Ultimate Airport Guide para sa Kabadong First-Time Traveler

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Dream come true na ba ang pinapangarap mong trip? For sure may dalang excitement at kaba ang unang beses mong lalabas ng Pilipinas through Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Paniguradong mayroon ka na ring bitbit na mga horror stories mula sa mga kapamilya at kaibigan na naka-experience na ng departure process sa NAIA.

Good thing na lang na kino-cover ng article na ito ang mga proseso sa airport, mga dapat mong dalhin, at pati na rin ang immigration process

PHBEACHKLOOK

Sa usapin ng immigration, may kaniya-kaniyang rules din ang bawat bansa, kaya siyempre, bukod sa departure mo from the Philippines ay dapat handa ka rin para sa arrival mo sa iyong destination country. Maging mindful sa mga rules, requirements, at restrictions para to avoid any problems.

Maaaring iilan lang ito sa mga tanong mo, pero sinubukan naming magbigay ng tips at sagutin ang ilang mga tanong na madalas naitatanong din sa amin bilang frequent flyers.

Ano ang typical na mga proseso sa airport?

Ito ang usual process:

  1. Pay the Travel Tax. IDEALLY, ang travel tax at departure fee ay kasama na kapag nagbook ka ng ticket, kaya i-check mo muna ang ticket mo. Pero may mga times na hindi ito kasama. Kung hindi ka sigurado, mag check-in ka muna. Sasabihan ka ng check-in agent kung kailangan mo pang bayaran ang tax. Sa NAIA Terminal 3, ang travel tax counters ay nasa kanan kung nakaharap ka sa check-in counters. Ang travel tax ay P1,620 per person.
  2. Check in! I-present ang Departure Card kasama ang Travel Tax receipt, printed ticket at passport sa check-in agent. Ibibigay sa’yo ng agent ang boarding pass mo. Make sure pala na lahat ng items kakailanganin mo abroad pero hindi pwedeng dalhin sa eroplano ay nakalagay sa check-in baggage mo.
  3. Fill out a copy of the Immigration Form (aka Departure Card). Makukuha mo ito sa Check-in Counter. Tandaan na kailangan mong ilagay dito ang address mo abroad (address ng hotel o ng kaibigan na bibisitahin mo).
  4. Proceed to the Immigration Booths. Magtatanong sila ng mga tanong tulad ng: Gaano katagal ang stay mo abroad? Ano ang gagawin mo doon? Ano ang trabaho mo? Saan ka mag-stay? For tourists, ang key ay ma-convince mo sila na pupunta ka doon para mag-tour at hindi para maghanap ng trabaho. Kapag satisfied na sila, lalagyan nila ng stamp ang passport mo.
  5. Final security check. Tanggalin ang lahat ng gadget at metal items (kasama ang belts at coins) sa katawan mo. Tanggalin lang ang sapatos kapag sinabi ito.

Iyon lang. Mahaba ang process na ito at maraming pila kaya make sure na nasa airport ka na at least two hours bago ang flight mo.


Gaano ako kaaga dapat nasa airport?

At least two hours bago ang scheduled departure mo.

Personally, gusto naming dumadating sa airport 3-4 hours earlier just in case may mga hindi inaasahang pangyayari. May isa kaming team member na nawalan ng old passport at visa sa airport TWICE (oo, careless talaga sya! haha), pero buti na lang, mayroon siyang enough time para maghanap dahil maaga siya pumunta. Kapag peak season, tulad ng mga week before or after Christmas, mas mabuting dumating at least four hours bago ang flight mo.


Ano ang mga dapat kong dalhin sa airport?

Lagi akong may checklist ng mga bagay na HINDI ko dapat makalimutan.

Ito ang mga pinaka-importante.

