Isa sa mga naging inspirations na maka-travel sa iba’t ibang lugar ay dahil sa HEKASI at History textbooks noong grade school at high school. Lagi ko naiisip na masarap siguro sa pakiramdam na mabisita at makita ng personal ang mga historic places na nakikita ko sa mga libro.
Magandang history teacher ang travel. Kaya if may opportunity na dumadating para ako ay maka-travel at makatungtong sa iba’t ibang lugar, sinusunggaban ko talaga ito. Marami talaga ako natututunan at nare-realize during and after ko makapag-travel. Kung ikaw ay history buff at naghahanap ka ng mga makasaysayang lugar sa Pilipinas na nasa iyong travel bucket list, ito ang ilan sa mga monumental sites sa bansa.
WHAT'S IN THIS GUIDE?
Intramuros, Manila
Tinuring na political, educational, at religious center ng Spanish Empire sa Pilipinas at historic core ng Manila, ang Intramuros ay dating opulent walled city na strategically placed sa kahabaan ng Manila Bay. Ito ang seat ng Spanish rule mula noong late 16th century hanggang 19th century. Ang walls ay ginawa sa pagitan ng 1590 at 1872 na nagsara sa dating buong city ng Manila.
Hanggang ngayon, marami pa ring significant landmarks dito tulad ng Manila Cathedral, San Agustin Church (UNESCO World Heritage Site), Casa Manila, Baluarte de San Diego, at Fort Santiago kung saan ikinulong ang pambansang bayani na si Jose Rizal.
Ang original na campus ng University of Santo Tomas at Ateneo de Manila ay dati ring nasa loob ng fortified city hanggang noong first half ng 20th century. Mayroon pa ring mga well-preserved structures dito tulad ng cobblestone streets, parte ng walls, at iba pang buildings.
Location: Intramuros, District V, Manila, NCR
Binondo, Manila
Sa kabilang side ng Pasig River, pagtawid ng Jones bridge ay makikita ang malaking New Binondo Chinatown Arch na bumabati sa mga commuter at mga nakatira sa lungsod.
Itinayo noong 1594, Binondo ang una at pinaka-matandang Chinatown sa mundo. Ito pa lang ay sapat nang dahilan para maging historical destination ito. Strategic ang location nito sa labas lang ng Intramuros dahil puwede pa ring makapag-trade ang Chinese Catholic immigrants noong 16th century habang minomonitor ng Spanish government. Hanggang ngayon, lugar pa rin ito para sa trade and commerce na karamihan ay pinapatakbo ng Filipino-Chinese residents.
Isa sa mga main draw ng Binondo ay ang makulay at masarap na food scene. Maraming gastronomic gems na nagkalat sa malaking food hub na ito na karamihan ay makikita lang sa Binondo. Ang iba pang famous products mula dito ay nag-branch out na, pero pinupuntahan pa rin ng local tourists ang origin ng kanilang paboritong Binondo grubs.
Ang iba pang places of interest ay Ongpin Street, Escolta Street, Plaza San Lorenzo Ruiz, at Binondo Church.
Location: Binondo, District III, Manila, NCR
Rizal Park, Manila
Nasa southern border ng Intramuros, ang Rizal Park ay isang 58-hectare historic urban park na isa sa pinakamalaki sa Asia.
Ang history nito ay ma-ttrace mula noong 1820 noong itinayo ang Paseo de Luneta sa dating lokasyon ng Bagumbayan. Noong panahon ng Kastila, lalo na noong 19th century, ang park ay naging site ng maraming public executions. Ang pinaka-notable ay ang kay Rizal at sa GomBurZa (Gomez, Burgos, Zamora) priests. Ang ilang historic events na ginawa dito ay ang declaration ng Philippine independence mula sa United States noong 1946 at ang 1986 EDSA Revolution.
Ang pinaka-outstanding landmark sa park ay ang Rizal Monument kung saan nakalagay ang labi ni Jose Rizal at minamarkahan ng statue na gawa sa bronze at granite. Idineklara itong national park noong 1955 bilang Luneta National Park at noong 1967 ay ginawang Rizal Park ang pangalan nito bilang pag-alala sa pambansang bayani.
Ang iba pang points of interest sa loob ng park ay ang National Museum Complex (National Museum of Natural History, National Museum of Anthropology, National Planetarium), Independence Flagpole, Musical and Dancing Fountain, Botanical Garden, Quirino Grandstand, at San Lorenzo Ruiz Plaza.
