Last updated: 24 April 2024
Isa ang La Union sa mga pinaka-sikat na surfing destination sa Pilipinas. In fact, kilala ito bilang Surfing Capital of the North. Dinadayo ang “Elyu”, as the regulars call it, hindi lang ng mga local surfers pero pati na rin ng mga foreigner dahil sa malalaking alon dito na present halos buong taon.
Pero hindi lang waves ang ipinagmamalaki ng La Union. Maraming iba’t ibang attractions ang matatagpuan sa probinsyang ito sa Ilocos Region. Hindi man kasing sikat ng waves for surfing, marami pang ibang natural wonders at mga historical sites sa lugar. Kung plano ninyong magpunta ng La Union at naghahanap kayo ng iba pang pwedeng puntahan dito bukod sa surfing spots, ito ang mga lugar na mas magbibigay kulay sa trip niyo.
NOTE: Siguraduhin na i-check ang updated travel policies ng Provincial Government of La Union at ng LGU kung saan kayo manggagaling.
WHAT'S IN THIS GUIDE?
Urbiztondo Surfing
Siyempre, hindi pa rin mawawala sa listahan ang surfing. Ang best time para mag-surf dito ay July to March. Maging beginner ka man or experienced surfer, o kahit manonood ka lang sa mga nag-susurf, siguradong may lugar dito para sa’yo. Maraming surf board rentals at surfing lessons dito. Ang rates ay depende kung peak o off-peak season ka pupunta.
Surfing Lesson Rates:
- 1-Hour (with surf board and instructors): P350-500
- Surfboard Rental Only: P200-250/hour
Surfing Season: July to October (South Swell); November to March (North Swell)
San Juan Food Trip
Kung hindi ka surfer, may isa pang type ng trip sa San Juan na siguradong maeenjoy mo— ang food trip! Sapat na reason na ang mga pagkain dito para balik-balikan ang La Union. Buhay na buhay ang food scene dito at marami kang pwedeng ma-discover at parati ring may bagong pwedeng subukan. Ilang beses ka man bumalik dito, siguradong may mga bagong kainan na hindi mo pa nasubukan before.
Maraming options sa San Juan kahit limited ang budget mo o gusto mong mag-splurge. Ito ang ilan sa mga puwede mong subukan:
- Sabong Chicken – honey bagoong fried chicken
- Mad Monkeys– Smokey BBQ bacon burger
- MASA Bakehouse – shakshouka and Manong Benny (Eggs Benedict)
- Kabsat – beef kare-kare and shrimp in crab fat
- Nak Nak – crispy pork kare-kare and beef sisig
- Tagpuan– goto and lugaw
- Gefseis Greek Grill– chicken souvlaki and moussaka
- Makai Bowls – Surfer’s bowl
- Dampa sa San Juan – mixed seafood
Bukod sa mga restaurants, may mga cafés din sa San Juan kung saan puwede mong i-enjoy ang iyong favorite coffee habang nag-chichill with your friends. May mga homegrown coffee shops dito tulad ng El Union Coffee at Clean Beach Coffee na may local coffee blends at iba pang beverages.
Bauang Grape Farms
Matatagpuan sa bayan ng Bauang ang hectare upon hectare ng vineyards at grape farms kung saan puwedeng mag grape-picking. Underrated ang activity na ito dahil mas nakukuha ng beaches at waves sa mga kalapit na bayan ang attention ng mga turista. Seasonal ang grapes kaya mahalaga ang timing kung gusto mong ma-experience ang activity na ito.
Sa kahabaan ng MacArthur Highway mula TPLEX papuntang San Fernando at San Juan ay marami kang madadaanan na mga tao na may poster na “Grape Picking” o “Grape Farm/Grape Picking”. Pero kung gusto mong makasigurado, puwede kang pumunta sa Uvas Cafe ng Lomboy Grape Farm. Ang founder nito ang sinasabing nag introduce ng grape farming sa La Union.
Best Grape-picking Months: March to May (Dry Season)
Fees:
- Registration/Entrance Fee: P25/head
- Grape Picking Activity: P350/kilo
- Parking Fee: P25
Established Grape Farms: Lomboy Grape Farms, Gapuz Grapes Farm, Danny Ancheta’s Grapes Farm, Manguerra Grapes Farm, Calica Grapes Farm, Acosta Grapes Farm, at iba pa
Immuki Island
30-minute drive mula San Juan ay ang Immuki Island na perfect para sa mga naghahanap ng bagong adventures sa La Union. Isa itong rocky paradise na may mangroves at tatlong picturesque lagoons na located off the coast of Barangay Paraoir.
