Kahit sa mga pro na sa pag-apply for visa sa iba’t ibang embassies, hindi pa rin palaging smooth-sailing ang application process. Sa totoo lang, kahit yung mga nakikita mong content creators na gumagawa ng mga guides for visa application ay mega pa rin ang kaba kapag humaharap na sa immigration officer!
Gets namin ‘yung kabang ito. Habang nagkukumpleto ng mga documents at iba pang mga requirements, mapapaisip ka talaga: Made-deny ba ang visa application ko? Maa-approve ba ito?
Dahil maraming factors na nakasalalay sa pag-approve ng iyong visa, mahirap talaga ma-pin-point ang iisang rason kung bakit madedeny ang visa mo. (Pero kasama mo kami sa pag-pray na hindi!) Mandato rin kasi ng mga embassies na maging mabusisi sa pag-evaluate ng mga application.
First, anong purpose ng Visa at Immigration Policies?
Ang pinaka-simpleng explanation ay nagsisilbing proteksyon ng national interest ng isang bansa ang visa policies nito. Maaaring for the common traveler, ang naiisip lang natin kapag pupunta ng isang bansa is tourism. However, concerned din ang mga embassies sa mga nago-overstay na visitors o mga nagtatrabaho illegally sa kanilang bansa.
Hindi naman ipinagbabawal ang mas mahahabang stay o ang pagtatrabaho sa mga bansa nila. Sadyang may tamang proseso talaga para sa lahat. Aminin man natin o hindi, isa sa mga dahilan kung bakit mas mahigpit ang embasses sa Pilipinas sa pag-screen ng mga turista ay ang tinatawag nating mga “TNT” o “tago nang tago.” Kung hindi ka familiar sa term na ito, ito yung tawag sa mga nagtatago sa mga police o immigration authorities dahil nago-overstay na sila.
Bukod pa sa national interest ng mga bansa, nakakatulong din ang visa policies para ma-address ang ibang serious concerns tulad ng human trafficking at threats to national security.
Karamihan ng mga reasons para sa visa rejection ay may kinalaman sa overstaying. Kaya ang bulk ng mga articles namin about visa applications ay nakatuon din sa pagtulong sa inyo na ma-establish na wala kayong rason para mag-stay nang higit pa sa nakatakdang oras sa pupuntahan mong bansa.
Para makatulong sa inyong visa application process at makaiwas sa visa application rejection, nakadetalye sa article na ito ang mga common reasons kung bakit narereject ang visa application at anong pwede mong gawin para iwasan ito.
NOTE: Ang lahat ng ito ay speculations based sa mga patterns at similarities na nakita namin sa mga visa applications ng mga kakilala, conversations with travel agents, at experiences ng mga kaibigan. Malaking bahagi ng evaluation process ang hindi visible sa outsiders. At the end of the day, isa itong exercise in making educated guesses.
WHAT'S IN THIS GUIDE?
Malabong Purpose of Travel
Bakit gusto mong mag-travel sa bansang iyon?
Isa ito sa mga expected na basic question kapag nag-apply ka ng visa. Nasa bawat application form ito. Kung ano man ang rason mo, dapat malinaw at honest ka sa sagot mo dahil kailangan mong patunayan ito sa magche-check ng visa application mo. Magta-travel ka ba para:
- Mag-sightseeing?
- Bisitahin ang friends or family?
- Pumunta sa isang seminar or conference?
- I-meet ang client (business trip)?
Kung tourism ang rason mo, kailangan mong mag-submit ng itinerary o daily schedule. May ilang embassies na manghihingi ng hotel at tour bookings. Magkakaroon ka ng problema kung hindi realistic ang itinerary mo.
Kung may bibisitahin kang friends or family, kailangan mong mag-submit ng invitation letter, at minsan, guarantee letter, at iba pang documents. Ang ilang embassies ay manghihingi rin ng proof of relationship. Para sa immediate family, madalas ay okay na ang birth certificate. Pero mas tricky ito para sa friends or partners. Halimbawa, sa Schengen visa, kailangan mong mag-submit ng pictures na magkasama kayo at conversation records. Kung mayroon kang specific reason (hal., pupunta ka ng kasal o reunion), sabihin mo ito. Mapapakita nito na ang purpose mo ay grounded, personal, at believable.
