Kapag sinabing Capiz, unang papasok sa isip ng marami ay ang aswang. Simula pa noon, associated na ang lugar sa evil creature na ito at mga nakakatakot na kwento na may kinalaman dito. Dahil diyan, hindi usual na naiisip ang Capiz bilang tourist destination. Pero kahit na unpopular destination ito para sa mga leisure travelers, maraming mai-ooffer ang probinsya bukod sa mga stories tungkol sa aswang.
Ang probinsyang ito sa Western Visayas ay puno ng natural wonders. Marami rin ditong mga sustainable attractions na nagpapakita ng kanilang culture, history, at cuisine. Binubuo ang Capiz ng sixteen municipalities at isang city na nagsisilbing provincial capital —- ang Roxas City. Kilala ito noon bilang Munipality ng Capiz at dito din ipinangalan ang probinsya. Pinalitan ang pangalan nito noong 1951 in honor of Manuel Roxas, ang fourth president ng Republic of the Philippines. Ngayon, ang Roxas City ang gateway papunta sa probinsya at sa mga kalapit sa areas sa Panay Island. Mula Manila, accessible ang Roxas City dahil mayroon ditong airport na may direct flights.
Kung interested ka na bumisita sa mga off-the-beaten path destinations, ito ang ilan sa mga lugar na puwede mong puntahan at mga puwedeng gawin sa Capiz.
WHAT'S IN THIS GUIDE?
Roxas City Museum (Ang Punublion)
Nasa gitna ng city ang Roxas City Museum na officially named Ang Panublion Museum. Ang panublion ay Hiligaynon term na ang ibig sabihin ay “heritage”. Perfect ang pangalan na ito para sa museum dahil dito pinapakita ang cultural at historical artifacts ng probinsya at ng mga indigenous groups dito na Ati at Panay Bukidnon.
Considered na historical landmark din ang mismong structure ng museum. Isa itong circular water tank mula pa noong World War II na ni-repurpose bilang museum ng city government noong 1993.
Ideal na first stop ng tour ito dahil bibigyan kayo nito ng overview kung ano ang makikita niyo sa city pati na rin sa probinsya. Mas ma-aappreciate ninyo ang mga historic at cultural spots na pupuntahan ninyo after nito dahil mas bibigyan kayo nito ng context tungkol sa mga sites.
Location: Legaspi Street corner Hughes Street, Roxas City, Capiz
Opening Hours: Tuesday – Friday, 9:00 AM to 6:00 PM; Saturday & Sunday, 9:00 AM to 5:00 PM ; Monday, CLOSED
Entrance Fee: FREE
Roxas City Plaza
Ilang minuto lang mula sa Panublian Museum, makikita mo ang historic core ng city — ang Roxas City Plaza. One-stop site ito ng ilan sa mga key landmark’s sa city dahil maraming important structures sa paligid nito kasama ang mga sumusunod:
- fountain sa gitna na nagsisilbi ring Kilometer 0 mark
- Roxas City Hall sa northern side
- Capiz Provincial Capitol at Rizal Monument sa eastern side
- Roxas Monument sa western side
- historic bridge sa southern side
- City Bandstand
Pero masasabing ang pinaka-dominant na structure dito ay ang Roxas Cathedral na formally known as the Immaculate Concepcion Metropolitan Cathedral. Ang simbahang ito ang sentro ng Catholic faith sa Capiz at seat ng Archdiocese ng probinsya.
Mate-trace ang history ng simbahan mula 1707 noong itinayo ito ng Augustinian missionaries. Pero ang structure na makikita ngayon ay nabuo noong 1827.
Palina Greenbelt Ecopark & River Cruise
Ang Palina Greenbelt Ecopark ay located about five kilometers west ng urban center. Meron ditong riverside agro-tourism, river tour, at fresh seafood sa isa sa mga floating open-hut cottages.
Dito, nag-ggrow ang mga mangingisda ng talaba, tahong, hipon, at iba pang marine products. Dahil ang Roxas City ang seafood capital ng bansa, mabibigyan kayo nito ng glimpse sa seafood farming indsutry. Pinopromote din ng lugar na ito ang sustainable tourism at ang livelihood ng local community.
