Paano Mag-Renew ng PASSPORT? Requirements & Application Process

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Passport. Isang maliit na booklet na malawak ang maaabot. For leisure man or for business, mahalaga ang papel (pun intended!) ng isang passport for international travel. Bukod sa added benefit ng pagiging valid ID nito sa Pilipinas, essential ito para sa paglabas mo ng bansa.

Kung nagbabalak kang mag-travel abroad, make sure na priority mong makakuha muna ng passport (kung wala ka pa nito) before anything else. Pati ang Department of Foreign Affairs, na siyang nagi-issue ng passports natin ay ipinaaala na ‘wag munang mag-book ng flights or accommodations kung wala ka pang passport or kung hindi na valid ang passport na hawak mo.

Ang passport ay isa sa mga ID na ini-issue ng Philippine government sa mga citizens nito. This is proof ng iyong national identity at citizenship at isang vital document na kailangan mong dalhin sa lahat ng oras when traveling abroad.

PHBEACHKLOOK

Ang article na ito ay isang STEP-BY-STEP GUIDE para sa DFA NEW PHILIPPINE PASSPORT APPLICATION. Bukod sa mga listahan ng requirements, siniksik din namin ang article na ito with reminders and tips from personal experience para iwas-hassle sa bagong applicants. Kung passport RENEWAL ang kailangan mo, i-check ang article na ito: Philippine Passport Renewal: Process, Requirements, and Tips


LIST OF PASSPORT REQUIREMENTS

ONLINE APPOINTMENT CONFIRMATION

First, mag-set ng appointment online at kumuha ng slot. Para sa sapat na lead time, pinakamagandang gawin ito three months bago ang desired travel date mo.

As of writing, 300 fully vaccinated walk-in applicants lamang ang allowed na mag-apply via Courtesy Lane sa DFA Aseana. Narito ang mga types of applicants na eligible sa Courtesy Lane:

  • Senior citizen and 1 companion. Para sa immediate family member na companion, kailangan magpakita ng proof of relationship. Para naman sa companion na hindi family member (e.g. medical escort or nurse), kailangan magpakita ng proof of travel with the senior citizen (e.g. tulad ng ticket o hotel booking) at justification for traveling together.
  • Person with disability (PWD) and 1 companion. ‘Wag kalimutang dalhin ang PWD Identification Card. Para sa immediate family member na companion, kailangan magpakita ng proof of relationship. Para naman sa companion na hindi family member (e.g. medical escort or nurse), kailangan magpakita ng proof of travel with the PWD (e.g. tulad ng ticket o hotel booking) at justification for traveling.
  • Pregnant applicants. Kailangan mag-present ng medical certificate o records as proof of pregnancy.
  • Minor aged seven (7) years old or below, kasama ang kanilang mga magulang, legal guardian, or authorized representative. Maaari ding mag-apply ang companion.
  • Solo parent and their minor child. Dapat ay mayroong valid solo parent identification card ang magulang.
  • Overseas Filipino Workers (OFWs). Kailangan magdala ng mga sumusunod: valid OWWA card, valid employment contract, valid work visa, seaman’s book na may stamp mula sa international border less than 365 days mula sa date of application, o expired or cancelled na working visa or employment contract kasama ang Philippine passport with an immigration arrival stamp less than 365 days mula sa date of application.
  • Exceptional and emergency cases. For certain cases, pwedeng mabigyan ng Courtesy Lane privileges ang isang applicant kapag na-approve ang written request nila mula sa mga Department officials ng Secretary of Foreign Affairs, Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns, o Assistant Secretary for Consular Affairs.

DULY ACCOMPLISHED APPLICATION FORM

Kapag mag-seset ng appointment, kailangan mong mag-fill out ng application form. Usually, ginagawa ito online. Makakatanggap ka ng e-mail na nagco-confirm ng appointment schedule mo kapag nabayaran mo na ang application processing fee. Nakalagay din sa e-mail ang link sa iyong application form. I-click ang link para i-download at i-print ang iyong accomplished application form.

