Top 15 Tourist Spots in Zamboanga City (Tagalog)

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Ang Zamboanga ay matatagpuan sa Region 9 na kilala rin bilang Zamboanga Peninsula region. Ang makulay na city na ito na tinatawag na Asia’s Latin City ay ang flagship tourism destination ng region. Over the past few years, mas naging developed ang travel scene dito at mas naging organized na ang mga tours.

Paboritong puntahan ng mga turista dito ang mga islands at beaches tulad ng Pink Beach na isa sa mga pinaka popular na attractions. Makikita rin dito ang mga iconic vinta na naging symbol na ng region na ito. Pero bukod dito, isa pang dahilan para bisitahin ang Zamboanga ay ang kanilang mga pagkain. Makulay din ang food scene ng Zamboanga mula sa mga seafood, street food, at Moro cuisine. Kung foodie ka at gusto mong mag-try ng mga bagong dishes, siguradong maeenjoy mo ito.

PHBEACHKLOOK

Very accessible din ang Zamboanga dahil may daily flights ang AirAsia papunta dito. Kaya kung isa ang Zamboanga sa mga gusto mong puntahan na destinations, ito ang mga pwede mong gawin at mga lugar na puwede mong puntahan sa Zamboanga City.

Santa Cruz Islands

Ang Santa Cruz Islands ay dalawang isla off the coast of Zamboanga Peninsula. Ang main jump-off point papunta dito ay ang Paseo del Mar. Mula sa city center, pwede kayong mag-hire ng tricycle papunta sa Santa Cruz Island Ferry Terminal sa Paseo del Mar kung saan kayo sasakay ng bangka. Nasa 20 minutes ang boat ride mula dito.

Strictly regulated ang number of visitors dito kaya kailangan mong mag-register in advance bago ka pumunta. Ang registration at boat service ay nagsisimula ng 7:00 AM. Day tours lang ang puwede at hindi pinapayagan ang overnight stay. Ito ang mga attractions at activities dito na puwede niyong gawin during your visit:

  • Pink Beach. May natural rosy blush ang beach na ito kapag nasisikatan ng araw. Kasama ito sa World’s 21 Best Beaches ayon sa National Geographic noong 2017 at ito ang pinaka-sikat na tourist attraction dito sa Zamboanga City.
    Pink Beach
    Pink Beach

    Pero hindi vivid o bright ang pagka-pink ng beach. Mula sa malayo, parang usual white beach lang ang shore nito, pero kapag lumapit ka, mas makikita mo ang pink hue nito. Ang pale pink tint ng buhangin dito ay galing sa weathering ng red organ-pipe corals (tubipora musica) na dinadala ng alon.

    Day Tour Schedule: 7:00 AM – 2:00 PM (Tuesday-Thursday, Saturday-Sunday); CLOSED (Mondays & Fridays). Maaaring magbago without prior notice ang schedule kaya i-check muna ito bago magpunta.

  • Mangroves Boat Tour. Pinaka kumukuha ng attention ng mga turista ang pink beach ng Sta. Cruz Grande Island pero hindi lang ito ang pinagmamalaki nito. Marami pa itong mga natural wonders. Sa kabilang side ng isla ay may isang lagoon na may mangroves na nag-poprotekta sa wildlife, at nag-popromote ng biodiversity.

    Dinodominate ng lagoon ang buong island at ino-occupy ang malaking part ng surface nito. Pinaka-magandang way para iexplore ito ay ang pag-join ng guided boat tour. Sa tour na ito, ipapakita sa inyo ng bangkero ang ilang spots at ipapaliwanag kung gaano kaimportante ito para protektahan ang site. Malalaman niyo rin dito ang iba’t ibang uri ng mangroves. Mayroon din kayong makikitang mga upside-down jellyfish dito. Stingless sila kaya hindi naman ito dangerous, pero siguraduhin na hindi niyo sila kukunin mula sa tubig.