Location: Roxas Boulevard, Ermita, District V, Manila, NCR
Malacañan Palace, Manila
Ang Malacañan Palace ang official residence at office ng Presidente ng Pilipinas. Ginamit na ito ng maraming leader simula sa Spanish Governor-Generals hanggang sa mga Presidente ng Republika ng Pilipinas.
Ang malawak na palace complex na resulta ng maraming renovations at expansion ay may mga office buildings, mansions, parks, at gardens. Karamihan dito ay neoclassical at bahay na bato ang architectural styles. Ang mga pinaka-prominent na building ay ang Malacañan Palace, the New Executive Building, Mabini Hall, Bonifacio Hall, at Kalayaan Hall (Old Executive Building) kung saan matatagpuan ang Presidential Museum and Library at ang Former Presidential Museum.
Ang history ng Malacañan Palace ay nagsimula noong mid 18th century noong itinayo ito bilang private summer house para sa Spanish aristocrat na si Don Luis Rocha. Sa first quarter ng 19th century, naging summer residence ito para sa Spanish Governor-General. Na-survive nito ang destruction mula sa World War II.
Location: Jose P Laurel Street, San Miguel, District VI, Manila, NCR
Biak na Bato, Bulacan
Ang Republic of Biak na Bato ay opisyal na itinatag noong November 1897 sa pamamagitan ng revolutionary movement na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Hindi man ito nagtagal, nagbigay pa rin ito ng pag-asa sa ibang revolutionary leaders sa ibang parte ng Luzon.
Nasa Biak na Bato National Park ang lugar kung saan plinano at unang binuo ni Aguinaldo at ng kanyang mga kasama ang revolutionary government noong May 1897, ilang buwan bago ito opisyal na ideklara. Ang national park ay may lagpas 2,000 hectares ng lush forest at rocky gorge.
Dahil sa historical importance nito, naging national park ito noong 1937. Sa ngayon, pinapatakbo ito ng Department of Environment and Natural Resources. Makikita rin sa park ang mga ilog, talon, at lawa kaya maganda itong quick weekend getaway destination na malapit sa Manila.
Location: Barangay Biak na Bato, San Miguel, Bulacan
Note: Malaking bahagi ng park ang nasa San Miguel pero ang ilang bahagi nito ay sakop ng San Ildefonso at Doña Remedios Trinidad.
Rizal Shrine, Calamba, Laguna
Idineklara ng National Historical Commission ng Pilipinas bilang national shrine, ang structure ay nasa parehas na location ng ancestral house ng Rizal family.
Reconstructed version ito ng original na two-story Spanish-era bahay na bato. Nagsimula ang reconstruction noong 1949 sa order ni Presidnt Quirino. Itinayo ito gamit ang parehas na mga materyales tulad ng hardwood, adobe stones, bricks, at capiz shells. Binuksan ito sa publiko noong June 19, 1950, in time para sa 89th birthday celebration ni Rizal. Ang kaibahan lang nito sa original exterior appearance ay green ang mga pader nito at white naman sa original.
Bilang birthplace ni Rizal, mayroon ditong collections at memorabilia na umiikot sa kanyang kabataan. Nandito din sa shrine ang mga labi ng mga magulang ni Rizal. Sa loob ng property ay mayroon ding library, gallery, audio-visual room, at souvenir shop. Malapit din sa shrine ang ilang landmarks tulad ng St. John the Baptist Parish Church at City College of Calamba.
Location: Corner of Rizal Street and Mercado Street, Poblacion 5, Calamba, Laguna
Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite
Ideneklara bilang National Shrine noong June 1964, sakop ng Aguinaldo Shrine ang ancestral house ni Emilio Aguinaldo at ang grounds nito hanggang sa park sa tapat ng main house.
Ito ang site ng proclamation ng Philippine Independence mula sa Spain noong June 12, 1898 kung saan iwinagayway ang watawat ng Pilipinas. Ito rin ang event kung saan unang narinig ang instrumental music ng Philippine national anthem. Bawat taon, may ginaganap na flag-raising ceremony tuwing Independence Day celebration.
Nabuo noong 1845, dumaan ang mansion sa renovations noong 1849 at 1919. Dinonate ito ni Aguinaldo sa gobyerno at kasalukuyang pinapatakbo ng National Historical Commission of the Philippines. Nasa lush garden sa likod ng mansion ang libingan ni Aguinaldo. Ngayon, ang main house ay isa nang museum.
