Paano Mag-Apply ng Passport kung First Time? Requirements & Process

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

PASSPORT CHECK! Valid pa ba ang Philippine passport mo?

Tandaan na ayon sa Department of Foreign Affairs, na siyang nagi-issue ng passports sa mga Pilipino, dapat may AT LEAST six months validity ang passport mo para makapag-travel abroad ka.

This post is for our fellow travelers na may passport na at kailangan nang mag-undergo ng Philippine PASSPORT RENEWAL PROCESS.

PHBEACHKLOOK

Sa post na ito, makikita ninyo ang step-by-step guide para sa DFA passport renewal. Mula pag-set ng appointment hanggang sa pag-receive ng bagong passport mo, nandito kami with tips and additional reminders. Again, para ito sa RENEWAL. Kung first time mo mag-apply ng passport, ito ang article na para sa’yo: Philippine Passport Application Guide

WHAT'S IN THIS GUIDE?

LIST OF PHILIPPINE PASSPORT RENEWAL REQUIREMENTS

Ito ang mga requirements para sa REGULAR passport renewal:

1. ONLINE APPOINTMENT CONFIRMATION

Kailangan mong mag-set ng appointment at mag-secure ng slot sa official website.

Kung kaya, gawin mo ito months bago ang desired travel date mo para may sapat ka na lead time. Dahil sa dami ng applications, mabilis mapuno ang slots. I-didicuss namin ito sa HOW-TO section.

2. DULY ACCOMPLISHED FORM

Sa appointment process, kailangan mong mag-fill up ng application form kaya hindi mo na ito kailangan gawin ulit. Isesend sa iyo via email ang link ng accomplished form mo at kailangan mo lang itong i-download at i-print (kasama ng iba pang naka-attach na documents).

Pero kung kailangan mo ng blank copy ng application form, puwede mo itong makuha dito. Kailangan mo itong i-print sa A4-size na papel.

3. CURRENT PASSPORT WITH PHOTOCOPY OF BIO PAGE

Bukod sa original copy ng current passport mo, kailangan mo ring mag-submit ng photocopy ng bio page nito.

Usually, may photocopy machines sa DFA center at photocopying services around the area. Pero para sigurado, ipa-photocopy mo na ito bago ang appointment schedule mo para maiwasan ang delays at pag-aaksaya ng oras.

4. PERSONAL APPEARANCE

Lahat ng applicant ay dapat physically present sa DFA Office sa kanilang appointment schedule.

Kasama ang pag-collect ng biometrics data at pag-take ng photo mo sa renewal process. Para sa passport photo capturing, tandaan ang proper attire o dress code. Ang colored contact lenses at accessories tulad ng earrings, necklaces, at iba pang facial piercings ay hindi allowed during photo capturing.


POSSIBLE ADDITIONAL REQUIREMENTS

In-announce ng DFA na hindi na required ang birth certificate para sa passport renewal, PERO may exceptions. Kailangan mo pa rin mag-present ng birth certificate kung:

  • Nawala o na-damage ang current passport mo.
  • Old brown o green passport ang mayroon ka at hindi complete ang middle name.
  • May changes kang gagawin sa personal information mo.
  • Kasama ka sa DFA watchlist.

Depende sa status mo o sa condition ng current passport mo, ito ang iba pang posibleng additional requirements para sa passport renewal:

IF YOU’RE HOLDING A NON-EPASSPORT

Kung non-ePassport ang mayroon ka, magdala ng mga sumusunod:

  1. Original current passport.
  2. Photocopy of the bio or date page.
  3. Valid ID at isang photocopy (Tingnan ang list ng acceptable IDs sa FAQ section sa ibaba)

Tandaan na hindi lahat ng passport ay ePassport. Ang ePassport ay may integrated circuit chip o microchip kung saan naka-store ang biometrics data. Nagsimula lang mag-issue ang DFA ng ePassports noong 2019. Paano malalaman kung ePassport o non-ePassport ang mayroon ka? Ito ang pagkakaiba:

  • ePassport: Mayroong chip sign o icon sa ibabang portion ng front cover ng passport mo.
  • Non-ePassport: Puwedeng brown, green, machine readable passports (maroon), o iba pang older passports. Wala itong chip sign o icon sa front cover ng passport.