    Kung gusto ninyong mag boat tour, sabihin sa bangkero na maghahatid sa inyo sa Pink Beach na gusto niyong i-explore ang lagoon. Dadalhin nila kayo sa maliit na community malapit sa entrance ng lagoon. Additional P200 ang fee sa transfer na ito. Para sa boat tour, maliit na “yellow boat” ang sasakyan niyo. Bawat yellow boat ay good for 2 passengers at may kasamang dalawang paddlers sa bawat boat. Kailangan din mag-hire ng tour guide para sa tour.

    Note: before 12noon lang puwedeng mag-arrange ng tour. Hindi na sila tumatanggap ng booking beyond that time. Make sure na sundin ang rules an regulations habang nag-eexplore. Ang Santa Cruz Grande Island kasama ang mas maliit na Little Santa Cruz Island ay protected area.

  • Little Sta. Cruz Island & Sandbar. Nasa northwest ng Santa Cruz Grande Island ang Little Santa Cruz Island na parang dash of paradise off the coast ng Zamboanga peninsula. Ang pinaka-recognizable feature nito ay ang sandbar sa easternmost point nito.
    Little Sta. Cruz Island
    Little Sta. Cruz Island

    Mayroong fair sand ang isla pero ito ay mixture ng fine and broken shells at corals. May mga small lagoons din dito pero hindi ito allowed na i-explore ng mga turista. Mostly, malalim ang surrounding waters at covered din ito ng sea grass kaya hindi ito recommended para sa leisure swimming.

    Ten minutes lang puwede mag-stay dito sa Little Sta. Cruz Island, pero kung talagang gusto ninyo itong isama sa stops ninyo, may additional P200 ang detour.

  • Vinta Rowing. Ang vinta ay ang traditional outrigger boat na common sa Mindanao lalo na sa southern Mindanao, Sulu archipelago, at Zamboanga peninsula. Kilala ito sa makukulay na rhombic sail na nagdadagdag kulay sa katubigan ng Sulu Sea.

    Historically, ginagamit ang mga ito bilang fishing vessel. Pero hanggang sa ngayon, nananatili pa rin itong importante para sa kabuhayan ng mga locals. Ginagamit ang mga vinta bilang transportation para sa mga tao, cargo vessel para mag-deliver ng products, at bilang tourist attraction.

    Kung gusto mo ma-experience mag-row ng vinta, puwede kang mag-rent sa isa sa mga barangay sa coastline ng city o kaya naman ay sa Santa Cruz Grande Island.

Pink Beach Expenses:

  • Entrance Fee: P20 + P5 (Terminal Fee)
  • Boat Fee: P1000 (good for up to 10 pax)
  • Cottage Rental Fee: P100-P500 (depending on the size)

Mangroves Boat Tour Expenses:

  • Boat to entrance: P200 (boat can accommodate up to 10 pax)
  • Yellow paddle boat rental: P300 (good for 2 pax)
  • Tour guide fee: P300 (good for up to 5 boats)

Little Sta. Cruz Island & Sandbar Expenses:

  • Additional boat fee if making a stop here: P200

Once Islas Cruise (11 Islands)

Isa sa mga rising tourist attractions sa Zamboanga City ay ang string of island at islets off its eastern coast na tinatawag na Once Islas (11 Islands). May mga isla na hindi bukas sa public, pero ang mga accessible ay magandang spot for swimming, sunbathing, at exploring. Puwede ring mag snorkeling sa mga designated spots. Apat na isla ang open sa public: Bisaya-Bisaya, Buh-Buh, Baung-Baung, at Sirommon.

Sirommon Island
Sirommon Island

Day trips lang ang allowed sa mga islang ito. Mayroon ding limit na 200 visitors per day kaya required ang pag-register in advance at hindi pinapayagan ang walk-ins. Para mag-book, mag-send lang ng email sa onceislas@gmail.com one week bago ang date ng iyong visit. Isesend sa inyo ang guidelines at steps upon booking inquiry.

