Cebu Pacific & AXA Philippines Join Forces for PISO PROTECT

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

2022 • 4 • 5

Para sa mas ikakapanatag ng loob nating mga pasahero, nagsanib-pwersa ang Cebu Pacific at AXA Philippines para sa PISO PROTECT, isang personal accident micro insurance na mas abot-kaya. Ang AXA Philippines ay isa sa mga leading insurance providers sa bansa.

PHBEACHKLOOK

Sa partnership na ito ng dalawang kumpanya, kahit sa halagang PISO per day (or P365/per year), puwede nang ma-ensure ang financial security in case of accidents na maaaring mag-cause ng injuries, disabilities, or death. Very affordable ang Piso Protect at hindi kailangang bumili ng flight tickets para makapag-avail ito.

CEB Piso Protect

Mayroon ito ng mga sumusunod na coverage para sa insured:

  • accidental death o permanent disablement coverage up to P250,000;
  • daily hospitalization coverage na P1,000 per day, maximum of P5,000; at
  • surgical cash benefit na P5,000

Isa sa maraming bagay na natutunan natin ngayong pandemic ay mabuting maging ready para sa mga unforeseen circumstances lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa health and safety, dahil hindi biro ang gastos kapag may hospitalization nang involved. Kaya ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal at hindi na tayo stuck sa ating mga bahay, magandang magkaroon ng safety net para sa iyong finances by having a personal accident insurance. After all, ang mga accidents ay maaaring mangyari kahit kanino anytime, anywhere.

Isa lang ang Piso protect sa ilang products sa suite of lifestyle insurance packages na ino-offer ng partnership ng Cebu Pacific at AXA Philippines. Una na nilang inoffer noong September 2020 ang unang non-travel insurance products sa Philippine aviation industry, ang CEB Health Protect na may coverage para sa top three critical conditions na cancer, stroke, at heart attack.

Ayon kay CEB Vice President for Marketing at Customer Experience, Candice Iyog, “It has been our commitment to keep passengers’ safety and peace of mind our priority, and we are delighted to offer something relevant, valuable, and affordable, addressing needs that cover beyond travel.”

Maaaring mag-avail ng Piso Protect sa website ng Cebu Pacific: htttps://bit.ly/CEBPisoProtect. Pagka-select dito, ire-redirect ka to AXA’s website to complete purchase.


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.