Ang Aquaria Water Park ay parte ng Calatagan South Beach o CaSoBe na nasa Calatagan, Batangas. Mayroon itong swimming pools na iba-iba ang lalim at thrilling na water slide. Ang resort ay along the beach kaya bukod sa mga swimming pool at water slide, puwede mo ring maenjoy dito ang magandang beach na may cream-colored sand. Sa loob ng 15-hectare residential-commercial estate na ito ay mayroon ring mga rooms, cabanas, at dining places.
Pinaka-bagong addition sa facility ay ang Cocoons na pagmamay-ari at pinapatakbo ng Millenial Resorts Corporation. Isa itong out-of-the-ordinary na lodging option na dinevelop noong nag-slow down ang tourism dahil sa pandemic. Ang Cocoons ay may mga sleeping pods na gawa sa malalaking cylindrical drainage pipes. Para itong makukulay na capsule hotels. Bukod sa Cocoons at CaSoBe, mayroon ring similar na Cocoon complex sa Laiya.
Kung balak mong pumunta sa Aquaria Water Park kasama ang iyong pamilya o mga kaibigan, either for a day trip o overnight stay para sa quick weekend getaway, nasa post na ito ang mga detalye at mga kailangan mong malaman bago ang inyong trip.
WHAT'S IN THIS GUIDE?
How to Get to Aquaria Water Park from Manila
Ang Aquaria Water Park ay nasa Barangay Sta. Ana sa western coast ng Calatagan, Batangas. Mula Manila, nasa three to four hours ang biyahe papunta dito depende sa traffic.
By Private Car
Kung may sarili kang sasakyan at pupunta ka sa Calatagan mula Manila, ang pinaka-mabilis na way ay dumaan sa South Luzon Expressway (SLEX). Isa pang option ay ang Aguinaldo Highway. Kung alinman ang rutang mapili mo, puwede kang gumamit ng Waze o Google maps para sa direction.
- Mula SLEX, puwede kang dumaan sa Santa Rosa Exit o Mamplasan Exit. Mas mabilis na ruta ang huli dahil sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX). Ihanda ang iyong Autosweep pati na rin ang EasyTrip kung dadaan ka sa CALAX.
- Alinmang ruta ang piliin mo, dadaan ka sa Santa Rosa- Tagaytay Road. Dumiretso hanggang makarating ka sa Tagaytay Rotonda.
- Dumiretso sa kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Road hanggang makarating sa Batangas-Cavite boundary. Malalagpasan mo ang arc na may “Welcome to Nasugbu”.
- Lumiko sa kanan pagdating sa Palico Rotonda o junction. Ang mga landmark ay Jollibee at Caltex.
- Tahakin ang Palico-Nasugbu Highway hanggang makarating sa Lian-Nasugbu Intersection/Rotonda. Ang landmarks ay Shakey’s at Shell gasoline station.
- Dumaan sa Calatagan-Lian Highway, malalagpasan mo ang Lian town proper. Dumiretso hanggang makarating sa Calatagan town proper. Malalagpasan mo ang Lago de Oro. Sundan ang mga sign.
- Dumiretso hanggang madaanan mo ang Stilts. Pagkalagpas dito, makikita mo ang CaSoBe entrance sa kanan.
Alternative Route: Isa pang ruta mula sa SLEX ay dumiretso sa STAR Tollway at mag-exit sa Batangas City. Pagkatapos ay dumaan sa bayan ng Bauan, Lemery, Calaca, at Balayan para makarating sa Calatagan.
By Public Transportation
Nasa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na ngayon ang karamihan ng bus na papuntang Batangas. Makikita ang ticket booth assignment at contact numbers ng mga bus companies na bumibiyahe papuntang Batangas sa kanilang Facebook Page.
Kung ang bus na masasakyan mo ay hanggang Nasugbu lang at hindi aabot sa Calatagan, puwede kang sumakay ng jeep mula Nasugbu papunta sa Calatagan Town Proper. Pagkatapos ay sumakay ng tricycle papunta sa CaSoBe (o Aquaria). P200 ang pamasahe sa tricycle, pero pwede ka ring magdagdag ng tip.
Operating Days and Hours
Office Hours
8:00 AM – 6:00 PM
Monday – Friday (except holidays and with 1-hour lunch break)
Resort Hours
8:00 AM – 6:00 PM
Monday, Wednesday – Sunday
CLOSED
Tuesdays
Notes:
- May weekly maintenance ang aqua park kaya sarado ito ng isang buong araw (Tuesday) every week.
- Para sa mag-sstay overnight, hindi pinapayagan mag-swimming sa beach after 6:00 PM. Karamihan ng pool ay Bukas mula 8:00 AM to 6:00 PM lang pero mayroong bukas hanggang 8:00 PM.