Ito ang mga accessible islands:

  • Bisaya-Bisaya Island. May dalawang side ang island na ito. May fine sand sa isang side at steep cliffs naman sa kabila. Ang northern side ang may sandy stretch at mga palm trees. Kapag tiningnan mula sa taas, mukhang boomerangg na nasa damuhan ang beach area. May mga kubo sa area na ito kung saan puwede kang mag-stay at uminom ng buko na binebenta dito.

    Mayroon ding smaller islet sa di kalayuan na madalas na tinatawag na anak ng Bisaya-Bisaya. Mas rocky at jagged ang islet na ito na may maliit na natural pool na napupuno ng tubig mula sa mga alon kapag high tide.

  • Baung-Baung Island. Ang Baung-Baung island ay almost rectangular island na may fine white sand sa southwestern end. Usually, ito ang stop pagkatapos ng Bisaya-Bisaya dahil magkalapit lang ito. In fact, may trekking trail sa Baung-Baung papunta sa viewpoint na may magandang view ng Bisaya-Bisaya at ibang mga isla sa paligid nito.
  • Buh-Buh Island. Kilala ang Buh-Buh Island dahil sa beachfront mosque nito. Bago ang pandemic, kasama ito sa mga stops ng tours pero sa ngayon, hindi namin sigurado kung kasama pa rin ito.
  • Sirommon Island. Ito ang usual lunch stop ng mga boat tours dahil mayroon ditong mga spacious huts. May malawak din ito na white sand at sand bar kaya madalas ay dito pinaka-matagal nag-sstay ang mga turista. Magandang spot din ito para mag-snorkeling.

Jump-off Point: Panubigan Ferry Terminal sa Barangay Panubigan
Operating Hours: Tuesday to Thursday, Saturday to Sunday, 7:00 AM – 2:00 PM ; Mondays & Fridays, CLOSED. Maaaring magbago ang schedule without prior notice kaya i-check muna ito bago magpunta.

Boat Rates (good for 5 pax):

  • BiBa or Bisaya-Bisaya at Baung-Baung Route: P1200
  • Island Cruise: P2000

Fees:

  • Entrance Fee: P100/head
  • Environmental Fee: P100/head
  • Guide Fee (good for 5 pax): P300
  • Cottage Fee: P150

El Museo de Zamboanga

Ang El Museo de Zamboanga ay ang dapat na first stop para sa Zamboanga city tour. Bibigyan kayo nito ng overview sa history at heritage ng Zamboanga City na mag-eexplain ng karamihan ng makikita ninyong spots sa mga tour.

Mayroon ditong dalawang gallery: ang main gallery na may permanent exhibition at ang isa naman ay para sa mga temporary o seasonal exhibits. Makikita dito ang mga historical items at artifacts na nagpapakita ng makulay na history ng region, mga tao dito, at ng rich culture nito mula sa pre-colonial period hanggang sa mas recent na panahon.

El Museo de Zamboanga
El Museo de Zamboanga

Location: Hardin Maria Clara Lobregat Complex, Pasonanca Park, Pasonanca Road, Zamboanga City
Opening Hours: Monday to Saturday, 9:00 AM – 5:00 PM; Sunday, CLOSED. Maaaring magbago ang schedule kaya i-check muna ang kanilang official Facebook page para sa laatest update bago kayo magpunta.
Entrance Fee: Adults, P10 ; Minors/Students/Seniors, P5

Fort Pilar Shrine and Museum

Ang Fort Pilar na tinatawag ding Fortaleza del Pilar ay itinayo noong 17th century. Dati itong Spanish military defense post na ngayon ay isa nang major historical landmark ng city. Kinilala ito bilang National Cultural Treasure noong 1973. Nag-undergo na ito ng mga restorations at sa ngayon ay regular na mine-maintain ng city.

