Top 25 Tourist Spots in RIZAL (Tagalog)

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Ang province ng Rizal ay isa sa mga pinakasikat na destinations sa mga travelers mula Manila at mga kalapit na lugar dahil easily accessible ito at maraming attractions na mapupuntahan.

Ang mga summit-seekers ay hindi madi-disappoint dahil maraming bundok na may makakapal na forest at interesting na rock cliffs sa Rizal. Ang mga nature lovers ay attracted sa mga waterfalls at rivers. At yung mga naghahanap ng adventure ay puwedeng mag-explore ng mga cave na siguradong magugustuhan nila. Bukod sa mga natural attractions, marami rin cultural at historical sites sa Rizal tulad ng mga simbahan, parks, at museums.

PHBEACHKLOOK

Kung ikaw man ay nagpa-plano ng day trip, weekend getaway, o holiday escape, puwedeng gawin lahat ‘yan sa Rizal. Ito ang ilan sa mga best things to do at places to visit sa province na ito.

Note: Ang opening hours at rates ay puwedeng magbago without prior notice kaya siguraduhing i-check ang mga official websites o Facebook pages bago kayo bumisita.


Pinto Art Museum

Itinayo noong 2010, nagsimula ang Pinto Art Museum sa art collection ng founder nito na si Dr. Joven Cuanang, isang neurologist. Ang name ng museum na ‘pinto’ (door) ay nagre-reflect sa layunin na mabuksan ang pinto ng opportunity para magkaroon ng diverse culture at perspectives gamit ang arts. Masasabing isa ito sa pinaka-picturesque na contemporary museum sa bansa.

May iba’t ibang klase ng artworks sa museum: sculptures, paintings, installations, mixed media, at iba pa. Ang mga topics o subjects ay umiikot sa religion, historical events, at different modernist movements. Shino-showcase din dito ang mga gawa ng mga Filipino contemporary artists. Isa pang popular feature na hindi mo dapat ma-miss kapag nagpunta ka dito ay ang in-house restaurant, ang Cafe Rizal.

Dinisenyo ng artist na si Antonio Leaño ang buong museum complex at binubuo ito ng mga white structures na nasa loob ng two-hectare botanical garden. Meron itong peaceful atmosphere kaya naman hindi rin nakakagulat na isa ito sa most Instagrammed museums sa Pilipinas. Open din ang lugar para sa mga couple na gustong mag prenuptial shoot. I-contact ang management para sa rates.

Location: 1 Sierra Madre Street, Grand Heights Subdivision, Antipolo, Rizal
Opening Hours: Tuesday to Sunday, 10:00 AM – 6:00 PM; Mondays, CLOSED. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna ang mga official website o Facebook page bago kayo bumisita.
Entrance Fee: Adult, P250; PWD/Senior Citizen, P200; Student w/ Proof of Enrollment, P125; 3y/o and below, FREE
Contact Details: +63 (2) 8697-1015 / pintoartmuseum@yahoo.com


Hinulugang Taktak

Na-establish bilang national park noong 1990, ang Hinulugang Taktak Protected Landscape ay may three hectares na forrested area. Pinangalan ito sa Hinulugang Taktak waterfalls na highlight ng park. Patuloy na pino-protektahan at mine-maintain ng local government at DENR ang park. Tumulong tayo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga regulations.

Isa itong iconic landmark sa Antipolo at talagang dinarayo kaya naman sinasabing isa ito sa most visited national parks sa bansa. Ang mga trails papunta sa falls ay inayos para maging mas madali para sa mga turista, lalo na para sa mga seniors at PWD na mapuntahan ito.

Ang area sa paligid ng falls ay ginawang picnic site kung saan may mga tables at gazebos. Meron din designated na pool area para sa mga gustong mag-swimming. Sa mga gustong mag-trek o gumawa ng challenging activities, puwedeng subukan ang mga bagong facilities tulad ng wall climbing, rappelling, at iba pang rope courses.

Karamihan ng travelers ay pinupuntahan ito at ang kalapit na Pinto Art Museum sa loob ng isang araw.

Location: Daang Bakal Road/Taktak Road, Antipolo, Rizal
Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 5:00 PM. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna bago kayo bumisita.
Entrance Fee: Adult, P30; Students, P15; Foreigners, P100; Children below 7 y/o, seniors, and PWDs, FREE
Other Fees:

  • Swimming Pool- P50
  • Table- P50/hour
  • Cottage- P500/day

Luljetta’s Hanging Gardens Spa

Ang Luljetta’s Hanging Gardens Spa ang main attraction sa eight-hectare Loreland Farm Resort. Ito ay ni-launch noong 2016.

