Top 20 Tourist Spots in CORON (Tagalog)

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Kapag nabanggit ang Coron, kadalasan na unang pumapasok sa isip ng marami sa atin ay ang image ng matataas na karst cliffs na nakapalibot sa mga lagoon at lakes. Naging iconic na ang mga limestone walls na ito. Aside sa mga ito, marami pang ibang bagay na makikita rito — lagoons, beaches, at mga dive sites. Meron din silang rare saltwater hot springs at African safari.

PHBEACHKLOOK

Ang Coron ay bahagi ng Calamianes or Calamian Islands. Ito ang tourism hub sa area na ito kaya naman maraming mga tour operator offices, hotels, hostels, at guesthouses ang matatagpuan dito. Naging reason din ito para maging major jump-off point ang Coron papunta sa mga tourist attractions sa mga kalapit na islands at municipalities.

Karamihan ng mga attractions na ito ay mapupuntahan bilang part ng isang organized tour — puwedeng mag-rent ng private ride o sumali ng group tour. Puwede rin naman mag-DIY kung kaya mo or ng group mo.

NOTE: Puwedeng magbago ang mga rates at opening hours kaya siguraduhing i-check ang official websites o Facebook pages bago ka pumunta.


Kayangan Lake

Before makarating sa mismong lake, may magandang view ng malinaw at asul na tubig na magwe-welcome sa mga tourists habang nagte-trek papunta papunta sa Kayangan Lake. Ang image na ito mula sa view deck ay ang madalas na makikita kapag hinanap ang Kayangan Lake sa internet. In fact, ito ay yung view kung saan usually nagda-dock ang mga tour boats.

Mararating mo ang scenic lake na ito after ng 15-minute trek. Medyo challenging pero sigurado naman na worth it. Kinilala ito bilang isa sa “cleanest lakes in the Philippines”. Mahalaga rin na malaman na ang area ay mine-maintain ng local Tagbanua tribe. Puwedeng lumangoy at i-appreciate ang surrounding rock formations. Mas okay na pumunta ng maaga para maiwasan ang maraming tao.

May mga discounted rates sa Klook! Check niyo ang mga inclusions bago mag-book. Kasama ang Kayangan Lake sa itinerary ng Coron Tour A at Coron Super Ultimate Day Tour.

CHECK CORON TOUR A RATES & BOOK HERE!

CHECK CORON SUPER ULTIMATE DAY TOUR RATES & BOOK HERE!

Entrance Fee: P300
Tour Guide Fee: P500
Private Boat Rate: P2,700 (2-4 pax) / P3,250 (5-8 pax) / P3,800 (9-15 pax). Mag-book sa Calamian Tourist Boat Association. Ang entrance fees, guide fee, at pagkain ay hindi kasama sa rates na nabanggit.
Join-In Group Tour: P1,500 – P2,800 per person (ALL IN). I-check muna ang itinerary at inclusions bago mag-book.


CYC Beach

Namamangha ang mga local at foreign tourists sa beach na ito dahil sa clear waters, fine white sand, at picturesque beachscape featuring mangrove trees at rock formations. Ang Coron Youth Club (CYC) Beach ay usually kasama sa itinerary ng Coron Tour A at Coron Super Ultimate Day Tour.

Puwede kang makakuha ng discounted rates kapag nag-book ka sa Klook!

CHECK CORON TOUR A RATES & BOOK HERE!

CHECK CORON SUPER ULTIMATE DAY TOUR RATES & BOOK HERE!

Entrance Fee: FREE
Tour Guide Fee: P500
Private Boat Rate: P2,700 (2-4 pax) / P3,250 (5-8 pax) / P3,800 (9-15 pax). Mag-book sa Calamian Tourist Boat Association. Ang entrance fees, guide fee, at pagkain ay hindi kasama sa rates na nabanggit.
Join-In Group Tour: P1,500 – P1,800 per person (ALL IN). I-check muna ang itinerary at inclusions bago mag-book dahil minsan hindi kasama sa itinerary ng ilang tour packages ang CYC Beach.