Location: Tirona Highway, Kawit, Cavite
Corregidor Island
Strategically located sa entrance ng Manila Bay at nakaharap sa West Philippine Sea, ang Corregidor Island ay may mahalagang role bilang military base noong World War II. Tinawag na “The Rock”, ang fortified island na ito ay parte ng harbor defenses na nag-pprotekta sa Manila Bay mula sa enemy attacks. Pagkatapos ng giyera, nagkaroon ng malalaking destruction ang isla.
Marami ang nag-aakala na ang Corregidor ay parte ng Bataan dahil malapit ito dito at sa historical ties nila, pero ito ay nasa jurisdiction ng Cavite City.
Ngayon, ang buong isla at ang ruins nito ay nagpapa-alala sa mga visitors ng nakaraan at nagsisilbing war memorials. Ito ang ilan sa mga significant historical sites sa isla: Pacific War Memorial, Malinta Tunnel, Filipino Heroes Memorial, Corregidor Lighthouse, Japanese Garden of Peace, at Mile-long Barracks.
Location: Corregidor Island, Cavite
Bataan Death March Markers
Tatlong buwan pagkatapos ng Battle of Bataan, nag-decide ang Japanese army na ilipat ang halos 75,000 na Filipino at American prisoners of war mula Bataan papunta sa Camp O’Donel (ngayon ay Capas National Shrine) sa Capas, Tarlac. Tinawag itong Bataan Death March dahil libo-libong Filipino soldiers at daan-daang American soldiers ang namatay sa mahaba at brutal walk na ito.
Bawat kilometro ay minarkahan ng modest white obelisk stand na may illustrated Death March sign at mga plaque. May total na 138 Death March Markers — 97 sa Bataan, 33 sa Pampanga, at 8 sa Tarlac — na makikita sa daan sa pagitan ng Bataan at Tarlac kung saan ang Kilometer 0 ay nasa Mariveles.
Ang mga marker na ito ay managed ng Filipino-American Memorial Endowment (FAME), isang non-stock at non-profit foundation. Nangangalap din sila ng funds para sa tuloy-tuloy na maintenance ng mga historical markers na ito.
Locations: Pampanga, Bataan, and Bataan
Dambana ng Kagitingan, Bataan
Itinayo noong 1970, ang Dambana ng Kagitingan na kilala rin bilang Mount Samat National Shrine o Shrine of Valor ay isang memorial complex na nagbibigay-pugay sa fallen Filipino and American soldiers na lumaban sa mga Hapon sa Battle of Bataan noong 1942.
Ang Mount Samat ang last bastion of freedom kung saan marami ang namatay sa pakikipaglaban para sa kalayaan mula sa Imperial Japanese Army. Idineklara itong National Shrine noong April 1966.
Sakop din ng complex ang mahabang Colonnade na nagwe-welcome sa mga bisita mula sa parking lot. Ang Colonnnade ay may war museum. Ang pinaka-dominant feature nito ay ang colossal white Memorial Cross na nagsisilbing viewing gallery. Sa likod ng Colonnade ay may mga path patungo sa base ng cross. Ang buong complex ay may panoramic view ng Bataan at Corregidor Island.
Location: Mount Samat Road, Pilar, Bataan
Baguio City
Ang highly urbanized na City of Pines ay nasa highlands ng Cordilleras. Dahil sa elevation, malamig ang klima dito na nakaka-attract sa mga turista mula sa ibang parte ng bansa.
Pero hindi lang basta sikat na tourist destination ang Baguio. Mayaman din ito sa history. Noong Spanish colonization, hindi kumpletong napasailalim ang lugar sa mga Kastila dahil sa effective na defensive strategy ng indigenous Igorot.
Pagkatapos mapabagsak ng mga Amerikano ang mga Kastila, napunta ang Pilipinas sa kamay ng United States. Pagdating ng 20th century, inilatag ang mga foundation para sa development ng Baguio city noong itinayo ng mga Amerikano ang Camp John Hay noong 1903 na tanging hill station sa Asia. Ito ang simula ng development ng city na makikilala bilang Baguio. Karamihan ng historical structures sa Baguio ay binuo sa ilalim ng mga Amerikano.
Location: Baguio City, Benguet
Banaue Rice Terraces, Ifugao
Ginawa ng mga ninuno ng indigenous people of Ifugao centuries ago, ang Banaue Rice Terraes ay idineklara ng gobyerno bilang National Cultural Treasure noong 1973.
