Isa ang Batangas sa mga beach destinations near Manila na madalas puntahan ng mga travelers na naghahanap ng quick escape mula sa city. May ilang lugar sa Batangas at iba’t ibang klase ng mga beach na puwedeng puntahan para mag-relax, mag-tampisaw, at mag-explore. Mayroon ditong mga sandy beach na may iba’t ibang uri ng sand— mula sa light to dark-colored at fine to coarse texture, at mayroon ring mga pebbly at rocky beaches dito. Sa dami ng beaches sa Batangas, Calatagan ang isa sa mga una sa listahan ng madalas pinupuntahan ng mga travelers para sa weekend trips.
Ang mga beach sa Calatagan ay may fair sand at shallow waters na hindi kasing crowded ng ibang beach destinations dito. May iba’t ibang accommodation options sa Calatagan mula sa mga undeveloped coves at mga camping spots hanggng sa mga upscale resorts na may luxurious villas at water parks. Isa sa mga pinaka-kilalang beach resort dito ay ang Stilts Calatagan.
Kilala ang Stilts Calatagan sa mga overwater bungalows dito na pinagdudugtong ng mga wooden boardwalks. Ang beach resort na ito ay masasabing nasa higher end ng mga accommodations sa lugar. Madalas itong icompare sa mga water villas sa Maldives at kilala ring venue ng mga team buildings at mga special occasions tulad ng birthdays at weddings. Kung limited ang budget at masyadong mahal para sa’yo ang villas at ibang overnight cottages/rooms, puwede ring mag day tour at mag beach camping. Kung may plano kang bumisita sa Stilits Calatagan soon, nandito ang mga kailangan mong malaman bago ang iyong trip.
WHAT'S IN THIS GUIDE?
How to get to Stilts Calatagan?
Ang Stilts Calatagan Beach Resort ay located sa Barangay Sta. Ana sa western coast ng municipality. Nasa three to four hours ang biyahe papunta dito galing Manila depende sa traffic.
By Private Car
Isa sa pinaka convnient way para mag-travel lalo na kung group kayo ay ang mag-road trip. Kung may sarili kang sasakyan, isa ito sa mga option mo going to Calatagan. Mula Manila, ang pinak-mabilis na ruta ay sa South Luzon Expressway (SLEX). Isa pang ruta ay via Aguinaldo Highway. Alinmang ruta ang piliin mo, madali lang mag-navigate dahil puwede kang gumamit ng Google Maps o Waze para sa direction. Pero kung gusto mong malaman how to get there nang walang GPS, here’s how.
- Mula sa SLEX, puwedeng mag-exit sa Santa Rosa o Mamplasan. Ang huli ang pinaka-mabilis na ruta sa ngayon dahil sa pagbubukas ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX). Ihanda ang iyong Autosweep at EasyTrip (kung dadaan sa CALAX).
- Sa parehas na ruta, dadaan ka sa Santa Rosa-Tagaytay Road. Dumiretso hanggang makarating sa Tagaytay Rotonda.
- Dumiretso sa kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Road hanggang makarating sa Batangas-Cavite boundary. Mag-drive hanggang malampasan ang arc na may “Welcome to Nasugbu” greeting.
- Pagdating sa Palico Rotonda o junction, lumiko sa kanan. Ang landmark ay Jollibee at Caltex. Madadaanan mo ang Central Azucarera Don Pedro.
- Tahakin ang Palico-Nasugbu Highway hanggang makarating sa Lian-Nasugbu Intersection/Rotonda. Ang landmarks ay Shakey’s at Shell gasoline station.
- Umikot sa rotonda papunta sa Calatagan o Lian Highway. Madadaanan mo ang Lian town proper. Dumiretso hanggang makarating sa boundary ng Calatagan at Lian.
- Dumiretso sa Calatagan town proper. Madadaanan mo ang Lago de Oro at Calatagan Golf Course.