Maling Type ng Visa
Kung magta-travel ka for business, kumuha ka ng business visa. Kumuha ka naman ng tourist visa kung ang travel mo ay purely for leisure. Huwag kang mag-apply ng tourist visa kung malinaw na for business and travel mo.
Bukod dito, huwag maging too ambitious dahil risky ito. Halimbawa, first time mo pumunta sa South Korea at nag-apply ka ng tourist visa. Konti lang ang savings sa bank account mo, pero nag-apply ka para sa 90-day stay sa Korea. Malaki ang chance na mag-doubt ang visa officer na for leisure lang ang pakay mo.
Ang pag-apply para sa mas matagal na stay lalo na kung first time mo ay magre-raise ng maraming tanong, tulad ng:
- Bakit kailangan mong mag-stay na ganoon katagal?
- Paano mo isu-sustain ang stay mo?
- Anong mangyayari sa trabaho mo sa Pilipinas?
- Wala ka bang stronger ties sa Pilipinas?
Isa pang halimbawa ay ang pag-apply ng multiple-entry visa (Schengen) kahit na hindi naman ito kailangan based sa itinerary na ipapasa. Halimbawa, ayon sa iyong itinerary, isang beses mo lang kakailanganing pumasok sa Schengen territory, pero nagpupumilit kang mag-apply ng multiple-entry visa. Malaki ang chance na ma-reject ang application mo.
Generally, kung first time mo mag-apply ng visa sa embassy na iyon, go for single entry, maliban na lang kung completely justified ito. Kung plano mong lumabas-pasok sa Schengen area para mag-tour sa ibang bansang hindi naman Schengen member state, kailanan mong i-prove na ilang beses kang lalabas ng Schengen Zone kaya kailangan mo ng multiple-entry visa.
Nangyayari pa rin na may ilang embassies na bibigyan ka pa rin ng single-entry kung sa tingin nila ay hindi mo deserve ang multiple-entry visa.
Hindi Sapat na Proof na Babalik Ka
Tandaan, ang mga embassies ay may fear na mag-overstay ka kaya kailangan mong i-prove na mayroong kang rason para bumalik pagkatapos ng trip. Minsan ay tinatawag itong “proof of rootedness.”
Para ma-prove ang rootedness mo, kailangan mong ipakita na mayroon kang strong ties sa Pilipinas at hindi ka pwedeng basta na lang mawala. Ito ang most common forms ng proof of rootedness:
- Employment. Tinitingnan nila ang iyong job description, salary, at tenure. Kung matagal ka na sa kompanya, good sign ito para sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit required na kasama ang mga details na ito sa iyong Certificate of Employment. Kaya rin maraming instances na hindi nabibigyan ng visa ang applicants na unemployed o walang stable job. Iniisip ng mga embassy na baka magtrabaho ka sa bansa nila nang walang sapat na documents or invalid documents.
- Business. Kung mayroon kang negosyo sa Pilipinas, kahit maliit lang ito, maganda itong proof ng rootedness. Maaari kang mag-submit ng business registration documents. Ang ilang embassies ay nanghihingi rin ng financial reports.
- Properties. Kung mayroon kang lupa, bahay, condo unit, o kotse, maaari mong i-submit ang kopya ng titulo o deed of sale.
Mahinang Employment Status
Hindi sapat na sabihin mong employed ka, may negosyo ka, or may stable source of income ka. Kailangan mo rin itong suportahan ng mga documents na nagpapatunay ng mga claims mo.
Halimbawa na lang: May isang lalaki na gustong magpunta sa Europe. Well-funded ang kaniyang bank account, pero hindi niya ma-prove na employed siya. Ayon sa kanya, nagpapatakbo siya ng maliit na sari-sari store at practically, kanya ito. So, ang next step niya ay i-submit ang registration papers. Ang problema, nakapangalan sa lola niya ang documents. Hindi maganda ito, dahil on paper, lola niya ang may-ari ng store at hindi siya.
May isa pa siyang maliit na negosyo, pero unfortunately, hindi ito registered sa DTI, BIR, o kahit anong government agency. Kahit ilagay niya ito bilang employment sa form, imposibleng ma-convince ang embassy nang walang documentation. Pero nanatili siyang optimistic at sinabi niyang ie-explain niya na lang ito sa cover letter. Very risky ito dahil wala siyang proof. Wala sa mga papers niya ay nakapangalan sa kaniya. Sinubukan pa rin niya. Of course, denied ang application niya.