Kung kailangan mo ng blank copy ng application form, puwede mo itong makuha dito. Kailangan mo itong i-print sa A4-size na papel.

BIRTH CERTIFICATE

Ang copy ng iyong birth certificate ay dapat:

  • Original
  • PSA-authenticated
  • Printed on PSA security paper

Kung ang PSA-authenticated Birth Certificate ay hindi readable, kumuha ng copy mula sa Local Civil Registrar.

Kung late registered: Kung registered within the past 10 years, mag-submit ng ID na mas nauna sa registration o current ID with NBI Clearance. Kung registered over 10 years ago, walang additional supporting requirements na kailangan.

VALID ID

Kailangan mo lang mag-dala ng isang original ID at isang photocopy nito. Alinman sa mga sumusunod ay accepted:

Valid IDs for Passport Application

  • Philippine Identification (PhilID) / ePhilID
  • Social Security System (SSS) Card
  • Government Service Insurance System (GSIS) Card
  • Unified Multi-Purpose ID (UMID)
  • LTO Driver’s License. (Driver’s License cards expiring on 24 April until 31 October 2023 and said expired cards perforated during the renewal process are accepted together with the temporary license in paper format).
  • Professional Regulatory Commission (PRC) ID
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) E-Card
  • Commission on Elections (COMELEC) Voter’s ID or Voter’s Certificate issued from COMELEC main office in Intramuros, Manila.
  • Philippine National Police (PNP) Permit to Carry Firearms Outside Residence
  • Senior Citizen ID (if senior)
  • Airman License (issued August 2016 onwards)
  • Philippine Postal ID (issued November 2016 onwards)
  • Seafarer’s Record Book (SRB) issued from February 2020 onwards by the Maritime Industry Authority (MARINA)
  • School ID or Certificate of Enrollment with student’s photo and the school’s dry seal (if student)

REMINDER: Siguraduhin na ang ID (original at photocopy) ay readable, untampered, at may parehas na information sa ibang documents na ipe-present.

PERSONAL APPEARANCE

Mag-apply ka man on your own o through a travel agency, lahat ng applicants ay dapat physically present sa DFA Office sa iyong appointment schedule. Kasama sa passport application process ang pag-collect ng biometrics data at pagkuha ng picture. Para sa passport photo capturing, tandaan ang proper attire o dress code. Hindi allowed ang colored contact lenses at accessories tulad ng earrings, necklaces, o iba pang facial piercings during photo capturing.


POSSIBLE ADDITIONAL REQUIREMENTS

Depende sa iyong status o condition, ito ang ilan sa mga possible additional requirements para sa new passport application:

If applicant is a married female using spouse’s last name:

  • Marriage Contract (Original at Photocopy). Dapat ay PSA-authenticated at printed sa PSA security paper.

NOTE: Hindi mo kailangan mag-present ng Marriage Contract kung kinasal ka recently pero pinili mo pa ring gamitin ang maiden name mo.

If applicant is a minor:

Para sa minor applicants, kailangan kasama ang parent or authorized adult companion sa personal appearance. Ito ang additional requirements for minors:

  • Valid Government-issued ID of either parent with one photocopy.
    -Passport
    -Social Security System (SSS) Card
    -Government Service Insurance System (GSIS) Card
    -Unified Multi-Purpose ID (UMID)
    -LTO Driver’s License
    -Professional Regulatory Commission (PRC) ID
    -Overseas Workers Welfare Administation (OWWA0 E-Card
    -Voter’s ID or Voter’s Certification from the Officer of Election with Dry Seal. Kung Voter’s Certificate ang I-ppresent, kailangan din ng NBI o police clearance.
    -PNP Firrearms License
    -Airman License (issued August 2016 onwards)
    -Philippine Postal ID (issued November 2016 onwards)
    -Senior Citizen ID (if senior)
    -Philippine Identification (PhilID)
    -Seafarer’s Record Book (SRB) issued from February 2020 onwards by the Maritime Industry Authority (MARINA)
  • Marriage Certificate. Kailangan ito kung isang parent lang ang kasama ng minor. Kung hindi kasal ang mga magulang, kailangan ng nanay na mag-execute ng Special Power of Attorney kung hindi siya kasama ng kanyang anak. Kung executed sa labas ng bansa ang Special Power of Attorney, kailangan itong i-authenticate ng Philippine Embassy o Consulate ng foreign country na iyon.
  • Certified True Copy of Local Civil Registrar (LCR) Birth Certificate. Kailangan ito kung ang applicant ay newborn (less than 1 year old) na wala pang PSA Birth Certificate/Report of Birth. Kailangan ay PSA-Authenticated ito. Kung pinanganak abroad, ang original copy ng Report of Birth o first endorsement mula sa Consular Records Division ay dapat i-submit.