- Sundan lang ang mga road signs. May parte kung saan magiging one-way ang national road at kailangan mong lumiko sa kanan. Dumiretso lang hanggang makita mo ang sign papunta sa Stilits Calatagan Beach Resort sa kanan mo.
- Lumiko sa kanan at dumiretso hanggang makarating sa main gate ng resort.
Alternative Route:
Kung matindi ang traffic sa Tagaytay, isa pang ruta na pwedeng daanan mula sa SLEX ay ang dumiretso sa STAR Tollway at dumaan sa Batangas City Exit. Pagkatapos ay dumiretso hanggang malagpasan ang bayan ng Bauan, Lemery, Calaca, at Balayan para makarating sa Calatagan.
By Public Transportation
Pumunta sa DLTBCo Buendia Bus Terminal na nasa tabi ng LRT Gil Puyat Station.
Sumakay ng bus na biyaheng Calatagan (P180-200). Bumaba sa Calatagan Town Proper.
Sumakay ng tricycle papunta sa Stilts. Fare: P200-250.
Pre-pandemic, mayroong Calatagan Van Terminal sa Pasay City. Matatagpuan ito sa P. Zamora Street, sa gitna ng Kabayan Hotel at Metropoint Mall. Malapit ito sa Taft Station along EDSA. Sa ngayon, hindi confirmed kung operational na ulit ang van service dito.
By Tour Package
Kung hindi ka pa rin confident na sumakay ng public transportation dahil sa pandemic at wala kang sariling sasakyan, puwede ka rin mag-book ng day tour packages mula sa reputable at DOT-accredited travel agencies o sa inyong mga trusted online booking platforms katulad ng Klook!
Kung magbu-book ka via Klook, ito ang madalas na kasama sa Calatagan Day Tour package:
- Roundtrip land transfers from Metro Manila
- Local English speaking tour coordinator
- Entrance fee
- Fuel and toll fees
- Travel insurance
✅ CHECK AVAILABILITY AND OPTIONS HERE!
Reminders:
- I-check muna ang package na i-bobook at ang mga inclusions nito bago mag-confirm. Ang ibang package ay covered na ang entrance fee at ang iba naman ay hindi.
- Hindi kasama ang mga meal sa tour package.
- Ang usual pick-up spot ay sa SM Mall of Asia.
Operating Days and Hours
- Office Hours:
Monday – Saturday, 9:00 AM to 6:00 PM - Resort Hours:
Daily, 7:00 AM to 10:00 PM
Note: Para sa guests na day tour lang, nagbubukas ang main gate ng 7 AM at nagsasara ng 10 PM.
Stilts Calatagan New Normal Admission Protocol
- Pagkarating sa main gate ng resort, hihingin ng guard ang inyong information tulad ng number ng guests, mga pangalan (o at least yung pangalan ng nag-book ng reservation), at ang duration ng stay (kung day tour o overnight).
- Dumirecho sa parking lot. Mayroong apat na parking areas sa resort: main parking lot, small parking lot malapit sa Main Frontdesk, ang parking lot malapit sa Serenity Beach at Tree Houses, at parking lot malapit sa Destiny Beach at Infinity Area. Pumunta sa parking lot na inassign sa inyo ng guard.
- Siguraduhin na may suot kang face mask.
- Tumuloy sa footbath, sanitation, at thermal scanning area (Serenity Frontdesk).
- Pagkatapos, ididirect ka sa Main Frontdesk area para mag check-in at register. Bibigyan kayo ng map ng buong resort. May mga areas na off-limits. Naka-mark ang areas na ito sa map.
- Bawat guest ay bibigyan ng waterproof wristband. Pagkatapos, pwede nang dumiretso sa Sweet Spot Restaurant for the welcome drinks.
- Puwedeng maglakad papunta sa iyong designated table, villa, o cottage o puwede ring mag-avail ng service vehicle ng resort.
- Mag-enjoy!
