Ang pagkakaroon ng sponsor for visa application para tumaas ang chance of approval ay isang common misconception.
Maraming visa applicants ang nag-aakala na dahil lang invited sila ng isang taong nakatira sa bansang iyon ay mas madali na silang mabibigyan ng short-term tourist visa. Marami sa mga inquiries ay mula sa mga applicants na walang proof of employment, funds, o rootedness pero confident sa kanilang chances dahil ang sponsor nila ang sasagot ng lahat. Marami pa rin ang sumusubok at tumutuloy sa kanilang application pero karamihan talaga sa kanila ay nade-deny ang visa.
Usually, ang pagkakaroon ng sponsor during visa application ay maaari pang maka-hurt sa iyong chances of getting approved.
Siyempre, hindi naman namin nilalahat. Case-by-case basis pa rin ito. Ang ibang mga bansa, tulad ng UAE (United Arab Emirates), ay nagre-require sa mga visitors na magkaroon ng sponsor bago sila mabigyan ng visa. Sa mga bansang tulad ng UAE, hindi kailangang kilala mo personally ang sponsor. Puwedeng maging sponsor ang travel agency o hotel.
Pero para sa maraming bansa tulad ng South Korea, Canada, at Schengen states, hindi palaging nakabubuti ang pagkakaroon ng sponsor. Depende ito sa iba’t ibang factors tulad ng:
- relationship mo sa iyong sponsor
- socioeconomic status ng iyong sponsor
- iyong rootedness dito sa Pilipinas
Ilan lang ‘yan sa mga factors na makakaapekto sa application mo, pero mas recommended na kung kaya mong patunayan na may kapasidad ka na suportahan ang trip mo gamit ang sarili mong credentials, mas mabuting gawin mo na lang ito on your own at huwag nang humingi ng tulong ng sponsor for your visa application.
WHAT'S IN THIS GUIDE?
Bakit mahalaga ang Visa at Immigration Policies?
Mainly, mayroong visa policies para protektahan ang national interest ng bansa na gusto mong mapuntahan. Pagdating sa tourism, ang usual concern ng mga bansa ay ang pag-overstay ng visitors at pagta-trabaho illegally.
Maraming mga instances na ang applicants ay kukuha ng tourist visa pero kapag nakarating na sila sa destination, mag-overstay sila or hindi babalik pagkatapos ng nakatakdang period ng stay nila sa bansa na pinuntahan. Mahirap man tanggapin, pero naging notorious na ang mga Pilipino sa gawaing ito. Ito ang rason kung bakit mas strict ang rules sa atin at sa iba pang mga third world countries. In fact, mayroon na nga tayong colloquial term para dito — “TNT”, short for “tago nang tago,” na tumutukoy sa palaging pagtatago mula sa police o immigration authorities.
At dahil nga dito, mas mahigpit ang mga embassy sa Pilipinas sa kanilang visa screenings. Hindi ito dahil ipinagbabawal nila ang mas mahabang stay o pagta-trabaho doon. Kailangan lamang na mayroon kang tamang papers para dito. Ang pagkakaroon ng visa policies ay makakatulong din sa ibang serious concerns at threats sa national security.
Pero bakit sobrang higpit rin ng Bureau of Immigration sa Pilipinas sa mga Pilipino?
Ang immigration officers ay mandated na protektahan ang mga Filipino citizens na aalis ng bansa sa pamamagitan ng pagsiguro na hindi sila magiging vulnerable sa ibang bansa. Kailangan nilang makita na hindi mo ilalagay ang sarili mo sa delikadong sitwasyon o mayroon kang sapat na pera para suportahan ang iyong trip. Totoo ang human trafficking at ang mga walang financial resources ay mas prone na maging biktima nito.
REMEMBER! Bilang applicant, ang goal mo ay ma-convince ang authorities na hindi ka mag-o-overstay o magta-trabaho abroad.
Bakit mas strict ang rules para sa applicants with a sponsor for visa application?
Kung sponsored ng ibang tao ang trip mo, maaaring ang mensahe na maiparating nito sa visa officer ay wala kang financial means para suportahan ang iyong trip at ang pagkakaroon ng kakilala sa bansang iyon ay nagbibigay sa’yo ng reason para mag-overstay at hindi na bumalik. Mas marami ka ring documents na kailangang i-submit at ang ilan dito ay manggagaling sa sponsor/guarantor mo o sa inviting party sa abroad.
Ito ang malimit na suriin ng visa officer:
- iyong rootedness dito sa Pilipinas
- relationship mo sa iyong sponsor
- socioeconomic status ng iyong sponsor
Ito ang dahilan kung bakit karamihan ng Schengen countries ay nag-fo-focus sa mga tanong tulad ng: May kakilala ka ba sa Europe? May kakilala ka ba sa UK? Ano ang relationship mo sa kanila? Anong trabaho mo? Anong trabaho ng sponsor mo?
Bakit importante ang relationship mo sa sponsor?