IMPORTANT! Required ang personal appearance ng minor applicant AT either parent (o authorized adult companion).

  • Kung for some reason, hindi masasamahan ng magulang ang bata para sa application:

    -Kailangan mag execute ng magulang ng Special Power of Attorney para mag-designate at mag-authorize ng taong sasama at tutulong sa bata sa application process. Kung ang Special Power of Attorney ay executed sa labas ng bansa, dapat ay authenticated ito ng Philippine Embassy o Consulate sa foreign country na iyon.

    -Kopya ng valid ID and/or paassport ng magulang na naka-attach sa Special Power of Attorney o Affidavit of Support and Consent.

    -Passport o Valid Government-issued ID ng authorized adult companion. Tingnan ang listahan ng acceptable IDs sa itaas.

  • Kung walang kasamang magulang ang minor pag nag-travel:

    -Kailangan mag-submit ng DSWD Clearance.

    -Kailangan mag-provide ng Affidavit of Support and Consent. Kung ang affidavit ay executed sa labas ng bansa, dapat ay consularized ito ng Philippine Embassy o Consulate sa foreign country na ito.

    -Passport o Valid Government issued ID ng authorized adult companion. Tingnan ang listahan ng acceptable IDs sa itaas.

NOTE: Para sa ibang kaso tulad ng late registered, no birth certificate, illegitimate child, dual citizens, o naturalized Filipinos, kailangan ng karagdagang documents. Pumunta sa DFA Consular website para sa mas accurate na listahan ng requirements at kung may iba pang specific concerns at inquiries.


STEP-BY-STEP PASSPORT APPLICATION PROCESS

SET AN APPOINTMENT ONLINE.

Bago ang lahat, ang online appointment ay FREE. Ang binabayaran ay ang passport processing fee. Ngayong malinaw na ito, let’s proceed.

Normally, hindi allowed and walk-in applicants EXCEPT kung emergency at special cases. Para sa regular at non-emergency applicants, kailangan mag-set ng online appointment para makapag-secure ng slots. Dahil sa dami ng applications, posibleng too late na para sa’yo ang available slots kung hindi ka naglaan ng sapat na lead time before your trip para sa passport application mo.

Para may idea ka, kung nag-decide ka na mag-apply online ng August, maaaring ang earliest available slot ay late September o October o puwede ring November. O posible ring wala nang slots na available.

Passport Appointment Calendar

Paano mag-set ng appointment online?

  • Pumunta sa DFA Online Passport Appointment System website.
  • Basahin ang Terms and Conditions at i-click ang box. Ibig sabihin nito ay naintindihan mo ang terms.
  • May dalawang option: INDIVIDUAL Appointment at GROUP Appointment. Piliin ang applicable sa iyo.
  • Pumili ng DFA office/branch. Piliin ang pinaka-malapit o pinaka-convenient sa’yo. Puwede mo itong baguhin kung mahirap maka-secure ng slot sa unang choice mo. Pindutin ang NEXT button.
  • Pumili ng date at oras sa provided calendar. Ang earliest open date ay makikita sa itaas ng calendar. Ang mga date na GREEN ay AVAILABLE at ang mga RED naman ay FULL.