Kung gusto ninyong kumain ng pinaka-fresh na huli, highly recommended na mag-order a day or two bago ang iyong scheduled visit dito. Puwede ring magdala ng sariling pagkain, pero may corcage fees ito. Para magpa-reserve at mag pre-order ng pagkain, i-contact ang management sa contact number below.
Entrance Fee: P10/head
Stationary Floating Cottage (4 hours):
- P1,500
River Tour (1 hour, good for 15 pax):
- Tour only: P1,500
- with additional 2-hour stationary stay: P2,000
Corkage Fees:
- Food: P20/menu
- Drinks: P50/case
- Lechon: P100
- Ice cream: P100
Location: Sitio Cablatan, Barangay Cagay, Roxas City, Capiz
Opening Hours: Daily, 8:00 AM to 5:00 PM. Pwedeng magbago ang schedule kya i-check muna ang kanilang official Facebook page bago pumunta.
Contact Details: 0910 609 7475/ 0946 319 5772
Paseo del Rio & Casa de Mercado
Matatagpuan sa gitna ng San Roque Bridge at Jumbo Bridge (Juliano Alba Bridge) ang Paseo del Rio o Riverwalk. Dati itong dump site na inayos at ginawang scenic na boardwalk. Binuksan ito sa public noong February 2022 para maging public leisure space kung saan pwedeng maglakad lakad ang mga tao along Panay River.
Sa harap ng Paseo del Rio welcome sign, makikita ang Casa de Mercado. Sa ngayon, ang casa ay empty space lang na pwedeng i-book para sa mga private o public events.
Sacred Heart of Jesus Christ Shrine
May taas na 132-foot, makikita ang Sacred Heart of Jesus Christ sa tuktok ng Tumandok Hill sa Barangay Dingian. Considered ang statue na ito bilang isa sa tallest at largest Jesus images sa Pilipinas. Ang base nito ay 30 ft., habang ang mismong figure naman ni Jesus ay 102 ft.
Ang shrine na ito ay project ng Ong family na may-ari ng Sacred Heart of Jesus Development Corporation (SHJDC) at Pueblo de Panay na dalawa sa pinaka-malalaking employers sa province. Ipinatayo ng Ong family ang shrine noong naka-recover ang isa sa magkakapatid na Ong na si Hyacinth mula sa isang rare disease. Inspired ito sa isang vision na nakita niya noong kasalukuyan niyang nilalabanan ang rare disease na ito.
Mula dito, makikita ninyo ang 360-degree view ng Roxas City at panoramic view ng Sibuyan Sea. Pwede niyo ring matanaw ang statue mula sa malayo, at least sa ilang parts ng main road o highway. Sa ngayon, may ginagawang simbahan sa base ng Shrine kaya naman appreciated dito ang donations, malaki man o maliit.
Location: St. Peter’s Road, Tumandok Hill, Pueblo de Panay Township, Barangay Dingian, Roxas City, Capiz
Opening Hours: Daily, 7:00 AM to 6:00 PM. Maaaring magbago ang schedule kaya i-check muna ang kanilang official Facebook page (Holy Trinity Drive Healing Ministry Inc.) o tumawag sa management bago pumunta.
Entrance Fee: FREE
The Edge of Roxas City + Painted Anitos
Relatively new hangout place ang The Edge na located sa isang cliff along the northern edge ng Culasi peninsula. Nakaharap ito sa Sibuyan Sea kaya naman mayroon itong breathtaking views ng paligid. Bukod sa nature, pwede niyo rin ma-appreciate dito ang pagkain at arts.
Mayroon ditong snack bar na nag-seserve ng refreshments, pica-pica, at all day breakfast. Puwede rin kayong mag-order mula sa special menu. Pero kung balak niyong gawin ito, make sure na mag-order a day before your planned visit.
Nasa site na ito rin ang Barangay Culasi Lighthouse. Mula sa The Edge proper, kailangan ninyong mag short trek papunta dito. On the way sa lighthouse, makikita ninyo ang mukukulay na mga anito na winoworship sa maraming folk religions.