Siete Pecados

If curious ka sa kung ano ang mayroon sa underwater scene ng Coron, makikita mo sa Siete Pecados Marine Park ang diverse at vibrant na sub-aquatiq ecosystem. Bukod sa iba’t ibang marine species, makikita rin dito ang makulay na coral garden na gustong-gusto ng divers at pati na rin ng snorkelers.

Photo provided by Klook

Mag-book gamit ang Klook! Kasama ang Siete Pecados sa itinerary ng Coron Tour A at Coron Super Ultimate Day Tour.

CHECK CORON TOUR A RATES & BOOK HERE!

CHECK CORON SUPER ULTIMATE DAY TOUR RATES & BOOK HERE!

Entrance Fee: P100
Tour Guide Fee: P500
Private Boat Rate: P2,700 (2-4 pax) / P3,250 (5-8 pax) / P3,800 (9-15 pax). Mag-book sa Calamian Tourist Boat Association. Ang entrance fees, guide fee, at pagkain ay hindi kasama sa rates na nabanggit.
Join-In Group Tour: P1,500 – P2,800 per person (ALL IN). I-check muna ang itinerary at inclusions bago mag-book.


Barracuda Lake

Ang Barracuda Lake ay isa pang kilalang lake sa Coron Island na bukas sa publiko. Bakit Barracuda? Sinasabing pinangalan ito sa napakalaking skeleton ng barracuda fish na natagpuan sa ilalim ng lake.

Tulad ng Kayangan Lake, meron itong brackish water o kombinasyon ng saltwater at freshwater, pero ang mas interesting dito, lalo na para sa mga divers, ay ang thermocline — layers ng cold, warm, at hot waters. Siguraduhing sundin ang safety regulations kapag lalangoy o magda-diving.

If fan ka ng Klook, kasama ang Barracuda Lake sa Coron Tour B at Coron Super Ultimate Day Tour.

CHECK CORON TOUR B RATES & BOOK HERE!

CHECK CORON SUPER ULTIMATE DAY TOUR RATES & BOOK HERE!

Entrance Fee: P250
Tour Guide Fee: P500
Private Boat Rate: P2,700 (2-4 pax) / P3,250 (5-8 pax) / P3,800 (9-15 pax). Mag-book sa Calamian Tourist Boat Association. Ang entrance fees, guide fee, at pagkain ay hindi kasama sa rates na nabanggit.
Join-In Group Tour: P1,500 – P2,800 per person (ALL IN). I-check muna ang itinerary at inclusions bago mag-book.


Twin Lagoon

Double treat ito para sa mga turista! Ang Twin Lagoon ay may dalawang set ng paradise na pinaghihiwalay ng mababang karst wall.

Ang unang lagoon kung saan naka-dock ang mga bangka ay madaling maging crowded lalo na kapag noon or midday. Puwedeng makapunta sa pangalawang lagoon sa dalawang paraan, depende sa taas ng tubig: dumaan sa hagdan sa ibabaw ng bato kapag high tide o lumangoy papasok sa opening sa ilalim kapag low tide. Alin man sa dalawa ang gawin mo, siguraduhing mag-ingat kapag lilipat ng lagoon.

Puwede mong i-book ang tour na ito sa Klook! Kasama ang Twin Lagoon sa itinerary ng Coron Tour B at Coron Super Ultimate Day Tour.

CHECK CORON TOUR B RATES & BOOK HERE!

CHECK CORON SUPER ULTIMATE DAY TOUR RATES & BOOK HERE!

Entrance Fee: P200
Tour Guide Fee: P500
Private Boat Rate: P2,700 (2-4 pax) / P3,250 (5-8 pax) / P3,800 (9-15 pax). Mag-book sa Calamian Tourist Boat Association. Ang entrance fees, guide fee, at pagkain ay hindi kasama sa rates na nabanggit.
Join-In Group Tour: P1,500 – P2,800 per person (ALL IN). I-check muna ang itinerary at inclusions bago mag-book.