Ang pinaka-challenging na part ay makakuha ng empty slots dahil sa dami ng applicants. Inimprove na ng DFA ang system para ma-serve ng mas mabuti ang applicants, pero posible pa rin itong maging frustrating. Puwede mo ring i-check ang ibang branches. Halimbawa, kung based ka sa Manila, subukang i-check ang mga kalapit na city o mga kalapit na province.

Challenge ito para sa mga kailangan ng quick appointment. Ang ilan sa mga kaibigan ko ay nagpunta pa nang Puerto Princesa o sa Northern Luzon provinces para lang makakuha ng appointment dahil malapit na ang travel date nila. Pero kung wala namang urgency, hindi mo na kailangan gawin iyon. Kailangan mo lang maghintay at subukan ulit sa ibang araw.

Puwede mo ring subukan ang ilan sa mga tip na ito:

  • Siguraduhin na malakas ang internet connection mo. Dahil online “battlefield” ito, kailangan mong siguraduhin na reliable ang internet connection mo. Hindi maghihintay ang slots na maka-keep up ang connection mo.
  • Ilista ang mga preferred dates mo. Bibigyan ka nito ng mas maraming options kung sakaling puno na ang date na gusto mo. Makaka-save rin ito ng time. Sa halip na maubos ang oras mo kakaisip ng ibang dates, mayroon ka nang shortlisted dates na convenient para sa iyo.
  • Decide quickly. Again, oras ang kalaban mo dito kaya dapat ay decisive ka dahil mabilis makuha ang mga slots. One minute makikita mo na available ang date na gusto mo, pero the next minute ay puno na ito. Madalas, unang napupuno ang afternoon schedules.
  • Refresh the page. May mga times na may mga lumalabas na slots out of nowhere. Well, posibleng slots ito na reserved para sa mga applicants na hindi nakapag-bayad sa allotted time period.
  • I-check ang site regularly. As much as possible, nagbubukas ang DFA ng additional slots bawat araw. Nag-rerefresh ang system regularly kaya I-check ang site from time to time para sa possible additional slots.
  • Subukang mag-search sa mga oras na ito: 6AM-8AM, 12NN, at 9PM. Usually, lumalabas ang available slots sa mga oras na ito mula Mondays to Saturdays (except holidays).

Mag-search ng ibang DFA branches/offices. May anim (6) na branches sa Manila: DFA Central (Robinsons Galleria), DFA NCR North (Robinsons Novaliches), DFA NCR Northeast (Ali Mall), DFA NCR West (SM City Manila), DFA NCR East (SM Megamall), DFA NCR South (Alabang Town Center). Pero mabilis maubos ang slots sa mga NCR branches. Kung kailangang kailangan mo nang kumuha ng passport, puwede mong i-check ang regional branches/offices.

Kapag nakakuha ka ng slot, 20 minutes lang iho-hold ng system ang slot para sa iyo kaya kailangan mabilis mo matapos ang process. Kung hindi, mawawala ang slot na ito.

DFA Appointment Schedule Page

UPDATE: Bukod sa regular processing sites, nagbukas din ang DFA ng Temporary Off-site Passport Service (TOPS) facilities sa Metro Manila na puwedeng mag-process ng passport applications. Ito an mga TOPS facilities:

-Robinsons Las Pinas
-Robinsons Magnolia, Quezon City
-SM Aura, Taguig
-SM Mall of Asia, Pasay
-SM North EDSA, Quezon City

Pero may mga restrictions ito. Ang mga passport na ipa-process sa mga TOPS site na ito ay is-ship via courier kaya may additional na 3 to 5 working days. Ang payment para sa TOPS ay via CREDIT CARD or DEBIT CARD ONLY! Siguraduhing hawak mo ang card mo kapag sinimulan mo ang appointment process.


FILL OUT THE APPLICATION FORM.

Pagkatapos mong makakuha ng slot, tutuloy ka na sa next step kung saan magfi-fill out ka ng four-page online application form. Tandaan, mayroon ka lang 15 minutes para matapos ito. Ihanda ang mga sumusunod na information bago ka mag-schedule ng online appointment para maka-save ng oras.