Ang mga painted statues na ito ay passion project ni Mr. Jose “Jong” Arcenas na nagpapakita ng kanyang deep appreciation sa ating precolonial culture lalo na sa mga Hangaway Pintados, ang mga tattoed warriors ng Panay at mga kalapit na areas. Bukod sa local designs, ipinapakita rin ng mga figure ang ating Austronesian roots at nag-shoshowcase ng Visayan styles pati na rin ng ating seafaring cousins tulad ng Maori. Ipinapakita ng mga ito na we are all related. Bawat anito ay ginawa ayon sa interpretation ng artist nito sa iba’t ibang Austronesian designs tulad ng batik (textile) at batuk (tattoo).
Location: Barangay Culasi, Roxas City, Capiz
Opening Hours: Daily, 6:00 AM to 6:00 PM. Puwedeng ma-extend ang closing hour hanggang 10:00 PM upon request. Pwedeng magbago ang schedule kaya i-check mina ang kanilang official Facebook Page bago pumunta.
Entrance Fee: P20/head
Baybay Beach
Hindi nalalayo sa city center ang seven-kilometer beach na ito sa northern border ng Capiz. Popular na leisure destination sa mga locals itong Baybay Beach na tinatawag din na Playa de Roxas. Mayroon itong stunninng beachfront views ng Sibuyan Sea.
Sa mahabang stretch ng fine dark gray sand na ito, pwede kang mag swimming, picnic, jogging, strolling, maglaro ng beach sports, at manood ng sunrise at sunset. May mga street food din dito at mga seafood restaurant along the beach. Bukod sa Sibuyan Sea, tanaw din dito ang ilang mga isla tulad ng Mantalinga Island at Olotayan Island.
Sa western end ng Baybay beach, makikita ang Ruins of Alcatraz na nasa isang cliff na overlooking sa coast at sa dagat. Makikita dito ang matataas na concrete walls na part ng isang unfinished na resort. Ang resort na dapat itatayo dito ay pagmamay-ari ng Bermejo family pero unfortunately, hindi natuloy ang construction nito.
Ang lugar na ito ay may resemblance sa Alcatraz na isang infamous prison sa San Francisco Bay sa United States. Inihahalintulad din ito sa three colossal walls sa Attack on Titans. Ang walls na ito ay perfect background para sa photoshoots habang ang top portion naman ay magandang viewing spot.
Location: People’s Park, Arnaldo Boulevard, Roxas City, Capiz
Opening Hours: 24/7
Entrance Fee: FREE
Mantalinga Island
Isang kilometro off the the northern coast of Roxas City ay matatagpuan ang Mantalinga Island. Isa itong uninhabited island na visibile mula sa Baybay Beach. Pero di tulad ng ibang islands na pwedeng puntahan at i-explore, pwede niyo lang i-admire ang ganda ng Mantalinga. Rocky at elevated ang isla kaya mahirap mag-dock para maka-punta dito.
Hindi man pwedeng i-explore ang island, perfect spot naman para sa scuba divers ang paligid nito dahil sa diverse marine life at mga colorful na corals. Dati ring nagsilbing roundabout para sa kayaking at racing competition ang island. Ayon sa legend, ang Mantalinga, along with Olotayan Island at Gigantes Islands ay parte ng katawan ng higante at ito ang mata at tenga kaya tinawag itong Mantalinga.
Location: Roxas City, Capiz
Olotayan Island
Isa pang isla na parte ng katawan ng higante ayon sa legend ay ang Olotayan Island. Ang 52-hectare na isla ay sinsabing ang ulo at tiyan.
Ito ang nag-iisang island barangay sa Roxas City na matatagpuan off the coast of Baybay Beach. Kung gusto mo ng tahimik at less touristy na beach, perfect ito dahil hindi ito masyadong pinupuntahan ng mga turista. Ang shore dito ay covered ng coral rubbles kaya mas mabuting magsuot ng aqua shoes o tsinelas habang naglalakad-lakad. Sa paligid ng isla, maraming iba’t ibang species ng mga isda, corals, pati na rin fluted giant clams kaya magandang spot din ito para sa mga mahilig mag-explore underwater.