Banul Beach

Bukod sa mga lagoons at lakes, biniyayaan din ang Coron ng magagandang beaches, both sa mainland at sa mga islands nito. Ang Banul (or Banol) Beach ay may powdery white sand, limestone walls, at coral garden.

Ito ay ang usual lunch stop para sa mga island-hopping tours, pero hindi lagi. Ang ilang tour operators ay nagpupunta sa ibang lugar para sa kanilang lunch stop kapag quota na sa traffic capacity ng beach.

Puwedeng maka-score ng magandang deal kapag nag-book ka sa Klook! Kasama sa itinerary ng Coron Tour B at Coron Super Ultimate Day Tour ang Banul Beach bilang lunch stop.

CHECK CORON TOUR B RATES & BOOK HERE!

CHECK CORON SUPER ULTIMATE DAY TOUR RATES & BOOK HERE!

Entrance Fee: P150
Tour Guide Fee: P500
Private Boat Rate: P2,700 (2-4 pax) / P3,250 (5-8 pax) / P3,800 (9-15 pax). Mag-book sa Calamian Tourist Boat Association. Ang entrance fees, guide fee, at pagkain ay hindi kasama sa rates na nabanggit.
Join-In Group Tour: P1,500 – P2,800 per person (ALL IN). I-check muna ang itinerary at inclusions bago mag-book.


Malcapuya Island, Bulog Dos & Banana Island

Ang mga island destination na ito ay bagay na bagay sa mga gustong mag beach bumming at swimming. Ang tatlong ito ay may magkakaparehas na features — powdery white sand beaches, clear blue waters, at rock formations. Pero may kanya kanya pa rin silang charm kaya mas ma-aappreciate mo ang natural attractions ng Coron.

Photo provided by Klook

Ang tatlong ito ay kadalasang kasama sa Malcapuya Island Tour na tinatawag din Island Escapade Tour o Beaches Tour. Kasama rin sa itinerary ng ilang packages ang Malaroyroy Island at Ditaytayan Island.

If magbu-book ka gamit ang Klook, kasama sa itinerary ng Coron Tour C ang tatlong attractions na ito. Kasama naman sa Coron Island Escapade Day Tour itinerary ang Malcapuya Island at Bulog Dos. I-check ang iba pang inclusions.

CHECK CORON TOUR C RATES & BOOK HERE!

CHECK CORON ISLAND ESCAPADE DAY TOUR RATES & BOOK HERE!

Entrance Fee: P250 (Malcapuya Island) / P250 (Bulog Dos) / P250 (Banana Island)
Tour Guide Fee: P500
Private Boat Rate: P4,350 (4 pax) / P5,450 (8 pax) / P7,100 (15 pax). Mag-book sa Calamian Tourist Boat Association. Ang entrance fees, guide fee, at pagkain ay hindi kasama sa rates na nabanggit.
Join-In Group Tour: P1,500 – P2,800 per person (ALL IN). I-check muna ang itinerary at inclusions bago mag-book.


Calauit Safari

Safari sa Pilipinas? Yes! Hindi man totoong African Safari ang Calauit Safari Park, ito ay nagpo-provide ng experience na naiiba sa usual island destination activities sa Pilipinas. Ang isla ay nagpo-provide ng habitat para sa mga hayop na hindi native sa Pilipinas tulad ng giraffes at zebras.

Photo provided by Klook

Ang Calauit ay matatagpuan sa municipality ng Busuanga na nasa kabilang bahagi ng isla kaya matagal ang biyahe papunta rito. Para ma-reach ito, may dalawang options: ang mag-travel by sea o mag-travel by land.

Kung gusto mo ring puntahan ang Black Island, ang recommended way ay by boat. Ito ang iba pang stops kapag nag-travel ka by boat: Lusong Coral Garden/Gun Boat Wreck at Pamilacan Island. Kasama rin ito sa ilang packages: North Cay at South Cay.

Kung mas gusto mong magpunta by land, ang itinerary ay depende sa operator. Kasama ang 2-4 sa mga attractions na ito (bukod sa Calauit Safari) kapag by land: Conception Falls, Malbato Chapel, North/South Cay, Pamilacan Island, at Lusong Coral Garden/Gun Boat Wreck.