  • Passport. Duh.
  • Visa. Kapag applicable
  • Flight Details Siguraduhin na i-print mo ang mga ticket. Kapag domestic flight, madalas ipinapakita lang namin sa check-in agents ang ticket na saved sa phone. Tinatanggap nila ito. Pero para sa mga international flight, maraming beses mo kailangan ipakita ang tickets mo (check-in counter, travel tax counter, departure fee counter, immigration, etc) kaya impractical at annoying ilabas ang phone mo every step of the way. Magiging mas madali para sa’yo at para sa mga mag-checheck nito kung mayroon kang printed tickets. Besides, hindi mo kakailanganin i-charge ang papel.
  • Company ID. Minsan ay nangihihingi ang Immigration Officers ng ID bilang proof na babalik ka sa Pilipinas at hindi maghahanap ng employment opportunities sa iyong destination country.
  • Address and contact number abroad. Kung magta-travel ka as a tourist, kunin mo ang exact address at contact number ng hotel. Kung may bibisitahin kang kaibigan o kamag-anak at sa kanila ka tutuloy, kunin mo ang kanilang exact address at contact number. Kakailanganin mo ito kapag mag fi-fill-out ka ng immigration forms.
  • DSWD Clearance. Kung mag-ttravel ka na may kasamang minor na hindi mo anak at hindi kasama ang mga magulang nila sa trip.

Ito ang iba pang bagay na pwede mong dalhin for good measure.

  • Hotel reservation. Kung magta-travel ka as a tourist.
  • Invitation letter. Kung may bibisitahin kang kaibigan o kamag-anak at sa kanila ka magse-stay.
  • Pocket money. Siyempre! Siguraduhin na meron kang enough pocket money for your whole stay. Ang rule of thumb namin para sa 3-day o 4-day trip abraod ay US$600 pero usually, less than US$400 lang ang nagagastos dito. Common reason kung bakit nade-deny ang entry ng mga travelers kapag nasa airport na sila ay ang hindi pagkakaroon ng enough na cash.
  • Credit Card. Ang ilang airport ay nanghihingi ng copy ng credit card na ginamit mo sa pag-book ng tickets online. Pwede mo rin itong kailanganin bilang safety net in case kulangin ang cash mo. Ang ibang hotels ay nanghihingi din ng credit card para sa deposit.
  • Photocopy of the Passport and Visa – Just in case mawala mo ang mga document mo, mas madali kang makakakuha ng replacement kung mayroon kang copy. Kapag nakarating ka na sa destination mo, iwan mo ang photocopy sa hotel room mo kung dadalhin mo ang original kapag lalabas ka. Plus, maraming perks sa paggamit ng credit cards abroad, especially sa credit card-reliant countries.
  • Travel Itinerary. Gumawa ng clear plan na gusto mong gawin at make sure na may physical copy ka nito. In case mapili ka ng Immigration Officers para sa random check, makakatulong na mayroon kang printed itinerary para ma-convince sila na pupunta ka talaga sa destination mo para lang mag-tour.
  • Address and contact number of the Philippine Embassy in your destination country. Just in case may mangyari na hindi inaasahan.
  • A pen. Oo, importante ang pen. Marami kang susulatan na forms.

We recommend na magdala kayo ng clear envelope or clear book (though mas magaan ang envelope) para i-store ang lahat ng ito (except sa photocopies at pera).

In addition, mayroon kaming listahan ng hotel address, contact number, passport number, passport expiry date, at flight number. Mas madaling gawing reference ito para sa mga forms na kailangan i-fill out, to prevent misplacing yung documents at passport when filling out forms.

Aside from these essentials, isa sa mga non-negotiables namin ay ang pagkakaroon ng internet access during our trips abroad. Madalas, here are three suggestions para sa pag-secure ng internet access abroad from our team (Labas na rito ang paggamit ng free WiFi sa hotels at ibang establishments):

  • Mag-avail ng roaming package from your telecommunications provider. Convenient ito, dahil madalas ay itatawag mo na lang ito sa hotline ng provider mo or ia-activate through text before leaving the Philippines. However, medyo magastos ito, especially if you will be staying abroad for more than a few days.
  • Bumili ng SIM Card from a mobile provider sa destination country. Usually mas affordable ito than availing a roaming package, but the down side is, kung wala kang libreng sim slot sa phone mo, you may need to use a different device para para magamit ang bagong SIM card mo.
  • Mag-rent ng mobile hotspot. Para itong best of both worlds dahil makakamura ka dito at separate device ito from your phone. Ang nakikita lang namin na disadvantage ay baka mangailangan ka ng power bank kung gagamitin mo ito buong araw. Kung prefer mong gumamit na lang ng mobile hotspot, may ilang providers na nagpapahiram straight from NAIA.