Passport Application Form

  • Personal Information: Sa first page ay ang Personal Information mo tulad ng Name, Birth Date, Contact Numbers, E-mail Address, etc. Para sa email address, ilagay ang iyong free Gmail account. Sinubukan kong gamitin ang custom email address ko noong una, pero hindi ako naka-receive ng confirmation email kung saan nakalagay ang reference number para sa pagbabayad ng passport processing fee. Kinailangan ko pang hintayin na ma-expire ang schedule after 24 hours para makapag-set ulit ng appointment. Sa second try, ginamit ko ang free Gmail account ko at nakuha ko kaagad ang email confirmation.
  • Family Information: Sa second page ay kailangan ang Family Information mo tulad ng Parent’s and Spouse’s names at Citizenship.
  • Application Information:Ang third page ay naglalaman ng iyong Application Information kasama ang Application Type, Citizenship, at Emergency Contact Person at ang kanyang contact number. Para sa Application Type, piliin ang NEW APPLICATION.
  • Contact Information. Sa fourth page ay kailangan ilagay ang iyong home at office addresses at contact numbers.

Bibigyan ka ng time para i-check ang lahat ng information na nilagay mo. Siguraduhin na walang typo at tama ang lahat ng information pati ang spelling.


PAY THE PASSPORT PROCESSING FEE.

Ang next step pagkatapos i-submit ang form ay ang pagbabayad ng passport processing fee. Piliin ang isa sa dalawang processing options, depende sa kailangan mo:

  • Regular Processing: P950 ito at tumatagal ng 12 business days sa Manila
  • Express Processing: P1200 ito at tumatagal ng 6 business days sa Manila.

Sinasabing mas matagal ang processing time sa regional offices kumpara sa Manila. Sinasabing tumatagal ng 20-30 days ang processing, pero hindi pa namin ito naco-confirm.

Ganito ang payment process:

  1. Pumili kung regular o express processing.
  2. I-click ang PAY NOW.
  3. May lalabas na message. I-click ang “I agree” at pindutin ang PROCEED TO PAYMENT.
  4. Mapupunta ka sa PAYMENT page kung saan makikita mo ang payment options, ang total amount na kailangan mong bayaran, at ilang reminders. May convenience fee na P50 per person na dinadagdag sa amount ng processing fee. Pindutin ang PROCEED.
  5. Makakatanggap ka ng email na may Payment Reference Number at instructions kung paano mo babayaran ito. I-save ang reference number.
  6. Kailangan mong mabayaran ang processing fee within 24 hours. Pumunta sa iyong chosen authorized payment center. Kailangan mo ng copy ng reference number mo. Siguraduhing mabayaran mo ang exact total amount.
  7. Pagkatgtapos i-settle ang payment, makakatanggap ka ng appointment confirmation sa email. May tatlong files na naka-attach dito: application form, receipt, at checklist. Kailangan mo ng hard copy ng bawat file na ito. I-print ang bawat isa. Gumamit ng A4 paper. Kailangan mo itong dalhin sa araw ng appointment mo.

Passport Payment Guidelines

REMINDERS:

  • Ito ang mga payment centers para sa pagbabayad ng passport processing fee:
    -Bayad Center
    -EcPay
    -Pera Hub
    -Robinsons Business Center and Department Stores
    -Waltermart Department Store
    -7-Eleven
    -USCC (Western Union)
    -Villarica Pawnshop
    -Credit and Debit Card Payments
  • Para sa mga over-the-counter payment options, CASH payment lang ang tinatanggap.
  • Kailangang EXACT amount ang bayaran. No more, no less. Hindi mapo-process ang payment o mafo-forfeit ito kung hindi exact amount.
  • Isang beses lang puwedeng gamitin ang Reference Number. Ibig sabihin, isang transaction bawat reference number.
  • Kung may problema tungkol sa payment, tumawag kaagad sa DFA helpdesk at (02) 234 3488.