Day Tour vs Overnight Stay
Depende sa budget mo at sa gusto mong gawin sa resort kung mas magandang mag-overnight o mag day tour.
Mas mura ang day tour pero limited lang ang time mo para ma-enjoy ang beach at ang resort. Para ma-maximize mo ang time mo, kailangan mong pumunta ng maaga. Mas convenient at mas mabilis kung may sarili kang sasakyan kapag gusto mo lang bumisita on a day trip.
Mahal ang overnight stay pero mas marami kang time para ma-explore ang mga amenities at mga activities sa Stilts. Kung mag-ttravel ka with a group, puwede niyong i-split ang cost. Pwede rin kayong mag-camping. Kung mayroon namang budget at gusto niyo na mas ma-enjoy ang resort kasama ang inyong family or friends, mas magandang mag-stay overnight.
Day Tour Rates
Entrance Fee
- P450/person – Off-Peak Season (January, February, and from July to November)
- P500/person – Peak Season (March to June, December, and holidays)
Notes:
- Mayroong P30 per person na Tourism Ecological Fee na mandated ng Calatagan Municipality. Madalas ay binabayaran ito upon check in o checkout sa resort. Isang beses lang ito kailangan bayaran kaya kung bibisita ka sa ilang resort, kailangan mo lang magbayad sa unang resort na pupuntahan mo.
- LIBRE ang entrance fee para sa mga batang six (6) years old and below.
- Kasama sa day tour rates ang welcome drinks, free use sa mga swimming pools, at access sa beach areas.
- Kasama rin sa day tour rates ang access sa shower rooms, souvenir shops, at iba pang amenities tulad ng restaurant.
- May mga water activity packages at tours na available pero may separate rates ito.
HUT/TABLE RENTALS
Harmony Beach Area
- Cozy Nooks (Wooden Tables and Benches)
Capacity: 5-10 pax
Peak Rate: P600
Off-peak Rate: P500 - Open Huts
Capacity: 15 pax
Peak Rate: P1,250
Off-peak Rate: P1,100 - Small Pavilion
Capacity: 20 pax
Peak Rate: P1,500
Off-peak Rate: P1,300 - Big Pavilion
Capacity: 50 pax
Peak Rate: P3,000
Off-peak Rate: P2,500
Serenity Beach Area
- Cozy Nooks (Wooden Tables and Benches)
Capacity: 20 pax
Peak Rate: P600
Off-peak Rate: P500 - Open Huts
Capacity: 20 pax
Peak Rate: P1,250
Off-peak Rate: P1,100 - Small Cabana
Capacity: 10 pax
Peak Rate: P1,500
Off-peak Rate: P1,300 - Big Cabana
Capacity: 20 pax
Peak Rate: P1,500
Off-peak Rate: P1,300 - Pavilion
Capacity: 60 pax
Peak Rate: P3,000
Off-peak Rate: P2,500
Destiny Beach Area
- Cabana
Capacity: 15 pax
Peak Rate: P1,500
Off-peak Rate: P1,300 - Pavilion
Capacity: 30 pax
Peak Rate: P2,000
Off-peak Rate: P1,500
Infinity Pool Area
- Open Huts
Capacity: 15 pax
Peak Rate: P1,250
Off-peak Rate: P1,100 - Garden Cabanas
Capacity: 15 pax
Peak Rate: P1,250
Off-peak Rate: P1,100 - Pavilion
Capacity: 40 pax
Peak Rate: P3,000
Off-peak Rate: P2,500
Overnight Rates
Kung balak niyo mag-stay sa resort overnight, may iba’t ibang accommodation options kayong pagpipilian— beach cottages, tree houses, villas, bungalows, at ang iconic na floating cottages. Nasa pricey side and rates dito kaya be prepared na mag-splurge kung gusto niyo na mag-overnight. Pwede ninyong i-check ang rates dito.
Ang check-in time ay 2:00 PM at ang check-out time ay 12:00 PM.