IF YOUR NAME HAS CHANGED

Kailangan mag-provide ng addiitonal documents para i-prove at i-support ang name change. Depende sa sitwasyon mo, ito ang mga documents na kailangan. Tandaan na dapat ay PSA-authenticated ang mga ito.

  • Marriage Contract
  • Annotated Birth Certificate
  • Annotated Marriage Contract to show annulment/divorce/court ordered instruction
  • Death Certificate of Spouse

NOTE: Hindi mo kailangan i-present ang Marriage Contract mo kung nagpakasal ka recently pero ang maiden name mo pa rin ang gamit mo.

Maaaring kailanganin mo rin ng NBI Clearance KUNG nagpakasal ka within 6 months bago ang date ng passport application. Ayon ito sa DFA Facebook page noong nag-inquire kami.

IF THE APPLICANT IS A MINOR

Para sa minor applicants o sa mga nag-aapply para sa minor, ito ang additional requirements:

  • Proof of filiation and/or guardianship with one (1) photocopy. Kung ip-present mo ang Birth Certificate ng minor as proof, dapat ay PSA-authenticated ito. Dalhin ang original birth certificate na printed sa PSA security paper at malinaw na photocopy. Kung hindi malinaw ang PSA-authenticated Birth Certificate, kumuha ng copy sa Local Civil Registrar.
  • School ID (if applicable)
  • Valid Government-issued ID ng either parent with one (1) photocopy. Dalhin ang kahit alin sa mga sumusunod na IDs at isang (1) photocopy. Tingnan ang listahan ng accepted IDs sa FAQ section sa ibaba.

IMPORTANT! Mandatory ang personal appearance ng minor applicant AT ng isa sa mga magulang (o authorized adult companion).

  • Kung isang parent lang ang kasama ng minor, kailangan mag-present ng Marriage Certificate. Kung hindi kasal ang mga magulang, kailangan mag-execute qng nanay ng Special Power of Attorney kung hindi siya kasama ng bata. Kung ang Special Power of Attorney ay executed sa labas ng bansa, dapat ay authenticated ito ng Philippine Embassy o ng Consulate sa foreign country na ito.
  • Kung hindi masasamahan ng mga magulang ang bata para sa application, kailangan mag-execute ng Special Power of Attorney ng magulang para mag-designate at mag-authorize ng sasama at tutulong sa bata sa application process. Kailangan din mag-attach ng copy ng valid ID and/or passport ng magulang sa Special Power of Attorney o Affidavit of Support and Consent. Kailangan mag-present ang authorized adult companion ng kanyang Passport o Valid Government-issued ID. Tingnan ang list ng acceptable IDs sa itaas.
  • Kung hindi kasama ng minor ang mga magulang mag-travel, kailangan mag-submit ng DSWD Clearance at Affidavit of Support and Consent. Kung executed sa labas ng bansa ang affidavit, dapat ay consularized ito ng Philippine Embassy o Consulate sa foreign country na ito. Kailangan mag-present ng authorized adult companion ng Passport o Valid Government-issued ID. Tingnan ang list ng acceptable IDs sa itaas.

Pumunta sa DFA Consular website kung mayroon kang ibang specific concerns at inquiries (walang birth certificate, illigitimate child, etc.)

IF YOUR CURRENT PASSPORT IS LOST OR DAMAGED

Kahit ePassport o non-ePassport man ito, parehas pa rin ang process para sa damaged o lost passport — NEW APPLICATION.

Ibig sabihin, kailangan mong mag-submit ng requirements para sa new passport application instead na requirements para sa passport renewal application. I-check ang list ng requirements dito: [INSERT LINK TO NEW PASSPORT APPLICATION ARTICLE]

Pero wait! Bukod sa mga requirements para sa new passport application, kailangan mo dalhin ang mga sumusunod:

  • Lost VALID ePassport
    -Police Report (English). I-submit ang original at isang photocopy.
    -Affidavit of Loss (English). I-submit ang original at isang photocopy.
    -Penalty Fee: P350
    -Additional 15 days para sa clearing process
  • Lost EXPIRED ePassport
    -Affidavit of Loss (English)
    -Penalty Fee: P350
  • FREQUENTLY LOST Passport
    -Police Report (English)
    -Affidavit of Loss (English)
    -Penalty Fee: P350
  • DAMAGED ePassport
    -Affidavit of Explanation
    -Applicant must surrender mutilated/damaged passport
    -Penalty Fee: Php350.00

NOTES: Kung nawala ang passport mo pero mayroon kang photocopy nito, hindi mo na kailangan mag-present ng birth certificate, pero siguraduhin na dalhin ang photocopy na ito.