Puwede ka makakuha ng discount kapag binook mo sa Klook ang Coron Calauit Safari and Beach Tour!

CHECK INCLUSIONS & BOOK HERE!

Entrance Fee: P250 (Filipinos) / P400 (Regular)
Tour Guide Fee: P500
Private Boat Rate: P9,300 (2-4 pax) / P10,400 (5-8 pax) / P17,000 (9-15 pax). Mag-book sa Calamian Tourist Boat Association. Ang entrance fees, guide fee, at pagkain ay hindi kasama sa rates na nabanggit.
Join-In Group Tour: P2,500 – P3,000 per person (ALL IN). I-check muna ang itnerary at inclusions bago mag-book.


Black Island

Matatagpuan sa northwest ng Busuanga Island ang Malajon Island, o mas kilala sa mga locals at tourists as Black Island.

Intimidating itong tignan mula sa malayo dahil sa distinct feature nito na towering dark karst cliffs na nagde-define sa landscape ng island. Dino-dominate nito ang malawak na stretch ng white sand. Isa itong fun playgorund para sa mga beach lover.

Bukod sa snorkeling, diving, at beach-bumming, puwede ka ring mag-cave hunting dahil marami nito sa isla na bukas sa publiko. Ang pinakamalaki sa mga caves ay puwedeng ma-reach after umakyat sa maikling ladder. May mga pools ito na may crystal clear water. May mga stalactites sa ceiling nito at sa mga pader naman ay may mga bato na nababalutan ng sparkling white silica. Madalas na parte ng Calauit Safari Tour by sea ang Black Island.

Puwede ka mag-book sa Klook!

CHECK INCLUSIONS & BOOK HERE!

Entrance Fee: P200
Tour Guide Fee: P500
Private Boat Rate: P9,300 (2-4 pax) / P10,400 (5-8 pax) / P17,000 (9-15 pax). Mag-book sa Calamian Tourist Boat Association. Ang entrance fees, guide fee, at pagkain ay hindi kasama sa rates na nabanggit.
Join-In Group Tour: P2,500 – P3,000 per person (ALL IN). I-check muna ang itnerary at inclusions bago mag-book.


Pamalican Island

Mayroong dalawang Pamalican Islands sa Palawan: ang mas kilala ay nasa Cuyo na exclusively owned ng Amanpulo; ang isa naman ay nasa Busuanga at easily accessibe mula Coron.

Photo Credit: The Poor Traveler

Nasa west ng Busuanga ang 50-hectare na isla na ito na may malawak na shores at natatabunan ng makapal na forest. Perfect na lugar ito para sa beach lovers na gustong mag-swimming o mag-relax lang sa beach. Kadalasan ay parte ng Calauit Safari Tour itinerary ang Pamalican Island.

Entrance Fee: P100
Tour Guide Fee: P500
Private Boat Rate: P9,300 (2-4 pax) / P10,400 (5-8 pax) / P17,000 (9-15 pax). Mag-book sa Calamian Tourist Boat Association. Ang entrance fees, guide fee, at pagkain ay hindi kasama sa rates na nabanggit.
Join-In Group Tour: P2,500 – P3,000 per person (ALL IN). I-check muna ang itnerary at inclusions bago mag-book.


Lusong Coral Garden & Gun Boat

Ang Lusong Coral Garden ay isa sa mga usual stops sa Calauit Safari Tour itinerary. Maganda ang activity na ito at enjoyable hindi lang para sa mga marunong mag-dive pero para rin sa mga kuntento na sa pag-snorkel.

Photo provided by Klook

Maganda ang underwater scene ng malawak ng coral garden na ito — may mga marine creatures na paikot-ikot sa iba’t ibang formation ng makukulay na corals. Makikita rin sa Lusong ang shipwreck ng World War II gunboat.

May ino-offer ang Klook na Coron Reefs and Wreck Day Tour kung saan kasama sa itinerary ang Lusong Coral Garden at Gun Boat.