Fort Pilar
Fort Pilar

Sa loob nito makikita ang open-air 18th-century Marian shrine ng Our Lady of the Pillar na may altar at mga upuang gawa sa bato. Kapag Linggo, naglalagay din dito ng mga monoblock chairs para sa regular mass. Nasa loob rin ng fort ang regional branch ng National Museum of the Philippines, bells of the Sanctuary to the Lady of the Pillar, at isang fountain. Matatagpuan ang fort malapit sa Paseo del Mar at Zamboanga State College of Marine Science and Technology.

Location: N.S. Valderosa Street, Santa Barbara, Zamboanga City
Opening Hours:

  • Fort Pilar Shrine: Daily, 9:00 AM – 5:00 PM
  • National Museum: Monday – Friday, 8:00 AM – 5:00 PM; Saturdays & Sundays, CLOSED.

Maaaring magbago ang schedule without prior notice kaya i-check muna bago magpunta.
Admission Fee: FREE

Zamboanga City Hall

Isa sa pinaka-importanteng heritage sites sa city ay ang Zamboanga City Hall na nasa pinaka-gitna ng city center kung saan makikita ang karamihan ng mga well-preserved colonial structures.

Ang city hall ay naging administrative seat ng Zamboanga City simula noong 1937. Originally, ito ay residence ng US Military Governor ng dating Moro Province. Nagsilbi rin itong government seat ng dating Zamboanga Province. Sa ngayon, kinikilala ito bilang isang National Historical Site.

Zamboanga City Hall
Zamboanga City Hall

Location: N.S. Valderosa St., Zamboanga City
Opening Hours:Monday-Friday, 8:00 AM – 5:00 PM; Saturday, 8:00 AM – 12:00 PM; Sunday, CLOSED. Maaaring magbago ang schedule without prior notice kaya i-check muna ito bago pumunta.

Paseo del Mar

Katapat lang ng Fort Pilar ang Paseo del Mar na isang recreational park na nakaharap sa Basilan Strait. Mayroon ditong mga local food vendors, eateries, at souvenir shops. Bagong addition din sa park ang children’s playground at skatepark na dahilan kung bakit mas maraming locals ang nagpupunta rito.

May mga tables and chairs dito kaya naman pwedeng pwede kang mag-food trip kasama ang mga kaibigan o pamilya. Maraming mga local snacks at street food ang puwedeng matikman dito. Kung gusto mo lang mag muni-muni, puwede ka rin tumambay sa mga benches sa boardwalk. Magandang pumunta dito ng late afternoon at hintayin ang sunset.

Paseo del Mar
Paseo del Mar

Location: N.S. Valderosa Street, Santa Barbara, Zamboanga City
Opening Hours: Daily, 6:00 AM – 12:30 AM.Puwedeng magbago ang schedule without prior notice kaya mabuting i-check muna ito bago magpunta.
Admission Fee: FREE

ZSCMST Bird Sanctuary

Hindi nalalayo sa Fort Pilar at Paseo del Mar at nasa loob ng Zamboanga State College of Marine Science and Technology ay ang bird sanctuary. Nagsisilbi itong haven hindi lang para sa mga ibon pero para rin sa nature lovers at bird watchers.

Protected area ang malawak na pond dito na may mga mangroves kung saan nag-bbreed at namumuhay ang mga egrets. Marami ring iba pang migratory birds na nagpupunta dito. May dalawang view decks dito kung saan puwede kang mag-stay para mag bird watching. Ang best months para sa bird watching ay November to March. Pinaka-magandang pumunta dito tuwing early morning o late afternoon.