Kung limited ang budget pero gusto ninyong mag-stay overnight, pwede kayong mag camping or glamping! May mga designated campsites kung saan pwedeng mag-pitch ng tent. Puwede kayong magdala ng sariling tent o mag-rent sa resort.
Camping Fee
- P900/person: Off-peak Season
- P1,000/person: Peak Season
Notes:
- Ang peak season ay tuwing March to June (summer), December, at holidays. Ang off-peak season ay January, February, at mula July to November.
- Kailangan magbayad ng P30 per person na Tourism Ecological Fee na mandated ng Calatagan Municipality.
- Kasama sa rates ang access sa Stilts campsite area at welcome drinks.
- Kung may dala kayong sariling tent, kailangan niyo lang magbayad ng camping fee per person.
- Kung mag-rerent kayo ng tent sa Stilts, kailangan pa rin magbayad ng camping fee per person. Kasama sa tent rental fee ang mattress at linen set up, fans, lights, tables, at benches na nasa designated campsite area.
Tent Rentals
- Small Tent
Capacity: 2-3 pax
Rate: P1,500/tent - Medium Tent
Capacity: 4-6 pax
Rate: P2,500/tent - Large Tent
Capacity: 7-8 pax
Rate: P3,500/tent - Extra Large Tent
Capacity: 8-10 pax
Rate: P4,500/tent - Folding Bed
Rate: P300 (24 hours)
Things to do at Stilts Calatagan
Three Beaches
Mayroong tatlong beach sa Stilts:
- Serenity Beach
- Harmony Beach
- Destiny Beach
Mayroon din ditong dalawang swimming pools at kiddie pools. Bukas ang mga swimming pool mula 6 AM to 10 PM.
- Main Pool Area. Malapit ito sa restaurant at main front desk.
- Infinity Pool Area. Along Harmony Beach ito. Nasa area na ito ang day-tour entrance noong pre-pandemic.
Meron pa! Bukod sa swimming at pag-chill sa beach, nag-ooffer din ang Stilts ng iba pang mga fun activities na pwedeng gawin kahit day-trip man o overnight ang trip mo. Ito ang mga activity packages at corresponding rates nila. Para sa inquiry at reservation para sa activities, tawagan ang number na ito: 0955 439 0857
Aqua Sports & Outdoor Activities
- Stand-Up Paddle: P350/hour
- Single Kayak: P350/hour
- Tandem Kayak: P450/hour
- Floating Island Platform: P350/hour (up to 4 pax per platform)
- Banana Boat: P475/person per session (minimum of 6 pax, maximum of 10 pax)
- Beach Volleyball: P100/hour
- Biking: P250/hour
AQUA SPORTS EQUIPMENT RENTAL
- Floater: P200/hour
- Snorkel Sets: P175/ 2 hours
- Fins: P250/hour
- Booties: P100/hour; P200/day
Scuba Diving
- Intro Dive A
Participants: 1-2pax
Duration: 1 hour, 45 mins to 2 hours
Rate: P3,750/pax - Intro Dive B
Participants: Minimum of 3 pax
Duration: 1 hour, 45 mins to 2 hours
Rate: P3,250/pax - Fun Dive (Certified Divers)
Rates: P2,000/pax (Minimum of 3 pax); P2,500/pax (2 pax); P4,500/pax (1 pax)
DIVE GEAR RENTAL
- Tanks: P350/tank
- Buoyancy Compensator (BCD): P350/day
- Weights Belt: P20/kilo per day
- Regulator Set: P350/day
- Dive Computer: P300/day
- Shorty: P200/day
- Full Suit: P300/day
Notes:
- Kasama sa intro dive ang briefing, pagpunta sa dive site, gearing up, at pag-practice ng underwater dive.
- Covered ng fun dives ang boat rental, tanks, weights, at dive master.
- Ang intro-dives ay non-certification courses.