CHECK INCLUSIONS & BOOK HERE!

Entrance Fee: P100
Tour Guide Fee: P500
Private Boat Rate: P9,300 (2-4 pax) / P10,400 (5-8 pax) / P17,000 (9-15 pax). Mag-book sa Calamian Tourist Boat Association. Ang entrance fees, guide fee, at pagkain ay hindi kasama sa rates na nabanggit.
Join-In Group Tour: P2,500 – P3,000 per person (ALL IN). I-check muna ang itnerary at inclusions bago mag-book.


Shipwreck Diving

Dahil sa labanan sa pagitan ng US Navy at Imperial Japanese Navy noong 1944 sa kasagsagan ng World War II, may halos isang dosenang sunken warships sa ilalim ng Coron Bay. Ang shipwreck diving sites ay maikling boat ride lang mula sa mainland at nasa level ng recreational diving depth. Ang colossal wartime vessel wrecks ay sinasabing ilan sa mga best-preserved sa mundo.

Ilan sa mga kilalang wreck ay ang Irako, Olympia Maru, Okikawa Maru, Kogyo Maru, Akitsushima, at Morazan. Maraming dive operators sa Coron Town kaya madali lang mag-book ng diving tour dito.


Coron Town Tour

Hindi lang puro island hopping at beach activities ang mayroon sa Coron. May mga attractions din sa town center para sa mga interasadong makita kung paano ang buhay ng locals dito.

Photo provided by Klook

Ito ang mga usual stops:

  • Public Market
  • Souvenir Shops
  • Town Plaza
  • Lualhati Park
  • St. Augustine Church
  • Maquinit Hot Springs
  • Mount Tapyas

Kasama rin sa stops ng ibang tours ang cashew nuts factory. Posibleng gawin ang tour na ito on your own dahil karamihan ng stops ay accessible by tricycle and on foot, pero mas maganda pa rin itong gawin na may kasamang tour guide na magpapaliwanag sa iyo ng significance ng mga lugar na ito para sa mga locals.

Kung gusto mong sumali ng group tour, puwede kang mag-book ng Coron Town Half-Day Tour sa Klook. Madalas na may discounted rates ang Klook para sa tour packages.

CHECK INCLUSIONS & BOOK HERE!

Rates: Maquinit Hotsprings P200 (Entrance Fee) / P350 (Roundtrip Tricycle Fare) / FREE (Mount Tapyas Entrance)
Join-In Group Tour: P700 – P1,600 per person. I-check muna ang itinerary at iba pang inclusions sa tour bago mag-book.


Mount Tapyas

May taas na 210 meters ang Mount Tapyas at nagpo-provide ito ng panoramic view ng paligid nito. Sa summit ay matatagpuan ang isang giant cross. Kapag sunset o sunrise, makikita mo rin ang magagandang kulay ng kalangitan.

Photo Credit: The Poor Traveler

Para marating ang peak, kailangan mong akyatin ang 700 concrete steps. Pero huwag mag-alala dahil may mga rest stops at mga upuan along the way. Para sa mga hindi talaga hilig ang hiking, puwede kang huminto at magpahinga sa isa sa mga resting areas.

Para makarating sa base ng Mount Tapyas, puwede kang maglakad papunta sa paanan ng burol mag-isa (DIY style) o kaya naman ay mag-rent ng tricycle. Kung gusto mo ng hassle-free na trip, puwede kang mag-book ng Coron Town Tour. Ano man ang choice mo, make sure na magdala ng enough na tubig at sun protection para sa activity na ito.

Puwedeng makakuha ng promo rates kapag nag-book ka ng Coron Town Tour sa Klook!

CHECK INCLUSIONS & BOOK HERE!

Entrance Fee: FREE
Join-In Group Tour: P700 – P1,600 per person. I-check muna ang itinerary at iba pang inclusions sa tour bago mag-book.