Photo provided by Klook

Ang farm resort ay matatagpuan sa Antipolo Ridges at may scenic at relaxing atmosphere para sa mga guests na kailangan ng pahinga. I-enjoy ang view ng Laguna de Bay, Metro Manila, at Antipolo habang ine-enjoy ang mga amenities tulad ng mga infinity pools. Mag-relax sa heated jacuzzi, sauna, o hydro-massage pool. Puwede ka rin mag-avail ng massage at body scrub packages.

Nag-o-offer ang Klook ng discounted rates para sa dalawa sa mga packages nila — Hanging Gardens Retreat at Hanging Gardens Getaway. Kasama sa dalawang packages na ito ang slippers, tradition bathrobe at towel, access sa facilities ng spa (locker, sauna, heated jacuzzi, hydro-massage pool, infinity pools, Dr. Fish Spa, at meditation lounges), at Antipolo’s best suman.

Ang Hanging Gardens Getaway package ay may kasamang set meal na naka-bento box (soup, veggies, main meal, dessert). May dalawang options para sa main course — smoked St. Louis pork ribs or smoked Norwegian salmon. Tumawag sa office if hindi nakatanggap ng booking confirmation para ma-secure ang slot at least two days bago ang iyong desired schedule.

CHECK PACKAGES & BOOK HERE!

Location: Sitio Loreland, Barangay San Roque Antipolo, Rizal
Opening Hours: Morning Tour, 9:00 AM – 2:00 PM; Afternoon Tour, 12:00 PM – 5:00 PM; Evening Tour, 2:00 PM – 7:00 PM. Bukas mula Monday hanggang Sunday. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna ang mga official website o Facebook page bago kayo bumisita.
Rates:Solo, P850 – P4,000; Couple Spa Package, P5,000; Spa Party Package (10 pax minimum), P24,000


Antipolo Church

Kilala ang probinsya ng Rizal sa mga pilgrimage at religious sites dito. In fact, ang provincial capital na Antipolo ay tinatawag na ‘Pilgrimage City’.

Isa sa historical at religious landmarks sa Antipolo ay ang Antipolo Cathedral na officially pinangalanan na National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage at kilala rin bilang Immaculate Conception Parish.

Nabuo ang simbahan noong 17th century pero dumaan na ito sa maraming reconstructions at renovations over the years. Makikita dito ang wooden statue ni Virgin Mary. Maraming tao ang nagpupunta dito — karamihan ay mga pilgrims at deboto — lalo na kapag Holy Week at Pilgrimage Season.

Huwag rin kalimutang dumaan sa Victory Pasalubong Center na nasa tabi lang ng simbahan para bumili ng suman, kasuy, at ibang local products.

Location: P. Oliveros Street, San Jose, Poblacion, Antipolo, Rizal
Opening Hours: Daily, 6:00 AM – 7:00 PM. Reminder lang na place of worship ito kaya i-respect ang mga nagdarasal or ang oras ng misa. I-check ang updated mass schedule sa official website.
Entrance Fee: FREE


Mount Purro Nature Reserve

Kung avid fan ka ng forest bathing, magugustuhan mo ang Mount Purro Nature Reserve bilang nature tripping destination. Ang mountain farm ay napapaligiran ng kagubatan ng Sierra Madre na nagpo-provide ng scenic hiking paths at trails na dadaan sa rainforest at sa kahabaan ng ilog. Puwede mo rin piliin ang trail papunta sa Malvar’s Peak para sa mas maraming magagandang views.

Ang owner at founder na si Toto Malvar ay na-inspire ng kanyang nanay at lolo na pangalagaan ang kalikasan, lalo na ang Sierra Madre. Sa pamamagitan ng reforestation projects at rehabilitation ng Upper Marikina Watershed, hindi lang pinoprotektahan ng farm ang kalikasan, binibigyan din nito ng kabuhayan ang Dumagat Tribe.

May maliliit na gardens ang farm at meron din mga swings at gazebos kung saan puwedeng mag-chill at i-appreciate ang ganda ng nature. Puwede rin ma-enjoy ang mga facilities tulad ng rope courses, swimming pool, zipline, play area, at lodgings.

Pwede kayo mag-book sa Klook!

BOOK DAY TOUR PASS HERE!

Location: Purok 5, Barangay Calawis, Antipolo, Rizal
Office Hours: Monday–Friday, 9:00 AM – 5:00 PM
Entrance Fee: Iba-iba ang admission rate depende sa activities at inclusions, pero nasa P300 to P750 ito para sa mga bata at P450 to P950 para sa matatanda. Puwede mo rin i-check ang kanilang official website para sa list of packages: www.mountpurronaturereserve.com
Contact Details: 8542 3005 / 0908 8812701 / 0949 3981799 (Reservation) / GNP@mountpurronaturereserve.com. Tandaan na kailangan ng prior reservation bago ka pumunta. Hindi pinapayagan ang walk-ins.