Pumunta sa DFA Consular website o i-contact ang DFA directly kung mayroon kang iba pang specific concerns at inquiries.


STEP-BY-STEP PHILIPPINE PASSPORT RENEWAL PROCESS

1. SCHEDULE AN APPOINTMENT ONLINE.

Normally, hindi allowed ang walk-in applicants EXCEPT kung emergency at special cases. Ang mga regular at non-emergency applicants ay dapat mag-secure ng slot at mag-set ng online appointment.

Hanggat maaari, gawin ito months bago ang desired travel date mo para mayroon kang sapat na lead time. Sa panahon ngayon, kapag sinubukan mong mag-secure ng online appointment, ang earliest available slot ay more or less two months away. Para magkaroon ka ng idea, sabihin nating nag-decide ka na mag-set ng appointment ng November, posibleng ang earliest available slot ay sa December, o kung hindi ka swerte, January.

Pero kung malas ka talaga, posible rin na wala ng slots na available. In this case, puwedeng maghintay ka at subukan ulit sa ibang araw o maghanap ng available slot sa ibang DFA site.

DFA Appointment Calendar

How to set an appointment online?

  1. Pumunta sa DFA Online Passport Appointment System website.
  2. Basahin ang Terms and Conditions at i-click ang box. Ibig sabihin nito ay naiintindihan mo ang terms.
  3. May dalawang options: INDIVIDUAL Appointment at GROUP Appointment. Pumili ng applicable sa’yo.
  4. Pumili ng DFA office/branch. Piliin ang pinakamalapit o pinaka-convenient para sa iyo. Puwede mo itong palitan later on o i-check ang ibang branches kung nahihirapan kang makakuha ng slot sa first choice mo. I-click ang NEXT button.
  5. Piliin ang petsa at oras mula sa provided calendar. Ang pinaka-maagang open date ay makikita sa ibabaw ng calendar. Ang mga date na GREEN ay AVAILABLE, habang ang mga RED naman ay FULL.

Ang pinaka-challenging at frustrating part ay ang paghahanap ng available slot. Maraming applications per day at mabilis mapuno ang mga slot. Inimprove na ng DFA ang system para ma-serve nang mas maayos ang mga applicants, pero posible pa rin na maka-ilang attempt bago makahanap ng availability. Puwede mo ring i-check ang ibang branches o subukan ulit sa susunod.

Pwede mo rin subukan ang mga tips na ito:

  • Siguraduhin na malakas ang internet connection. Kapag may available na slots, mabilis itong makuha ng ibang applicants. Hindi nito hihintayin na maka-keep up ang network mo.
  • Ilista ang mga preferred dates mo. Bibigyan ka nito ng mas maraming options kung sakaling puno na ang date na una mong napili. Makakatipid ka rin ng oras dito. Sa halip na magsayang ka ng oras kakaisip ng ibang date, mayroon ka nang shorlisted na mga convenient dates para sa’yo.
  • Decide quickly. Again, oras ang kalaban mo dito kaya dapat ay decisive ka dahil mabilis maubos ang mga slot. One minute, makikita mong available pa ang date na gusto mo, pero sa susunod ay wala na ito. Usually, unang napupuno ang afternoon schedules.
  • Refresh the page. May mga times na may lumalabas na available slots out of nowhere. Well, posibleng mga slots ito na reserved para sa mga applicants na hindi nakapagbayad sa allotted time period.
  • I-check ang site regularly. Hanggat maaari, nagbubukas ang DFA ng additional slots bawat araw. Nag-rerefresh ang system regularly, kaya i-check ang site from time to time para sa possible additional slots.
  • Subukang mag-search sa mga oras na ito: 6AM-8AM, 12NN, at 9PM. Kadalasan, lumalabas ang available slots sa mga oras na ito, from Mondays to Saturdays (except holidays).
  • Mag-search ng ibang DFA branches/offices. May anim (6) na branches sa Manila:: DFA Central (ASEANA), DFA NCR North (Robinsons Novaliches), DFA NCR Northeast (Alimall), DFA NCR West (SM Manila), DFA NCR East (Megamall), at DFA NCR South (Alabang). Pero mabilis maubos ang mga slots sa NCR branches na ito. Kung kailangang kailangan mo nang mag-renew ng passport, puwede mong subukan maghanap sa regional branches/offices.

