7 Places to Visit in Tarlac

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Mahalagang bahagi ng kultura ng isang lugar ang pagkain, which means malaking parte rin ito ng travel experience. Minsan pa nga, may mga activities na naka-sentro sa pagkain tulad ng mga food crawl lalo na sa mga lugar na may rich culinary scene. Bukod dito, may mga pagkakataon din na bumibiyahe tayo para subukan ang mga restaurants sa ibang lugar, lalo na kung nag-ro-road trip kasama ang pamilya o mga kaibigan.

PHBEACHKLOOK

Kung may plano kayong mag-travel up north, isa sa mga pwede niyong puntahan na destination ang Tarlac. Ang Tarlac ay isang landlocked province sa Central Luzon na around two hours away mula sa Metro Manila via NLEX at SCTEX. Mayroon itong exciting na culinary scene at rich cultural heritage kaya naman marami kang puwedeng puntahan na attractions at mga kainan na puwedeng subukan dito.

Sa post na ito, ishe-share namin sa inyo ang ilan sa mga ito. Isasama na rin namin ang ilan sa mga must-try dishes sa mga restaurants para makatulong sa pagpili ninyo kung hindi ninyo mapupuntahan ang lahat ng nasa listahan. Bago mag-travel, i-check muna ang updated na guidelines at protocols ng LGU (local government unit).


Halo Café

Pagka-exit sa SCTEX Luisita, dumirecho sa Halo Café para sa snacks. Kasama sa menu nila ang mga burgers at pasta. Puwede niyo rin subukan ang kanilang mga sweet and savory waffle pops.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Halo Cafe (@halocafeph)


Yoo Ja Ne Korean Grill

Matatagpuan sa Fairlane Boulevard, isang area kung saan maraming maliliit na restaurants, ang Yoo Ja Ne Korean Grill. Isa ito sa mga pinakakilalang mga kainan dito. Nagse-serve sila ng mga popular Korean dishes tulad ng crispy samgyeopsal, seaweed rice mayo, ramyeon, at japchae. Nag-o-offer din sila ng sikat na Korean snack na sikat ngayon sa social media — ang crispy at cheesy na Korean corndogs.


Kart City Tarlac (KCT)

Kung naghahanap kayo ng activity bukod sa pagkain, puwede kayong mag-try ng heart-racing sports kasama ang inyong pamilya o mga kaibigan sa Kart City Tarlac. Mayroon silang 700-meter racetrack kung saan puwedeng mag go-karting o pedal karting. Bukod sa kart racing, mayroon rin ditong diner — ang Chap’s Diner, kung saan puwede kayong umorder ng iba’t ibang snacks at savory dishes tulad ng nachos, bagnet, at sisig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kart City Tarlac 🏁💕 (@kctarlac)


The Borough Pizza Pub

Kung nagke-crave ka ng pizza, subukan mo ang The Borough Pizza Pub. Matatagpuan ito sa kahabaan ng Bypass Road. Ilan sa mga best-seller pizza flavors nila ay ang Chicken Pesto Pizza at BBQ Beef Burger Pizza. Puwede mo itong partneran ng Hail Kale Smoothie bilang refreshing drink.


The Boss Rotisserie by Mang Ben’s Lechon

Para sa mas filling na meal, pumunta sa The Boss Rotisserie by Mang Ben’s Lechon. Bukod sa kanilang rotisserie meals, must try din ang kanilang The Boss Fried Rice na loaded with vegetables at crispy pork toppings. Kung mahilig kayo sa seafood, subukan niyo na rin ang Mixed Seafood Gambas nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kennedy Soro (@chefkensoro)


Aquino Center and Museum

Matatagpuan sa Barangay San Miguel sa Tarlac City, makikita dito ang mga memorabilia nina dating senador Ninoy Aquino at dating pangulong Cory Aquino. Ang museum ay pinapatakbo ng Ninoy and Cory Aquino Foundation.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jude B Feliciano (@judebfeliciano)


Diwa ng Tarlac

Maikling drive mula sa Aquino Center and Museum papunta sa Romulo Boulevard ay ang Diwa ng Tarlac. Dito, makikita mo ang mga diorama na nagpapakita ng kultura at history ng Tarlac. Mayroon din ditong gift shop, restaurants, at function rooms na puwedeng gawing venue para sa mga event at exhibit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by anjo ortega (@anjo.rtega)


Where to Stay in Tarlac

Kung balak niyong mag-stay overnight sa Tarlac, ito ang ilan sa mga hotel na puwede niyong ibook.

Find More Tarlac Hotels

Klook Code PHBEACHKLOOK


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.