Ano usually ang tinatanong ng mga Immigration officers?

Iba-iba ang mga tanong depende sa Immigration Officers. Kung suwerte ka, konti lang ang itatanong sa’yo ng officer at pwede ka nang tumuloy. Minsan nga titingnan ka lang tapos lalagyan na ng stamp ang passport mo. Pero ito ang mga madalas na tanong na na-encounter namin.

  • Saan ka pupunta?
  • Kailan ka babalik ng Pilipinas?
  • Ano ang gagawin mo doon?
  • Sino ang kasama mo mag-travel?
  • Ano ang trabaho mo dito sa Pilipinas?

Ang key ay sumagot ka ng confident, consistent, at totoo.

Minsan, may mga follow up questions sila. Minsan, mag-a-undergo ka ng secondary inspection na ipapaliwanag namin sa ibaba.


What is offloading?

Ang offloading ay ang pagpapababa sa pasahero na naka-board na sa aircraft.

Strictly speaking, walang offloading policy ang Bureau of Immigration. Hindi sila nagpapababa ng pasahero sa eroplano on a regular basis. Ang ginagawa nila ay inii-screen ang mga pasahero at nagde-decide kung papasakayin nila ng eroplano o hindi. Nangyayari ang process na ito bago ang boarding, hindi pagkatapos, kaya hindi talaga ito offloading.

Pero dito sa Pilipinas, ang “offloading” ay umbrella term sa pag-pigil sa isang tao na lumabas ng bansa kahit na hindi pa naka-board ang pasahero. Kapag ni-reject ka ng Immigration Officer sa inspection, tinatawag ito ng maraming Pilipino na “offloading.” Kaya para sa article na ito, gagamitin natin ang Filipinized definition nito.


Anong pwedeng gawin para masiguro na hindi ako ma-o-offload during Immigration?

Lately, mas strict ang ini-implement na rules ng Bureau of Immigration. Ayon sa bureau, araw-araw, nasa 40 people ang hindi na umaabot sa boarding sa NAIA Terminal 1 pa lang. Tatlo hanggang apat sa bawat 50 na pasaherong hindi pinapayagan na sumakay ng eroplano ay may legitimate na dahilan para magpunta abroad. Ayaw mong mapasama dito.

Kung gusto mong maka-siguro na hindi ka ma-o-offload, kailangan mong sundin ang guidelines na ni-release ng bureau sa Immigration Officers. Nasa memorandum ng Bureau of Immigration ang mga kailangan hanapin ng mga officer sa departing passengers:

  1. Passport
  2. Visa (if applicable)
  3. Roundtrip ticket
  4. Filled out departure card

Madalas ay hinahanap din nila ang iyong company ID. Kung sa tingin nila ay kailangan, ia-assess ka rin based sa criteria na ito:

  1. Age
  2. Educational attainment
  3. Financial capability to travel

Ano ang ibig sabihin ng last item? Well, in short, ang mga turista na walang steady source of income sa Pilipinas at walang benefactors na posibleng may ibang reason para mag-travel bukod sa leisure ay mas may chance na ma-offload. So in case ipa-undergo ka ng secondary inspection, magandang dala mo ang mga ito:

  • Kung ikaw ay employee, Certificate of Employment (mas maganda kung nakalagay ang salary mo at kung gaano katagal ka na sa company)
  • Kung ikaw ay self-employed, copy ng iyong Business Registration Certificate
  • Kung ikaw ay freelancer, dapat ay mayroon ka pa ring ITR. Kung ang clients mo ang nagbabayad nito para sa’yo, puwede kang humingi ng kopya sa kanila. Puwede ka ring manghingi sa client mo ng document na magpapatunay na hired ka nila at ang details ng project/contract.
  • Kung tax-exempt ka, dapat ay mayroon ka pa ring ITR. Simula 2018, ang mga workers na kumikita below P250,000 a year (P21,000 a month) ay exempted sa pagbabayad ng income tax. Pero hindi ibig sabihin non na exempted ka sa pagkakaroon ng ITR. Kung empleyado ka, puwede kang kumuha ng copy ng ITR mo mula sa iyong employer kahit na tax-exempt ka.