- Kung balak mo mag-avail ng intro dive package, recommended na sabihan ang resort at least one week bago ang inyong trip. Subject to availability of a dive professional ang activity na ito.
Boat Adventure Tour
- Medium Bangka
Duration: 1.5 hours
Capacity: Maximum of 6 pax
Rate: P2,400
Extra: P400/head (additional guests, up to 10 pax only) - Large Bangka A
Duration: 1.5 hours
Capacity: Maximum of 8 pax
Rate: P3,200
Extra: P400/head (additional guests, up to 15 pax only) - Large Bangka B
Duration: 1.5 hours
Capacity: Maximum of 10 pax
Rate: P4,000
Extra: P400/head (additonal guests, up to 18 pax only) - 115HP Speed Boat
Capacity: Maximum of 5 pax
Rate: P6,000/hour
ATV Adventure Tour
- Basic Course
Duration: 45 minutes
Trail Length: 5 kilometers
Rate: P975/pax - Complete Course
Duration: 1 hour, 30 minutes
Trail Length: 11 kilometers
Rate: P1,375/pax
Notes:
- Kasama sa basic at complete courses ang briefing, practice run sa training course, at guided tour along the covered ATV trails.
- Dahil sa safety protocols at minimum public health standards, hindi pinapayagan ang back riding.
Stilts Calatagan Rules and Regulations
- Wear proper swimming attire. May mga posters sa pool area kung ano ang mga pwede at hindi pwedeng isuot sa pool. Para sa mga babae, mag-suot ng swimsuits o ibang swimwear tulad ng board shorts at dri-fit sando. Para sa mga lalaki, mag-suot ng swimming trunks o board shorts. Puwede rin mag-suot ng rash guards.
- Ang swimming pool areas ay open mula 6:00 AM hanggang 10:00 PM.
- Iwasan ang unruly at violent behavior. Ang mga guests na makikipag-away o under the influence of illegal drugs ay papaalisin sa premises. May karapatan ang resort na i-evict ang mga ganitong guests.
- Be mindful of others. Siguraduhin na hindi masyadong malakas ang volume ng inyong music player para hindi maka istorbo sa ibang guests.
- May corkage fees ang outside food (heavy meals/cooked food) at drinks. Puwede kayong mag-order ng pagkain sa restaurant at kumain doon. Pwede ring ipa-serve ito sa designated areas along the beach.
- Hindi puwedeng magluto sa loob ng mga cottage (enclosed lodgings). Puwede kang mag-avail ng cooking service ng resort for a fee. Mayroon ring grilling station along the beach na pwedeng gamitin ng guests.
- Mag-check out on time para magkaroon ng enough time ang staff na linisin at i-sanitize ang mga room para sa mga susunod na guest. Puwede kang magpa-assist sa management para sa iyong luggage.
- Dapat ay laging may kasamang parents o guardians ang mga bata. May mga lifeguards sa beach areas at swimming pool ares pero hindi liable ang resort sa anumang mangyayari sa mga bata habang unsupervised/unaccompanied sila.
- Do not litter. Itapon ng maayos ang mga basura. May mga trash bins sa bawat cottage/hut at sa paligid ng resort. Tingnan ang labels ng trash bins at i-segregate ng tama ang mga basura.
- Huwag kumuha ng kahit ano mula sa dagat, beach, o tubig— sand, shells, corals, starfish, at iba pang sea creatures. Irespeto ang ocean life at wildlife.
- Ingatan ang inyong belongings at valuables. I-secure ang inyong mga wallet, cellphone, gadgets, jewelry, at iba pang valuables. Siguraduhin na laging may nagbabantay ng mga gamit ninyo at huwag mag-iiiwan kung saan saan. I-lock ang mga pinto ng cottage at laging dalhin ang susi. Kung mag-sstay kayo sa open huts, may mga shelves at locker/storage cabinet per hut.