Pinili naming magbayad via 7-Eleven. Kung magbabayad ka rin dito, ganito ang procedure: Gamit ang kanilang in-store electronic machine, pindutin ang “bills payment”, at piliin ang DFA. Ilagay ang reference number at ang total amount, kasama ang P50 na convenience fee. Kunin ang printed slip at magbayad sa cashier.


SHOW UP AT YOUR CHOSEN DFA OFFICE ON YOUR APPOINTMENT DATE.

Dumating na ang araw! Kailangan mong mag-appear personally sa napili mong DFA office sa iyong scheduled date. Huwag kalimutan dalhin ang lahat ng requirements mo kasama ang printout ng Application Form (hard copy), checklist na may confirmed schedule, at ang iyong eReceipt (two copies).

Para sa pinaka-recent passport renewal ko, sinuwerte akong makakuha ng slot sa branch na pinaka-malapit sa akin—DFA NCR South. Ang appointment ko ay 5:00pm kaya dumating ako ng 4:30pm. Ito ang experience ko:

  1. Document Verification. Sa entrance pa lang, titingnan na ng guard ang checklist na may confirmed schedule mo. I-checheck nila kung dala mo ang lahat ng requirements mo. Huwag kalimutan magdala ng valid ID.
  2. Processing. Irereview nila ang iyong documents/requirements. Kapag tapos na nilang i-check, tatatakan nila ang receipt mo ng date of release.
  3. Data Encoding and Biometrics. Dito nila i-e-encode ang personal information mo tulad ng pangalan, birth date, at iba pang detalye. Bibigyan ka rin nila ng time na i-check ang encoded details sa computer screen, kaya i-check mabuti ang spelling at typos. Pagkatapos nito, kukuhanan ka nila ng photo, fingerprints, at signature.
  4. Delivery. Additional step ito para sa mga gustong i-deliver ang passport nila instead na personally i-pick up sa DFA office. May partner ang DFA na courier at forwarding service companies. Nag-avail ako ng service na ito at nagbayad ng delivery fee na P150. Kukunin nila ang iyong application receipt at bibigay sa iyo ang kanilang delivery receipt. Expect mo na dadating ang passport mo one to two days pagkatapos ng scheduled release date. Puwede mong i-skip ang part na ito kung gusto mong personally i-pick up ang iyong passport sa scheduled release date.

NOTE: May team member kami na nag-apply sa DFA ASEANA a couple of years ago. Kung mag-a-apply ka rin dito, may mga magbebenta sa iyo ng long brown envelope at ballpen. Hindi mo ito kailangan. Puwede mong ilagay ang mga document mo sa folder o envelope kung gusto mo na organized at huwag malukot ang mga ito. Hindi rin masama na magdala ng extra pen just in case.

REMINDERS:

  • Huwag ma-late. Dumating at least 30 minutes bago ang iyong confirmed schedule. Ang mga late dadating para sa kanilang appointment ay hindi ia-accommodate.
  • Siguraduhin na dala mo ang lahat ng requirements — ang original at ang photocopies.
  • Ini-implement ng DFA ang “No Escort” policy. Hindi permitted sa loob ng DFA premises ang mga companion na hindi applicants UNLESS guardian sila ng minor o naga-assist sa person with special needs.
  • Wear proper attire. May strict dress code ang DFA at ipinagbabawal ang spaghetti straps, sando, plunging neckline, sleeveless top, tube top, halter top, at see-through top. Ang colored contact lenses, eyeglasses, at accessories tulad ng hikaw, kwintas, at ibang facial piercings ay kailangan tanggalin para sa photo capturing.
  • Make yourself presentable, looking your best. Tandaan na kukuhanan ka ng photo para sa passport na may 10-year validity kaya gagamitin mo ang image na ito ng matagal na panahon. Pero siguraduhin din na huwag maglagay ng makapal na makeup.

PICK UP YOUR PASSPORT.

