire ng tricycle papunta sa Bahay Pastulan Store/ Good Shepherd. Tandaan na may Good Shepherd Convent sa kahabaan ng Tagaytay-Calamba Road. Hindi ito ang destination mo. Sabihin sa driver na pupunta ka sa nasa Santa Rosa-Tagaytay Road.


Fantasy World

Mula sa malayo, nakakaintriga talaga ang malaking medieval castle na ito. Ang original goal para sa Fantasy World ay mala Disneyland na theme park, pero after ilang years at sa maraming dahilan, hindi na ito natuloy. Sa halip, naging photo spot na lang ito na perfect para sa mga mahilig sa fairy tales o grim aesthetics (depende sa iyong perspective).

Fantasy World

Hindi na gumagana ang mga rides pero ang buong lugar ay picture-worthy. Siguro ito ang charm ng lugar. In fact, hindi lang curious visitors ang na-attract nito kundi pati na rin TV and film productions. Naging filming location ito ng mga movie tulad ng Fantastica at Got 2 Believe at ang TV show ng GMA 7 na Majika. Isa rin ito sa mga paboritong prenup shooting locations. Ang highlight ng park ay ang castle kung saan puwede kang umakyat sa taas ng main tower at makakita ng magandang view ng park at ng paligid.

Opening Hours: Sa kasalukuyan, hindi na pinapayagan ang mga bisita sa loob ng property. Ang ibang mga gusto pa rin masilayan sa malapitan ang Fantasy World ay kumukuha na lang ng photos sa tapat ng gate or mula sa viewpoint along the road. Ang opening schedule nito dati noong pwede pa ang mga bisita ay from 8:00 AM to 5:00 PM.
Entrance Fee: CLOSED until further notice. Pero noong bukas pa ito sa publiko, ang entrance fee ay P100 per person.
Location: Diokno Highway/Payapa Road, Barangay Masayang, Lemery, Batangas

Getting There: Sumakay ng jeep o bus mula sa Olivarez/Rotonda papunta sa Boundary (Cavite-Batangas boundary). Mula sa boundary, sumakay ng jeep papunta sa Lemery pero sabihin sa driver na ibaba ka sa may kalsada na papunta sa Fantasy World entrance. Puwede ka ring mag-rent ng tricycle para sa special trip pero may kamahalan ito —P200 per ride.


Taal Lake Yacht Club

Located ito sa Talisay, Batangas pero easily accessible naman mula sa Tagaytay via Tagaytay-Calamba road at Ligaya Drive. Huwag kang ma-intimidate sa pangalan, hindi members-only establishment ang Taal Lake Yacht Club. Bukas ito para sa day-trip visitors at may amenities din para sa kanila.

Taal Lake Yacht Club

Ang mga pupunta on a day tour ay puwedeng mag-avail ng water-related activities tulad ng sailing at kayaking at Hobie catamaran rentals. Meron din silang camp site for day trip at puwede ka rin mag-rent ng tent. Kung meron ka naman sariling tent, yung camp site na lang ang babayaran mo. Tumatanggap din sila ng mga photoshoots — both commercial and non-commercial. Ito ang mga rates:

  • Boat Ride/Lake Tour: P3,500 (1hr, up to 5 pax)
  • Camp Site: P100/day
  • 4-Man Tent Rental: P500/day + P1,000 Deposit Fee
  • Hut Rental: P400/day (good for 10 pax)
  • Non-Commercial Shoot: P300-350/head
  • Commercial Shoot: P5,000 Royalty Fee + P300-350/head

Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 5:00 PM
Entrance Fee (Non-Members): P400/head
Contact Details: Para sa corporate events, photoshoots, at ibang queries, puwedeng i-contact ang management sa 0917 838 3726, 0917 123 1403, sa official website at sa official Facebook page.
Location: Talisay – Tanauan Road, Talisay, Batangas

Getting There: Ang pinaka-recommended, convenient, at mabilis na way ay via private car. Dumaan lang sa Tagaytay-Calamba Road at lumiko sa kanan papunta sa Ligaya Drive. Gumamit ng Google Maps o Waze. Ang travel time mula Tagaytay papuntang TLYC ay nasa 15 minutes.