Isipin mo na nasa side ka ng embassy for a minute. Maniniwala ka ba kung may magsasabi sa’yo na mayroon silang trabaho pero wala silang documents para patunayan ito? Hindi puwedeng tanggapin na lang ng mga embassy ang sinasabi mo. Kailangan nila ng solid proof.
Madalas na challenge ito sa mga freelancers. Minsan, kahit na mayroong business registration documents at ITR, hinihingan pa rin ng mga contracts with clients. Imagine kung wala ka kahit anong document?
Kung may mga documents kang hindi maibibigay, give alternatives. Mag-submit ka ng copy ng mga contracts at invoices. Kumuha ka ng letters mula sa mga clients na may complete details para maaari silang ma-contact ng embassy to confirm your claims.
Kahina-hinalang Financial Records
Obviously, kailangan mong patunayan na kaya mong suportahan financially ang trip mo at hindi ka mamumulubi pagkatapos nito. Kaya naman kailangan nilang makita ang proof of income mo at ang iyong bank documents.
Magkano ang dapat laman ng bank account mo?
Karamihan ng embassies ay walang amount na sinasabi. Pero in general, ang unofficial rule of thumb ay i-add ang cost ng airfare, hotels, at daily travel provisions (per diem) na iba-iba bawat embassy. Halimbawa, ang French Embassy ay nagre-require ng €120 per day. Sa travel circles namin, karamihan ay P10,000 per day rule ang sinusunod. May mga kakilala kaming na-approve ang Japanese, Korean, at Australian visa applications kahit na mayroon lang silang around P50,000 sa kanilang bank account dahil nag-apply lang sila para sa 3-4 days na stay.
Ang mahalaga, proportional ang laman ng bank account mo sa itatagal mo. Huwag kang mag-apply ng 30-day or 60-day visa kung meron ka lang P50,000 sa account mo. It doesn’t make sense, lalo na sa perspective ng isang embassy.
Anong bank documents ang hinihingi ng embassies?
Ang ilang embassies, tulad ng Japan embassy, ay nagre-require lang ng bank certificate. Para naman sa embassies ng South Korea at Schengen countries, required ang bank certificates AT bank statements. Hindi sapat na mayroon kang sufficient funds. Titingnan din nila ang account maturity at transaction history.
Sinusubukan ng ibang applications at even illegal recruiters na dayain ang system sa pamamagitan ng pagbubukas ng account o mag-deposit ng malaking amount para lamang sa application at pagkatapos kumuha ng visa ay iwi-withdraw na ang perang ito. Dahil dito, gusto ng mga embassies na makita ang account activities for the past 3-6 months. Kailangan ay magpakita ito ng steady cash flow. Kung ang account history mo ay nagpapakita ng something unusual tulad ng one-time big deposit, magre-raise ito ng red flag.
Mayroon kaming kakilala na gustong mag-attend ng event sa Europe pero hindi nabigyan ng Schengen Visa ng Norwegian Embassy dahil konti lang ang savings niya. Pero nag-appeal siya at ipinakita na bukod sa kanyang savings ay mayroon din siyang Paypal account na may lamang pera. Nag-print siya ng transaction history at sinubmit ito kasama ng sulat. Na-approve naman ang kanyang appeal.
Manipis na Ties sa Sponsor or Inviter
Maraming first-time applicants ang nag-aakala na dahil invited sila ng isang tao na nakatira sa bansang iyon ay mas madali na ma-approve ang kanilang short-term visa. Pero hindi ito totoo. Madalas, ang pagkakaroon ng kakilala sa bansang iyon ay pwedeng maka-hurt pa sa visa application mo.
Bakit? Dahil kapag may kakilala ka sa bansang iyon, mayroon kang strong reason para mag-overstay at hindi na bumalik. Ang pagkakaroon ng inviter or sponsor abroad ay hindi dahilan para hindi na tingnan ng embassy ang iyong rootedness, employment, at financial situation. If anything, mas titingnan pa nila ito at mas susuriin ang application mo. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa Schengen countries ay tinatanong ang mga sumusunod:
- May kakilala ka ba sa Europe?
- May kakilala ka ba sa UK?
