Isa ang Baguio sa mga top destinations sa Pilipinas. Dahil sa malamig na temperature, sa pine-dominated landscapes, at sa overall romantic atmosphere, maraming turista ang pumupunta rito lalo na kapag summer at holidays tulad ng Pasko, Bagong Taon, at Holy Week.
Kahit na highly urbanized city ang Baguio, may mga ilang areas na ipinagmamalaki pa rin ang kanilang rustic charm. Natural attractions man yan o modern tourist spots, maraming puwedeng gawin at puntahan dito na puwede sa iba’t ibang klase ng travelers at age groups. Ang food culture at shopping districts ay naging attractions na rin sa lungsod.
Regular ka man na bisita o first-timer, ito ang ilan sa mga best things to do at places to visit sa Baguio City. Sa list na ‘to, isinama rin namin ang mga attractions sa kalapit na municipalities tulad ng La Trinidad at Tuba.
ATTENTION! Puwedeng mag iba ang opening hours kaya i-check muna ang official websites o Facebook pages bago kayo pumunta.
NOTE: Geographically, nasa Benguet ang Baguio pero wala ito sa jurisdiction ng probinsya. Meron itong sariling charter at administration.
WHAT'S IN THIS GUIDE?
Burnham Park
Ang Burnham Park ay mako-consider na centerpiece ng Baguio City at maituturing na isa sa famous na attractions dito. Ang Burnham Lake o Burnham Lagoon ay popular sa mga swan boats (paddle boats).
Bukod sa paddle boats, puwede rin makapag-biking at go-karting. Marami rin interesting spots sa park katulad ng Rose Garden, Orchidarium, Children’s Park, Melvin Jones Grandstand, at skating rink.
Kapag nagutom ka habang ine-enjoy ang mga activities sa paligid ng park o kung gusto mo lang mag food trip, maraming food stalls at street food vendors sa paligid kaya hindi ka mahihirapan maghanap ng pagkain.
Location: Burnham Park, Jose Abad Santos Drive, Baguio City
Opening Hours: 24/7
Entrance Fee: FREE
Baguio Cathedral
Ang Baguio Cathedral o Our Lady of the Atonement Cathedral ay isang hilltop cathedral na overlooking sa Session Road at busy downtown streets. Binuksan ito noong 1936 at dedicated kay Virgin Mary.
Mayroon itong neo-Romanesque architectural style na may twin belfries/spires, rose window (facade), at stained glass windows. Isa ito sa mga famous landmarks sa Baguio at nasa tabi ito ng Saint Louis University. Para marating ito from Session Road, kailangan mong umakyat ng hagdan papunta sa courtyard at cathedral. Puwede ka rin pumunta sa Porta Vaga Shopping Mall at dumaan sa escalator papunta sa parking lot ng cathedral.
Location: Our Lady Of Atonement Cathedral, Session Road, Baguio City
Opening Hours: Welcome ang mga turista anytime pero maging considerate kapag ongoing ang misa. Puwede mong i-check ang mass schedule sa official Facebook page.
Entrance Fee: FREE
Baguio Museum
Ang Baguio Museum ay short walk lang mula sa Burnham Park. Hindi ito mahirap hanapin dahil surrounded ito ng mga kilalang landmarks tulad ng Uninversity of Baguio, University of the Cordilleras, Baguio City National High School, at SM Baguio.
Ang collections ng museum ay nagsho-showcase ng kasaysayan ng city at ng kultura ng Cordillera Region. Ang apat na floors ng building ay naglalaman ng mga collections na naka-classify sa mga categories na ito: Baguio Gallery, Cordillera Gallery, at Alternative Gallery.
Mayroon din training floor at multi-purpose hall ang building. Sinimulan ang rehabilitation at renovation ng museum noong 2007 at target na matapos sa 2020.
Location: Dot-PTA Complex, Gov. Pack Rd, Baguio City
Opening Hours: Tuesday to Sunday, 9:00 AM – 5:00 PM; Mondays, CLOSED
Entrance Fee: Regular, P40; Student Discount, P10-20
Baguio Night Market
Hindi man grand ang concept ng night markets sa Pilipinas, unti-unti na itong nakikilala dito.