UPDATE: Bukod sa regular processing sites, nagbukas din ang DFA ng Temporary Off-site Passport Service (TOPS) facilities sa Metro Manila na puwedeng mag-process ng passport applications. Ito ang mga TOPS facilities:

-Robinsons Las Pinas
-Robinsons Magnolia, Quezon City
-SM Aura, Taguig
-SM Mall of Asia, Pasay
-SM North EDSA, Quezon City

Pero may mga restriction ito. Ang mga passport na ip-process sa alinman sa mga TOPS site na ito ay ipapadala via courier kaya may additional na 3 to 5 working days. Ang payment para sa TOPS ay via CREDIT CARD or DEBIT CARD ONLY! Siguraduhing hawak mo ang card mo kapag sinimulan mo ang appointment process.

Kapag nakakuha ka ng slot, kailangan mong matapos ang next step sa loob ng 20 minutes o mawawala ang slot na ito.

DFA Appointment Calendar


2. ACCOMPLISH THE ONLINE APPLICATION FORM.

Pagkatapos mong makakuha ng slot, tutuloy ka sa next step kung saan mag-fifill up ka ng four-page online application form. Tandaan, mayroon ka lang 15-20 minutes para matapos ito kaya ihanda mo ang mga sumusunod na information:

Passport Online Application Form

  • Personal Information: Sa first page ay ang Personal Information mo tulad ng Name, Birth Date, Contact Numbers, E-mail Address, etc. Para sa email address, ilagay ang iyong free Gmail account. Sinubukan kong gamitin ang custom email address ko noong una, pero hindi ako naka-receive ng confirmation email kung saan nakalagay ang reference number para sa pagbabayad ng passport processing fee. Kinailangan ko pang hintayin na ma-expire ang schedule after 24 hours para makapag-set ulit ng appointment. Sa second try, ginamit ko ang free Gmail account ko at nakuha ko kaagad ang email confirmation.
  • Family Information: Sa second page ay kailangan ang Family Information mo tulad ng Parent’s and Spouse’s names at Citizenship.
  • Application Information:Ang third page ay naglalaman ng iyong Application Information kasama ang Application Type, Citizenship, at Emergency Contact Person at ang kanyang contact number. Para sa Application Type, piliin ang RENEWAL. Para sa nawala o na-damage na ePassport/non-ePassport, piliin ang NEW APPLICATION.
  • Contact Information. Sa fourth page ay kailangan ilagay ang iyong home at office addresses at contact numbers.

Siguraduhin na tama lahat ng information at walang typo ito. I-double check ang mga nilagay na information.


3. SETTLE THE PROCESSING FEE.

Piliin ang isa sa dalawang processing options depende sa kailangan mo:

  • Regular Processing: P950 (12 business days sa Manila).
  • Express Processing: P1200 (6 business days sa Manila).
  • Foreign Service Posts: $60 at tumatagal (28-60 business days).

Sinasabing mas matagal ang processing time sa regional offices kumpara sa Manila. Ayon sa website ng DFA, 12 business days din naman ang tinatagal for regular processing, pero for expedited processing, mag-allot ng 7 business days. However, may nagsabi sa amin dati na umaabot ito ng 20-30 days processing. Maging handa na lang para dito.