- Para sa group package o events, I-check ang official website o i-contact ang management para sa available schedule.
- Mayroon ring mga dates na sarado ang park para sa private events, weather-related reasons, o maintenance. Mas mabuting i-check ang official website o FB page bago pumunta o mag-book.
Day Tour vs. Overnight Stay
Naka depende sa time na meron ka, sa gusto mong ma-experience, at sa mode of transportation mo kung mas better ba ang day tour o overnight. Madali namang iexplore ang lugar dahil hindi naman sobrang laki ito. Kung mayroon kang sariling sasakyan, puwede mo nang maenjoy ang buong lugar kahit day tour lang.
Kung gusto niyong iexplore ang waterpark nang hindi nagmamadali at meron naman kayong time, puwede kayong mag book ng overnight stay. Mas magandang choice din ito kung mag-cocommute kayo dahil limited pa ang public transportation dahil sa pandemic-related restrictions.
Puwede ka mag-book ng day pass for Aquaria Water Park dito:
Day Tour Rates
Entrance Fee
- OFF-PEAK SEASON (July – December)
Weekdays
Adults- P400
Children (4ft and below)- P200
Infants (1 y/o and below)- FREEWeekends, Holidays & Long Weekends
Adults- P600
Children (4ft and below)- P300
Infants (1 y/o and below) – FREE - PEAK SEASON (January – June)
Weekdays
Adults- P600
Children (4ft and below)- P300
Infants (1 y/o and below) – FREEWeekends, Holidays & Long Weekends
Adults- P800
Children (4ft and below)- P400
Infants (1 y/o and below) – FREE
Notes:
- Naka depende sa season ang rates. Iba ang peak season rates sa lean o off-peak season rates.
- Ang peak season ay from January to June habang ang off-peak season naman ay July to December.
- Ang rates ay inclusive of free use ng swimming facilities tulad ng pool, beach, at mga shower room.
- Ang day trip schedule ay mula 8:00 AM to 5:30 PM lang.
- Kailangan magbayad ng P30 per person na Tourism Ecological fee na mandated ng Calatagan Municipality. Normally, binabayaran ito sa resort upon check-in o check-out.
HUT & TABLE RENTALS
Kung day tour lang kayo, ppuwede kayong mag rent ng tables & chairs, picnic tables, at open-air cabanas. Ito ang mga rates:
- Table and Chairs – P200
- Picnic Table- P300
- Beach Front Cabana – P1200 (6-8pax)
- Pool Cabana – P1500 (8-10pax)
- Boardwalk Cabana – P1700 (10-12 pax)
- Resort Pool Cabana – P2000 (10-15 pax)
Overnight Rates
May dalawang accommodation options kung gusto mong mag-stay overnight sa Aquaria: ang Crusoe Cabins at Cocoons. Sa post na ito, mag-fofocus tayo sa Cocoons.
Cocoons
Ang Cocoons ang mas affordable na lodging option kung gusto mong mag-stay overnight sa Aquaria. Ang mga rooms dito ay mga sleeping pods na gawa sa malalaking cylindrical concrete drainage pipes. Mayroong 18 Garden Cocoons sa CaSoBe property at lahat ito ay fully furnished at may free WiFi. Kapag nag-book ka sa Cocoons, may kasama na itong access sa amenities ng Aquaria Water Park.
Ano ang itsura ng interior ng Cocoon?
Kahit compact ang cocoon, namaximize nito ang limited space dahil bawat sulok ay useful. Sa ilalim ng kama, mayroong malaking space kung saan puwede mong ilagay ang mga bags. Sa gilid naman ng kama ay may mga cabinets na pwedeng paglagyan ng smaller items. Mayroon ding TV na movable at puwedeng ilagay sa side kapag hindi ginagamit. Mayroon ring maliit na refrigerator na may complimentary bottled water.
May toilet at shower ba sa Cocoon?
May magkahiwalay na toilet at shower room sa labs ng Cocoon. Bawat cluster ng cocoon ay nagshe-share sa isang shower unit at isang toilet unit.
Anu-ano ang mga amenities?
- Fully Air-Conditioned Garden Cocoons
- Queen Size Bed
- Flat-Screen TV and Cable
- Safety Deposit Box
- Mini-bar
- Complimentary Coffee
- Complimentary Bottled Water (1L)
- Toiletries (soap, Shampoo, and Conditioner)
- Baggage Storage
- Mini Fridge
- Wi-Fi
- Parking
- Picnic Tables
- Sand Pit Lounge
- Personal Lounge Area (Two Chairs and a table)
- Shared Toilet and Shower Room
How to book a Cocoon?