Lagi akong may copy ng ITR at “Certificate of Employment” mula sa mga client ko to be safe.


Dapat ko bang i-abot agad sa Immigration Officer ang mga documents na ito?

Hindi naman. Again, most of the time, ito lang ang mga hihingin ng Officer:

  • Passport (with visa, if applicable)
  • Accomplished departure card
  • Roundtrip ticket
  • Company ID

Huwag mong i-present ang ibang documents kung hindi nila hanapin ito. Lahat ng ibang documents ay more likely safety nets lang IN CASE kailanganin mong patunayan na employed ka.

Sagutin mo lang ang mga tanong nila with confidence.


Kailangan ko bang mag-book ng hotel reservation bago ako mag-book ng flight?

Mas mabuting mag-book ng accommodations bago ang flight mo. Kailangan mong ilagay ang address ng iyong hotel sa departure and arrival cards, at minsan, nanghihingi ang Immigration officers on both sides ng hotel documents. Even when backpacking across different countries, sinisiguro namin na na nakapag-book kami ng accommodations at least para sa first night ko sa susunod na bansang pupuntahan ko. Again, makaka-punta ka doon without prior reservations pero kung gusto mong iwasan ang hassle ng pagsagot ng maraming tanong at ang stress na dala nito, mas mabuting mag-book in advance.


Klook Code PHBEACHKLOOK


Inimbita ako ng kaibigan o kamag-anak. Kailangan ko ba ng invitation letter?

In theory, oo, so kung makakapag-produce ka, go ahead. Hindi ito laging hinihingi ng Immigration Officers kaya maraming invited travelers ang nakakatuloy pa rin kahit wala nito. Pero posibleng hingin nila ito kung sa tingin nila ay kailangan.

Ang pinaka-safe gawin ay kumuha ng Affidavit of Support or Guarantee, notarized sa Philippine Embassy. Kapag naghanap ang officers ng “invitation letter,” madalas, ito ang tinutukoy nila dahil ito ay formal, legal, binding, at mahirap dayain.

Anyway, kailangan mong ilagay ang iyong “address abroad” kapag nag-fi-fill out ng forms kaya make sure na mayroon ka nito. To be on the safe side, siguraduhin na mayroon ka ring contact number ng kaibigan mo.


Kailangan bang magdala ng show money? Magkano dapat dala ko?

Within the team, hindi pa namin na-experience na kailangang IPAKITA ang pera, pero may mga kakilala kaming na-experience na ito. However, ilang beses na rin kaming natanong kung MAGKANO ang dalang pera. Hindi nga lang ni-require na ipakita to.

Kino-compute namin ang pocket money based sa destination country. Ang iba ay mas malaki kaysa sa iba. Halimbawa, ang cost of living sa Singapore ay siguradong mas mataas kaysa sa Thailand. Sa mga bansa tulad ng Singapore, Hong Kong, at Malaysia, usually ang dinadala ko ay USD400 para sa 4-day trip, USD500 para sa week-long trip. Pero sobra ito sa talagang nagagastos namin individually. Sa mga cheaper countries tulad ng Cambodia at Thailand, we allot USD 50 per day. Again, malaki ang sobra dito.

Aside from cash, magdala rin ng credit card, just in case.


Saan magandang magpapalit ng pera? Better ba to do it dito sa Pilipinas before the trip?

Depende kung saang bansa ka pupunta. Sa mga bansa tulad ng Vietnam, Cambodia, at Taiwan kung saan hindi widely accepted ang PH peso sa mga bank/money changers, usually, nagpapapalit kami ng peso to US dollars sa Pilipinas bago ang trip.