Kung hindi ka nag-avail ng passport delivery service noong application mo sa DFA office na napili mo, kailangan mong bumalik sa nakalagay na release date ng passport mo. Kung may pagbabago sa schedule, mag-sesend ng email ang DFA in advance. Siguraduhin na dala mo ang iyong application receipt at ibang proof tulad ng claim stub, kung mayroon. I-check lahat ng details sa passport mo bago umalis sa counter. Siguraduhin na tama ang spelling ng pangalan mo at walang typos.

Hindi mo make-claim ang passport mo?

Puwede itong i-claim ng immediate family member para sa iyo pero kailangan ay mayroon siyang authorization letter na may pirma mo at iba pang requirements. Ang immediate family member ay puwedeng nanay, tatay, kapatid, asawa, o anak mo na nasa legal age. Kailangan nilang dalhin ang mga sumusunod:

  • Authorization Letter
  • Original Receipt
  • Applicant’s Valid ID (original at photocopy)
  • Representative’s Valid ID (original at photocopy)

Paano kung wala akong immediate family member na puwedeng kumuha ng passport ko para sa akin?

Kung walang immediate family member na puwedeng kumuha para sa iyo, kailangan dalhin ng sinumang kukuha ang mga sumusunod:

  • Special Power of Attorney
  • Original Receipt
  • Applicant’s Valid ID (original at photocopy)
  • Representative’s Valid ID (original at photocopy)

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

Sino ang puwedeng mag-apply para sa Philippine Passport?

Dahil ang passport ay proof ng iyong Filipino citizenship at ng iyong allegiance sa Pilipinas, Filipino citizens lang ang puwedeng mag-apply at makakuha ng Philippine passport.

  • Natural-born Filipino Citizen
  • Naturalized Filipino Citizen
  • Dual Citizen (One citizenship is Filipino)
  • Filipino Citizenship Obtained by Election
  • Filipino Citizenship Granted by Act of Legislation

Puwede ba akong mag-apply sa probinsya kahit hindi ako doon nakatira?

OO. Ang pinaka-importanteng gawin ay siguraduhin na mayroon kang confirmed appointment. Tandaan na iba-iba ang processing days kada area/region. Puwede mo itong i-check sa payment part ng iyong online application process.


Hindi ako naka-tanggap ng email noong nag-secure ako ng appointment. Wala akong reference number. Ano ang puwede kong gawin?

Una, i-check ang iyong Spam o Junk folder. Posibleng nandoon ito.

Kung wala rin doon, tumawag sa DFA: (02)8234 – 3488. Bukas ang lines nila on Weekdays (6AM to 10PM) at Weekends (8AM to 8PM). Puwede ring mag-email sa oca.concerns@dfa.gov.ph.

Tip! Siguraduhin na free Gmail account ang gamit mo.

Sinubukan kong gamitin ang custom email address ko noong una, pero hindi ako naka-tanggap ng confirmation email kung saan nakalagay ang reference number para sa pagbabayad ng passport processing fee. Kinailangan kong maghintay na ma-expire ang schedule after 24 hours para subukang makakuha ulit ng appointment. Sa pangalawang beses, ginamit ko ang free Gmail account ko at nakuha ko agad ang email confirmation.

Kung gumamit ka ng free Gmail account pero hindi mo pa rin natanggap ang email confirmation, i-contact ang DFA via +632-8836-7763 o oca.visa@dfa.gov.ph.


Puwede ba akong mag-reserve ng maraming appointment slots para sakin?

HINDI. Kung mayroon kang existing na application, ita-tag ng system na ERROR ang attempt na kumuha ulit ng slot gamit ang pangalan mo.

Ang tanging paraan para makapag-reserve ulit ay i-cancel ang una/existing appointment.


Hindi ako makakapunta sa appointment time ko. Ano ang dapat kong gawin?

Mayroon kang option na mag RESCHEDULE o CANCEL ang appointment.

Pero dapat gawin ang changes at least three (3) working days bago ang schedule mo. Kung hindi mo ito gagawin, ima-mark at penalize ka ng system.