Steady at clear ang tubig sa mga lagoon pero malalim ito kaya perfect for swimming at cliff diving. Pero tandaan na may mga area na mababaw at meron ding malalalim. Ang malalim na areas ay nasa eight (8) to Twelve (12) feet. May mga matatatlim na bato at corals din dito kaya siguraduhin na magsuot kayo ng protective footwear.
Kailangan mong mag-register sa barangay hall para makapunta sa Immuki Island. Kung may dala kang sasakyan, may designated parking lot dito. Mula dito, may dalawang way para makarating sa island— lumusong sa tubig kung low tide o sumakay sa balsa kapag high tide.
Hindi puwedeng magdala ng food and drinks at island pero puwede ninyong gamitin ang isa sa mga cottages along the beach kung gusto ninyong mag-lunch dito. May mga shops, showers, at changing cubicles pero basic lang ang mga ito. Huwag kalimutan magdala ng sariling toiletries at towels.
Location: Barangay Paraoir, Balaoan, La Union
Visiting Hours: Daily, 6:00 AM – 6:00 PM
Fees:
- Environmental Fee: P50/head
- Balsa Rental (Good for 5-6 pax): P250 for 1.5 hours
- Tour Guide: P150
- Shower Fee: P10
- Cottage: P800
Tangadan Falls
Matatagpuan sa mountainous area ng San Gabriel, ang Tangandan Falls ang pinaka sikat sa maraming cascades sa probinsya. Umaagos ang Baroro River sa dalawang levels na parehong may natural pool. Ang buong lugar ay napapalibutan ng smooth limestone cliffs at mga boulders.
Kapag rainy season, ang lower tier ay may twin cascades. Ang falls ay 15-minute trek mula sa jump-off point. Puwede kang mag-swimming dito o mag-cliff jumping. Kung hindi ka marunong lumangoy, puwede ka ring mag-rent ng life vest o mag-stay na lang sa mababaw na parts. Iwasan din ang mossy rocks dahil madulas ito.
Paakyat ang trail pabalik sa jump-off point at maraming concrete steps. Magiging challenging ito para sa mga seniors at sa mga may mobility problems kahit na may mga rest stop.
No tour guide, no entry policy. Kailangan mo mag-present ng official receipt (OR) mula sa Municipal Treasury Office bago ka makapasok sa vicinity ng Tangadan Falls. Ang office ay nasa tabi ng San Gabriel Police Station.
Location: Barangay Amontoc, San Gabriel, La Union
Visiting Hours: Daily, 6:00 AM – 5:00 PM
Fees:
- Environmental Fee: P30/head
- Guide Fee: P700 (good for 1-7 pax)
- Habal-Habal Fare Roundtrip, Municipal Treasury Office – Tangadan Falls Trailhead: P400/head
Urbiztondo Beach & Sunset
Ito ang tourism hub ng La Union. Mahigit kalahati ng income ng La Union ay mula sa San Juan, particularly sa Urbiztondo area kung nasaan ang mga accommodations at dining places.
Mula sa malawak na beach hanggang sa napaka-gandang sunset dito, siguradong maeenjoy mo ang lugar kahit hindi ka interested sa surfing. Maraming cafes at restaurants along the beach kaya paborito itong hangout place ng foodies, sunbathers, at sunset lovers. Kilala din ang lugar na ito sa nightlife at beach parties dito.
Pinaka-maganda ding mag-stay sa Urbiztondo Beach area dahil bukod sa malapit sa beach, malapit din ito sa highway at sa mga kainan. Easily accessible din ang ibang La Union attractions mula dito.
CURMA Center
Kung malapit sa puso mo ang marine life conservation or curious ka lang kung paano ka makaka-tulong na protektahan ang environment, puwede kang mag-punta sa SIFCare- CURMA Hatchery sa San Juan. Ang CURMA (Coastal Undewater Resource Management Actions) ay naka-focus sa conservation at protection ng marine turtles through regular beach patrolling at hatchery management.