Maquinit Hot Springs

Pagkatapos ng island-hopping escapade o ng Mount Tapyas hike, perfect place ang Maquinit Hot Spring para i-conclude ang araw. Nakaka-engganyo ng mga local at foreign na tourists ang hot spring bath kahit na medyo malayo ito sa town center.

Puwede kang mag-book ng tour o mag-hire ng tricycle papunta rito. Ang roundtrip tricycle fare ay nasa P350. Ang travel time ay nasa 30 minutes mula sa town center.

Madalas na kasama ang Maquinit Hot Spring sa Coron Town Tour package. Kung gusto mong mag book ng tour, makakakuha ka ng promo rates kapag nag-book ka sa Klook!

CHECK INCLUSIONS & BOOK HERE!

Entrance Fee: P200
Join-In Group Tour: P700 – P1,600 per person. I-check muna ang itinerary at iba pang inclusions sa tour bago mag-book.


Fireflies and Plankton Tour

Highly recommended namin ito! Isang magical experience ang tour na ito na paniguradong hindi mo makakalimutan! Nagiging luminous show ang paglabas ng mga fireflies at paglipad-lipad nila sa paligid ng mga mangroves sa gabi. Pero hindi rito natatapos ang experience. May natural illumination din kapag tumingin ka sa ibaba at dinip mo ang kamay mo sa tubig dahil magkakaroon ng magical trail dahil sa mga bioluminescent planktons.

Puwede mo itong i-avail sa Calamian Islands Travel and Tours. Kasama sa tour ang buffet dinner, transfers, at kayak fees. Tandaan na group tours lang ang mayroon dito at walang private tours. Sinubukan naming kumuha ng photos at videos pero masyadong madilim.

Join-In Group Tour: P950 per person
Tour Duration: Pick-up at 6:00 PM. The end of the tour and return to the hotel is at 9:30 PM.


Parasailing

Isa itong thrilling ways para makita at ma-experience ang Coron. Kung gusto mo ng panoramic views ng natural riches ng area from above pero ayaw mong mag-hike paakyat ng bundok, puwede kang mag-parasailing. Mararamdaman mo ang hangin na yumayakap sa iyo habang pinagmamasdan mo ang napakagandang scenery mula sa itaas.

Photo provided by Klook

Maraming parasailing packages na ino-offer sa Coron. Meron package ang Klook na may tatlong options. Puwede kang mag-solo o puwede mo ring ma-experience ito kasama ng mga kaibigan o pamilya mo kung ang ibu-book mo ay ang double o triple flyer. Ang All-In Watersports Experience package ng Klook ay para sa mga gustong maka-experience ng iba pang watersports bukod sa parasailing.

BOOK PARASAILING EXPERIENCE HERE!

CHECK ALL-IN WATERSPORTS OPTIONS HERE!


Water Sports

Bukod sa mga island-hopping tours, marami ring water sports activities sa Coron. Bawat operator ay may iba’t ibang package na may magkakaibang inclusions o nagco-combine sa ibang tour o activities.

Photo provided by Klook

Piliin kung alin ang sakto sa interests, budget, at itinerary mo. Ang ilan sa mga options ay ang sumusunod:

  • Banana Boat
  • Fly Fish
  • Clear Kayak Boat
  • Jet Ski

Makakakuha ka ng discounted rate kapag nag-book ka sa Klook! Kung gusto mong tingnan ang rates at inclusions, ito ang ilan sa mga water sports activities na ino-offer. Ang karamihan ng tours ay may kasamang “Clear Kayaking” activity.

CHECK BANANA BOAT INCLUSIONS HERE!

CHECK FLY FISH INCLUSIONS HERE!

CHECK JET SKI RATES HERE!

CHECK ALL-IN WATERSPORTS OPTIONS HERE!


Culion Island

Bahagi rin ng Calamianes ang Culion Island kaya naman considered ito na isa sa mga day trip destinations mula sa Coron. Dahil sa pagiging pinakamalaking leper colony sa buong mundo, na-isolate sa buong mundo ng halos isang daang taon ang Culion. At noong 2006, idineklara itong leprosy-free area ng World Health Organization (WHO).