- Para sa mga guest na mag-sstay overnight, ang mga damaged o lost resort items sa loob ng inyong cottage/room/villa ay icha-charge sa inyo.
Where to Eat
May in-house restaurant ang Stilts—ang “Sweet Spot” na nasa tabi ng Infinity reception area. Puwede rin nilang i-deliver ang pagkain ninyo sa inyong assigned hut o table. Maraming items sa menu, mula sa snacks, Filipino food, at dessert. Ang prices ay nagre-range mula P260-700.
Ilan sa mga popular items sa menu ang mga ito:
- Bulalong Batangas- P700
- Pork Sinigang- P500
- Chicken and pork adobo- binalot sa dahon- P350
- Grilled Liempo- P260
- Pork sisig- P300
- Pancit (bihon, canton, mami, bam-i)- P195-380
- Pasta Bolognese- P280
- Pizza- P400-520
- Halo-halo-P210
- Chocolate cake- P120
Can I bring outside food?
Yes, pero may corkage fees ang outside food. Ito ang corkage fees at iba pang service fees.
- Heavy meals/cooked food: P200/head
- Soft drinks: P300/case
- Beer or other alcoholic beverages: P500/case
- Local hard drinks: P200/bottle
- Imported hard drinks: P500/bottle
- Basic Cooking Fee: P150/kilo (frying, steaming, boiling, grilling, etc.)
- Specialty Cooking Fee: P300/kilo (sinigang, caldereta, menudo, teriyaki, etc.)
Frequently Asked Questions
- Puwede ba ang mga bata at senior citizens sa Stilts?
Yes! Pero as of June 13, 2021, required na mag-undergo ng testing ang mga senior na guest. Exempted naman sa test requirement ang mga bata. In addition, siguraduhin na kumpletuhin ninyo ang mga requirements ng resort.
- Puwede ba ang pets sa Stilts?
Yes! Siguraduhing maging responsible pet owners at keep them on leashes at linisin ang dumi nila. Kung mag-sstay overnight, magdala ng kulungan o bed para sa inyong pet dahil hindi sila allowed sa beds o iba pang furniture sa loob ng cottages/rooms.
- Pwede bang gamitin ang mga restroom o shower kung day tour lang?
Oo! May access ang day tour visitors sa restrooms at showers sa resort. Maraming toilets at restroom na may shower dito.
- Puwede bang mag-take ng photos sa stilts area kung nasaan ang mga overwater villas?
Hindi. Exclusive ang water villas sa mga nag-book nito. Puwede kang mag-take ng pictures mula sa designated viewing deck/platform o mula sa Sweet Spot Restaurant.
- Puwede bang mag-palipad ng drone?
Hindi na. A couple of years ago, puwede pang mag-drone basta hindi ito pupunta sa taas ng overwater villas. Pero sa ngayon, hindi na ito pinapayagan.
Practical Travel Tips
- I-explore ang tatlong beaches. May kanya-kanyang charm ang bawat isa. Ang Harmony Beach ay long and wide stretch ng fine, almost-white-sand beach. Ang Serenity Beach naman ay may mga trees at grassy area na nagbibigay ng rustic at secluded vibe. Ang Destiny Beach ay may unique shore na mayroong interesting na rock formations at maliit na wooden bridge papunta sa Lovers’ Point.
- Huwag kalimutan dumaan sa reception o sa main front desk upon exit. Bibigyan kayo ng gate pass na kailangan ninyong i-present kapag lalabas sa main gate.
- Gumamit ng mga coral-friendly sunscreens. Mahalagang protektahan ang ating balat mula sa harmful rays ng araw at gumamit ng sunscreen, pero pumili ng products na walang harmful chemicals para sa marine life tulad ng oxybenzone, benzophenone, at parabens.
- Magsuot ng kumportableng footwear o aqua shoes. Puwedeng maging sobrang init ng buhangin lalo na kapag tanghali.
- Observe social distancing at sundin ang mga safety protocols at procedures ng resort.
Comments