- Paano ka naging related sa kanila?
Nagiging kumplikado rin ang mga bagay-bagay, depende sa sagot mo. Kung may nag-invite sa’yo, mas marami kang documents na isusubmit at ang ilan dito ay kailangan i-secure ng inviting party abroad. At Kung ang relationship ay weak o masyadong malayo, maaari itong makaapekto sa chances mo. Kailangan maipakita mo sa embassy kung bakit willing mag-commit ang sponsor mo na i-shoulder ang trip mo o maging responsible para sa’yo. Kung na-meet mo lang ang inviter online, magiging mas mahirap i-convince ang embassy dahil ang proof of relationship ay mako-consider na weak at unreliable.
Kailangan mo ring i-prove ang relationship mo sa kanila. Para sa Schengen countries, kailangan mong mag-submit ng photos, conversation records (phone bills, etc.), at iba pang evidence.
Hindi Nagtutugma ang Information at Interview
Una, seryosohin ang visa application form. Ito ang pinaka-importanteng document sa pagkuha ng visa. Makikita rito ang pinaka-essential na information tungkol sa’yo at sa trip mo. Lahat ng documents na ipapasa mo ay iko-compare sa mga detalye na ilalagay mo sa form.
- Siguraduhin na tama ang mga spelling.
- Sundin ang mga instructions.
- At pinaka-importante, siguraduhin na lahat ay accurate, truthful, at consistent.
Kung sinulat mo sa form na ang stay mo is only four (4) days, huwag kang mag-submit ng 2-week itinerary. Kung ilalagay mo na ikaw ay self-employed, mag-provide ka ng business documents. Kung ilalagay mo na may nag-invite sa’yo, i-present mo ang necessary paperwork.
Critical ito kung mayroong mandatory interview. Lagi naming sinasabi, maging confident during the interview. Ang totoo, mas madaling sabihin kaysa gawin. Hindi talaga mawawala ang kaba. Dahil sa sobrang tense at pressure, maaring mag-buckle o mag-stutter. Kaya naman dapat prepared ka dito. Kailangan mong maging familiar sa bawat sulok ng trip mo. Kaya naman maganda na heavily involved ka sa planning para ma-memorize mo ang details by heart.
Ito rin ang dahilan kung bakit dapat ay honest ka sa lahat ng oras. Kung nagsasabi ka ng totoo, madali lang maging consistent. Kahit paano man paikutin ng interviewer ang mga tanong, parehas ang magiging sagot mo dahil ito ang totoo. Hindi mahirap makita kung sino ang nagsisinungaling at gumagawa ng kuwento. Isang mahirap na tanong tungkol sa isang detalye lang ay maaari nang masira ang facade mo.
Kung sa tingin mo ay kailangan mong magsinungaling sa visa application, ibig sabihin nito ay hindi ka pa ready para sa trip na ito.
Mahinang Travel History
Minsan, ang pag-a-apply ng visa ay parang pag-a-apply ng trabaho. Lahat ng stamps at visa sa passport mo? Iyon ang resume mo.
Ang pagkakaroon ng strong travel history ay magbibigay sa’yo ng advantage. Ipapakita nito sa embassy na mapapagkatiwalaan ka nila. Parang sinasabi nito na, “Nakapunta na ako sa mga bansang ito at bumalik ako at never nag-overstay.”
Of course, hindi guarantee ang pagkakaroon ng mga stamps. In the same way, hindi ibig sabihin na made-deny agad ang visa application mo kung wala ka pang stamps. Pero makakatulong sa’yo ang good history. Kaya naman magandang idea na pumunta muna sa visa-free countries bago sa mga visa destinations.
Kung mayroon kang record ng overstaying, magiging problema ito. Magiging mas mahirap i-convince ang embassy na pagkatiwalaan ka ulit. Kaya never break your visa restrictions!
Kulang, Fake, o Kaduda-dudang Documents
Bawat visa application ay mayroong set of requirements na kailangan ipasa ng applicant. Nagkakaroon ng problema kapag hindi makapag-produce o present ng ilang required documents ang applicants.
May ilang documents na madaling dayain, pero huwag mo itong gagawin.
May ilang applicants na nagsa-submit ng fake o forged documents, which is a big no-no. Ang ilang documents tulad ng birth certificate ay mahirap i-fake, pero ang iba, tulad ng Certificate of Employment, pay slips, at bank statements ay madaling dayain. Pero huwag mo nang subukan.