Nasa 30 minutes ang travel time papunta dito by boat. Ilan sa mga popular jump-off point ay ang Baybay Beach at Punta Cogon. Kung pupunta kayo dito, mas mabuting magdala ng sariling pagkain at sapat na drinking water.
Espacio Verde Resort
Kung nag-cecelebrate kayo ng special occasion, pwede niyong i-consider na mag-stay sa isa sa 23 suites dito sa Espacio Verde. Lahat ng suites dito ay nasa mga garden villas at spacious at well-appointed. Napapaligiran ito ng mga garden at isang man-made lagoon na pwedeng i-explore by kayak. Meron din silang swimming pool na may waterslide na siguradong mae-enjoy niyo lalo na kung may kasama kayong kids.
May tatlong restaurant sa loob ng resort: Aquatico, Veranda, at ang main dining area na may mostly Spanish-Filipino menu—ang Abuelo.
Capiz Provincial Park
Isang green haven ang Capiz Provincial Park sa gitna ng city. Sa gitna ng park, nagsisilbing centerpiece ang maliit na rocky fountain na napapalibutan ng maliit na lagoon. Isa ring arboretum ng ilang native trees sa Pilipinas ang park na ito.
Sa loob ng park ay ang Capiz Tourist Information Center and Specialty Shops, isang one-stop shop para sa mga local handmade products, souvenirs, at delicacies mula sa Roxas City at iba pang municipalities sa Capiz. Pwede mo ring matikman ang ibang snacks dito bago ka bumili dahil may mga free taste ang ilang shops.
Location: Fuentes Drive, Roxas City, Capiz
Opening Hours: 24/7 (Park)
Entrance Fee: FREE
Culajao Mangrove Eco Park
Makikita ang importance ng environment at sustainable tourism para sa Roxas City sa dami ng eco-friendly attractions dito. Isa pang green destination ay ang Culajo Mangrove Eco Park na nasa four kilometers northeast ng city center. Isa itong five-hectare mangrove reservation area sa Barangay Culajao.
Parte ito ng mangrove reforestation project na spearheaded ng Roxas City Government in Partnership with Katunggan sa Culakao Salbaron Association (KACUSA) at PEW Fellows Program in Marine Conservation. Binuksan ito noong June 2008 at layunin nito na ma-educate ang mga locals at tourists sa importance ng mangroves sa community, ecosystem, at sa environment as a whole.
May iba’t ibang species ng mangrove sa Culajao Mangrove Forest at mayroon ring diverse wildlife tulad ng fishes, mollusks, bids, insects, at iba pa. Kung gusto niyong mag-stay dito ng mas matagal, may mga cottage na available for rent.
Location: Barangay Culajao, Roxas City, Capiz
Opening Hours: Daily, 8:00 AM to 5:00 PM. Maaaring magbago ang schedule kaya i-check muna ang kanilang official Facebook page bago bumisita.
Entrance Fee: Adult,P20; Student,P15; Child, P10
Other Fees:
- Cottage : P100-250 (Depending on size)
- Paddle Boat : P100/5 pax, P30/head if less than 5 pax, P20/head if more than 5 pax
- Floating Bamboo Raft: P300/trip (good for 15-30 pax, available only during high tide)
Roxas City Public Market
Nasa tapat ng Paseo del Rio ang public market ng Roxas City, ang Teodoro Arcenas Trade Center na pinaka-malaking market sa Capiz. Ipinangalan ito sa dating mayor na si Teodoro Roxas Arcenas na nagpatayo ng market dito, pero mas kilala ito ng mga locals bilang Lipunan Market. Forty years old na ito pero ni-renovate ito recently pagkatapos ma-damage ng Typhoon Ursula ang ilang parte nito.
Tulad ng ibang mga palengke, meron ditong mga section ng mga prutas at gulay, dry goods, karne, at iba pang mga products. Makakabili ka rin dito ng seafoood sa murang halaga!