Ganito ang payment process:

  1. Pumili kung regular o express processing.
  2. Pindutin ang PAY NOW.
  3. May lalabas na message. Pindutin ang “I agree” box, pagkatapos, I-click ang PROCEED TO PAYMENT.
  4. Mapupunta ka sa PAYMENT page kung saan makikita mo ang payment options, ang total amount na babayaran, at ilang reminders. May convenience fee na P50 per person na nadadagdag sa total processing fee amount. Pindutin ang PROCEED.
  5. Makakatanggap ka ng email na may Payment Reference Number at instructions kung paano I-settle ang payment. I-save ang reference number.
  6. Dapat mabayaran ang processing fee sa loob ng 24 hours. Pumunta sa iyong chosen authorized payment center. Kailangan mo ng copy ng reference number mo. Siguraduhing i-declare at bayaran ang exact total amount.
  7. Pagkatapos bayaran, makakatanggap ka ng appointment confirmation sa email mo. May makikita kang tatlong files na naka-attach sa email: application form, receipt, at checklist. Kailangan mo ng hard copy ng bawat file. I-print lahat ng ito. Gumamit ng A4 paper. Dalhin ito sa araw ng appointment mo.

DFA Payment Guidelines

REMINDERS:

  • Ito ang mga payment centers para sa pagbabayad ng passport processing fee:
    -Bayad Center
    -EcPay
    -Pera Hub
    -Robinsons Business Center and Department Stores
    -Waltermart Department Store
    -7-Eleven
    -USCC (Western Union)
    -Villarica Pawnshop
    -Credit and Debit Card Payments
  • Para sa mga over-the-counter payment options, CASH payment lang ang tinatanggap.
  • Kailangang EXACT amount ang bayaran. No more, no less. Hindi map-process o magiging forfeited ang payment kung hindi exact amount ito.
  • Isang beses mo lang magagamit ang Reference Number mo, ibig sabihin, isang transaction per reference number lang.
  • Maaaring may additional convenience fee per applicant.
  • May additional fee na P350 para sa Lost at Mutilated ePassports. Para sa applications na magf-file overseas, naka-depende ang presyo nito sa foreign service post.
  • Para sa Lost Valid Passports, may additional na 15 business days clearing period.
  • Kung may ma-ecounter kang problema tungkol sa payment, i-contact agad ang DFA helpdesk sa (02) 234 3488

Pinili naming magbayad via 7-Eleven. Kung magbabayad ka rin dito, ganito ang procedure: Gamit ang kanilang in-store electronic machine, pindutin ang “bills payment”, at piliin ang DFA. Ilagay ang reference number at ang total amount, kasama ang P50 na convenience fee. Kunin ang printed slip at magbayad sa cashier.


4.HEAD TO THE DFA SITE YOU PICKED

Kapag dumating na ang date ng appointment mo, kailangan mong mag-appear personally sa napili mong DFA office. Huwag kalimutan dalhin ang mga required documents, pati na rin ang Application Form printout (hard copy), checklist na may confirmed schedule, at ang eReceipt (two copies).

REMINDERS:

  • Huwag ma-late. Dumating at least 30 minutes bago ang confirmed schedule mo. Hindi i-aaccommodate ang mga late dadating.
  • Siguraduhing dalhin ang lahat ng requirements—original at mga photocopy.
  • Nagpapatupad ang DFA ng “No Escort” policy. Ang mga companion na hindi applicant ay hindi papayagan sa loob ng DFA premises UNLESS sila ay guardian ng minor o mag-aassist sa person with special needs.
  • Wear proper attire. Ang DFA ay may strict dress code at ipinagbabawal ang pagsusuot ng spaghetti straps, sando, plunging neckline, sleeveless top, tube top, halter top, at see-through top. Ang colored contact lenses, eyeglasses, at accessories tulad ng earrings, necklaces, o iba pang facial piercings ay dapat tanggalin kapag photo capturing.
  • Make yourself presentable, looking your best. Tandaan na ang photo na i-ttake ay para sa passport mo na may 10-year validity, kaya gagamitin mo ang image na ito ng matagal. Pero iwasan ang paglalagay ng makapal na makeup.

Para sa pinaka-recdent na passport renewal namin, swerteng nakakuha kami ng slot sa branch na pinaka-malapit sa amin — DFA NCR South. Ang appointment ay 5:00PM, kaya dumating kami ng 4:30PM. Ito ang experience ko:

