Top 9 Beaches in Zambales (Tagalog)

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Kapag nag-iisip ka ng mga beach na malapit sa Manila, malamang isa sa mga una mong maiisip na destination ay ang Zambales. Ang coastal municipality ng Subic ay isa sa mga popular na pinupuntahan ng mga beach lovers lalo na ng mga galing sa Manila dahil few hours away lang ito. Kahit na marami nang beach destinations ang na-discover at sumikat sa nakalipas na mga taon, hindi pa rin nawawala sa listahan ng mga gusto ng escape mula sa city ang Zambales. Bukod sa magagandang beach, marami ring magagandang resort at malapit na shopping places dito.

PHBEACHKLOOK

Kung naghahanap ka ng beach destination malapit sa Manila for a weekend getaway o day trip, ishe-share namin sa inyo ang ilan sa nga beach sa Zambales na puwede ninyong puntahan. Ang mga beach sa listahan na ito ay budget-friendly kaya perfect ito kung gusto mo lang ng break at mag-relax away from the city without breaking the bank. Ilan sa mga beach na ito ay puwedeng mag-camping, ang iba naman ay hindi nag-aallow ng overnight stays pero karamihan dito ay maeenjoy mo kahit day trip lang ang balak mo.


Anawangin Cove

Nakilala ng mas marami pang turista ang Anawangin Cove sa nakalipas na mga taon. Isa na ito sa mga go-to beaches na malapit sa Manila ngayon. Mula sa pagiging tahimik na fishing village, mabilis na naging tourist town ang Pundaquit na jump off point papunta sa Anawangin.

Pero hindi lang tourism ang nagpabago dito. Nagsimulang magbago ang lugar noong pumutok ang Mt. Pinatubo noong 1991 at nagbuga ito ng volcanic ash sa shore ng San Antonio. Dahil dito, ang dating rocky coast ay naging parang paradise na pinapangarap ng mga beach lovers. Over time, tumubo dito ang mga agoho trees o sea pine trees na bumuo sa mala Boracay-meets-Baguio landscape.

How to get there: Sumakay ng bus papunta sa Iba o Sta. Cruz, Zambales. Bumaba sa San Antonio Public Market malapit sa Municipal Hall. Ang fare ay nasa P270-300. Puwede ka rin sumakay ng bus papuntang Olongapo at isa pang bus papuntang San Antonio. Bababa ka rin sa San Antonio Public Market. Mula dito, sumakay ng tricycle papunta sa Pundaquit. P60 ang pamasahe para sa dalawang tao. Pagdating sa Pundaquit, mag-rent ng bangka papunta sa Anawangin Cove. Ang rate ay P1000, good for 4 pax.


Nagsasa Cove

Tulad ng Anawangin, ang Nagsasa Cove ay may volcanic sand mula sa Mt. Pinatubo at napapaligiran ng sea pine trees. Makikita mo rin dito ang iba pang bagay na sikat sa Anawangin tulad ng natural viewpoint sa isang burol at napakagandang inlet. Pero napanatili pa rin nito ang laidback atmosphere na unti-unting nawawala sa Anawangin dahil mas sikat ito sa mga turista at mas maraming bumibisita dito. Mas nakikilala na rin ang Nagsasa, pero hindi pa rin ito nagiging overcrowded.

How to get there: Sumakay ng bus papunta sa Iba o Sta. Cruz, Zambales at bumaba sa San Antonino Public Market malapit sa Municipal Hall. Ang fare ay nasa P270-300. Puwede ka ring sumakay ng bus papuntang Olongapo at sumakay ng isa pang bus papuntang San Antonio. Bababa ka rin sa San Antonio Public Market. Mula dito, sumakay ng tricycle papunta sa Pundaquit (P60 per 2pax). Pagkatapos, mag-rent ng bangka papunta sa Anawangin Cove. Ang rate ay P1000, good for 4 pax.


Talisayen Cove

Talisayen Cove

Sa mga coves sa Zambales na may volcanic sand, ang Talisayen ang pinaka-peaceful. Hindi ito kasing sikat ng ibang coves kaya mas konti ang pumupuntang turista dito. Pero marami itong pagkakapareho sa Anawangin at Nagsasa. Ang isa sa pinaka-malaking pagkakaiba lang ay kahit na maraming turista ang bumibisita sa dalawang cove na nabanggit, konti pa rin ang turistang pumupunta sa Talisayen.

How to get there: Mula Pundaquit, mag-rent ng bangka papuntang Talisayen. Ang rate ay nasa P2000-2500, good for 4 pax. Puwede ring pumunta dito by boat mula Subic pero mas mahabang biyahe ito.