Phillip’s Sanctuary

Ang Phillip’s Sanctuary ang isa sa mga pinakakilalang eco-tourism, eco-adventure, at retreat destination sa Antipolo. Meron itong modern comforts at amenities na nagbibigay sa guests ng chance na ma-enjoy ang nature without sacrificing convenience.

Ang buong property ay may campsites, agroforestry farm, function areas, organic fruit farm, aquaculture, lodgings, chapel, honesty store, swimming pools, restaurant, at greenery. Meron din itong amenities para sa team building at big group events — obstacle courses, rope courses, zipline, bike trail, fishing area, at kayaking/rafting area.

Location: Pestano Farm Road, Sitio Panlilingan, Barangay San Juan, Antipolo, Rizal
Office Hours: Monday–Friday, 9:00 AM – 5:00 PM
Rates: Nag-iiba ang rates depende sa inclusions at activities, pero ang Day Trip dito ay P3,500 na good for 10 pax na.
Contact Details: (02) 8801 1411 / (02) 8880 9176 / 0917 8971162 / 0917 7085367 / info@phillips-sanctuary.com / phillips.sanctuary@gmail.com


ATV Adventure

Kailangan mo ba ng dose of adrenaline? Puwede mo rin ma-experience ang nakaka-thrill na rough road adventure sakay ng ATV habang tinatahak ang muddy trails, tumatawid ng ilog, at dumadaan sa mga jungle. Ang ATV Adventure Rizal ay nag-o-organize ng ilang ATV tours.

May limang options na pagpipilian:

  • Short Trail
  • Forest Trail
  • Marikina River Trail
  • Long Trail
  • Jungle Trail

Ang bawat isa ay may kanya-kanyang itinerary, duration, at inclusions. Magkakaroon ng safety briefing at demo kasama ang isang ATV expert bago sumabak, kaya huwag mag-alala kung first time mo pa lang gagawin ‘to. Sundin lang ang instructions at okay ka na!

Hey, makakakuha ka ng discount kapag nag-book ka sa Klook!

CHECK PACKAGES & BOOK HERE!

Location: ATV Adventures Rizal, Purok Uno, Sapinit Road, Antipolo, Rizal
Opening Hours: Daily, 6:00 AM – 5:00 PM. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna ang mga official website o Facebook page bago kayo bumisita.
Contact Details: 0908 894 0771 / atvadventuresrizal@gmail.com


Paintball Battleground

Isa pang attraction na ino-offer ng ATV Adventure Rizal ay ang Paintball Battleground, kung saan puwede mong gamitin ang battlefield for an hour kasama ang friends at family mo for less than P500 per person!

Photo provided by Klook

Kasama rin dito ang 50 bullets at complete paintball gear: mask, vest, at paintball gun. For safety, sundin ang lahat ng rules and regulations kapag nasa loob ng battleground. Fire away!

If gusto ng group niyo na kayo-kayo lang, puwede kang mag-book sa Klook ng Private Paintball Experience package. Kailangan ng up to eight na participants para maka-reserve ng slot. Tandaan na hindi allowed ang walk-ins, kaya kailangan mo mag-book in advance at i-reserve ang slot two days bago ang ideal schedule mo.

CHECK DETAILS & BOOK HERE!

Location: Sapinit Road Barangay San Juan, Antipolo, Rizal
Opening Hours: Daily, 6:00 AM – 5:00 PM. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna ang mga official website o Facebook page bago kayo bumisita.
Contact Details: 0908 894 0771 / atvadventuresrizal@gmail.com


Masungi Georeserve

Ang Masungi Georeserve ay isang conservation area na mina-manage at pinangangalagaan ng mga concerned at passionate groups at individuals. Binuksan ito sa publiko noong 2015 na may layunin na i-promote ang mutually healthy coexistence ng nature at ng mga tao. Isa din sa mga aims nito ang ma-educate ang mga guests tungkol sa kahalagahan ng conservation sa pamamagitan ng sustainable geotourism.

Photo provided by Klook

Matatagpuan sa southern part ng Sierra Madre mountain range, kaya naman nakuha nito ang interes ng mga weekend warriors, lalo na yung mga interested sa environment conservation and geology. And buong area ay nagfi-feature ng mga limestone caves, rock formations, karst cliffs, at rainforests. Meron din itong eco-trails, rope courses, at hanging bridges na nagli-link sa ilang key spots sa loob ng conservation area. Ang Sapot at Duyan ang dalawa sa pinaka-sikat na features sa loob ng park.