ZSCMST Bird Sanctuary
ZSCMST Bird Sanctuary

Location: Zamboanga State College of Marine Science and Technology, Zamboanga City
Opening Hours: Daily, 6:00 AM – 7:00 PM. Maaaraing magbago ang schedule without prior notice kaya i-check muna sa ZSCMST management ang updated schedule.
Entrance Fee: FREE

Climaco Freedom Park

Ang Climaco Freedom Park na located about seven kilometers north ng city center ay kilala dati bilang Abong-Abong Park. Ipinangalan ito sa late Zamboanga City Mayor Cesar Climaco, isang local hero na inassassinate noong 1984. Ang park din ang kanyang naging final resting place.

Kilalang weekend destination ng mga locals ang freedom park at sumisikat din ito sa mga turista lalo na sa mga nature lovers. Matatagpuan sa loob ng park ang garden, Boy Scouts and Girl Scouts campsite, Chrislam Pool, Heroes Hill, at Holy’s Hill na endpoint ng Station of the Cross trek. Ilan sa mga activities na puwedeng gawin dito ay swimming, trekking, hiking, picnic, biking, at religious pilgrimage at retreat.

Climaco Freedom Park
Climaco Freedom Park

Location: Abong-Abong Park, Zamboanga City
Opening Hours: 24/7
Admission Fee: P5-10

Pasonanca Park & Camp Limbaga

Binuksan sa public ang Pasonanca Park noong 1910s. Isa itong green space para sa mga nature lovers at mga gusto ng quick escape mula sa busy na city center. Sa loob ng park ay matatagpuan ang Camp Limbaga (Scout Limbaga) na may campsites, convention center, floral garden and butterfly sanctuary, aviary, at public swimming pools. Mayroon ditong natural pool, kiddie pool, at Olympic-sized pool.

Pasonanca Park
Pasonanca Park

Opening Hours: Daily, 6:00 AM – 6:30 PM. Maaaring magbago ang schedule without prior notice kaya i-check muna bago pumunta.
Admission Fee: FREE. Libre ang entrance sa park, pero ang bawat attractions ay may separate entrance fees na usually ay nasa P10 to P25 per head.

Yakan Weaving Village

Ang best souvenir na puwede mong bilhin sa Zamboanga City ay mga products na gawa sa Yakan fabric. Ang telang ito ay may intricate designs at patterns na hinahabi ng mga Yakan, ang traditional inhabitants ng Basilan at ibang areas sa parteng ito ng Mindanao.

Yakan Weaving Village
Yakan Weaving Village

Dito sa Yakan Weaving Village, may mga shops kung saan makakabili ng mga traditional products. Meron din silang mga practical accessories tulad ng bags, pencil cases, at purses. Puwede ka rin bumili ng Yakan fabrics. Bukod sa shopping, puwede mo ring makita at subukan ang traditional weaving process ng mga Yakan.

Location: Upper Calarian, Labuan-Limpapa National Road, Zamboanga City
Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 8:00 PM. Maaaring magbago ang schedule withoout prior notice kaya mabuting i-check muna ito bago pumunta.

Canelar Barter Trade Center

First things first, kailangan niyo ng cash kapag pupunta kayo dito. Ang pangalan ng lugar ay based sa trading system na ginagawa sa lugar na ito noon. Pero sa ngayon, katulad na lang ito ng ibang shopping center.

Bukod sa mga local products, makikita rin dito ang mga imported goods mula sa mga neighboring countries na Indonesia at Malaysia. Mayroon ditong mga pagkain, souvenirs, damit, accessories, tela, gadgets, at iba pa. Makakabili ka dito ng mga paboritong Malaysian at Indonesian chocolates, milk tea at coffee brands tulad ng Old Town Coffee sa mas murang halaga.

Canelar Barter Trade Center
Canelar Barter Trade Center

Opening Hours:Tuesday to Sunday, 8:00 AM – 5:30 PM; Monday, 7:30 AM – 6:30 PM. Maaaring magbago ang schedule without prior notice kaya i-check muna ito bago magpunta.