Bukod dito, nakikipag-partner din ang organization sa iba pang interested parties para sa coastal clean-ups at pawikan-release events.
Mayroon ding information at education campaigns ang organization at iba pang advocacies tulad ng “No Plastic” campaign. Kung interested kayo na mag-volunteer o mag-donate, puwede kayong bumisita sa headquarters o sa official website para sa mas marami pang details.
Address: SIFCare-CURMA Hatchry, 374 Saint Jude Subdivision, Ili Norte, San Juan, La Union
Contact Details: 0942 366 4519 (Mobile Number) | curma@sifcare.org (E-mail Address) | http://sifcare.org/curma (Official Website)
Ma Cho Temple
Isang iconic na cultural landmark sa San Fernando ang Ma Cho Temple. Ang temple ay dedicated sa Chinese sea goddess na si Mazu (Ma Cho). Itinayo ito noong 1977 at sinasabing ito ang unang Taoist temple sa Pilipinas.
Matatagpuan sa temple ang Altar of the Goddess Ma Cho, Altar of Our Heavenly Father, Statues of the 18 Taoist Disciples, Magestic Five-Door Gate, Bamboo Garden, Lian Thing Pagoda, The Goddess of Mercy (Kwan Yen), the Bell and Drum Tower, at ang renowned Spider-type Dome. Mayroong ring panoramic view ng San Fernando Harbor at West Philippine Sea mula sa temple na bukas sa mga worshippers at non-worshippers.
Address: Ma Cho Temple, Quezon Avenue, San Fernando, La Union
Opening Hours: Daily, 7:00 AM – 5:00 PM. Tandaan na maaaring magbago ang schedule kaya i-check ang official website o Facebook page bago pumunta.
Entrance Fee: FREE
Thunderbird Poro Point Resort
Located sa highest point ng Poro Point Peninsula at nakaharap sa San Fernando Bay, ang Thunderbird Poro Point ay 65-hectare property na may luxurious villas, wellness facilities, restaurants, at nine-hole golf course.
Santorini-inspired ang lugar at may exclusive vibe ito pero welcome ang day-trip visitors. P300 ang entrance fee at consumable ito. Mayroon ding access ang day trippers para mag explore at mag-take ng photos sa ilang areas kasama ang symbolic Santorini dome. Puwede niyo rin subukan ang ilang dining options dito. Ideal na pumunta dito kapag late afternoon para maiwasan ang matinding sikat ng araw at init.
Address: Poro Point Freeport Zone, San Fernando City, La Union
Day Tour Hours: Daily, 8:00 AM – 5:00 PM. Required ang reservation at least 24 hours before arrival.
Day Tour Entrance: P300/head (F&B Consumable). Kung gusto niyo ng access sa swimming pool, i-check ang official website o Facebook page para sa day tour package promos.
Poro Point Lighthouse
Isa sa mga historical landmarks sa La Union ang Poro Point Lighthouse na mate-trace ang history simula pa noong 1905 noong panahon ng American occupation. May height na 27 feet at nakaharap sa West Philippine Sea, isa ito sa mga points of interest sa Poro Point Freeport Zone. Madalas ay parte ito ng walking, cycling o jogging routes ng mga locals dahil across Poro Point Baywalk lang ito.
Address: Poro Point Freeport Zone, San Fernando City, La Union
Opening Hours: 24/7
Entrance Fee: FREE
Pindangan Ruins
Ang Pindangan Ruins ay remains ng first ever Catholic church na itinayo sa San Fernando noong 1764 under the Spanish rule. Mostly age-old stone walls at buttresses na lang ang makikita dito. Mina-manage at mine-maintain ito ng Carmelite sisters mula sa katabing Carmelite Monastery.
Kapag pumunta kayo dito, iwasang sandalan o akyatin ang mga pader para sa inyong safety at para sa preservation ng ruins.
Address: Pindangan, San Fernando, La Union
Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 5:00 PM. Tandaan na maaaring magbago ang schedule kaya i-check muna ang latest announcment bago magpunta.
Entrance Fee: Regular, P25; Senior/Student, P20
Photo and Video Shoot: P500
Christ the Redeemer Statue
Ang hilly terrain ng San Fernando ay perfect para sa mga landmark tulad ng Ma Cho Temple at Filipino-Chinese Friendship Pagoda. Bukod sa dalawang ito, isa pang significant hilltop landmark ay ang Christ the Redeemer statue na 25 feet ang laki. Ang statue ay sumisimbolo sa overflowing gratitude, blessings, at protection.