Nagkakaroon ng strong night market culture sa Baguio na nag-a-attract sa mga turista papunta sa Harrison Road sa Central Business District. Perfect ito para sa mga gustong makabili ng mga bargain items o mabusog ng hindi nabubutas ang bulsa. Kung pupunta ka man dito para mag-shopping o mag-food trip, laging ingatan ang inyong mga gamit.
Location: Harrison Road, Baguio City
Opening Hours: Daily, 9:00 PM – 2:00 AM. Posibleng magbago ang schedule depende sa weather at iba pang mga conditions.
Session Road Nightlife
Isa sa major arteries ng city ay ang Session Road na pinaka-sikat na street din sa Baguio. Maraming locals at turista dito sa umaga, pero mas nabubuhay ito sa gabi kapag bukas ang mga bars at hangout places na napupuno ng good music at exciting na interactions.
Kung gusto mong mag-dinner muna bago mo i-experience ang nightlife dito kasama ng mga kaibigan, marami international restaurants at fast food restaurants sa Session Road. Pero kung gusto mong subukan ang local offerings, marami rin homegrown restaurants dito tulad ng Sizzling Plate, Ocha Asian Restaurant, Vizco’s Restaurant, Volante, and Drop Out, among others.
Ukay-ukay Stores
Hindi magiging Baguio ang Baguio kung wala ang “SM” — Segunda Mano stores! Mga second-hand stores ito na tinatawag locally na wagwagan pero mas kilala sa karamihan bilang ukay-ukay. Marami nito sa busy streets at corners ng downtown Baguio. Maraming turista ang talaga naman enjoy sa napakaraming options ng pre-loved items dito. Mayroong mga damit, bag, sapatos, belts, scarves, at iba pa.
Honestly, nakaka-overwhelm ang dami ng choices dito. Pero kung mayroon kang patience at stamina, puwede kang makakita rito ng mga vintage at rare items. Ang sikat na ukay-ukay areas ay sa Skyworld (Session Road), Hilltop (sa likod ng Baguio City Market), at Bayanihan (malapit sa Burnham Park). Makakahanap ka rin ng good finds sa night market!
Happy bargain hunting!
Diplomat Hotel
Ang Dominican Hill Retreat House o mas kilala sa tawag na Diplomat Hotel ay isang seven-hectare property na nasa tuktok ng Dominican Hill. Itinayo ito bilang retreat house para sa mga Dominican priests at nuns noong first half ng 20th century hanggang World War II kung kailan nag-take over ang Japanese at ginawa itong military garrison at war prison.
Pagkatapos ng mga restorations at remodelings, binuksan ang Diplomat Hotel between 1970s at 1980s. Dahil sa history nito, lalo na sa mga pangyayari noong WWII, nakilala ito dahil sa paranormal activities at laging nasa list ng mga most haunted places sa Pilipinas.
Ngayon, ang buong hill area ay idineklara na heritage at historical site ng local government ng Baguio at tinawag na Dominican Heritage Hill and Nature Park. Ang property ay nasa rehabilitation at development para sa tourism at open sa mga photoshoots, filmmaking, wedding receptions, at venue para sa iba pang events at functions.
Location: Dominican Hill, Diplomat Road, Baguio City. The best way to get there is to take a cab from the city center.
Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 5:00 PM. Maaring mabago ang schedule kaya i-check muna ang official website or Facebook page para sa updates bago pumunta.
Entrance Fee: FREE
Bencab Museum
Ang BenCab Museum ay nasa town ng Tuba, short travel lang mula sa Baguio. Ang private museum ay itinayo at mina-manage ng artist mismo na si Benedicto Reyes Cabrera (BenCab), isang Philippine National Artists for Visual Arts.
Ni-launch sa publiko ang museum noong February 2009 kung saan naka-display ang mga obra ni BenCab kasama ang mga gawa ng ibang kilalang artist at mga emerging contemporary artists. Bukod sa pag-promote ng arts, aim din nitong i-highlight ang environmental conservation at cultural conservation ng heritage ng Cordilleras.
Mayroon din cafe, organic farm, at mini forest sa loob ng museum complex. Puwede rin kayo mag-avail ng Eco-Trail Tour.