Silanguin Cove

Silanguin Cove

Isa sa mga bagong rediscovered beach sa San Antonio, ang Silanguin Cove na pinaka less crowded dahil nasa remote area ito. Tulad sa ibang coves sa San Antonio, hindi rin white ang sand dito. At best, light gray ang kulay nito. Pero ang isa sa pinaka magandang quality ng Silanguin ay ang shallow at less violent na tubig dito na mas ideal kung gusto ninyong mag-swimming. May maaganda rin itong view ng nakapalibot na mga bundok.

Kung interested ka sa ibang activity, go fishing! Mayaman ang katubigan ng Zambales kaya naman sumisikat dito ang mga fishing tours. Puwede ninyong tanungin ang boatman tungkol dito bago ang trip.

How to get there: Mula sa Pundaquit, mag-rent ng bangka papuntang Silanguin Cove. Nasa P2000-2500 ang rate good for 4 persons. Nasa 5-6 hours ang biyahee dito. Puwede ring pumunta dito by boat mula Subic pero mas matagal ang biyahe.


Potipot Island

Potipot Island

Bago pa man na rediscover ang mga beach sa San Antonio, kilala na ang Potipot Island sa ilang travelers. Privately owned ito pero isa ito sa mga islands na puwede mong bisitahin kapag gusto mo ng tahimik at intimate na moment with nature at peace of mind.

How to get there: Sumakay ng Victory Liner bus papuntang Sta. Cruz (P450) at bumaba sa Uacon, Candelaria. Pagkatapos, sumakay ng tricycle hanggang sa port papuntang Potipot (P15) at mag-rent ng bangka papunta sa isla (P400, up to 4 pax).

Kung kailangan mo ng mas kumportableng lugar na tutuluyan overnight, puwede kang mag check-in sa malapit na resort, ang Potipot Gateway Resort.

CHECK RATES & AVAILABILITY!


Capones Island

Capones Island

Malayo pa lang ay marerecognize mo na ang Capones Island dahil sa sharp cliff sa may beach nito kung saan makikita ang historic na Capones Lighthouse. Kilala ito bilang island-hopping sidetrip destination kasama ng Camara Island. Ang isang bahagi ng island ay covered in rocks at may fine sand naman ang kabilang bahagi. Ang lighthouse ay nagsisilbing guide ng mga vessels to and from Subic Bay at Corregidor. Bukas din ito sa mga turista at puwedeng umakyat sa tuktok ng tower.

How to get there: Mula sa Pundaquit, puwedeng sumakay ng bangka papunta sa Capones Island. Ang entrance fee ay P350.


Camara Island

Camara Island

Ang Camara Island ay easily accessible mula sa Pundaquit dahil ito ang pinaka malapit sa mainland. In fact, visible ang island na ito mula sa village. Mayroon ditong short stretch ng sand kung saan puwede kang mag-relax at mag-sun bathing.


Liwliwa Beach

Isa ring fishing village sa San Felipe, Zambales ang Liwliwa. Hindi lang ito basta beach destination dahil isa rin itong surfing spot. Pero hindi tulad ng ibang surfing destinations, hindi crowded ang Liwliwa dahil na rin sa location nito na medyo tago mula sa main highway. Katulad ng ibang coves dito sa Zambales, ang buhangin dito ay nahaluan ng lahar mula sa Mt. Pinatubo noong pumutok ito noong 1991.


Crystal Beach Resort

Kilala rin ang Zambales bilang surfing spot. Ang Crystal Beach Resort sa San Narciso ay isa sa mga lugar kung saan puwedeng mag-surf. Nag-ooffer din sila ng surfing lessons mula sa Quicksilver Surf School. Ang surfing lessons ay P400 per hour, inclusive of surf board, rash guard, at Quicksilver instructor’s fee.

Pero kung hindi mo naman interest ang surfing, puwedeng puwede ka pa rin mag-chill sa Crystal Beach. Puwede kang umupo sa isa sa mga open hut dito at magbasa o mag-relax lang habang pinakikinggan ang tunog ng mga alon.

How to get there: Sumakay ng Victory Liner bus papunta sa Iba, Zambales (via SCTEX). Bumaba malapit sa San Sebastian Church sa San Narciso, Zambales. Ang fare ay P280. Sumakay ng tricycle papunta sa Crystal Beach Resort (P30 for 2 pax).

CHECK RATES & AVAILABILITY!


Where to Stay in Zambales

Kung naghahanap ka ng iba pang resort or hotel kung saan puwedeng mag-stay sa Zambales, ito ang ilan sa mga top rated accommodations na puwede mong i-book.

Top Hotels on Agoda

Top Hotels on Booking.com

If you want more suggestions with more details about each hotel, you can also check our Top 10 Beach Resorts in Zambales article.

Find more Zambales Hotels!

Klook.com

Klook Code PHBEACHKLOOK


Watch Related Videos on YouTube

You can watch our 10 Best Beaches in Zambales video below. You can also find other related videos on our YouTube channel.


Updates Log

2024.04.25 – Updated Where to Stay section
2023.05.15 – First uploaded

Related Article: How to Get to Zambales


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.