Meron din mga viewpoints ang park kung saan puwede mong pagmasdan ang magagandang tanawin ng mga bundok, ng park, at ng Laguna de Bay. Tandaan na may iba’t ibang trails at experiences ang Masungi Georeserve, kaya piliin ang nababagay sa preference mo: Discovery Trail, Legacy Trail, at Garden Picnic.

Magsuot ng kumportableng damit at sapatos na may magandang grip, at irespeto at sundin ang mga rules sa loob ng park. Hindi pinapayagan ang walk-ins kaya naman para makabisita, kailangan ng prior reservation.

If interested kayo sa guided join-in tour ng Masungi Georeserve from Manila, may ino-offer ang Klook na package inclusive of roundtrip transportation, snacks, access sa mga facilities, at guided tour sa loob ng Masungi. Ang specific trail na ino-offer para sa package na ‘to ay ang Discovery Trail.

CHECK DETAILS & BOOK HERE!

Location: Kilometer 47, Marcos Highway, Baras, Rizal
Opening Hours: Tuesday to Sunday, 8:00 AM – 5:00 PM; Mondays, CLOSED. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna ang mga official website o Facebook page bago kayo bumisita.
Admission: Kailangan magpa-reserve. Pumunta lang sa official website — www.masungigeoreserve.com/experience.
Contact Details: +63 908 888 70 02 / trail@masungigeoreserve.com


Palo Alto Falls

Matatagpuan sa 200-hectare Palo Alto Leisure and Residential Estates ang 60-foot Palo Alto Falls. Ito ay isa pang waterfall destination na puwede mong idagdag sa iyong list of places to visit near Manila.

Mina-manage ito ng Sta. Lucia Land pero welcome ang mga tourists dito. Sa entrance, kakailanganin mong umakyat ng mahigit sa 200 steps para marating ang falls. Well-maintained ang area na may mga concrete steps at paths. May mga cottages at tables din na pwede i-rent. Kahit na developed ang area, hindi naman ito nakabawas sa ganda ng kapaligiran.

Ang water basin ng falls ay pinalibutan na ng cemented boulders at nagsisilbing swimming area kasama ng isa pang pool sa baba nito. Bukod sa mga families at magbabarkada, patok din ito sa mga motorcycle riders at cyclists.

Location: Palo Alto Leisure and Residential Estates, Barangay Pinugay, Baras, Rizal
Opening Hours: Daily, 9:00 AM – 5:00 PM. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna bago bumisita.
Entrance Fee: P100/head
Other Fees:

  • Table and Chairs – P400
  • Cottage – P700

Pililla Wind Farm

Ang hilly landscape ng Pililla Wind Farm ay may area na lagpas 4,500 hectares. Ang mga naglalakihang wind turbines na nakatayo dito ang nagdo-dominate sa area at naging symbol na rin ng town. Bukod sa pagiging scenic na tourist attraction nito, ang main purpose ng mga wind turbines na ito ay mag-supply ng kuryente. Mina-manage ito ng Alternergy Philippine Holdings Corporation (APHC) at nakaka-produce ito ng halos 150 Gigawatt hours ng kuryente kada taon.

Photo Credit: The Poor Traveler

Sa mga gustong makita ang turbines mula sa hill na katapat ng viewing deck, kailangan magbayad ng P10 para makaakyat ng burol. Kahit mula sa malayo ay maganda pa rin ang view lalo na kapag sunset o early morning.

Katulad ng na-mention na kanina, may designated na viewing deck kung saan puwede makita ang mga turbines mula sa mas mataas na lugar. May maliit na information building din sa area. Tandaan na walang masyadong lilim dito kaya kung pupunta kayo ng tanghali o early afternoon, siguraduhin na meron kayong dalang payong o kahit anong proteksyon laban sa araw. Popular din ang lugar na ito among bikers at riders.

Location: Barangay Halayhayin, Pililla, Rizal
Opening Hours: Daily, 7:00 AM – 6:00 PM
Entrance Fee: FREE
Getting Here: Mula sa Tanay town center, puwede kang mag-hire ng tricycle para dalhin ka sa wind farm. Ang special tricycle rate ay P200 – P300.


Bahay na Bato

Ito ay sinasabing pinaka-lumang bahay sa Pililla. Matatagpuan ito malapit sa St. Mary Magdalene Parish Church. Ang architectural design ng Bahay na Bato ay reminiscent noong Spanish colonial era. Ang combination ng stone masonry at woodwork sa exterior at interiors ay intact pa rin at na-survive ang napakaraming tao na lumipas.