Gingerbread House

Ang Gingerbread House ay isa pang attraction na nasa Alfonso na katabing bayan ng Tagaytay. Ito ay isang malaking photo session place at playground na mayroong youthful vibe. Perfect ito para sa mga pamilyang may mga bata at para sa mga mahilig mag-take ng photos na may colorful at playful backgrounds. May restaurant din ito na nasa loob ng malaking Gingerbread House — ang simbolo at centerpiece ng buong property. Ang iba pang features ay bakery, mga food stalls, at outdoor areas.

Gingerbread House

Opening Hours: Monday to Friday, 8:00 AM – 5:00 PM; Saturday to Sunday, 8:00 AM – 6:00 PM
Entrance Fee: Weekdays – Adult, P150; PWD & Senior Citizens, P120; 12 y/o and below, P100; Weekends – Adult, P180; PWD & Senior Citizens, P140; 12 y/o and below, P130
Parking Fee: Cars, Vans, P30; Motorcycles, P20
Location: Matagbak – Palumlum Road, Barangay Palumlum, Alfonso, Cavite

Getting There: Mula Manila, sumakay ng bus papuntang Tagaytay o Nasugbu at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Bumaba sa Shell Station sa tapat ng Splendido Taal. Mayroong tricycle terminal sa gilid ng daan (Alilio Drive). Sumakay ng tricycle at sabihin sa driver na pupunta ka sa The Gingerbread House.


Salakot

Ang Salakot ay located sa Emilio Aguinaldo Highway sa part ng Silang, isa pang neighboring town ng Tagaytay. Ito ay nagse-serve ng classic Filipino dishes simula noong nagbukas ito sa publiko noong first half ng 2021. Ang mga individual huts ay ideal para sa safe at private na dining experience. Iba-iba ang laki ng mga kubo para mag cater sa maliliit at malalaking grupo.

Salakot

Kung mas gusto mo ng spacious na dining area, mayroon ring maluwag na main pavilion. Bukod sa main dishes, mayroon ring café ang Salakot na nag-o-offer ng iba’t ibang cold at hot drinks. Mas affordable ang presyo dito kumpara sa ibang restaurants sa area at sa Tagaytay. Ang paborito namin ay ang kare-kare at laing!

Maraming halaman sa buong lugar na nakaka-dagdag sa charm nito. Bukod sa casual dining, nagke-cater din ito para sa events at celebrations.

Opening Hours: Daily, 9:00 AM – 10:00 PM
Parking Fee: FREE
Location: Km 47, Emilio Aguinaldo Highway, Barangay Lalaan I, Silang, Cavite

Getting There: Mula sa Manila, sumakay ng bus papunta sa Tagaytay o Nasugbu sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Bumaba sa Salakot bago dumating sa Monteluce.


Where to Stay in Tagaytay

Escala Tagaytay. Photo provided by the hotel via Agoda.

Maraming mga accommodation options sa Tagaytay na covered both ang mga luxury hotels at mga budget hotels. May mga hotels na may magandang view ng Taal Lake at meron din naman na mga concept hotels katulad ng mga nabanggit na at nakasama na sa list. According to online users, ito ay ilan lamang sa mga top-rated na accommodations sa Tagaytay, in no particular order:

Top Hotels on Agoda

Top Hotels on Booking.com

You can also check out these posts for more hotel suggestions in and near Tagaytay:

Find more Tagaytay Hotels!

Klook.com

Klook Code PHBEACHKLOOK


Updates Log

2024.05.25 – Updated Where to Stay section
2024.05.23 – Updated opening hours and entrance fees
2023.05.16 – First uploaded

Written by: Mariah Cruz

Related Article: Tagaytay Travel Guide


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.