Location: Kilometer 91, #6 Asin Road, Tadiangan, Tuba, Benguet
Opening Hours: Tuesday to Sunday, 9:00 AM – 6:00 PM (last entry is at 5:30 PM); Mondays, Christmas, and New Year’s Day, CLOSED
Entrance Fee: General Admission, P150; Students, P120; Senior Citizens and PWDs, P100; Children below 42″ height, FREE
Tam-awan Village
Ang Tam-Awan Village na may nickname na Garden in the Sky ay commissioned ng Chanum Foundation noong 1998. Aim nitong bumuo ng model village kung saan makikita ang reconstructed traditional Cordillera houses para maging accessible ang culture ng rehiyon sa mas maraming tao.
Pinapakita ng cultural village ang indigenous craftmanship at aesthetic ng rehiyon at ng mga local artist dito. Mula sa mga tree huts na nanggaling sa Ifugao, mayroon nang nine traditional houses sa village—pitong Ifugao huts at dalawang Kalinga houses. Ang mga structure na ito ay binuo gamit ang karamihan sa original na materyales.
Kung gusto mong mas ma-immerse, puwede kang mag-book ng tutuluyan dito.
Location: 366-C Pinsao Proper, Long Long Benguet Road, Baguio City
Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 6:00 PM. Maaring mabago ang schedule kaya i-check muna ang official website or Facebook page para sa updates bago pumunta.
Entrance Fee: Adults, P60; Students & Seniors, P40; Children, P30; Toddlers, FREE
Mirador Hill and Eco Park
Isa sa mga bagong tourist attraction sa Baguio ang Mirador Heritage and Eco-Spirituality Park. Parang ma-ttransport ka sa Japan dahil sa mga Japan-inspired attractions dito kasama ng mga local attractions.
Sa loob ng 5-hectare property na ito ay may mga hiking trails papunta sa iba’t ibang sites tulad ng La Storta Garden, Rock Gardens, Ifugao Houses, Pandemic Healing Memorial, at Circular Seismic Chamber. Pero ang pinaka sikat na attraction dito at favorite na photo spot ng mga turista ay ang Mirador Peace Memorial, isang red-painted na torii gate sa tuktok ng hill na may view ng city at mga surrounding hills.
Isa pang paboritong spot ng mga pumupunta dito ay ang Arashiyama Bamboo Grove. Isa itong refreshing resting at photo spot na posibleng ipinangalan sa bamboo forest ng temple district ng Kyoto. Bukod sa park, makikita din sa Mirador Hill ang Kapilya ni Hesus at Maria, Grotto of Our Lady of Lourdes, Mirador Jesuit Villa Retreat House, at Cafe Iñigo.
Address: Mirador Hill, Barangay Dominican Hill-Mirador, Baguio City
Opening Hours: Daily, 6:00AM – 6:00 PM. Maaaring magbago ang opening hours kaya I-check ang official website o Facebook page bago bumisita.
Entrance Fee: Regular, P100; Below 12 y/o, FREE
Igorot Stone Kingdom
Ang Igorot Stone Kingdom ang pinaka-bagong attraction sa Baguio na binuksan noong 2021. Makikita sa park ang modern at traditional Igorot culture pati na rin ang values ng Cordillera Region.
Ang buong area ay nasa 6,000 square meters. Mayroon itong dalawang malalaking structures na nasa tapat ng isa’t isa— isang modern-day castle at old-school stone wall. Ang modern-day castle ay may mga walkways na may mga statues, photo spots, at viewing decks. Sa tuktok nito ay may food court kung saan maraming Pinoy snacks na available.
Ang stone wall naman ay tinulad sa rice terraces kung saan makikita ang rock-laying skills ng mga Igorot. Kapag umakyat ka dito, makikita mo ang Temple of Kabunyan, Fertility Stone Tower, Tower of Gatan, Bangan’s Dome, Face in the rock, at iba pa. Kabilang din sa mga attractions dito ang Wishing Well, Igorot Gold Mine, at Igorot Golden Bridge.
Address: #86 Long-long Benguet Road, Pinsao Proper, Baguio City
Opening Hours: Daily, 6:00 AM – 6:00 PM. Maaaring magbago ang opening hours kaya I-check ang official website o Facebook page bago bumisita.