Bukod sa mga usual na products, may mga binebenta rin dito na mga items na sinasabing may healing properties at madalas ginagamit ng mga albularyo. Ilan sa mga ito ang lana o coconut oil, tawas, at mga herbal medicine. Meron din ditong kamangyan, isang uri ng insenso na gawa sa dried resin ng certain trees na sinunog para mag-produce ng usok na madalas ginagamit sa mga ritwal o sa pag-gamot ng ilang uri ng sakit. Makakabili rin dito ng sulfur powder na ginagamit sa pag-gamot ng ilang skin illnesses. Hindi rin mawawala dito ang mga amulets, talismans o mga anting-anting na sinasabing pang-laban o pang-iwas sa mga aswang, usog, o malas.
Banica Dried Fish Center
Kilalang wholesale dried fish market at pasalubong center ang Banica Dried Fish Center. Located ito sa Barangay Banica na mahigit two kilometers east ng city center. Ang kahabaan ng kalsada mula sa main road papunta sa Banica Wharf ay puno ng vendors na nagtitinda ng iba’t ibang uri ng dried fish. Ilan dito ay ang dilis, barol, tagabak, at balingon. Kung balak ninyong pumunta dito para mamili ng pasalubong, ang landmark nito ay ang Banica Bridge at Shell Gasoline Station.
Location: Iloilo East Coast- Capiz Road, Barangay Banica, Roxas City, Capiz
Panay Church
Ang historic Panay Church na formally called Santa Monica Parish Church ay unang itinayo noong 17th century, pero ang current structure na makikita dito ay ginawa noong 19th century. Idineklara ito ng National Hitorical Commission of the Philippines bilang National Historical Landmark noong 1997 at bilang Cultural Treasure ng National Museum noong 2001.
May Neo-Classical Baroque structure ang simbahan na gawa sa coral stones at may three-meter-thick walls. Mayroon din itong old wooden roof truss, museum, artifacts, grotto ni Our Lady of Lourdes, old Spanish well na nasa likod ng simbahan, at siyempre, ang sikat na mga kampana nito!
Tinatawag na Dakong Linganay ang gigantic 19th century bell na ito na pinaka-remarkable treasure ng simbahan. Commissioned ito ni Father Jose Beloso noong 1884. Ginawa ni Don Juan Reina ang five feet tall na kampanang ito gamit ang mga coins na donated ng mga tao. Ito ay ang pinaka malaking Catholic bell sa Pilipinas at sa Asya na nai-record sa kasalukuyan.
Puwede kayong umakyat sa five-story bell tower para makita ang original bell pati na ang walo pang kampana dito. Magsabi lang kayo at samamahan kayo ng isa sa mga staff paakyat dito. Kung hindi niyo naman kayang akyatin ang belfry, puwede niyo pa ring makita ang replica nito na nasa harap ng Museo de Santa Monica na nasa tabi ng simbahan.
Location: Iloilo East Coast- Capiz Road, Panay, Capiz
Opening Hours: Monday, Wednesday – Saturday, 9:00 AM to 5:00 PM; Sunday, 9:00 AM to 11:30 AM; Tuesday, CLOSED. Maaaring magbago ang schedule kaya i-check muna ang kanilang official Facebook page bago pumunta.
Entrance Fee: FREE, pero pwede kayong mag-donate ng any amount. Pwede rin kayong magbigay ng tip sa staff na mag-aassist sa inyo to show appreciation.
Balay ni Nanay Lording
Matatagpuan sa sinasabing second-oldest street sa Pilipinas—ang Calle Revolucion na nasa Barangay Poblacion Ilawod ang isa sa heritage houses sa Capiz na tinatawag na Balay ni Nanay Lording. Sa labas, hindi mo iisipin na luma na ang bahay dahil sa mga modern accents na idinagdag dito through the years. Pero pagpasok niyo dito, makikita niyo na na-preserve ang maraming parte ng lumang interior nito.
Family home ni Vicky Baes, President ng Capiz-Roxas Travel Agencies and Tour Operators Association (CATATOA) ang Balay ni Nanay Lording. Isa rin itong museum kung saan makikita ang kanilang mga antique tableware, furniture, age-old clothing at iba pang collections. Naka-display din dito ang ilan sa mga heirloom at treasured possessions ng pamilya.