  1. Document Verification. Sa entrance pa lang, hihingin na ng guard ang checklist na may confirmed schedule. Iche-check nila kung dala mo ang lahat ng requirements na kailangan. Huwag kalimutan magdala ng photocopy ng old passport (renewal) o valid ID (new application).
  2. Processing. Ire-review nila ang documents/requirements. Kapag tapos na nilang i-check, tatatakan nila ang receipt mo ng date of release. Ipaalam mo sa kanila kung kailangan mo pa ang current valid passport mo para sa upcoming trip dahil dito nila bubutasan ang old passport mo. Tinanong ako ng officer kung gagamitin ko pa ang old passport ko bago ito binutasan. Pero posibleng hindi ganito lagi, maaring butasan na ito ng ibang officers kung hindi mo sila bibigyan ng heads up.
  3. Data Encoding and Biometrics. Dito nila i-eencode ang personal information mo tulad ng pangalan, birth date, at iba pang details. Bibigyan ka nila ng oras na i-check ang encoded details sa computer screen, kaya i-check ang mga spelling at typo. Pagkatapos nito, kukuhanan ka ng photo, fingerprints, at signature.
  4. Delivery. Additional step ito para sa mga gustong ipa-deliver ang passport nila sa halip na kunin ng personal sa DFA office. May partner ang DFA na mga courier at forwarding service companies. Nag-avail ako ng service na ito at nagbayad ng P150 delivery fee. Kukunin nila ang application receipt mo at ibibigay sa’yo ang kanilang delivery receipt. Expect mo na dadating ang passport mo one to two days pagkatapos ng scheduled release date. Puwede mong i-skip ang part na ito kung gsuto mong personal na kunin ang passport mo sa scheduled release date nito.

NOTE: May team member kami na nag-apply sa DFA ASEANA. Kung dito ka rin mag-aapply, makikita mong may mga nagbebenta ng long brown envelope o ballpen. Hindi mo ito kailangan. Puwede mong ilagay ang mga documents mo sa folder o sa envelope kung gusto mong maging organized at hindi malukot ito. Hindi rin masama na magdala ng extra pen just in case.


5. CLAIM YOUR NEW PASSPORT.

Kung hindi ka nag-avail ng passport delivery service, kailangan mong bumalik sa DFA site sa release date ng passport mo. Kung may pagbabago sa schedule, magse-send ng email ang DFA in advance.

Siguraduhin na dala mo ang iyong application receipt at ibang proof tulad ng claim stub, kung mayroon. I-check ang details sa passport mo bago ka umalis sa counter. Siguraduhin na hindi misspelled ang pangalan mo at walang typo.

Paano kung hindi mo makukuha ang passport mo?

Puwedeng kunin ng immediate family member ang passport mo on your behalf basta mayroon siyang authorization letter na may pirma mo at iba pang requirements. Ang immediate family member ay puwedeng nanay, tatay, kapatid, asawa, o anak mo na nasa legal age. Kailangan nilang dalhin ang alinman sa mga sumusunod:

  • Authorization Letter
  • Original Receipt
  • Applicant’s Valid ID (original at photocopy)
  • Representative’s Valid ID (original and photocopy)

Paano kung ang puwedeng kumuha para sa’yo ay hindi immediate family member?

Kung walang immediate family member na puwedeng kumuha para sa’yo, kailangan dalhin ng kukuha ang mga sumusunod:

  • Special Power of Attorney
  • Original Receipt
  • Applicant’s Valid ID (original at photocopy)
  • Representative’s Valid ID (original at photocopy)

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQs)

Ano ang mga acceptable IDs?

Alinman sa mga sumusunod na Valid IDs:

Valid IDs for Passport Application
Image courtesy of DFA
  • Philippine Identification (PhilID) / ePhilID
  • Social Security System (SSS) Card
  • Government Service Insurance System (GSIS) Card
  • Unified Multi-Purpose ID (UMID)
  • LTO Driver’s License. (Driver’s License cards expiring on 24 April until 31 October 2023 and said expired cards perforated during the renewal process are accepted together with the temporary license in paper format).
  • Professional Regulatory Commission (PRC) ID
  • Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) E-Card
  • Commission on Elections (COMELEC) Voter’s ID or Voter’s Certificate issued from COMELEC main office in Intramuros, Manila.
  • Philippine National Police (PNP) Permit to Carry Firearms Outside Residence
  • Senior Citizen ID (if senior)
  • Airman License (issued August 2016 onwards)
  • Philippine Postal ID (issued November 2016 onwards)
  • Seafarer’s Record Book (SRB) issued from February 2020 onwards by the Maritime Industry Authority (MARINA)
  • School ID or Certificate of Enrollment with student’s photo and the school’s dry seal (if student)

Reminder: Siguraduhin na lahat ng ID (original at photocopy) ay readable, untampered, at may parehas na information sa iba pang documents na ip-present.