Entrance Fee: Regular, P100; Senior & PWD with ID, P80; Kids 4-12 y/o, P80; 3 y/o and below, FREE
Mines View Park
Isa ang Mines View Park sa pinakasikat na tourist spots sa Baguio at madalas talaga na crowded dito. Mayroon itong observation deck kung saan makikita mo ang panoramic view ng dating gold at copper mines ng Itogon town sa ibaba at mga bundok dito. Isa rin ito sa mga best spots para panoorin ang sunrise.
Kung gusto mong iwasan ang crowd, pumunta ka dito ng early morning. Maraming shops at stalls na nagbebenta ng souvenir items, clothes, trinkets, food, at mga halaman dito! Ang entrance papunta sa park ay nasa Gibraltar Road.
Location: Mines View Park, Gibraltar Road, Baguio City
Opening Hours: 6:00 AM – 8:00 PM. Maaring mabago ang schedule kaya i-check muna ang official website or Facebook page para sa updates bago pumunta.
Entrance Fee: Adult, P10; Children, P5
Baguio Botanical Garden
Isa sa maraming green spaces sa city ay ang Baguio Botanical Garden (renamed Centennial Park) along Leonard Wood Road. Napapagitnaan ito ng Wright Park at Teacher’s Camp kaya hindi ito mahirap hanapin.
Isa rin itong kilalang attraction sa city kung saan puwedeng ma-enjoy ang relaxing atmosphere ng paligid. Ang napakalawak na garden park ay short drive lang mula sa Central Business District ng Baguio. Marami ditong walking paths na nagfi-feature ng mga photo-worthy spots. Nasa loob din nito ang Baguio Arts Guild at Igorot Village.
Location: 37, Leonard Wood Road, Baguio City
Opening Hours: Daily, 6:00 AM – 6:00 PM. Maaring mabago ang schedule kaya i-check muna ang official website or Facebook page para sa updates bago pumunta.
Entrance Fee: FREE
The Mansion
Ang gate ng Mansion House o mas kilala bilang The Mansion ay nasa dulo ng mahabang concrete walking path na may pool sa Wright Park. Ang mansion ay commissioned noong 1908 para maging official residence ng US Governor General sa Pilipinas. Nag-undergo ito sa reconstruction noong 1947 pagkatapos magkaroon ng malaking damage noong Second World War.
Sa ngayon, nagse-serve itong official summer palace ng Presidente ng Pilipinas. Site din ito ng ibang importanteng state functions at international gatherings.
Location: The Mansion, Baguio-Bua-Itogon Road, Baguio City
Opening Hours: 24/7 (Mansion Gate). Most of the time, sarado ang Mansion sa public kaya makikita lang ang mismong mansion mula sa entrance gate.
Wright Park
Isa pang malawak na greenery ay ang Wright Park na ipinangalan sa dating Governor-General Luke Edward Wright.
Paborito itong leisure spot ng mga locals at turista. Isa itong lush park na may walking at jogging trails, biking paths, rest spots, at horse stable. Meron din mahabang pond o pool na nagdudugtong sa Wright Park Kiosk at sa The Mansion facade.
Kung gusto mong mag-horseback riding sa Baguio, maraming kabayo na puwedeng pagpilian sa Wright Park, so hindi mo na kailangan lumayo sa city center.
Location: Wright Park, Pacdal Circle, Baguio City
Opening Hours: Daily, 6:00 AM – 7:00 PM. Maaring mabago ang schedule kaya i-check muna ang official website or Facebook page para sa updates bago pumunta.
Entrance Fee: FREE
Good Shepherd Products
Ang Good Shepherd Convent ay isang quintessential pasalubong stop sa Baguio kung saan pinipilahan ng mga turista ang kanilang signature ube jam at iba pang favorite products. Malapit lang ito sa Mines View Park na isa rin sa mga popular na dinarayo ng mga turista.