Ang ibaba ng bahay ay ginawang specialty restaurant, ang Cafe Marcelo. Dito, mayroon silang meal packages na pwede niyong i-avail lalo na kung malaking grupo kayo. Kasama dito ang all-out seafood-all-you-can na P738 per head. Kasama sa mga sineserve nila ang mga fresh na crabs, squid, scallops, oysters (served raw), at isda.
Kung mahilig ka naman sa chocolate o coffee, may local tablea at coffee showroom din sa kanilang garden cafe. Makaka-bili ka dito ng kanilang tablea chocolate (P200-300/pack) at native Capiz coffee na pwede mong ipasalubong.
Location: Calle Revolucion, Poblacion Ilawod, Panay, Capiz
Istorya Forest Garden
Originally, isang private family resort ang Istorya Forest Garden, pero binuksan ito noong 2019 at nagsimula silang tumanggap ng mga guests. Eight hectares ang property na ito na mayroong four villas at 23 rooms. May restaurant rin sila na nagseserve ng sumptuous meals. Bukod dito, may outdoor bar din na may wide range of alcoholic drinks tulad ng wine, cocktails, at whiskey.
Kung gusto mong mag-stay dito overnight, kailangan magpa-reserve at mag-book. For reservations, ilalagay namin ang contact details below. Puwede ring mag day tour, pero it’s best na i-contact niyo muna sila bago kayo magpunta. Bukas rin ang resto-bar para sa non-staying visitors pero until before 5pm lang on specified days. Makikita niyo ang details below. Beyond these hours, exclusive na ang property sa mga naka check-in na guests. Nagho-host din ang resort ng mga event, private dinners, at Sunday Brunch Buffet.
Location: Barangay Poblacion Ilaya, Panay, Capiz
Opening Hours:
- Oculars: Thursday – Sunday, 9:00 AM to 5:00 PM
- Bar Botanico: Friday – Sunday, 3:00 PM to 9:00 PM
Note: Pwedeng magbago ang schedule kaya i-check muna ang official Facebook page o i-contact ang management bago pumunta.
Contact Details: contact@istoryaforestgarden.com/ 0933 855 1705 / 0917 855 9307
Capiz Ecology Park and Cultural Village
Isa sa mga agro-tourism sites dito sa Capiz ay ang Capiz Ecology and Cultural Village na mina-manage ng provincial government. Ang 16-hectare property na ito ay nag-ppromote din ng sustainable community-based livelihood. Bukod dito, isa rin itong educational site para sa organic farming at forestry dahil may iba’t ibang endemic na mga puno at halaman dito.
Nagsisilbi rin itong open-air museum kung saan shino-showcase ang ilan sa mga traditional houses sa Pilipinas tulad ng payag ng mga Hiligaynon/Akeanon/Kinaray-a, ang sapew ke meme ng mga Ati, ang bahay ng mga Panay Bukidnon, Bontoc house o fayu ng mga Igorot, at luma ng mga Jama Mapun. Mayroon rin ditong traditional boathouse ng mga Badjao noon, pero nasira ito ng recent na bagyo.
Nag-hohost din ang park ng seminars, retreats, corporate team buildings, campings, at mga simpleng getaway lang kasama ang inyong mga kaibigan o pamilya. Pwede niyo rin i-try ang iba pang facilities dito tulad ng wall climbing, spa house, souvenir shop, treehouse, at café- ang Kapehan sa Ecopark. Kung gusto ninyong bumisita dito, i-contact lang ang Park Manager sa contact number sa ibaba.
Location: Barangay Nagba, Cuartero, Capiz
Opening Hours: Daily, 8:00 AM to 5:00 PM. Maaaring magbago ang schedule kaya i-check muna ang kanilang Facebook page bago pumunta.
Entrance Fee: FREE
Contact Number: 0919 472 0875
How to get there: Mula Roxas City, sumakay ng bus papuntang Cuartero town center (P60-80). Mula dito, sumakay ng tricycle papunta sa park.
Diwal and Other Seafood
Dahil tinatawag nga na Seafood Capital of the Philippines ang Capiz, hindi mo dapat ma-miss ang pinaka-masasarap at pinaka-fresh na seafood na makikita dito. Maraming iba’t ibang relatively affordable na local at classic seafood dishes ang pwede niyong subukan dito. Siguradong hindi kayo mauubusan ng options, simula sa crabs, oysters, mussels, prawns, scallops, shrimps, catfish, at marlins. Marami ring lugar na pwedeng kainan tulad ng Baybay Beach seafood grills and eateries, at Palina Greenbelt floating restaurants.
