Top 7 Food Spots in Zamboanga (Tagalog)

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Makulay ang Zamboanga pero hindi lang ito dahil sa makukulay na vinta o pink hue ng buhangin sa Pink Beach ng Santa Cruz Grande Island. Mas marami pang nagbibigay-kulay sa lugar na ito na tinatawag din na Asia’s Latin City. Mayroon itong intricate history at halo-halong mga kultura na makikita mo sa iba’t-ibang bagay dito.

PHBEACHKLOOK

Isa sa mga travel experiences na hindi mo dapat ma-miss sa isang lugar ay subukan ang mga local dishes. Para sa marami, hindi kumpleto ang isang trip kung walang food trip. At sa Zamboanga, isa ito sa mga ways para ma-experience mo ang makulay nilang kultura. Maraming mga local dishes dito na unique at nakaka-takam na dapat mong subukan, mula sa red-orange sticks ng satti hanggang sa makulay na dessert na knickerbocker. Sa post na ito, malalaman ninyo kung saan puwedeng matikman ang mga ito at iba pang kilalang culinary delights sa Zamboanga.

Alavar

Familiar ba sa inyo ang curacha? Cockroach ang ibig sabihin ng curacha sa Chavacano, ganon din ang cucaracha sa Spanish, pero don’t worry dahil hindi ipis ito! Ang curacha na tinutukoy ay ang spanner crabs na isa sa pinaka kilalang pagkain dito sa Zamboanga.

Curacha or Spanner Crabs

Spiky at hairy ang appearance nito kaya tinawag itong curacha. Pero mukha din itong mix between wide crab at long lobster. Mas malasa ito at mas maraming meat kumpara sa crabs na nakasanayan natin kaya sought after ito. Thankfully, thriving ang spanner crabs sa katubigan sa paligid ng region.

Maraming nagsasabi na ang best place para kumain ng curacha dito sa Zamboanga ay ang Alavar Seafood Restaurant na nag—seserve ng curcacha na niluto at binuhusan ng kanilang sikat na specialty sauce na gawa sa coconut milk, aligue, at iba’t-ibang spices. Ang rich sauce at ang lasa ng seafood umami bombs ng curacha ay siguradong hindi mo makakalimutan.

Curacha with Alavar Sauce

Pero warning: hindi ito mura. Puwede kang umorder ng curacha by the kilo (minimum 1kg). Makakabili ka rin ng frozen packs ng kanilang popular sauce na puwede mong iuwi na pasalubong.

Address: 173 Don Alfaro St., Zamboanga City
Operating Hours: Monday-Tuesday, 10:00 AM to 8:00 PM;
Wednesday, Thursday, Saturday, 10:00 AM to 9:00 PM;
Friday, Sunday 10:00 AM to 10:00 AM
Specialty: Curacha in Alavar Sauce

Kung gusto mo namang mag-uwi ng freshly caught curacha, pumunta ka sa Aderes Flea Market sa Guiwan. Puwede kang bumili ng fresh curacha dito sa mas murang presyo pati na rin ng lobsters at iba pang seafood.

Bay Tal Mal

Familiar ka ba sa Moro dishes? Kung nakatira ka sa Metro Manila o mga nearby areas, malamang hindi mo pa nasubukan o narinig ito. Familiar na tayo sa mga dishes from Luzon at Visayas at pamilyar din sa atin ang dishes mula sa ilang foreign cuisine. Kaya naman kapag bumisita ka sa Zambonaga, subukan mo ang Moro cuisine!

Mahigit one-third ng population ng Zambonga City ay Islam. Ang mga Moros o Filipino Muslims ay may food culture na malayo sa ibang regions. Although common pa rin na ingredient ang garlic, onions, at ginger, gumagamit din ang mga Moro ng ibang spices na mas common sa mga Southeast Asian Neighbors natin tulad ng galangal, lemongrass, turmeric, at kaffir lime.

Bay Tal Mal Latal

Mapapansin mo rin na mahilig gumamit ang mga Tausug ng coconut milk at burnt or charred coconut na nagbibigay ng black appearance sa mga dishes. Intimidating itong tignan, pero sobrang sarap nito at hindi mo malalasahan na sunog at all. Kaya naman dapat talagang tikman mo ito.