Mararating ninyo ito kapag umakyat kayo sa steep alley na nasa concealed part ng town. Kung plano ninyo maakyat ito on foot, mas mabuting pumunta ng early morning o late afternoon para maiwasan ang init. Pero pinaka-magandang pumunta dito ng late afternoon para mapanood ang sunset dahil overlooking ito sa city proper at San Fernando Bay.
Address: Reservoir Hill, Barangay I, San Fernando City, La Union
Opening Hours: 24/7
Entrance Fee: FREE
Halo-halo de Iloko
Mainit sa La Union lalo na kung summer months ka pupunta. Bukod sa beach, isa pang best way to beat the heat ay ang pagkain ng halo-halo. Sa San Fernando, Halo-halo de Iloko ang pinaka-kilala. Sabi nila, ang mga ingredients na gamit dito ay fresh araw-araw at karamihan ay galing sa local suppliers.
May tatlong klase ng halo-halo dito— Fiesta Halo-Halo (P120), Buko Halo-Halo (P195), at Pritong Halo-Halo (P150). Ang unang dalawa ang kalasa ng classic halo-halo na kilala natin. Kung naghahanap ka naman ng medyo kakaiba, pwede mong subukan ang kanilang pritong halo-halo. Creative version na ito ng halo-halo, mainit ang mga ingredients tulad ng saging at may kasama itong ube halaya, cheese, at iba pang ingredients.
Kilala ang Halo-halo de Iloko sa mga turista pati sa locals kaya naman madalas ay crowded dito kapag peak hours. Kung gusto mong makaiwas sa dami ng tao, pumunta ka before or after ng peak hours.
Address: Zandueta Street, San Fernando, La Union
Opening Hours: Daily, 9:00 AM – 9:00 PM. Tandaan na maaaring magbago ang schedule kaya i-check muna ang official Facebook page bago magpunta.
Paraoir Manmade Forest
Kung manggagaling ka sa San Fenando, San Juan o Immuki Island at papunta ka sa Luna, madadaanan mo itong green canopy na ito!
Sakop ng mahabang stretch ng towering canopies na ito ang malaking bahagi ng Bacnotan-Luna-Balaian Road. Para itong natural green tunnel na nagpapa-mangha sa mga travelers katulad ng mahogany forest sa Bohol. Madalas na nag-papark sa tabing kalsada ang mga turista para mag-picture dito. Kung balak mo rin itong gawin, siguraduhin lang na i-park ng maayos ang sasakyan niyo para hindi makaabala sa traffic dahil major road ito. Siguraduihin din na mag-ingat kapag nag-tatake ng pictures.
Baluarte Watchtower
Kilala din bilang Luna Watchtower, ang Baluarte Watchtower ay isa sa limang historic watchtowers sa La Union na ideneklara na cultural treasures ng National Museum of the Philippines noong 2014. Ang structure na ito ay dating lookout tower para sa mga invading enemies tulad ng mga Japanese, Chinese, at Moro pirates.
Sa ngayon, isa sa pinaka-visited na attraction sa Luna ang restored brick tower na ito na nasa tabi lang ng pebble beach.
Kapag nagutom kayo, subukan ninyo ang mga pagkain sa Lola Mending’s Cafe na malapit dito. Huwag kalimutan orderin ang Baluarte Supreme churros na kahugis ng watchtower!
Address: Barangay Victoria, Luna, La Union
Opening Hours: 24/7
Entrance Fee: FREE
Darigayos Beach
Hindi tulad ng ibang mga beach sa municipality of Luna, hindi pebbly ang Darigayos Beach. Meron itong cream-colored sand pero hindi rin ito powdery fine. Pero pinupuntahan pa rin ito ng mga locals at turista dahil mas kalmado ang mga alon dito. May mga area na mababaw pero may mga area din na malalim kaya be mindful at i-familiarize muna ang sarili sa beachscape.
May mga open huts at cottages dito na pwedeng rentahan.