Zamboanga Food Trip

Maraming ipinagmamalaking pagkain ang Zamboanga mula sa seafood, iba’t ibang Moro dishes, hanggang street food at dessert. Hindi magiging kumpleto ang inyong trip kung hindi niyo susubukan ang mga local dishes dito. Ito ang ilan sa mga pagkain na hindi niyo dapat ma-miss kapag bumisita kayo sa Zamboanga:

  • Curacha (Spanner Crabs). Ang ibig sabihin ng curacha sa Chavacano ay ipis, pero hindi ito ang tinutukoy dito kundi ang uri ng crabs na matitikman ninyo dito sa Zamboanga. Spiky ang appearance nito kaya ito tinawag na curacha. Mas malaman at mas malasa ito sa ibang crabs. Sa labas, red ito kahit hilaw o luto at mukha itong mix ng malaking crab at hairy lobster. Puwede niyo itong matikman sa Alavar’s Seafood Restaurant kung saan niluluto nila ito sa kanilang sikat na specialty sauce.
    Curacha with Alavar Sauce
    Curacha with Alavar Sauce

    Puwede rin kayong pumunta sa Aderes Flea Market sa Guiwan kung gusto ninyong bumili ng fresh na curacha at a lower price para iuwi. Makakabili rin kayo ng lobsters dito.

  • Knickerbocker. Pagkatapos ng food trip ninyo ng iba’t-ibang Moro dishes, kumpletuhin ang experience by ending your meal with the iconic dessert of Zamboanga— ang knickerbocker.

    Ano nga ba ang knickerbocker? Para itong pinaghalong fruit salad at halo-halo. Usually, meron itong slices of fruits, gelatin, at shaved ice. Mayroon din itong gatas at scoop ng ice cream sa ibabaw.Subukan ito Palmeras na kilala rin bilang Hacienda de Palmeras na sinasabing nag-invent ng refreshing dessert na ito.

  • Knickerbocker
    Knickerbocker
  • Moro Cuisine. May distinct na cuisine na ipinagmamalaki ang mga Filipino Muslims o Moros. Although may similarities din ito sa ibang parte ng Pilipinas in terms of seasonings at ingredients tulad ng bawang, sibuyas, at luya, gumagamit din sila ng ibang spices tulad ng turmeric, galangal, lemongrass, at kaffir lime. Ang mga spices na ito ay madalas na ginagamit sa dishes ng mga ASEAN countries. Gumagamit din sila ng burnt o blackened coconut meat sa ibang mga putahe.

    Ilan sa mga Moro dishes na puwede ninyong tikman ay ang piaparan, beef rendang, chicken pyanggang, dodol, bakas, pater, at lukatis. Kung gusto ninyong masubukan ang maraming dishes in one seating, order latal. Ito ay isang platter na may mga native dishes ng region.

    Moro Cuisine
    Moro Cuisine

    Puwede niyong subukan ang latal sa Bay Tal Mal (sa SM Mindpro) at Dennis Coffee Garden (malapit sa airport).

  • Satti and Street Food. Kung mahilig ka sa street food, hindi mo dapat ma-miss na subukan ito sa Zamboanga. Madali mo itong mahahanap lalo na sa mga busy areas tulad ng public market sa paligid ng city hall. Mayroon ring mga street snack sa Paseo del Mar. Marami ring mga street food vendors sa R.T. Lim Boulevard. Ilan sa mga streetfood options dito ay ihaw-ihaw o satay, sicalang, pastil, lokot-lokot, at mi goreng.

    Pero ang pinaka-iconic sa mga ito ay satti na paboritong breakfast ng locals. Usually, skewered chicken o beef ito na inihaw ay sineserve sa bowl ng spicy sauce na may rice na naka cubes. Sinasabing best place para subukan ang satti ay ang Jimmy’s Satti.