Sa mga bansa tulad ng Singapore at Hong Kong kung saan widely accepted ang PHP, directly kaming nagpapa-palit pagdating doon. Usually, nagpapa-palit kami ng small amounts sa airport, enough lang para makarating sa hotel. Pero kapag okay naman ang airport rate o konti lang ang difference, mas malaki ang pinapapalit namin. Minsan, yung mawawala sa’yo sa conversion ay mas maliit sa magagastos mo para makarating sa mas maayos na money changer.

Pero based on experience, ang best way para magkaroon ng foreign currencies ay through ATM withdrawal. Ang ilang banks ay nagco-collect ng transaction fees, ang iba naman ay hindi. So kung magse-set up ka ng travel account, choose your bank wisely.


Should I bring an ID?

Ang passport mo ay valid ID. Pero ang mga Immigration Officers sa Pilipinas ay nanghihingi rin minsan ng company ID para ma-validate ang occupation mo na naka-indicate sa iyong departure card.


I’m a freelancer so I don’t have a company ID. What is a good alternative?

For members of our team na freelancer noon, wala silang company ID. Usually, ang sinasabi nila na consultant sila. lagi silang may dalang Employment Certificate (na nakukuha ko sa mga client) at copy ng ITR. Never silang nagkaproblema dito.

Kung registered professional ka o sole proprietor, magdala ka ng copy ng business registration documents to be safe.


Fresh graduate, pero currently unemployed ako. Anong pwede kong gawin?

Humanap ka ng sponsor na family member. Mag-prepare ng authenticated Affidavit of Support and Guarantee kung saan nakalagay ang relationship ninyo within the 4th civil degree of consanguinity or affinity, kasama ng supporting documents.

According kakilala naming Immigration Officer, in addition, puwede ka ring mag-provide ng proof na kayang suportahan ng sponsor ang trip. Puwedeng ITR o bank documents ng sponsor.

Most likely, tatanungin ka ng Immigration Officer kung bakit ka magta-travel. Kung graduation treat ito, puwede mo itong sabihin. Kung mayroon kang document para ma-prove na kaka-graduate mo lang, puwede rin itong makatulong.

TANDAAN! Maaaring makatulong ang mga documents na binanggit, pero hindi ito guarantee.


Unemployed ako and wala akong sariling funds. Ano ang requirements para sa mga tulad ko?

I-prove na mayroon kang sponsor, preferably immediate family member.

Ang mga taong hindi kayang suportahan financially ang trip nila ay dapat mayroon ng mga sumusunod na documents kapag dumaan sa Immigration:

  1. Authenticated affidavit of support kung saan naka-indicate ang relationship within the 4th civil degree of consanguinity or affinity, kasama ng mga supporting document.
    Affidavit of undertaking/guaranty.
  2. In addition, puwede ka ring hingan ng proof na kayang suportahan ng sponsor ang trip mo financially. Puwedeng ITR o bank statements.

Pero ang pagkakaroon ng mga documents na ito ay hindi guarantee na papayagan kang umalis. Ia-assess pa rin nila ito based sa maraming factors tulad ng purpose of travel, companion, at probability ng pagbalik. Pero ang mga documents sa itaas ay makakatulong sa chances mo.


Magta-travel ako with my foreigner boyfriend/girlfriend/friend. What are the requirements?

Ayon sa parehong memorandum, ang mga Filipino traveler na walang financial capacity para mag-travel na may kasamang foreigner na hindi related ay dadaan sa secondary inspection.

Mayroong qualifier dito: walang financial capacity to travel. We’re guessing na kung kaya mong patunayan na employed ka at mayroon kang funds, papayagan ka pa ring lumabas ng bansa. Kaya naman malaking tulong na mayroon kang company ID, ITR, at Certificate of Employment o Business Registration documents.

Pero kung wala ka ng mga ito, may chance na maging mas strict sila sa’yo.


Sponsored ng foreigner boyfriend/girlfriend/friend ang trip ko. What are the requirements?

Isa ito sa pinakamadalas namin matanggap na tanong: ano ang mga requirements kung imi-meet ko ang foreign boyfriend o girlfriend ko abroad?

Kung ikaw ang magbabayad ng trip, easier ito. Maraming mas pinipili na i-declare na lang na may bibisitahin silang kaibigan o magta-travel lang as a tourist. Puwede kang mag-present ng proof of employment tulad ng company ID, ITR, COE o business registration documents.