Location: Darigayos Beach, Bacnotan-Luna-Balaaoan Road, Luna, La Union
Nalvo Pebble Beach
Kung ang mga beach sa San Juan ay may fine sand, ang mga beach naman sa Luna ay pebbled. Kung naghahanap ka ng unusual beach, hindi mo na kailangan lumayo dahil 30-45 minutes lang ang bayan ng Luna mula sa San Juan.
Ang pinaka-sikat na beach dito ay ang Nalvo Pebble Beach. Maraming mga resort dito, pero mas kilala ito para sa mga art galleries dito—ang Bato de Luna, Bahay na Bato, at Kamay na Bato. Puwede ninyong bisitahin ang mga ito pagkatapos mag-explore sa beach para makita ang pebble works at structures.
Location: Nalvo Norte at Nalvo Sur, Luna, La Union
Bahay na Bato
Ang Bahay na Bato ay isang extensive art gallery na dating bahay bakasyunan nila Dr. Edison at Dr. Purita Chan-Noble. Ang structure na ito na nasa pebble beach ay itinayo gamit mostly ang pebbles at stones.
Maraming statues sa buong site at iba-iba ito in terms of theme and design. May mga Filipino artifacts din sa indoor galleries nito. Maraming Instagrammable photo spots dito kaya ihanda niyo na ang mga poses niyo para sa photos! Open din ang property para sa prenuptial shoots at iba pang themed photoshoots.
Kung gusto niyong mas maenjoy ang pagpunta niyo dito, pumunta ng early morning o late afternoon para maiwasan ang matinding init.
Address: Bahay na Bato, Nalvo Norte, Luna, La Union
Opening Hours: Daily, 7:00 AM – 6:00 PM. Maaaring magbago ang schedule kaya i-check muna ang official Facebook page bago pumunta.
Entrance Fee: Regular, P50; Below 2 y/o, FREE
Bato de Luna
Hindi nalalayo sa Bahay na Bato ay ang Bato de Luna kung saan marami pang pebble installations at artworks ang makikita niyo. Mula sa main road (Bacnotan-Luna-Balaoan Road), lumiko sa barangay road papunta sa mga art galleries at makikita mo sa kanan mo ang Bato de Luna.
You can’t miss it dahil sasalubungin ka ng higanteng statue ng turtle na gawa sa pebbles na most prominent structure ng lugar. Sa loob nito ay mga textured colorful walls na puno ng artworks, interactive optical illusion floor painting, at painted ceiling.
Binibigyan ng spotlight sa Bato de Luna ang mga obra ng South Korean stone artist at sculptor na si Mr. Bong Kim. May mga quirky at naughty stone figures at colorful photo spots din dito.
May souvenir shop din kung saan puwedeng bumili ng pasalubong. At kung gusto niyong kumain, mayroong restaurant dito na nag-ooffer ng breakfast meals na may ‘unli rice’ at ‘unli sabaw’ options.
Address: Bato de Luna, Nalvo Norte, Luna, La Union
Opening Hours: Daily, 7:00 AM – 6:00 PM. Maaaring magbago ang schedule kaya i-check muna ang official Facebook page bago pumunta.
Entrance Fee: Regular, P50
Agoo Basilica
Officially named Basilica Minore of Our Lady of Charity, ang Agoo Basilica ay itinayo noong 1578 ng Franciscan order. Una itong dinedicate kay St. Francis of Assisi. Ang current Mexican-Baroque structure ay ginawa noong 1975 pero binuksan ito sa public noong 1978.
Noong 1990, nasira ang 19-century bell tower matapos ang destructive earthquake noon kaya kinailangan ng major reconstruction ng simbahan. Pero dahil hindi na ma-repair ang bell tower, pinalitan ito ng bagong structure.
Sa ngayon, ang minor basilica ay nagsisilbing seat of the Santa Monica Parish of the Roman Catholic Dioscese of San Fernando de La Union. Makikita dito ang dalawang bell towers, Hebrew-script carvings ng ten commandments sa pinto, pipe organ, at isang underground cemetery at chapel kung saan may mga relics ng mga saints.
Address: Grotto Road corner MacArthur Highway, Poblacion, Agoo, La Union
Agoo Eco Fun World
Nasa south ng Bauang ang bayan ng Agoo na ipinangalan sa Agoho trees na pumapalibot sa area.