Pinaka-convenient place para subukan ang Moro dishes ay ang Bay Tal Mal. Mayroon silang latal na isang platter ng ibat-ibang Tausug dishes kasama ang mga ito:

  • Tiyulah itum (tiyula itum or tiulah itum, literwlly “black soup”), beef na may black broth na gawa sa burnt coconut at spices.
  • Chicken piyanggang, inihaw na manok na minarinate sa burnt coconut, at iba’t-ibang spices
  • Beef kulma, beef cubes na may curry sauce
  • Chicken kiyaliya, manok na niluto sa coconut milk na may lemongrass, turmeric, ginger, at iba pang spices.
  • Piyassak, beef liver cubes na may pounded spices, charred coconut, at coconut milk
  • Kiyaliya kapaya, papaya; o cucumber sambal
  • Fried shrimp o squid
  • Fried fish
  • Beef adobo

Puwede mong kainin ang platter of delicacies na ito na may rice. Puwede rin kayong umorder ng mee goreng na may hard boiled egg.

Address: 4th floor, SM Mindpro, La Purisima St., Zamboanga City
Opening Hours: Monday – Thursday, 10:00 AM to 8:00 PM;
Friday – Sunday, 10:00 AM to 9:00 PM
Specialty: Latal (platter ng Tausug dishes)

Isa pang restaurant na nag-seserve ng tray of Tausug dishes ay ang Dennis Coffee Garden na malapit sa airport. Tinatawag nila itong dulang, pero parehas din ito. Yun nga lang, six dishes lang ang kasama dito habang 10 naman ang kasama sa platter ng Bay Tal Mal.

Hacienda de Palmeras

Pagdating sa dessert, wala nang mas sikat dito sa Zamboanga kaysa sa knickerbocker. Ang knickerbocker ay parang fruitier, healthier na kapatid ng halo-halo. Ang colorful dessert na ito ay may jellies, fresh fruits tulad ng apple, watermelon, pineapple, at mangga na nilagyan ng condensed milk at may shaved ice at strawberry ice cream sa ibabaw.

Knickerbocker

Puwede mo itong matikman mula sa mga vendors sa Paseo del Mar, pero kung gusto mong subukan ang original, pumunta ka sa Hacienda de Palmeras Hotel and Restaurant na sinasabing nag-imbento ng tropical dessert na ito. Matatagpuan ang restaurant sa isang garden sa quiet corner ng city, pero easily accessible ito by jeepney o tricycle.

Address: Pasonanca Road, Sta. Maria, Zamboanga City
Operating Hours: Tuesday – Friday, 10:00 AM to 10:00 PM;
Monday, Saturday 10:00 AM to 8:00 PM; Sundays, CLOSED
Specialty: Seafood at knickerbocker

Jimmy’s Satti Haus

Maraming establishments sa Zamboanga ang nag-seserve ng satti. May mga bahay din na may signs na “we serve satti”. Pero ano nga ba ang satti?

Satti

Similar ang satti sa satay o grilled skewered meat. Pero dito sa Zamboanga, madalas ay sineserve ito na nasa bowl ng red-orange spicy sauce na may cubes ng molded rice. Paborito itong breakfast food ng mga locals. At para sa marami sa kanila, ang best satti place sa city ay ang Jimmy’s Satti Haus. Kaya kung gusto mong subukan ang satti, isa ito sa mga lugar na puwede mong puntahan.

Address: Pilat Street, Zamboanga City
Operating hours: 2:00 AM to 6:00 PM
Specialty: Satti

Dennis Coffee Garden

Nagsimula ang Dennis Coffee Garden noong 1962 sa Jolo, Sulu kung saan itinayo ang maliit na cafe na tinawag na Omar’s Place. After sixty years, pinalitan ang pangalan nito at nagkaroon ng multiple branches. Isa na dito ang branch na ito sa Zamboanga City.

Na-mention na previously ang dulang o latal na sineserve nila dito. Pero mas kilala sila for something else. Yes, coffee! Ipinagmamalaki ng Dennis Coffee Garden ang kanilang kape na tinatawag na kahawa sug na sineserve either hot or iced. Matapang ang kape na ito kaya kung ito ang type ng coffee na gusto mo, perfect ito! Ang iced version naman ay served with milk.

Dennis Coffee Garden Sulu Coffee

Bukod sa Sulu coffee, kilala din ang Dennis Coffee Garden sa kanilang bangbang sug o native Tausug pastries. Ito ang mga items sa kanilang snack menu:

  • Jualan saing, deep-fried bananas na may sweetened coconut dip. Para itong deconstructed banana que.
  • Jualan panggih, deep-fried sweet potatoes na may sweetened coconut dip na parang deconstructed camote que.
  • Daral, crepe na may matamis na filling na gawa sa niyog. Kalasa ito ng bukayo.
  • Panggih-panggih, deep fried flour rings
  • Wadjit, malagkit na niluto sa coconut milk
  • Pitis, glutinous rice flour cakes na may coconut filling at binalot sa dahon ng saging
  • Patulakan, pounded rice na may gatas at grated coconut at binalot sa banana leaves
  • Biyaki, grated sweet corn cakes na binalot sa corn husks at inisteam.