Puwede ko bang palitan ang appointment schedule ko?

OO. Pumunta sa page na ito at i-click ang View Appointment. Ilagay ang iyong Appointment Code at email address, pagkatapos ay i-click ang View Details. Kapag naka-log in na, i-click ang RESCHEDULE.

Dapat gawin ito not later than 3 days bago ang iyong original schedule. Ang rescheduled date ay hindi dapat lalampas ng 30 days mula sa original date.


Hindi ako nakarating sa appointment schedule ko. Anong dapat kong gawin?

Maghintay ng 30 days. Wala kang ibang puwedeng gawin kung hindi ka nakarating sa iyong appointment schedule.

Bilang penalty para sa “No Show” applicants, kailangan mong maghintay ng 30 days bago ka makakuha ulit ng appointment.


Nagkamali o may na-misspell ako sa form. Paano ko ito babaguhin?

Hindi mo ito mababago online, PERO puwede mo itong ayusin sa DFA office sa iyong appointment schedule.

Tandaan na sa data encoding stage, bibigyan ka ng pagkakataon na i-check at i-review ang information na nilagay ng officer. Ito ang chance mo para itama ang maling impormasyon.


Maga-apply ako ng DSWD Clearance, Visa, at Passport para sa minor. Ano ang una kong kukunin?

Ito ang tamang order: DSWD Clearance ang una, sumunod ang Passport, at huli ang Visa.

Isa ang DSWD Clearance sa mga requirements para sa passport application na minor. Pagkatapos makakuha ng passport, puwede ka nang mag-apply ng visa. Mahalaga ang passport sa visa applications.


Required ba ang personal appearance?

OO. Kukunan ang photograph, signature, at biometrics mo kaya kailangan ang physical presence sa DFA office.


Gaano katagal ang application process sa DFA?

Nag-renew na kami ng passport sa mga DFA office na ito: Megamall, ASEANA, Alabang, at Lipa.

Based sa experience namin, nasa isang oras ang process— mula sa document verification hanggang sa pag-avail ng delivery service.


Ilang days ang passport processing?

Ito ang usual processing times:

  • Regular Processing. 12 days sa Manila.
  • Express Processing. 6 days sa Manila.

Based sa recent application ko, ang appointment ko ay September 12. Nag-avail ako ng passport delivery service at nakuha ko ang passport ko ng Septembber 22. Total of 10 days.

Sinasabing mas matagal ang processing time sa regional offices kumpara sa Manila. Sinasabing tumatagal ng 20-30 days ito, pero hindi pa namin ito na-coconfirm.


Ano ang ePassport?

Nag-iissue ang Pilipinas ng ePassport simula noong 2009. Ang ePassport ay may integrated circuit chip o microchip kung saan naka-store ang biometrics data. Malalaman mo na ePassport ang mayroon ka kung may chip sign o icon sa ibabang portion ng front ccover ng passport mo.

Ito ang advantages ng ePassport:

  • Mayroon itong Automated Fingerprint Verification System (AFIS) na nag-pprevent sa multiple passport issuances sa isang tao at nag-iimprove ng imposter detection.
  • Considered na highly secured ito by world standards at humahadlang sa passport tampering at reproduction.
  • Mas confident at accepting ang mga bansa sa ePassport dahil sa biometric technology nito na nagp-provide ng advance border security at protection.
  • Ang mga may ePassport ay pwedeng gumamit ng mga “e-gates” (automated border clearance) service, automated issuance of boarding passes, at mas efficient na travel transactions ng mga airlines.
  • Pinapabilis nito ang clearance at immigration checks.

We’re rooting for you, future traveler! Sana malaking ang naitulong ng article na ito sa iyong application at sa pagpapabawas ng kaba mo. Kung all-set ka na at naghahanap ng all-in-one guide para sa airport, departure, and immigration experience mo, check out this post: Ultimate Airport Guide for First-Time Traveler

Klook Code PHBEACHKLOOK


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.