Binuksan ang Agoo Eco Fun World na nasa Barangay Santa Rita West noong 2014. Dinevelop ito ng local government at parte rin ng reforestation efforts ng DENR. Ang manmade forest na ito ay may thousands of Agoho tress. Bukod dito, nag-aattract rin sa locals at tourists ang view ng Moount Katayagan at beach na nakaharap sa Lingayen Gulf.
Popular na destination din ito para sa photoshoots. Bukod dito, marami pang ibang activities na pwedeng gawin sa lugar tulad ng swimming, kiteflying, jogging, walking, at panonood ng sunset. May mga picnic huts din sa beach area at pwede rin namang maglatag ng picnic mats o mag-pitch ng tent.
Pinaka-magandang pumunta kapag early morning kapag hindi pa masyadong harsh ang araw at kapag late afternoon para sa sunset.
Address: Agoo Eco Fun World, Barangay Santa Rita West, Agoo, La Union
Environmental Fee: Adults, P15 ; Senior & PWD, P10; Children below 3ft, FREE
Parking Fee: Tricycle & Motorcycle, P10; Other Vehicles, P20
Rental Fees: Big Cottage, P500; Pavilion, P1,500
Commercial Photoshoot/Videoshoot: P2,000
PUGAD Pugo Adventure
Malayo sa mga coastal towns ng La Union, ang forested at mountainous landscape ng Pugo ay perfect location para sa PUGAD Pugo Adventure na isang kilalang leisure at adventure park.
Ang adventure park ang unang nag-offer ng zipline adventure sa La Union. Bukod dito, may iba pang sports activities na puwedeng subukan tulad ng Giant Swing, Paintball, ATVs, at wall climbing. Meron ding mga swimming pool, botanical garden, at mini zoological park dito. Ito ang mga rates ng ilan sa mga activities:
- Zipline 1-3 – P250-400
- ATV – P350/head
- Wall Climbing – P150/head
- Giant Swing – P250/head
- Australian Rundown – P250/head
- Paintball – P400/head
Pwede din kayong mag-avail ng mga package. I-check ang kanilang official Facebook page para sa inclusions per package.
Kung may sarili kayong sasakyan, dadaan kayo sa Agoo-Baguio Road (Jose D. Aspiras Highway) at liliko sa PUGAD Trail. Makikita niyo ang malaking sign na magtuturo sa inyo sa daan na yon. Malayo man sa city at major highways, accessible din ang adventure park via public transportation.
Address: PUGAD, Pugo Adventure, Pugo, La Union
Opening Hours: Daily, 8:00 AM – 6:00 PM. Maaaring magbago ang schedule kaya i-check ang official Facebook page bago pumunta.
Entrance Fee: Adults, P200; Kids 4ft below, P150; Kids 2ft below, FREE. Kasama sa rates ang access sa swimming pools.
Where to Stay in La Union
Kung gusto ninyong ma-explore ang La Union, pinaka-ideal na gawing base ang San Juan o San Fernando. Ang dalawang ito ay nasa gitna ng probinsya kaya madaling marating ang mga attraction sa ibang towns mula dito. Ito ang ilan sa mga hotel at resort na puwede ninyong i-book para sa inyong stay sa La Union.
Top Hotels on Agoda
- AUREO RESORT LA UNION
✅ Check Rates & Availability Here! - KAHUNA BEACH RESORT AND SPA
✅ Check Rates & Availability Here! - AWESOME HOTEL LA UNION
✅ Check Rates & Availability Here! - LITTLE SURFMAID RESORT
✅ Check Rates & Availability Here! - COSTA VILLA BEACH RESORT
✅ Check Rates & Availability Here!
Top Hotels on Booking.com
- THUNDERBIRD RESORTS – PORO POINT
✅ Check Rates & Availability Here! - 3BU HOSTEL LA UNION
✅ Check Rates & Availability Here! - ISLA BONITA BEACH RESORT
✅ Check Rates & Availability Here! - THE ESCAPE SAN JUAN
✅ Check Rates & Availability Here! - G HOTEL LA UNION
✅ Check Rates & Availability Here!
If you want more suggestions with more details about each hotel, you can also check our Top 10 Hotels & Resorts in La Union article.
Find more La Union Hotels!
Updates Log
2024.04.24 – Updated rates and information
2024.04.21 – Updated Where to Stay section
2023.05.03 – First uploaded
Comments