Gaano kaaga ako puwedeng mag-renew ng passport?

Puwede kang mag-apply ng passport renewal as early as one (1) year bago ang expiry.

Nire-require ng Buereau of Immigration ang at least six (6) months na passport validity para payagan kang lumubas ng Pilipinas at mag-travel abroad. Kung mayroon kang immediate na plano na mag-travel papunta sa ibang bansa, mas safe na i-renew mo ang passport mo one (1) year bago ang expiry dahil mahirap makakuha ng slot sa online appointment.


Mayroon akong valid visas sa old passport ko, puwede ko pa ba itong gamitin pagkatpaos mag-renew?

OO. Valid pa rin ang visa kahit na hindi na valid ang passport. Dalhin lang ang old passport mo na may valid visa at ang bagong passport mo kapag nag-travel ka.

Personal kong na-experience ito. Mayroon akong multiple entry visa sa old passport ko at hindi ako naka-encounter ng problema noong pinakita ko ang old passport ko (may butas at valid visa) sa Immigration Officers dito at sa ibang bansa. Titingnan lang nila ang valid visa sa old passport at ang bio page ng new passport.


Puwede ba akong mag-apply sa probinsya kahit hindi ako resident doon?

OO. Ang pinaka-importanteng gawin ay siguraduhin na mayroon kang confirmed appointment. Tandaan lang na iba ang processing days bawat area/region. Puwede mo itong I-check sa payment part ng online appointment process mo.


Lahat ba ay kailangan kumuha ng appointment bago mag-apply?

Bukod sa mga maga-apply through Courtesy Lane, lahat ng regular applicants ay required kumuha ng online appointment. As of March 14, 2022, ang Courtesy Lane sa DRA Aseana ay kaya lang mag-accommodate ng up to 300 qualified and fully vaccinated walk-in applicants. 1PM pa ang simula ng pag-process sa mga eligible applicants, pero sa umaga pa lang ay nagch-check na ng documents para masigurong qualified ka na mag-apply through Courtesy Lane. Tandaan na ang Courtesy Lane ay mahahanap lamang sa DFA Aseana.

Ito ang requirements for eligibility sa Courtesy Lane:

  • Senior citizen and 1 companion. Para sa immediate family member na companion, kailangan magpakita ng proof of relationship. Para naman sa companion na hindi family member (e.g. medical escort or nurse), kailangan magpakita ng proof of travel with the senior citizen (e.g. tulad ng ticket o hotel booking) at justification for traveling together.
  • Person with disability (PWD) and 1 companion. ‘Wag kalimutang dalhin ang PWD Identification Card. Para sa immediate family member na companion, kailangan magpakita ng proof of relationship. Para naman sa companion na hindi family member (e.g. medical escort or nurse), kailangan magpakita ng proof of travel with the PWD (e.g. tulad ng ticket o hotel booking) at justification for traveling.
  • Pregnant applicants. Kailangan mag-present ng medical certificate o records as proof of pregnancy.
  • Minor aged seven (7) years old or below, kasama ang kanilang mga magulang, legal guardian, or authorized representative. Maaari ding mag-apply ang companion.
  • Solo parent and their minor child. Dapat ay mayroong valid solo parent identification card ang magulang.
  • Overseas Filipino Workers (OFWs). Kailangan magdala ng mga sumusunod: valid OWWA card, valid employment contract, valid work visa, seaman’s book na may stamp mula sa international border less than 365 days mula sa date of application, o expired or cancelled na working visa or employment contract kasama ang Philippine passport with an immigration arrival stamp less than 365 days mula sa date of application.
  • Exceptional and emergency cases. For certain cases, pwedeng mabigyan ng Courtesy Lane privileges ang isang applicant kapag na-approve ang written request nila mula sa mga Department officials ng Secretary of Foreign Affairs, Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns, o Assistant Secretary for Consular Affairs.

Para sa urgent applications, puwedeng mag-email sa oca.cl@dfa.gov.ph.