Special at fulfilling din ang pagbili sa Good Shepherd dahil sa kanilang advocacy. May magandang reputation ang Good Shepherd dahil sa quality products na binebenta nila for a cause. Saan napupunta ang pera mo? I-check mo ang packaging (madalas na naka-print ito sa lid): “You help send us to college each time you buy our products”. Ang proceeds ay gagamitin para sa college education ng Cordillera youth.
Ang iba pa nilang mga products ay strawberry jam (seasonal), blueberry jam (seasonal), peanut cluster, cashew brittle, lengua, snowballs, angel cookies, choco flakes, alfajor cookies, banana chips, sampaloc candy, and more. Mayroon silang strict ordering system — isusulat mo muna ang orders mo, pipila ka, at pagkatapos ay ibibigay mo ang order at bayad sa attendant.
Huwag din kalimutan na subukan ang ilan sa Take Out Products nila na snack/merienda items. Keep in mind na kapag peak season, mahaba ang pila at may order limit din per person.
Location: Good Shepherd Convent, 15 Gibraltar Road, Baguio City
Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 5:00 PM. Maaring mabago ang schedule kaya i-check muna bago pumunta.
Entrance Fee: FREE
Picnic at Camp John Hay
Dahil malamig ang temperature sa Baguio, maraming tourists ang gustong mag-outdoor picnic kasama ang mga kaibigan at pamilya. Magdala ng sariling pagkain at i-ready ang mga kailangan ninyo para sa masayang bonding activity kasama ang mga loved ones habang ina-appreciate ang natural scenery.
Puwede kang maglatag ng mat sa chosen spot o humanap ng picnic table. May picnic spot sa Camp John Hay na nagpo-provide ng mga picnic tables for rent. Ang rate ay P200 para sa first three hours at P300 kapag nag-exceed na. Huwag kalimutan linisin ang mga kalat ninyo after mag-picnic.
Cemetery of Negativism
Ang Cemetery of Negativism, na tinatawag din na Lost Cemetery, ay nasa slope ng hill sa pagitan ng Bell House at Camp John Hay Picnic Area. Ito ay pinagawa noong early 1980s ng commanding general ng base na si John Hightower. Pero unusual ang sementeryo na ito. Instead of libingan ng mga tao, isa itong symbolic place para ilibing ang mga negativities. Ang mga grave markers ay may mga witty at punny “eulogies” na kailangan ng koting sarcasm para maintindihan.
Sa isang grave marker ay may nakasulat na “Itz Not Possible”, conceived November 11, 1905 pero “still not born”. Sa isa naman ay may nakalagay na “Know Dam Way”, at sa ibaba nito, “Conceived New Years Eve 1910. Didn’t work out.” Oh, di ba? Kung naghahanap ka ng something unique, funny, at inspiring, pumunta ka dito at alisin ang bad vibes.
Location: Historical Core, Camp John Hay, Baguio City
Opening Hours: Daily, 9:00 AM – 6:00 PM. Maaring mabago ang schedule kaya i-check muna ang official website or Facebook page para sa updates bago pumunta.
Entrance Fee: P75 (ang fee na ito ay magbibigay din sa’yo ng access sa Bell House)
Yellow Trail
Ang Yellow Trail, na tinatawag rin na Forest Bathing Trail, ay may 1.5 kilometers ang haba around sa pine-covered grounds ng Camp John Hay. Kino-connect ng walking path na ito ang Le Monet at Tree Top Adventure — ang dalawang jump-off points.
Mula sa Tree Top Adventure, ang end ng trail ay ang Scout Hill. Kung gusto mo ng challenge, piliin mo ang paakyat na route na starting sa Le Monet papunta sa Scout Hill. Kung gusto mo namang ma-enjoy ang nature sa mas madaling way, piliin mo ang reverse downhill route beginning sa Scout Hill going to Le Monet Hotel.
Location: Camp John Hay (Scout Hill or Le Monet Hotel), Baguio City
Opening Hours: Ang trail ay open 24/7 pero advisable na mag-hike during the day.
Entrance Fee: FREE
Tree Top Adventure
Adrenaline junkie ka ba? Kung oo, para sa’yo ang Tree Top Adventure sa loob ng Camp John Hay! Ang adventure park na ito ay may mga thrilling activities na magpapa-excite sa ’yo.