Puwedeng mag-book online sa link na ito:
After mag-book, mas Maganda pa rin na email ang management ng Cocoons sa cocoons.casobe@millenial-resorts.com pagkatapos para makuha ninyo ang latest list ng requirements at policies.
How to check-in?
Ang gateway sa Cocoons ay CaSoBe kaya kailangan niyong pumunta sa resort administration/guest services area para mag-register at check-in.
- Mag fill out ng Registration at Waiver Forms. Kailangang i-accomplish ang mga forms na ito online bago ang inyong arrival. Ang link ay isesend sa inyo kasama ng reservation/booking confirmation via email.
- Pumasok sa CaSoBe Gate. Itatanong ng guard sa entrance kung ano ang ipinunta niyo dito at kung mayroon kayong confirmed booking/reservation. Ipakita ang inyong confirmation vooucher/receipt.
- Kung naka private car kayo, kailangan niyo munang mag-park bago dumaan sa sanitation process: foot bath, hand washing, at pag gamit ng alcohol.
- Dadaan ka sa thermal/temperature scanning.
- Ipakita ang mga requirements for checking. I-check ang updated list of requirements sa Cocoons website.
- Magbayad at i-settle ang Incidental Deposit. Ipakita ang credit card na ginamit sa reservation at ang valid ID ng credit card owner. Magbayad in full upon check-in. Required ang incidental deposit worth P1,000 upon check-in. Pwede itong bayaran with cash or credit card. Kasabay na ring babayaran ang government-mandated na P30 per person na ecological fee.
- Mag fill out ng check-in form.
- Kung may dala kayong sasakyan, pumunta sa designated parking lot para sa mga guest ng Cocoons.
- Mag-park at hintayin ang electric golf buggy na maghahatid sa inyo at sa mga baggage ninyo sa inyong cocoon cluster.
- Ibibgay ng staff ang inyong key bracelets.
- I-enjoy ang inyong extraordinary overnight stay sa Cocoons!
Notes:
- Ibibigay ang inyong official receipt upon checkout.
- Bawat room ay sanitized. May sanitized and disinfected sticker malapit sa door handle.
- Bukod sa toiletries, nag pprovide din sila ng towels.
- Ang storage area sa ilalim ng bed ay mas fit para sa mga soft bags, duffel bags, at backpacks kaysa sa mga boxy o hard case luggage.
Ano ang check-in/check-out time?
Ang check-in time para sa mga guest ng Cocoons ay 2:00 PM; ang check-out time ay 12:00 PM.
Check-in Time: 2:00 PM
Check-out Time: 12:00 PM
Notes:
- Posible ang early check-in pero depende ito sa room availability. Ang pag check-in between 12:00 PM at 2:00 PM ay free of charge at ang check-in between 6:00 AM at 11:59 AM naman ay may additional cost na 50% ng published rate.
- Posible rin ang late check-out depende sa room availability. Ang late check-out until 2:00 PM ay free of charge at ang check-out after 2:00 PM hanggang bago mag 6:00 PM ay may additional na half-day room charge. Ang pag check-out naman after 6:00 PM ay may dagdag na full-day room charge.
If marami kayo sa group at interested kayo sa Crusoe Cabins, puwede mag-book dito:
Aquaria Guest Pass Guidelines
Kapag nag check-in ka sa Cocoons, may kasama na itong access sa amenities ng Aquaria Water Park. Ibibigay sa iyo ang Aquaria Guest Pass upon check-in. Ito ang guidelines:
- Kailangan suot ang pass AT ALL TIMES habang nasa CaSoBe premises. DUrable naman ang sticker kaya kahit suot niyo ito habang nag-sswimming o naliligo, there’s no need to worry.
- Valid ang pass for one day (24 hours).
- Huwag i-damage ang inyong pass. Hindi i-hohonor ang tampered pass.
No refunds. Hindi responsible ang management para sa loss valuables, accidents, at injuries.
Things to do at Aquaria Water Park
Ang mga facilities at amenities sa Aquaria Water Park ay magbibigay ng fun day para sa mga guests. Bukod sa pag splash and slide sa pool areas, puwede ring mag sun bathing at manood ng sunset sa beach area, mag-try ng mga wtaer sports, mag island hopping, at mag-enjoy sa mga amenities.
Highlight Attractions
- 3-Storey High Pool Slide. Ito ang pinaka-notable feature ng water park. Ang landiing pool nito ay 6-feet deep.
- Resort Pools. Maraming pools sa loob ng aqua park kasama ang sikat na Cove Pools.
- Kiddie Pool. Pool area para sa mga bata na may lalim na 3 feet.
- Fine-sand beach. Mayroon ring over 500 meter stretch ng beach ang property na pwede niyong i-explore.