Bukod sa mga antique furniture sets at architectural gems na makikita rito, kilala rin ang lugar bilang stop para sa photo sessions.

Location: J.P. Rizal Street, Takungan, Poblacion, Pililla, Rizal
Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 5:00 PM. Kung sarado ang gate, subukang kumatok o mag-doorbell. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna bago kayo bumisita.
Entrance Fee: FREE. Puwede niyong bigyan ng tip ang caretaker. Pero kung pupunta kayo rito para sa official photoshoots tulad ng prenup, kailangan niyong tumawag para sa rates at availability.
Contact Details: 620 2400 loc 4242 / rizaltourism@yahoo.com


NM Angono-Binangonan Petroglyphs Site Museum

Ang Angono-Binangonan Petroglyphs ay opisyal na dineklara ng National Museum of the Philippines bilang National Cultural Treasure noong 1973. Dito makikita ang mga ancient carvings na naka-preserve sa rock wall mula pa sa panahon ng prehistoric Philippines. Una itong na-discover ng national artists na si Carlos “Botong” Francisco noong 1965.

Ito ay matatagpuan sa kahabaan ng boundary ng Angono at Binangonan. Ang tunnel papunta sa petroglyphs ay may ilang metro ang layo mula sa kalsada (Col. Guido Road). May mga bakod na nakaharang sa rock wall para maprotektahan ang mga prehistoric carvings, pero puwede pa rin makita ng mga turista ang mga ito mula sa wooden viewing deck.

Location: NM – Angono-Binangonan Petroglyphs Site Museum, Rizal
Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 5:00 PM. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna bago kayo bumisita.
Entrance Fee: FREE


Angono Mural Street

Ang Angono ay bayan ng mga kilalang artist at museum kaya naman tinawag itong “Art Capital of the Philippines”. Ang kalsada kung saan matatagpuan ang ancestral house ng national artist na si Carlos “Botong” Francisco ay binansagan na Angono Mural Street dahil sa maraming mga street arts na nagbibigay buhay dito.

Ang mga artists na nasa likod ng mga murals at sculptured walls na nasa Doña Aurora Street ay sina Charlie Anorico, Gerry Batang, at Ebong Pinpino. Ang mga murals na ito ay batay sa mga masterpieces ni Botong Francisco at may mga text mula sa kantang “Sa Ugoy ng Duyan” na isa ring cultural treasure na isinulat naman ng national artist na si Maestro Lucio San Pedro.

Location: Dona Aurora Street, Barangay Poblacion Itaas, Angono, Rizal
Opening Hours: 24/7
Entrance Fee: FREE


Botong Francisco’s Ancestral House

Ang National Artist for Visual Arts na si Carlos “Botong” Francisco ay kilala sa kanyang vivid paintings na nagpapakita ng folk scenes at values. Ang mga gawa niya ay nagsisilbing mahalgang paalala at record ng ating kultura at heritage.

Binuksan ang ancestral house sa publiko noong 1970s nang walang definite na opening hours. Dahil dito, naging accessible sa publiko ang mga masterpieces at memoirs — mako-consider na isang symbolic na gesture ng pag-offer ng kanyang sarili sa mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga obra. Ang highlight ay ang kanyang well-preserved na studio kung saan naka-display ang ilan sa kanyang earlier works at sketches, kasama ng mga personal belongings at collections. Ang ancestral house/museum ay pinapatakbo ng kanyang apo na isa ring artist, si Carlos “Totong” Francisco II.

Bilang muralist, siya ang nag-pioneer ng artform na ito sa Pilipinas. Bukod pa sa pagiging artist, isa rin siyang scriptwriter at isa sa knayang notable works ay ang Genghis Khan ni Manuel Conde.

Location: Dona Aurora Street, Barangay Poblacion Itaas, Angono, Rizal
Opening Hours: 24/7
Entrance Fee: FREE


Blanco Family Art Museum

Si Jose “Pitok” V. Blanco ay godson at prodigy ng late national artist na si Carlos “Botong” Francisco. Kasama ang kanyang asawa na si Loreto “Lorin” Perez-Blanco at ang pito nilang anak, kinilala silang Family of Painters. Ang kanilang mga obra ay nagsho-showcase sa Filipino culture, history, at traditions.

Pagkatapos ng kanilang family exhibit sa National Museum noong 1978, nagdesisyon ang pamilya na gawing accessible sa publiko ang kanilang mga paintings. Na-establish ito noong 1980, pero binuksan ang museum noong 1990. Matatagpuan dito ang malaking collection ng mga masterpieces ng Blanco Family.