Ang pinaka sikat na attractions ay ang Superman Ride (zipline), Canopy Ride, at Tree Drop (harnessed free fall). Kung mayroon kang kasama na hindi mahilig sa extreme activities, puwede pa rin nilang magamit ang consumable entrance fee na P100 para sa trekking o para sumakay sa cable cars/seats sa viewpoint. Bawat ride/attraction ay may additional payment pero ang 100-peso entrance fee ay mababawas dahil consumable ito. Puwede mong i-customize ang package ayon sa gusto mo, at siyempre, ang rate ay depende sa choices mo.
Rates:
- Tree Drop – P150
- Skywalk + Trekking – P150
- Silver Surfer Ride – P200
- Canopy Ride – P250
- Superman Ride – P300
- Canopy Ride + Silver Surfer – P400
- Canopy Ride + Superman Ride – P500
- Canopy Ride + Silver Surfer + Superman Ride – P700
- All Activities – P900
Location: Scout Hill Dr, Camp John Hay, Baguio City
Opening Hours: Ang usual daily schedule ay from 8:00 AM to 5:00 PM. Posibleng magbago ang schedule depende sa weather.
Dress Code: Puwede ang shorts pero siguraduhin na hindi ito mas maikli sa two inches above the knee.
Bell House
Matatagpuan din sa perimeter ng Camp John Hay at hindi nalalayo sa Tree Top Adventure ang Bell House na ipinangalan kay General J Franklin Bell.
Ito ay dating official holiday residence ng Commanding General ng Pilipinas na ginawang museum. Makikita sa well-preserved bulding na ito ang American colonial architectural style. Meron itong amphitheater na nagsisilbi rin na garden.
Location: Historical Core, Camp John Hay, Baguio City
Opening Hours: Daily, 9:00 AM – 5:00 PM. Maaring mabago ang schedule kaya i-check muna ang official website or Facebook page para sa updates bago pumunta.
Entrance Fee: P75 (ang fee na ito ay magbibigay din sa’yo ng access sa Cemetery of Negativism)
La Trinidad Strawberry Farm
Thirty minutes north mula sa Baguio ay ang isa sa pinakasikat na strawberry farms sa lugar — ang La Trinidad Strawberry Farm. Madalas itong ma-associate sa Baguio City pero nasa La Trinidad talaga ito. Ito ay pinapatakbo at pagmamay-ari ng Benguet State University.
Ang strawberries dito ay P360-P400 per kilo. Kung gusto mo ma-experience na mamitas ng strawberries na siyang main attraction dito, kailangan mong magbayad ng additional P200. Ang strawberry picking season ay mula November to May.
Mayroon din pasalubong center sa farm kung saan may mga stalls na nagtitinda ng iba’t ibang klase ng produkto na gawa sa strawberries at iba pang sikat na produkto ng region. Huwag din kalimutan mag-avail ng strawberry taho at strawberry ice cream! Bukod sa strawberry products, mayroon ding mga fresh produce at halaman dito.
Location: Barangay Betag, La Trinidad, Benguet
Opening Hours: Daily, 7:00 AM – 7:00 PM. Posibleng magbago ang schedule depende sa weather at iba pang mga conditions.
Rates: FREE (Entrance Fee); Ang rate para sa Strawberry-picking Group Experience ay P600. Ang rate na ito ay para sa 5 na tao.
Bell Church
Ang Bell Church ay located din sa Barangay Balili malapit sa StoBoSa at sa border ng Baguio at La Trinidad. Ito ay isang temple na itinayo ng Chinese immigrants mula sa Canton (Guangzhou) noong 1960.
Ang serene atmosphere at view habang nag-iikot sa courtyard ay nakaka-attract sa mga turista papunta sa temple na dahilan kaya ito naging major tourist destination. Meron din itong maliit na lily pond.
Location: FA 347 Bell Church Road, La Trinidad, Benguet
Opening Hours: 6:00 AM – 5:00 PM. Paalala na nagsasara ito tuwing lunchtime between 12:00 PM and 1:30 PM. Maari rin mabago ang opening schedule kaya i-check muna bago pumunta.