Kung ang trip mo ay sponsored ng foreigner, magiging tricky ito dahil makikita na wala kang financial capacity na ma-afford and trip na ito at vulnerable ka sa risky situations tulad ng human trafficking. In this case, most likely ay dadaan ka sa secondary inspection. Pinoprotektahan ka lang nila.

Ayon sa kakilala naming Immigration Officer, puwedeng makatulong ang Affidavit of Support/Guarantee/Undertaking. IDEALLY, ang party na nag-susupport sa traveler ay dapat RELATIVE within 4th civil degree of consanguinity o affinity. Pero sabi niya, MINSAN, tinatanggap din nila ang Affidavit of Support mula sa non-relative kung mukhang maayos naman ang lahat. Ang keyword doon ay MINSAN. Hindi lagi. Case-by-case basis iyon kaya huwag mong asahan ito.

In addition, mas maganda kung may maipapakitang proof of relationship with the foreign sponsor ang traveler. Pwedeng photos ito na magkasama. Posible rin na tanungin ka kung gaano katagal na kayong magkakilala at paano kayo nagkakilala.

Kung plano mo magpakasal abroad, siguraduhin na mayroon ka ng mga necessary documents. Ayon sa memorandum, ang mga partner at asawa ng foreign nationals na balak umalis para i-meet o magpakasal sa kanilang fiance nang walang CFO Guidance and Counseling Certificate ay kailangan dumaan sa secondary inspection. Puwede mo ring tingnan ang iba pang requirements na maaaring magbago depende sa destination country. Hindi ako familiar sa process kaya mas mabuting mag-contact ng proper agency para dito.


I’m meeting my boyfriend/girlfriend abroad for the first time. Ano ang mga requirements?

Kung first-time traveler ka, wala kang physical proof of relationship, at first time ninyong magkikita ng foreign sponsor mo, mataas ang chance na ma-offload ka. Kung nakilala mo ang sponsor online, mahihirapan silang magtiwala na magiging okay ka abroad. Kailangan may strong existing relationship ka sa sponsor mo para patuluyin ka nila. Sa paningin nila, ang online communication, gaano man katagal na ito ay hindi matibay na proof of relationship.


Ano ang weight limit para sa carry-on baggage (hand-carry)?

Depende sa airline kaya mas mabuting tumawag ka sa kanila. Karamihan ng low cost carriers ay 7kg ang limit. Lately, mas strict na ang marami dito. Halimbawa, ang JetStar at AirAsia ay mag-i-insist na hindi ka lumagpas dito kaya siguraduhin nilang below the limit ang dala mo.

Karamihan ng legacy airlines ay hindi sinasama ang laptops at cameras sa kanilang 7kg allowance. Karamihan ng low cost carriers ay sinasama ito.


Saan ko dapat i-store ang powerbank (mobile charger) ko?

Dalhin mo ito onboard. HUWAG mo itong ilagay sa checked in baggage mo. Nagawa ko itong mistake na ito sa Tokyo at kinailangan kong alisin ito minutes before ang flight.


Ano ang dapat kong suotin?

Depende sa destination mo. I-consider mo ang weather sa origin at destination mo. Kung maaraw sa Manila at pupunta ka sa South Korea ng January, magdala ka ng jacket onboard. Malamig din sa mga airline cabins so be okay rin na may dala kang jacket for the flight.

Pero in general, ito ang ilang tips:

  • Magsuot ng sapatos na madaling tanggalin dahil maaaring ipatanggal ito sa’yo sa final security check. Ideal ang slip-ons.
  • Huwag magsuot ng belt sa check-in dahil ipapatanggal din ito sa’yo. Ilagay mo ito sa bag at isuot na lang pagkatapos.
  • Huwag magsuot ng relo during check in. Isuot na lang ito pagkatapos ng final security check.

Ang mga ito ay personal preferences lang based sa experiences namin. Para sa mas accurate at detailed na mga sagot, laging i-check ang carrier mo para sa airline-related concerns at ang embassy ng bansang pupuntahan mo para sa mga immigration requirements at policies.


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.