Hindi ako nakatanggap ng email noong nag-set ako ng appointment kaya hindi ko alam ang reference number ko. Ano ang dapat kong gawin?

Una, i-check ang Spam o Junk folder mo. Hindi mo pa rin mahanap dito? Tumawag sa DFA: (02)8234 – 3488. Bukas ang lines nila on Weekdays (6AM to 10PM) at Weekends (8AM to 8PM). Puwede ring mag-email sa oca.concerns@dfa.gov.ph.

Kung kailangan mong ulitin ang buong appointment process, siguraduhin na free Gmail account ang gamit mo.

Nangyari ito sakin. Sinubukan kong gamitin ang custom email address ko noong una, pero hindi ko natanggap ang confirmation email kung saan makikita ang reference number na kailangan sa pagbabayad ng passport processing fee. Kinailangan kong hinntayin na ma-expire ang schedule ko after 24 hours para subukan ulit na mag-set ng appointment. Sa second try, ginamit ko ang fee Gmail account ko at nakuha ko agad ang email confirmation.


Puwede ba akong mag-reserve ng maraming appointment slots para sakin?

HINDI. Kung mayroon kang existing na application, ita-tag ng system na ERROR ang attempt na kumuha ulit ng slot gamit ang pangalan mo.

Appointment already exists page

Ang tanging paraan para makapag-reserve ulit ay i-cancel ang una/existing appointment.


Hindi ako makakapunta sa appointment time ko. Ano ang puwede kong gawin?

Mayroon kang option na mag-reschedule. Pero dapat gawin ito at least three (3) working days bago ang schedule mo. Kung hindi mo ito magagawa, ima-mark ka ng system at mape-penalize.

Kung hindi option ang pag-reschedule, puwede mo ring I-CANCEL ang appointment mo at ulitin ang buong process.


Paano i-reschedule ang appointment ko?

Pumunta sa page na ito at i-click ang View Appointment. Ilagay ang iyong Appointment Code at email address, pagkatapos ay I-click ang View Details. Kapag naka-log in na, i-click ang RESCHEDULE.

Magagawa mo ito no later than 3 days bago ang original schedule mo. Dapat ay within 30 days ng original date ang rescheduled date.


Hindi ako nakarating sa appointment schedule ko. Anong puwede kong gawin?

Maghintay ng 30 days. Wala kang ibang puwedeng gawin kung hindi ka nakarating sa iyong appointment schedule.

Bilang penalty para sa “No Show” applicants, kailangan mong maghintay ng 30 days bago ka makakuha ulit ng appointment.


May nakita akong error sa application form. Puwede ko pa bang palitan ito?

Oo, pero HINDI online. Puwede mo itong itama sa DFA office sa appointment schedule mo. Tandaan na sa data encoding stage, ipapa-check sa iyo ang information na nilagay ng officer. Ito ang chance mo na itama ang mali o misspelling.


Ano ang dapat kong unahin kung kailangan kong kumuha ng DSWD Clearance, Passport, at Visa para sa minor?

Ito ang correct order: DSWD Clearance ang una, sumunod ang Passport, at huli ang Visa.

Ang reason: requirement ang DSWD Clearance kapag nag-apply ng passport para sa minor. At ang passport naman ay requirement kapag nag-apply ng visa.


Kailangan ko ba talaga mag-appear personally sa passport site?

Oo. Ang photograph, signature, at biometrics mo ay kukunin kaya required ang physical presence sa DFA Office.


Gaano katagal ang application process sa DFA?

Nag-renew na kami ng passport sa mga DFA office na ito: Megamall, ASEANA, Alabang, at Lipa.

Based sa experience namin, nasa isang oras ang process — mula sa document verification hanggang sa pag-avail ng delivery service.


Ilang araw ang dapat kong i-expect na hintayin para sa release ng passport ko?

Base sa recent application ko, ang appointment ko ay September 12. Nag sign up ako para sa passport delivery service at nakuha ko ang passport ko ng September 22. Ito ay total of 10 days.

Sana nakatulong ito sa pagpapa-renew mo ng passport! Kung all-set ka na at naghahanap ng all-in-one guide para sa airport, departure, and immigration experience mo, check out this post: Ultimate Airport Guide for First-Time Traveler

Klook Code PHBEACHKLOOK


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.