Pinapakita ng terraces na ito ang kultura ng Ifugao people na may malaking influence ng rice cultivation at agriculture. Makikita ang importansya ng terraces na ito sa maraming agricultural rites na konektado sa rice production. Makikita sa traditional at indigenous techniques na ginagamit sa pagbuo ng rice terraces ang kaalaman ng Ifugao people sa earthwork, stonework, irrigation, at preservation ng integrity ng rice terraces.
Hindi nakasama ang Banaue Rice Terraces sa UNESCO World Heritage List under Rice Terraces of the Philippine Cordilleras dahil sa mga modern structure na makikita sa area, pero dalawa sa limang kasama sa listahan ay hindi kalayuan dito— ang Batad Rice Terraces at ang Bangaan Rice Terraces. Ang Banaue Rice Terraces ay ang nakikita mula sa iba’t ibang view decks sa main road (Nueva Vizcaya-Ifugao-Mountain Province Road).
Location: Banaue, Ifugao, CAR
Cagsawa Ruins, Albay
Natatandaan mo ba ang iconic photo ng isang church tower (o ang natirang bahagi nito) na nakalubog sa volcanic ash na kasama ang temperamental pero napaka-gandang Mayon Volcano sa background?
Ang late 16th century Cagsawa Church ay itinayo ng Franciscan missionaries. Ang unang structure ay sinunog ng mga Dutch pirates noong 17th century. Ginawa itong muli noong 18th century. Pero noong early 19th century, nasira ng eruption ng Mayon Volcano ang simbahan at ang buong bayan. Ang nakikita natin ngayon ay ang natira sa simbahan— ang bahagi ng tower nito.
Ang Cagsawa Ruins Park ay co-managed at co-maintained ng municipal government ng Daraga at ng National Museum of the Philippines. Isa ito sa pinaka-binibisitang attractions sa Albay. Habang nandito, bisitahin din ang Cagsawa National Museum kung saan makikita ang photos ng Mayon eruptions at iba pang related na collection. At dahil sikat na attraction ito, may mga souveniir shops at stalls sa paligid.
Para sa mga gustong mas ma-explore ang park, puwede kang mag-book ng ATV tours na ino-offer ng maraming operators at agencies sa area.
Location: Barangay Busay, Daraga, Albay
Mactan Shrine, Cebu
Nasa kahabaan ng Punta Engano Road sa northern part ng Mactan Island sa Cebu, sakop ng Mactan Shrine ang dalawang monument: Lapu-Lapu Shrine sa isang dulo at ang Magellan Marker (Magellan Monument) sa kabila.
Nakaharap ito sa Magellan Bay bilang pag-alala sa Battle of Mactan na nangyari noong April 1521 sa pagitan ng Spanish troops na pinamumunuan ng Portuguese explorer na si Magellan at ng Mactan natives na pinamumunuan ni Lapu-Lapu. Nauwi ang labanan sa pagkatalo ng mga Espanyol na dahilan kung bakit sila umatras.
Kapag nagutom ka habang nag-eexplore ng shrine, subukan ang traditional Visayan sutukil mula sa malapit na Sutukil Seafood Market Restaurant Chain.
Location: Punta Engaño Road, Mactan, Cebu
Magellan’s Cross, Cebu City
Matatagpuan sa tabi ng Basilica Minore del Santo Nino sa gitna ng Cebu City, ang Magellan’s Cross ay isa sa mga pinaka-binibisitang historical landmarks sa Cebu.
Sinasabing ito ang exact location kung saan itinayo ng Portuguese na si Magellan ang krus pagdating niya sa Cebu noong March 1521. Nakalagay sa marker sa ibaba ng cross na ang original artifact ay nasa loob ng wooden Tindalo cross. Ipinapakita ng painting sa ceiling ang historic event.
Location: P. Burgos Street or D. Jakosalem Street, Cebu City, Cebu
Tabon Cave Complex, Palawan
Nasa Lipuun Point sa bayan ng Quezon sa southwestern part ng Palawan Island, ang cave complex ay parte ng Lipuun Point Reservation at nag-pprotect at nag-ppreserve ng cultural and historical artifacts sa area na ito.
Makikita dito ang maraming importanteng archeological artifacts tulad ng Tabon Man na oldest modern human bones sa Pilipinas at ang Manunggul Jar na isang National Cultural Treasure at isa sa mahigit isang libong burial jars na na-discover sa cave complex.