Other Activities
- Island Hopping Boat Tour. Partner ng Aquaria ang Edna’s Boat Ride para sa three-destination tour na magdadala sa mga turista sa Starfish Island, Snorkeling Site, at isang sandbar na tinatawag ng mga local na “Little Boracay”. Ang rate ay P500 para sa boat tour na tumatagal ng two and a half hours.
- Beach Volleyball
- Beach Soccer
- Banana Boat
- Jetski
- Kayak
- Bonfire
As of writing, temporarily suspended ang water sports until further notice. Bisitahin ang Facebook page ng resort o i-contact ang management para sa updates.
Other Resort Amenities
- The Boardwalk. Ito ang beach promenade na may habang 400 meters. Mayroong mga cabana, restaurants, outdoor showers, at lifeguard showers. Mayroon rin itong regatta walkway.
- Welcome Center. Sasalubungin ka sa Welcome Center na may kasamang refreshing na welcome drinks.
- Bath Houses. Ito ang mga spacious na shower at changing rooms ng resort. Kung wala kang dalang towel, puwede ka ring mag-rent o bumili dito. P50 ang towel rental at nasa P650 naman ang presyoo kung gusto mong bumili.
Where to Eat
May ilang dining options sa loob ng complex.
- The Sands. Isa ito sa mga in-house restaurants ng Aquaria Water Park. Nag-seserve sila ng Filipino-themed meals, snacks, at beverages. Bukas ang The Sands mula 6:00 AM hanggang 6:00 PM. Contact Number: +63 961 875 9226
- Taza Mia Coffee. Ito ang in-house coffee shop na nag-seserve ng iconic na kape sa Batangas, ang Kapeng Barako. Bukas ito mula 10:00 AM hanggang 6:00 PM. Contact Number: +63 947 169 7302
- Rib Shack. Ang restaurant na ito ay nag-seserve ng ribs at Peri-peri chicken. Mayroon din silang mga pizza, buns at sandwiches, snacks, salad, soup, seafood, ay kid-friendly meals. Bukas ang Rib Shack mula 10:00 AM hanggang 10:00 PM. Contact Number: +63 968 883 3198
- Swing Bar. Unique ang bar na ito na may swing seats. Nag-seserve din sila ng cocktails na pwede ninyong i-enjoy habang nanonood ng sunset. Puwede ring kayong umorder ng mga pagkain mula sa Rib Shack dito.
Frequently Asked Questions
- Puwede ba ang mga bata at senior citizen? Oo! Dalhin lang ang mga necessary documents na nire-require ng resort. Pero ang mga buntis at persons with comorbidities ay hindi pinapayagan bilang pagsunod sa guidelines ng Administrative Order No. 2020-006-C. Para sa updated na requirements ng resort, i-check ang kanilang website o Facebook page/
- Puwede bang magdala ng outside food? As of writing, snacks at chips lang ang puwedeng dalhin sa loob ng water park. Ang heavy meals at iba pang outside food ay hindi pinapayagan. May corkage fee naman ang pagdadala ng outside drinks.
- May mga kainan ba sa loob? Oo. Tulad ng nabanggit kanina, may in-house dining places sa loob ng Aquaria Water Park tulad ng Rib Shack, Swing Bar, The Sands, at Taza Mia at Coffee Shack. Mayroon silang mga meals, snacks, at drinks. May mga kid-friendly choices din.
- Puwede bang gamitin ang restroom at shower kahit day tour lang? Oo! Kasama sa rates ang paggamit ng swimming facilities kasama ang mga pool, beach, at shower rooms.
- Kailan ang best time to go? Weekdays (Mondays to Fridays) tuwing off-peak season. Pinakamaraming nagpupunta sa Aquaria Water Park tuwing January to June, lalo na sa mga summer months ng March, April, at May. Mas mataas rin ang rates sa mga buwan na ito. Pinaka malaki ang crowd tuwing Holy Week, Pasko, at New Year. Tuwing July to December naman ang off-peak season kung kailan mas konti ang tao at mas mababa ang rates. Pero tandaan na pasok din sa period na ito ang rainy season.
Aquaria Water Park Contact Details
Ang schedule ng Aquaria Water Park office ay tuwing Monday to Friday, 8:00 AM hanggang 6:00 PM.
- E-mail Address: aquaria@millennial-resorts.com/ reservations.casobe@millennial-resorts.com/ crusoe.casobe@millennial-resorts.com
- Landline: +632 8836 5055
- Mobile Numbers: +63 919 866 0587/ +63 919 866 0581/ +63 999 225 3333 (Aquaria)/ +63 999 227 2222 (Crusoe Cabins). Ang dalawang huling mobile numbers ay available lang kapag weekends.
- Websites: www.aquaria.com/ www.crusoecabins.com
- Social Media: Aquaria Water Park (Facebook)/ @aquariawaterpark (Instagram)
Comments