Entrance Fee: FREE
Colors of StoBoSa
Ang Colors of StoBoSa ay isa pang popular na tourist attraction sa La Trinidad. Tinatawag ito na StoBoSa Hillside Homes Artwork officially at ito ay produkto ng collaboration ng DOT-CAR at Tam-Awan Village group kung saan lagpas 500 residents/volunteers ang na-mobilize nito.
Covered ng malawak na mural na ito ang hillside houses sa tatlong sitio sa Barangay Balili na tinatawag na StoneHill, Botiwtiw, at Sadjap, kaya ito tinawag na “StoBoSa”. Ang Colors of StoBoSa ay ni-launch sa public noong 2016.
Location: Barangay Balili, La Trinidad, Benguet
Opening Hours: 24/7
Entrance Fee: FREE
Baguio Food Trip
Pride ng Baguio ang kanilang strong local culinary scene. Maraming innovative dishes at food products na makikilala mo agad na tatak “Baguio” ang naimbento ng mga local para magamit ang mga ingredients na marami sa region na ito. Nandiyan ang strawberry ice cream at strawberry taho. Puwede ka rin mag-food trip sa night market, Burnham Park, Ili-Likha, Good Sheperds, at Session Road na ilan sa mga puwede mong puntahan.
Bukod sa mga homegrown restaurants at products, marami rin iba’t ibang cuisine sa Baguio. May international flavors — Korean, Japanese, American, Chinese, Vietnamese, at iba pang Filipino dishes mula sa labas ng region.
Ili-Likha Artist’s Wateringhole
Along Assumption Road ay ang peculiar na Ili-Likha Artist’s Wateringhole na kilala rin bilang Ili-Likha Artist Village. Itinayo ito ng artist at filmmaker na si Eric de Guia na mas kilala sa alias na Kidlat Tahimik. Ang dating vacant lot ay naging isang whimsical treehouse-themed food park na opisyal na binuksan sa publiko noong 2014.
Purpose nito na ipakita ang importance ng pag-preserve ng nature at culture through arts at pagkain. Isa itong evolving work of art na maraming interesting corners at iconic features tulad ng mosaic-covered staircase.
Ang homegrown restaurants ay nagse-serve ng healthy, preservative-free, at organic food. Ang ilan sa mga restaurants na ito ay Balbacua, Leandro’s Bistro, Yomichee, Ibana, Little Milkyway Vegan Cafe, Oh My Gulay, Cafe Cueva, Kape Kullaaw, Waynu, Scout Burrows, at Natengan Ed Ili.
Meron din mga arts and crafts shops dito na nagho-host ng events at workshops. Ang buong lugar ay photo-worthy at mae-enjoy ng mga visitor ang relaxing at creative atmosphere.
Location: Ili-Likha Artists Village, 32 Assumption Road, Baguio City
Opening Hours: Daily, 10:00 AM – 6:00 PM. Maaring mabago ang schedule kaya i-check muna ang official website or Facebook page para sa updates bago pumunta.
Entrance Fee: FREE
Baguio Craft Brewery and Craft 1945
Kung ikaw yung type na gustong nagta-try ng local craft beers o kung trip mo lang ng chill na dinner-and-beer type of night sa Baguio, may mga watering holes sa city kung saan puwede kang uminom ng beer.
Isang favorite ng locals at mga turista ang Baguio Craft Brewery. Meron silang wide selection ng craft beers, kasama na ang signature craft beers nila na pinangalan sa mga mythic characters ng Ifugao.
Ang Craft 1945, na partly managed by Baguio Craft Brewery, ay isang Spanish-themed restaurant na nagse-serve ng premium craft beers, tapas, at iba pang Spanish dishes.
Ito ang kanilang address at operating hours:
Baguio Craft Brewery
4 Ben Palispis Highway, KM 4, Baguio City
Monday to Friday: 5:00 PM – 12:00 AM
Saturdays & Sundays: 1:00 PM – 12:00 AM
Craft 1945
9 Outlook Drive S, Baguio City
Daily, 1:00 PM – 9:00 PM
Paalala: Maaring mabago ang opening hours kaya mas mabuti na i-check muna sa official websites or Facebook pages nila bago pumunta.