Kapag nahuli ka, diretso sa basurahan ang visa application mo. Nagre-reflect ito sa character mo. Ipinapakita nito ang willingness mo na mag-break ng rules, na siya mismong ayaw nila sa kanilang bansa. Ang ilang embassies ay nagve-verify ng documents. Minsan, tumatawag ang Korean Embassy sa employer mo para i-confirm ang details sa Certificate of Employment mo. Para sa mga embassies na nagre-require ng flight reservation, maaari nilang i-check ang booking code ng flight para ma-confirm na nag-e-exist ito at nasa pangalan mo ang ticket.
Kung hindi applicable sa’yo ang isang document, don’t fake it.
Maghanap ka ng alternatives. Halimbawa, maramming OFW na nasa bansa ang hindi makakapag-produce ng ITR released by BIR dahil hindi sila nagtrabaho dito. Instead, pwede silang magpasa ng equivalent tax document sa bansang pinagtrabahuhan nila.
May mga workarounds din. Kung nag-a-apply ka para sa Japanese visa at wala kang ITR or bank certificate, puwede kang maghanap ng guarantor, ideally immediate family. Sa ganitong paraan, mashi-shift ang burden sa sponsor at kailangan mo lang mag-submit ng relevant documents nila. Tandaan na para lang ito sa Japanese Embassy. Karamihan ng mga embassies ay manghihingi pa rin ng financial documents mo kahit na sponsored ang trip mo.
Ang pinakamahalagang tandaan ay magpasa ng complete set of documents. Kung kulang, huwag mang-peke ng kahit ano. At kung wala kang mahanap na alternative, baka hindi pa ito ang oras para mag-apply ka ng visa.
Again, hindi nangangahulugan ng approval ang pagkakaroon ng complete requirements. Susuriin nila ang mga documents at dapat ay satisfactory ito para sa kanila.
Unknown Reasons
Ang pang-sampung reason? Hindi namin alam.
Puwedeng handang-handa ka para rito, pero minsan, hindi talaga natin masasabi kung ano ang mangyayari.
Mayroon kaming kakilala na may magandang travel history, financial records, at proof of rootedness. Sa pananaw namin, maayos lahat. Pero na-deny ang visa application niya. Mayroon din akong kakilala na nag-apply ng Japanese visa for the third time. Lahat ng mga dahilan para maging guaranteed ang approval ay meron siya, pero hindi pa rin na-approve ang visa niya.
Iniisip namin, mistake lang kaya iyon? Hindi ba maganda ang mood ng assessor noong in-evaluate and visa application nila? Haha. Hindi maipaliwanag.
Sa kabilang banda, mayroon din naman kaming kakilala na hindi pa nakapunta sa kahit anong visa country, shaky ang finances, bago lang sa trabaho, pero nabigyan ng multiple-entry visa!
Kahit gaano ka pa ka-prepared, some application results will just surprise you.
May kakilala kaming pair of friends that usually travel together. Equal ang standing nila in terms of travel history. Sa isa sa mga visa applications nila, nag-apply sila nang magkasabay. Pagdating sa ibang requirements, mas maganda ang records ni Friend A. Mayroon siyang full time job; freelancer naman si Friend B. Mas maraming laman ang bank account ni Friend A, mas stable ang employment history, mas maraming properties na nakapangalan sa kanya. Naturally, mas kabado si Friend B. Guess what? Na-approve ang application ni Friend B two weeks earlier kaysa kay Friend A. Tinawagan pa si Friend A para mag-submit ng additional documents!
May isang kakilala din kaming nag-apply for an Australian visa kasama ang mga kaibigan niya. Nakapunta na si friend sa Australia before, at ang travel history at ibang requirements niya ay much stronger. First time ng mga kaibigan niya na pupunta kaya tinulungan pa niya sila sa process. Ang ending, nabigyan ng multiple-entry visas ang mga kaibigan niya, habang single-entry visa lang ang nakuha niya. Nakakagulat din ano?
Minsan talaga, you just never know. Pero huwag mong asahan ang mga hiccups na ito. Mas exception ito kaysa rule. Ang pinaka-importante talaga pagdating sa visa application ay laging maging prepared at honest.
Comments