Biyaki

Mayroon din silang pastil na similar sa empannada na may palaman na toge at may sweet and spicy sauce.

Address: San Jose Road, Baliwasan, Zamboanga City
Operating hours: Daily, 10:00 AM to 10:00 PM
Specialty: kahawa sug (Sulu Coffee) at Tausug pastries

Tetuan Lechon

Walang pork sa mga Moro dishes dahil sa kanilang religion, pero hindi ibig sabihin noon na walang pork sa Zamboanga. Kung nag-ccrave ka ng pork, best place na puntahan ang Tetuan dahil dito, may lechon kahit saan ka lumingon. Maraming kiosks na nagbebenta ng lechon dito per kilo.

Prince Tetuan Lechon

Isa sa most recommended ng locals ay ang Prince Tasty Lechon. Marami silang stalls sa city, pero meron silang puwesto dito sa Tetuan na short walk lang mula sa Alavar. Katulad ng mga stalls sa tabi nito, maliit na stall lang ang Prince na may naka display na lechon habang nag-chop ang staff. Puwede ka ring humingi ng crispy lechon skin para matikman ito. Ang isang kilo ay P550 at P350 naman ang kalahati. Puwede mo itong ipa-chop at puwede rin namang isang slab lang.

Address: Don Alfaro St., Tetuan, Zamboanga City
Open: 9:00 AM to 9:00 PM

Paseo del Mar and R.T. Lim Boulevard

Malaking parte ng isang lugar ang kanilang streetfood. Bibigyan ka nito ng glimpse about their culture, people, at maging sa mismong lugar. Makakahanap ka ng streetfood anywhere lalo na sa mga busy na area tulad ng paligid ng city hall at public market.

Dito sa Zamboanga, available ang mga usual Pinoy favorites tulad ng kikiam, fish balls, at banana que pero meron din silang street food na unique sa region na ito. Isa sa mga ito ang chikalang na gawa sa glutinous rice cake na binalot sa brown sugar. Para itong pilipit o karioka pero mas malaki, mabigat, mas dense, at kulay purple ito.

Chikalang

Isa pang lugar kung saan maraming street food vendors ay ang R.T. Lim Boulevard. Ilan sa mga street good dito ay satay o ihaw-ihaw, pastil, at lokot-lokot. May balut at penoy vendors din kapag palubog na ang araw. May mga vendors din ng mie goreng na nasa styrofoam containers. Meron itong fried egg sa ibabaw, calamansi, at puwede ring lagyan ng hot sauce.

Food Tour in Zamboanga

Puwede niyong subukan ang mga restaurants at food stops na ito on your own. Kung anong restaurant ang malapit sa area ng attractions na pupuntahan niyo, i-add niyo ito bilang lunch o dinner stop.

Pero kung gusto niyo ng mas insightful na experience, puwede kayong mag-join ng Food and Culture Tour na ino-offer ng iTravel Tourist Lane, led by Errold Bayona. Puwede ninyo silang icontact dito:

Mobile number: +63917-722-6410
Landline: (062) 991-1174
Website: itraveltouristlane.com

iTravel Tourist Lane

How to Get to Zamboanga City

May daily flights ang AirAsia papuntang Zamboanga City mula Manila na may budget-friendly fares. May kasamang complimentary 7kg carry-on baggage allowance ang bawat booking, pero puwede ka ring mag add ng Value Pack para sa 20kg check-in baggage allowance, standard selection, meal, at Tune Protect insurance (para sa baggage delay at 1 hour on-time guarantee protection). Meron rin silang Premium Flex option kung saan pwede mong palitan ang date at time ng flight mo up to two times.

AirAsia Plane

Kung manggagaling ka sa Manila, ang Zamboanga flights na AirAsia ay nag-ooperate sa NAIA Terminal 4.

Where to Stay in Zamboanga City

Ito ang ilan sa mga hotels na puwede mong i-book for your Zamboanga trip:

Twin Room at Ever O Business Hotel, Zamboanga City
Twin Room at Ever O Business Hotel, Zamboanga City

Search for more Zamboanga Hotels!

Klook Code PHBEACHKLOOK


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.