Benguet Coffee
Dahil sa mataas na altitude at malamig na temperature ng city, isa ang Baguio sa mga best places sa Pilipinas para mag-grow ng coffee. Nagkalat ang kape rito at hindi ka mahihirapan maghanap ng Benguet coffee kapag nandito ka.
Makakabili ka rin nito sa public market o sa cafes tulad ng Kape Umali na pinakamalaking coffee supplier sa probinsya at sa ibang parte ng Northern Luzon. Ang cafe ay nagse-serve ng traditional brews at ng specialty brews tulad ng liquor coffee at gourmet coffee. Puwede mo rin ma-enjoy ang music at ma-appreciate ang artworks sa gallery ng cafe! May tatlong branches sila na nasa Shangri-la Village, Mine’s View at Baguio Market.
Strawberry Taho
Huwag palampasin ang strawberry taho fix when in Baguio! Marami nito dito lalo na sa mga sikat na tourist spots tulad ng Burnham Park, Session Road, at Mines View Park.
Ang taho ay distinct Filipino snack na gawa sa silken soybean curd (tofu), brown sugar syrup, at tapioca (sago pearls). Dahil maraming strawberries sa area, gumawa ang locals ng sarili nilang version kung saan pinalitan nila ng strawberry syrup ang brown sugar syrup.
Traditionally, tinitinda ang taho sa umaga, pero ngayon, makakabili na rin nito any time of the day, depende sa availability.
Strawberry Ice Cream
Talagang sinusulit ng locals ang kanilang strawberries sa paggamit nito para lagyan ng twist ang mga regular snacks. Isa na rito ang sarili nilang strawberry-flavored ice cream. Hindi man bago sa market ang strawberry ice cream, iba naman ang lasa ng nasa Baguio. Pero in a good way.
Para sa amin, ang pinakamasarap na natikman namin ay nasa La Trinidad Strawberry Farm. Pero kung hindi ka pupunta dito, marami ka ring mahahanap nito sa downtown Baguio.
Shop for plants and flowers.
Dahil sa chilly atmosphere sa Baguio, maraming halaman at bulaklak ang tumutubo dito.
Maraming plant nurseries at gardens sa buong city na nagbebenta ng iba’t ibang uri ng halaman — flowering, herbs, at ornamental.
Sa dami ng choices dito, siguradong matutuwa ang mga veteran at newbie plantitos at plantitas sa mga bloom at foliage babies.
Grab a walis tambo!
Isa ang walis tambo sa laging una sa list ng mga pasalubong mula Baguio, lalo na ng mga mothers at aunties natin. Lagi silang bumibili o kaya naman nagsasabi sa mga relatives na pumupunta sa Baguio. Aminin yan. Haha!
Ang majority sa kanila ay ito ang dahilan kung bakit gustung-gusto nila ang walis tambo galing Baguio — mas matibay at mas makapal.
Baguio City Tours
Kung gusto niyo ng dagdag kaalaman habang naglilibot kayo sa Baguio, puwede kayo sumali sa mga guided city walking tours. May iba’t ibang options, depende sa trip niyo o ng grupo niyo — Historical Tour, Creative Tour at Instagram Tour. Ang duration ng mga walking tours na ito ay three to four hours. May kasama na kayong guide na magbabahagi ng karagdagang information about sa mga stops ng tour.
✅ HISTORICAL WALKING TOUR: Check Packages & Book Here!
✅ CREATIVE WALKING TOUR: Check Packages & Book Here!
✅ INSTAGRAM WALKING TOUR: Check Packages & Book Here!
Top Baguio Hotels
Ito ang ilan sa mga top hotels na may Certificate of Authority to Operate (CAO) mula sa Department of Tourism sa Baguio.
- GRAND SIERRA PINES HOTEL
✅ Check Rates & Photos Here! - G1 LODGE DESIGN HOTEL
✅ Check Rates & Photos Here! - THE MANOR AT CAMP JOHN HAY
✅ Check Rates & Photos Here! - THE FOREST LODGE AT CAMP JOHN HAY
✅ Check Rates & Photos Here! - BAGUIO LEFERN HOTEL MILITARY CUT-OFF
✅ Check Rates & Photos Here! - V HOTEL AND APARTEL
✅ Check Rates & Photos Here!
Comments