Location: 312B A.Ibañez Street, Angono, Rizal
Opening Hours: Daily, 9:00 AM – 8:00 PM. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna ang mga official website o Facebook page bago bumisita.
Entrance Fee: General Admission, P50
Museum Tour: Regular, P150; Senior/PWD, P120; Students w/ ID, P100


Balaw Balaw Restaurant’s Soup No. 5

Ang Balaw Balaw Restaurant ay hindi lamang nagse-serve ng Filipino cuisines, kilala rin ito sa kanilang 12 kinds of sinigang (on special order) at mga exotic dishes. Ilan sa mga kakaibang options ay itik, sinabawang balut, ginataang kuhol, crickets, palaka, hantik, at buwaya. Seasonal ang iba sa mga ito tulad ng kamaro (crickets), uok, at bibingkang abnoy (spoiled duck egg).

Pero ang pinupuntahan ng mga adventurous eaters dito ay ang nakaka-curious na Soup #5 na ang main ingredient ay cow’s balls. Well, sabihin na lang natin na ang lasa nito ay hindi para sa lahat.

Bukod sa restaurant, meron din art gallery ang lugar kaya puwede niyong tignan ang mga interesting collections habang nandito kayo.

Location: #11 Doña Justa Subdivision, Barangay San Roque, Angono, Rizal
Opening Hours: Daily, 10:00 AM – 8:30 PM. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna ang mga official website o Facebook page bago bumisita.
Contact Details: 8651-0110 / 8722 4338 / 0916 8878570 / balaw2x@yahoo.com


Higantes Festival

Ipinagdiriwang taon-taon sa bayan ng Angono ang Higantes Festival. Ito ay dalawang araw sine-celebrate at kilala sa mga giant papier-mâché puppets na nagre-represent sa mga feudal lords o mga may-ari ng hacienda noong panahon ng mga Espanyol. Eventually, naging celebration ito para kay Pope St. Clement I.

Sa panahon ng festival, ang mga titan-like papier-mâché puppet, na nagre-represent sa mga barangays sa Angono, ay ipinaparada sa mga kalsada.

Location: Angono, Rizal
Festival Date: November 22 & 23


Antipolo and Binangonan Cafes with a View

Matatagpuan sa highlands ng Rizal ang Antipolo at makikita rito ang ilan sa breathtaking views ng city. Ang best way para ma-enjoy ang view? Habang nagkakape o kumakain, siyempre!

Kaulayaw Café. Photo Credit: The Poor Traveler

Maraming cafes at restaurants ang nagte-take advantage sa kanilang strategic locations na nagsisilbi ring lookouts na nakaka-attact sa mga turista mula sa Metro Manila at sa probinsya. Ilan sa pinaka-kilala ay:


Treasure Mountain

Effortless sea of clouds malapit sa Manila! Nakaka-engganyo nga naman sa mga campers at day-trippers ang high-altitude educational campsite ng Treasure Mountain.

Photo provided by Klook

Kung matagal mo nang gustong makakita ng sea of clouds sa personal pero wala kang time, energy, stamina, o interes sa hiking, magandang alternative ito! Ang sea of clouds ay mawi-witness usually between 5AM at 8AM. Nakiki-cooperate naman ang weather most of the time. May mga pagkakataon na hindi visible ang sea of clouds dahil maulan (o ibang dahilan pa), pero nag-o-offer pa rin ng panoramic view ng Sierra Madre mountain range ang lugar.

Maraming viewpoints sa loob ng camp, mamili ka lang ng spot. Mag-ingat kapag aakyat ng ilang rock formations at cliffs dahil ang iba sa kanila ay matalim at madulas. Puwede niyo rin subukan ang rope courses na nasa loob ng campsite, sumakay ng ATV, o lumangoy sa pool. May mga restrooms at maliit na restaurant malapit sa entrance.

Kung balak mag-camping overnight, puwede magdala ng sariling tent at pagkain. May corkage fee na P350 para sa pagkain at P50 per alcoholic bottle. Magdala ng warmers at jacket dahil malamig dito. Siguraduhin din na itapon ang mga basura sa tamang tapunan.

May mga ino-offer na packages for Treasure Mountain Day Tour ang Klook. I-check muna ang inclusions per package at piliin ang swak sa gusto niyong mga activities.

CHECK PACKAGES & BOOK HERE!

Location: Sitio Maysawa, Barangay Cuyambay, Tanay, Rizal
Opening Hours:
Day Tour: Daily, 5:00 AM – 3:00 PM
Overnight Check-in Time: Daily 4:00 PM – 8:00 PM. Ang check-out time para sa mga overnight visitors ay 1:00 PM kinabukasan.
Entrance Fee: P150/person (Day Tour); P200/person (Overnight)
Other Fees:

  • Camping Fee – P300/tent
  • Tent Rental (2-4 pax) – P500 – P800
  • Cottage Rental – P350 – P550
  • Sleeping Mat – P200

Mount Daraitan

Parte ng Sierra Madre mountain range ang Mount Daraitan at ito ay sakop ng bayan ng Tanay sa Rizal at bayan ng General Nakar sa Quezon province.