Satti
Satti

Taluksangay Mosque

Kapag hinanap mo ang roots ng Islam sa Zamboanga, most likely, dadalhin ka nito sa village of Taluksangay na nasa southeast coast ng city. Pinaniniwalaan na dito nagsimula ang pagkalat ng Islam sa peninsula. Matatagpuan dito ang isang historic mosque sa tabi lang ng barangay hall.

Taluksangay Mosque
Taluksangay Mosque

Ang Taluksangay Mosque ay sinasabing pinaka matandang mosque sa Western Mindanao at unang mosque sa Zamboanga Peninsula. Itinayo ito ni Hadji Abdullah Maas Nuno noong 1885. Ang pinaka-recognizable feature nito ay ang dalawang minarets.

Malayo sa ibang attractions ang mosque, pero kung history buff ka, magugustahan mong bisitahin ito.

Location: Taluksangay Mosque, Barangay Taluksangay, Zamboanga City
Opening Hours: Bukas sa visitors ang mosque anytime EXCEPT kapag prayer times na nangyayari 5 times a day. Mas maganda na dumman muna kayo sa barangay hall na nasa tabi lang ng mosque. Make sure to observe visiting rules and protocols.

Zamboanga Hermosa Festival

Ang Zamboanga Hermosa Festival ay month-long festivity na dedicated sa patron saint ng city—La Virgen Nuestra Señora del Pilar. Ginagawa ito taon-taon tuwing buwan ng October. Madalas, puno ng activities ang first two weeks lalo na ang second week at sa mismong feast day ng patron saint na tuwing October 12.

Isa mga main events ng festival ay ang Regatta de Zamboanga o vinta race na sinasalihhan ng daan-daang vinta owners at operators. Lahat ng participants dito ay residents ng Zamboanga.

Merloquet Falls

Isa sa pinaka-magandang falls hindi lang sa region na ito kundi sa buong Pilipinas ang Merloquet Falls. Matatagpuan ito two hours away sa city center, malapit sa boundary ng Zamboanga Sibugay sa norte at Zamboanga del Norte sa kanluran. Ang pinaka-photograpped na bahagi ng two-tiered falls na ito ay ang wide terraced drop na may magical at intricate textured cascades imbis na smooth straight drop.

Developed na ang daan papunta sa falls at may concrete roads at designated parking area. Kapag nag-trek kayo on foot, dadaanan ninyo ang mga cemented pathways at steps. Nonetheless, posibleng maging mahirap pa rin ang trek para sa mga physically challenged. Pinaka-magandang pumunta dito kapag wet/rainy season. May ilang swimming areas dito pero mag-ingat dahil madulas ang ilang parts.

Location: Merloquet Falls Road, Barangay Sibulao, Zamboanga City
Admission Fee: FREE
Parking Fee: P20

How to get to Zamboanga City

May flights ang AirAsia every day mula Manila papuntang Zamboanga City. Ito ang isa sa pinaka-budget-friendly na fares. Bawat booking ay may complimentary 7kg carry-on baggage allowance.

Pero kung gusto mo ng worry-free at mas comfortable na biyahe, puwede ka rin mag-add ng Value Pack na may 20kg check-in baggage allowance, standard seat selection, meal, at Tune Protect insurance (para sa baggage delay at 1 hour on-time guarantee protection). Meanwhile, ang kanilang Premium Flex option ay magbibigay sa’yo ng option na baguhin ang date and time ng iyong flight up to two times.

AirAsia Plane
AirAsia Plane

Where to Stay in Zamboanga City

Ang accommodations sa Zamboanga ay mas affordable kumpara sa ibang highly urbanized cities sa Pilipinas. Ang average rate para sa double o twin room sa isang business hotel ay around P1500-P1800 per night. Makakahanap ka rin ng mga room na less that P1500 at mas mura pa kapag may mga promo.

Ito ang ilang hotel na puwede niyong ibook sa Zamboanga:

Search for more Zamboanga Hotels!

Klook Code PHBEACHKLOOK


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.