Isa sa mga seafood na makikita dito na hindi common para sa marami ay ang diwal na tinatawag ding Oriental angel wing clam. Hindi ito unique sa Capiz dahil meron din ito sa ibang probinsya at ibang bansa, pero pinaka-marami ang seasonal mollusks na ito sa parteng ito ng Panay Island. Kumpara sa ibang mga mollusks, mas madaling buksan at kainin ito. Mas marami rin itong meat na mas juicy at mas malasa.
Side trip to Gigantes Islands, Iloilo
Ang Gigantes Islands ay isang grupo ng mga pulo off the northeastern coast of Iloilo. Kasama ng Olotayan at Mantalinga Islands ng Capiz, maraming legends, folk tales, at myths ang nag-eexist tungkol dito. May iba’t ibang version kung saan galing ang pangalan ng mga isla, pero ang pinaka common ay remains ito ng isang pre-historic giant.
Bukod sa legends, napapalibutan din ang mga islang ito ng iba’t ibang natural attractions. Mula sa mga stunning rock formations at cliffs, picturesque na islands at islets, stunning beaches, caves, saltwater lagoon, at isang 19th-century lighthouse. Kasama sa usual island hopping stops ang Antonia Island, Cabugao Gamay, at Bantigui Island. May ilang package din na kasama ang Pandan Island (Ojastras Island) at Mini (Little) Boracay Beach (for small boats only).
Kapag nagpunta kayo dito, huwag niyong kalimutan i-try ang unlimited o piso scallops! Tanungin niyo lang ang boatman o tour operator ninyo para sa details.
How to Get There: Nasa jurisdiction ng Carles Municipality sa Iloilo province ang Gigantes Islands, pero kung galing ka sa Manila, ang nearest major airport ay ang Roxas Airport sa Capiz. Mula sa airport, nasa two hours ang biyahe papuntang Bancal Port na jump-off point papuntang Gigantes. Kung manggagaling ka sa Iloilo International Airport, nasa 3 to 4 hours ang biyahe depende sa traffic at road condition.
How to get to Roxas City
May flights ang AirAsia mula Manila papuntang Roxas City 3x weekly mula sa NAIA Terminal 4. Ang travel time ay 45 minutes to 1 hour.
Bawat booking ay may kasamang complimentary 7kg carry-on baggage allowance. Kung gusto mo ng hassle-free at mas comfortable journey, pwede mong i-avail ang Value Pack na may kasamang 20kg check-in baggage allowance, standard selection, meal, at Tune Protect insurance (for baggage delay & 1 hour on-time guarantee protection). Sa Premium Flex naman, pwede mong palitan ang date at oras ng iyong flight up to two times.
Roxas City & Capiz Tours
Posibleng libutin at i-explore ang Roxas City at ang ibang parts ngg Capiz on your own o DIY style, pero mas maganda kung mag-hihire kayo ng tour guide o mag-join ng tour. Isa ang Capiz sa mga destination na hindi ka agad mapapa-wow on the surface, pero mas ma-aappreciate mo ito as you dig deeper. Karamihan ng mga attraction ay historic at cultural kaya mas experiential ito kaysa visual.
Para sa mas maraming information about tour packages, you may contact:
San Mateo Travel & Tours
Headed by Ms. Vicky Baes
Mobile No.: 0947 806 3578
Email: sanmateotravelagency@yahoo.com
Kung mas gusto niyo ng mas customized na type ng tour, contact:
Jong Arcenas
Freelance Tour Guide
Mobile No.: 0917 533 2990
Local tour guide si Jong kaya maraming siyang mga kwento tungkol sa bawat site na pupuntahan sa tour. Kung pupunta ka sa Capiz kasama ang friends or family, magiging mas insightful ang tour ninyo kapag kinuha ninyong tour guide si Jong. Pwede niyo rin siyang tanungin ng mas maraming tips at mga recommendations.
Comments