Photo provided by Klook

Kilala ang Daraitan sa hitik nitong forest at limestone formations na nagdo-dominate sa summit. Mula sa tuktok, makikita mo ang napakagandang views ng Tinipak River at ng Sierra Madre mountain range.

May dalawang trails: maikli pero challenging na trail at mahaba pero relaxed na trail. Pababa, may dalawang options din: puwede kang bumalik sa trail na dinaanan mo o dumaan sa trail pababa ng Tinipak River. Puwede mo rin puntahan ang malapit na cave kung marami ka pang oras.

Puwedeng mag-camping dito. Kung pupunta ka para mag-day hike, magandang pumunta ng maaga dahil limited lang ang bilang ng tao na pinapayagan per day. Kung hindi makaabot sa quota, ilan sa mga alternatives ay Mount Binutasan, Mount Lugang, o Mount Maynoba.

If gusto niyo mag-travel conveniently from Manila to the jump-off point, puwede kayo mag-join ng day tour na ino-offer ng Klook.

CHECK DETAILS & RESERVE YOUR SLOT HERE!

Location: Mount Daraitan, Tanay, Rizal
Jump-off Point: Barangay Daraitan Barangay Hall. Kailangan mag-register ng grupo niyo rito, pagkatapos ay may naka-assign na tour guide para sa inyo depende sa size ng grupo.
Registration Fee: P20 (Day Hike)
Tourism Fee: P100 (Inclusive of Tinipak River)
Guide Fee: P500/group (Day Hike); P1250/group (Overnight/Camping)
Visitor Limit: 300 hikers per day
Getting There: Mula sa Tanay town center, puwede kang mag-hire ng tricycle na maghahatid sa’yo sa barangay hall ng Daraitan. Ang rate ay nasa P500, good for 5-6 pax.


Tinipak River

Ang Tinipak River ay isang mountain river na umaagos sa paanan ng Sierra Madre range. Madalas na side trip destination ng mga umaakyat sa Mount Daraitan ang natural attraction na ito. Ang malinis at malinaw na tubig ay napapalibutan ng mga smooth limestone rocks at boulders.

Photo provided by Klook

Karamihan sa mga tourists ay lumalangoy dito after nila mag-hike sa Mount Daraitan para mag-refresh at mag-relax. May isang cave na located malapit sa main swimming area. Sa loob nito ay may mas maliit na cascade na nakagawa ng natural pool dito. Mag-suot ng aqua shoes o footwear na may magandang grip dahil posibleng maging madulas ang dadaanan.

Kung gusto niyo i-combine ang Mount Daraitan at Tinipak River, puwede kayo mag-join ng day trip from Manila na ino-offer ng Klook.

CHECK DETAILS & RESERVE YOUR SLOT HERE!

Location: Tinipak River, Tanay, Rizal
Jump-off Point: Barangay Daraitan Barangay Hall. Kailangan mag-register ng grupo niyo rito, pagkatapos ay may naka-assign na tour guide para sa inyo depende sa size ng grupo.
Registration Fee: P20
Tourism Fee: P100 (Inclusive of Daraitan Hike)
Guide Fee: P500/group (Day Hike); P1250/group (Overnight/Camping)
Getting There: Mula sa Tanay town center, puwede kang mag-hire ng tricycle na maghahatid sa’yo sa barangay hall ng Daraitan. Ang rate ay nasa P500, good for 5-6 pax.


Daranak Falls

Ang Daranak Falls, na may taas na 14 meters, ay isa sa mga kilalang attractions sa Tanay at paboritong summer destination ng locals at tourists.

Photo provided by Klook

Matatagpuan sa paanan ng Tanay mountains ang malaking natural pool kung saan ang Daranak Falls ang centerpiece. Ang surrounding areas ay may mga rivers, ponds, and natural pools din. Para sa mga gustong magtagal dito, merong mga picnic sheds at tables for rent.Tandaan na ipinagbabawal dito ang plastic, styrofoam, alcoholic beverages, at pets. Huwag magkalat at linisin ang area kung saan kayo nag-stay bago umalis.

If gusto mo i-combine ang trip mo to Daranak sa ibang lugar pa sa Rizal, puwede ka mag-join sa Rizal Day Tour from Manila na ino-offer ng Klook.