Photo Credit: The Poor Traveler

Ngayon ay unti-unting nagiging tourist destination ang island town. Pero medyo challeging ang pagpunta sa Culion dahil hindi pa nade-develop ang ruta kaya mas konti ang tao rito kumpara sa kalapit na Coron at Busuanga.

Ilan sa mga attractions ay ang Culion Museum and Archives, Culion Church, Aguila Viewpoint, Balanga Falls, San Ignacio Farm, Pulang Lupa, at ang mga diving/snorkeling sites. Ang unang tatlo ay madalas na included sa Culion Town Historical Tour. Kung magjo-join kayo ng island hopping tour, ilan sa mga usual na pupuntahan ay Malcapuya Island, Banana Beach, Bulog Bulog Beach, at Bogor Marine Park.

Kung plano mo mag-overnight, ang cheapest option ay sumakay ng passenger boat mula Coron. Isang trip per day per way lang ito. Ang departure time mula Coron ay 1:30 PM. Ang trip pabalik sa Coron ay naka-schedule ng 7:00 AM the next day. Nasa 90 minutes ang travel time. Paalala na puwedeng magbago ang mga oras na ito depende sa weather conditions at iba pang reasons.

Passenger Boat Fare: P180 + P20 (Terminal Fee)
Day Tour from Coron: Approximately P1,200 per person
Private Boat Roundtrip: P3000/1-4 pax, P3500/5-8 pax, P6000/10-15 pax
Getting There: Puwede mag-hire ng private boat via Calamian Tourist Boat Association. Ang office nila ay matatagpuan sa Lualhati Park, sa likod ng public market. Ang rate ay nakadepende sa dami ng pasahero at itinerary. May kamahalan ang presyo nito at ideal ito para sa malalaking grupo. Puwede rin sumali sa group day tour mula sa Coron. Mas mura ang option na ito kung wala kang balak na mag-stay overnight sa island.


Seafood Galore

Dahil ang Coron ay world-famous island destination na may kaunting food sources, i-expect mo na may kamahalan ang pagkain dito. Oo, kahit seafood! Kung kakain ka sa restaurants, ang price range ng meals ay nasa P150 to P400.

Photo Credit: The Poor Traveler

Para bigyan ka ng idea, ang P150-meal sa proper sit-down resto ay may cup of rice at maliit ng serving ng Pinoy dish tulad ng adobo, tapa, o liempo. Kung gusto mo ng seafood, ang presyo ng grilled seafood ay nasa P200. Ang fruit shakes ay nasa P100 to P120.

Ilan sa mga restaurant na sinubukan namin ay:

  • Carl’s BBQ
  • KT’s Sinuhgba sa Balai
  • La Sirenetta
  • Kawayanan Grill Station
  • La Morena Cafe

Nire-recommend din ng locals ang Amigo’s Smokes and Grill at Santino’s Grill. Marami rin namang carinderia at ibang budget options para sa mga nagta-travel on a budget.

Note: Karamihan ng restaurants at cafes ay bukas lang kapag lunch time at dinner time. Ang lunch time ay mula 11:00 AM to 2:00 PM at ang dinner time ay 6:00 PM onwards.


Coron Tour Packages

Narito ang pinagsama-sama na ilan sa mga popular na tour packages sa area care of Klook:

Photo provided by Klook

CORON TOUR A: Check Itinerary & Book Here!

CORON TOUR B: Check Itinerary & Book Here!

CORON TOUR C: Check Itinerary & Book Here!

CORON CALAUIT SAFARI & BEACH TOUR: Check Itinerary & Book Here!

CORON TOWN TOUR: Check Itinerary & Book Here!

CORON SUPER ULTIMATE DAY TOUR: Check Itinerary & Book Here!

CORON ISLAND ESCAPADE DAY TOUR: Check Itinerary & Book Here!


Top Coron Resorts & Hotels

Ito ang ilan sa mga top-reviewed hotels at resorts sa Coron base sa score ng mga Agoda users.

For more options, search here: Palawan Hotels

Klook Code PHBEACHKLOOK


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.