Itinalaga bilang National Cultural Treasure ng National Museum noong 2011, sinasabing may 215 caves sa complex, pero pito lang dito ang accessible sa publiko kasama ang Tabon, Igang, at Liyang.
Location: Lipuun Point, Quezon, Palawan
Sandugo Shrine, Bohol
Noong March 1565, nangyari ang blood compact sa pagitan ng Spanish explorer na si Miguel Lopez de Legaspi at Bohol chieftain Sikatuna bilang simbulo ng pagkakaibigan ng mga Espanyol at mga Pilipino. Kilala ito sa tawag na sandugo, isang tribal tradition na nagtatatak ng katapatan at pinagtitibay ang relasyon ng dalawang tribe. Ang dalawang representative ay maghihiwa sa braso, maglalagay ng kanilang dugo sa baso, pantay na hahatiin ang mixture, at iinumin ito hanggang maubos.
Na-immortalize ang moment na ito ng Sandugo Shrine (Blood Compact Shrine) na nasa Tagbilaran City. Pero ang totoo, hindi minamarkahan ng monunument na ito ang actual site kung saan ginawa ang treaty. Noong 2006, nalaman ng government of Bohol na ang actual site kung saan ito nangyari ay nasa Loay, ang municipality sa pagitan ng Albuquerque at Loboc.
Ang actual site na tinatawag ngayon na Blood Compact Marker ay walang visual monument pero matatagpuan din ito sa Bohol Circumferential Road/Tagbilaran East Road.
Location: Bool, Tagbilaran City, Bohol
Sultan Kudarat Monument, Sultan Kudarat
Si Muhammad Dipatuan Kudarat na mas kilala bilang Sultan Kudarat ay kinikilala bilang greatest sultan that ever ruled in Mindanao. Siya ay celebrated warrior na walang takot na humarap sa mga mananakop na Espanyol na nagbanta na sakupin ang kanyang ancestral domain. Dinepensahan niya ang Islamic faith at nilabanan ang Spanish invaders.
May mga monumentong itinayo para bigyang pugay ang kanyang katapangan at kagitingan. Mayroon sa Makati (Ayala Triangle) at sa Cotabato City, Maguindanao (Tantawan Park). Pero ang pinaka-photographed ay nasa harap ng Sultan Kudarat Provincial Capitol sa Isulan.
Locations: Isulan, Sultan Kudarat; Cotabato City, Maguindanao; and Makati, Metro Manila
Leyte Landing Memorial Park
“I shall return.”
Idineklara na national park noong July 1977, ang MacArthur Leyte Landing Memorial National Park (tinatawag din na MacArthur Park) ay itinalaga din bilang national historic landmark ng National Historical Commission noong 1994.
Ang park na ito ay itinayo bilang celebration ng isang importanteng event sa history, ang A-Day Landing noong October 1944 kung saan tinupad ni Douglas MacArthur ang kanyang pangako na bumalik kasama ang kanyang entourage para tulungan ang Pilipinas na mabawi ang kalayaan mula sa mga Hapon. Ilang araw ang makalipas, nagsimula ang Battle of Leyte Gulf na pinakamalaking naval battle noong World War II.
Ang memorial national park ay may mababaw na manmade pool na may pitong bronze statues na nagre-represent kila General Douglas MacArthur, President Sergio Osmeña Jr., Brigadier General Carlos P. Romulo, Major General COurtney Whitney, Lieutenant General Richard Sutherland, Sergeant Francisco Salveron, at William J. Dunn. Ang memorial park ay nakaharap sa San Pablo Bay/Leyte Gulf.
Location: Barangay Candahug, Palo, Leyte
Rizal Park and Shrine Dapitan, Zamboanga del Norte
Ang apat na taong exile ni Jose Rizal sa Dapitan ay isa sa pinaka-eventful na panahon sa buhay niya. Ang mga isinulat at mga gawain ni Rizal ay mapanghimagsik para sa mga Espanyol kaya ipinadala siya sa Mindanao para i-exile.
Ang mga lugar kung saan siya tumira at nag-trabaho ay iniingatan bilang parte ng Jose Rizal Memorial Protected Landscape na tinatawag ding Rizal Park and Shrine. Bukod dito, ang mapa ng Dapitan ay may mga historic landmarks tulad ng Liwasan ng Dapitan, Punto del Desembarco de Rizal, Casa Real, Cotta de Dapitan, at St. James the Greater Church. Ang Dapitan ay binansagan na Shrine City in the Philippines.
Location: Dapitan City, Zamboanga del Norte
Comments