CHECK ITINERARY & BOOK HERE!

Location: Daranak Falls, Tanay, Rizal
Opening Hours: 8:00 AM – 5:00 PM (Daily). Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna ulit bago bumisita.
Entrance Fee: P50 per person. Children below 3ft are free of charge.
Rental Rates:

  • Picnic Table (good for 6 pax) – P200
  • Picnic Shed (good for 8 pax) – P300

Batlag Falls

Hindi nalalayo sa Daranak Falls ang isa pang set of cascades na may swimming holes — ito ang Batlag Falls. Kailangan mo lang mag-trek paakyat at papunta sa makapal na jungle para marating ito. Ang malamig na tubig ay umaagos pababa sa isang limestone cliff. Ang water basins — isang mababaw at isang medyo malalim — ay nagsisilbing swimming areas.

Subukan mag-explore palayo sa main pools at posibleng makahanap ka ng less crowded na swimming spot. Pinakamagandang pumunta dito sa umaga kapag mas konti ang tao. Magdala ng sariling pagkain at maglinis bago umalis.

Location: Batlag Falls, Tanay, Rizal
Opening Hours: Daily (Day Tour), 8:00 AM – 8:00 PM. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna ang Facebook Page bago bumisita.
Entrance Fee: Adult, P150; Child, P50; Overnight/Camping, P200
Rental Rates:

  • Picnic Table – P200
  • Picnic Shed/Cottage – P200 – P300

Calinawan Cave

Must-visit ang Calinawan Cave hindi lang para sa adventure seekers pero para na rin sa history buffs. Ang multi-level cave system na ito ay may nakakamanghang rock formations (stalagmites and stalactites) na siguradong magpapakilig sa mga spelunkers at curious travelers. Madaling i-explore ang first two levels kaya ideal ito para sa beginners at mga bata. Pero sa mga sumunod na level, kakailanganin gumapang at dumaan sa maliliit na butas. Mas challenging pa ito kapag basa ang sahig dahil magiging madulas ito. Magsuot ng comfortable na footwear at magdala ng extra clothes.

Photo provided by Klook

Pinaniniwalaan na isa sa mga underground meeting places ng mga katipunero ang cave at sinasabing dito nila plinano ang paglaban sa mga Spanish colonizers. Mas mabuting mag-explore na may kasamang guide. Kung magbu-book ka ng tour, bibigyan ka ng protective gear tulad ng helmet at flashlight. Magse-share din ang guide ng mga kwento at information habang ine-explore niyo ang cave.

Kasama ang Calinawan Cave sa itinerary ng Rizal Day Tour from Manila na ino-offer ng Klook!

CHECK ITINERARY & BOOK HERE!

Location: Barangay Tandang Kutyo, Tanay, Rizal
Opening Hours: Daily, 6:00 AM – 5:30 PM. Puwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna ulit bago bumisita.
Entrance Fee: P50 per person
Guide Fee: Starts at P200, depende sa laki ng group.


Other Attractions

  • Mountains: Mount Pamitinan, Mount Binacayan, Mount Hapunang Banoy, Mount Tagapo, Mount Balagbag, Mount Maranat, Mount Sipit Ulang, Mount Masungki, at Mount Batolusong
  • Waterfalls: Kinamatayan Falls, Maranat Falls, Kay Ibon Falls, Payaran Falls (Seven Infinity Pools)
  • Geological Sites: Cardona Rock Garden, Pamitinan Cave, Nagpatong Rock Formation
  • Historical and Cultural Sites: Marian Hill, Santong Lugar in Jalajala, Kalbaryo, Manaoag Shrine, Heroes’ Park, Rafael Pacheco Art Gallery, etc.

Rizal Day Tour from Manila

Kung gusto mo naman sulitin ang araw mo pero ayaw mo ng haggard sa pag-commute, puwede mo i-check ang offer ng Klook na Rizal Day Tour from Manila. Included na sa bayad ang roundtrip transportation, toll fees, at parking fees. Mostly ang kasama sa itinerary ay nasa bayan ng Tanay. Ito ang mga lugar na usually kasama sa itinerary:

  • Sierra Madre, Hanging Bridge
  • Daranak Falls
  • Calinawan Cave
  • Regina Rica Shrine
  • Windmill Farm
  • Celossian Flower Farm
  • El Patio Razon (Hobbit House & Kawa Hot Bath)

CHECK DETAILS & BOOK HERE!


Top Rizal Resorts & Hotels

Ito ang ilan sa mga top-reviewed hotels, resorts, at apartments sa Rizal Province, as ranked by Agoda guests.

For more options, search here: Rizal Hotels

Klook Code PHBEACHKLOOK


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.