Kailangang maipakita mo sa embassy kung bakit willing mag-commit ang sponsor mo na sagutin ang trip mo o maging responsable sa’yo. Halimbawa, ang mga Schengen countries ay nanghihingi ng photos, conversation records (phone bills, etc.), at iba pang evidence. Kailangan rin nilang maintindihan ang relationship ninyo at kailangan niyong mapatunayan nang malinaw sa mga magche-check ng iyong mga documents.
Hindi pantay-pantay ang lahat ng relationships. Ang iba ay mas madaling patunayan.
- Kung ang nag-invite o nag-sponsor sa’yo ay magulang o kapatid, madaling maintindihan kung bakit gusto ka nilang bumisita. Maaaring ipasa ang birth certificate o marriage certificate bilang evidence. Pero mas complicated ito kung hindi kamag-anak.
- Kung ang sponsor ay kaibigan o boyfriend/girlfriend, mas mahirap i-convince ang visa officer na reliable ang relationship niyo.
- Kung na-meet mo ang inviter/sponsor online, mas mahirap i-convince ang embassy dahil weak at unreliable ang proof of relationship. Oo, kasing valid din ng physical relationships ang long-distance relationships, pero unfortunately, iba ang perspective ng mga embassies. Kung hindi pa kayo nagkita before, mas maganda na ang significant other niyo muna ang papuntahin niyo dito imbis na kayo ang pupunta sa kanila.
Ganito rin para sa visa applications na sponsored ng taong na-meet mo lang ng isang beses. May ilang pagkakataon na may magandang travel history ang applicant pero na-deny ang visa. Posibleng dahil ang kanilang sponsor ay na-meet lang nila sa isa sa mga trips nila.
REMEMBER! Ang mga ganitong klaseng relationships ay MAHIRAP PATUNAYAN at MADALING DAYAIN kaya naman maingat ang visa officers dito at generally ay dine-deny ang application.
Immigration Requirements para sa Sponsored Travelers
If na-grant ang iyong visa, ang susunod na challenge ay ang dumaan at makalampas sa Immigration.
Tandaan na ang pagkakaroon ng visa ay hindi guarantee na papayagan kang lumabas ng bansa ng Immigration Officers. Makakatulong ang visa at factor ito, oo. Pero may kino-conduct na sariling inspection ang Immigration Office.
Normally, para sa non-sponsored travelers, tatlong bagay lang lang hinihingi nila:
- Valid Passport (na may at least 6 months validity)
- Roundtrip Ticket
- Visa (kung applicable)
Minsan, nanghihingi rin sila ng company ID at hotel reservation.
May mga pagkakataon na mas maraming document na hinihingi ang Immigration, especially kung:
- first time mo mag-travel abroad at pupunta ka sa not-so-usual destination
- wala kang mapakitang Company ID o kahit anong proof of employment
- inconsistent at kabado ang mga sagot mo sa tanong nila
- ang trip mo ay sponsored ng ibang tao
Mga Iba Pang Sitwasyon
- Kung ikaw ay invited pero ikaw ang magbabayad sa trip mo, mas madali ito. Maaari mag-present ng proof of employment tulad ng company ID, ITR, COE, o business registration documents. Madalas, kapag nakita ng Immigration Officers na maganda ang employment o financial standing mo o frequent traveler ka, bihira silang magtanong. Puwede mo rin naman sabihin na may bibisitahin kang kaibigan pero mag-prepare para sa follow up questions. Puwede rin silang manghingi ng Invitation Letter.
- Kung ang trip mo ay sponsored ng relative, mag-present ng Affidavit of Support/Guarantee/Undertaking. Ang sponsoring party ay dapat na RELATIVE within the 4th civil degree of consanguinity or affinity.
- Kung ang iyong trip ay sponsored ng foreigner, malaki ang chance na dumaan ka sa secondary inspection. Ayon sa ilang Immigration Officer, ang Affidavit of Suppport/Guarantee/Undertaking ay makakatulong. Kahit na ang affidavit na ito ay kadalasang para sa mga kamag-anak, MINSAN, tinatanggap nila ito mula sa non-relative kung mukhang maayos naman ang ibang requirements.
Ang keyword dito ay MINSAN. Hindi lagi. Case-by-case basis ito kaya huwag umasa dito. Dapat ipa-notarize muna ng sponsor document sa labas ng Pilipinas bago ito ipa-authenticate sa embassy (sealed with red ribbon). Bawat bansa ay may kanya-kanyang additional rules, requirements, processes, at fees. Mas mabuti rin na magpakita ang traveler ng proof of relationship sa foreign sponsor. Puwedeng photos na magkasama. Puwede ka rin tanungin kung gaano katagal na kayong magkakilala at kung paano kayo nag-meet.
REMEMBER! WALA dito ang makaka-guarantee na papayagan kang mag-exit. Kahit mayroon ka ng lahat ng documents na nabanggit, maaari ka pa ring ma-offload. Depende pa rin ito sa Immigration Officer at sa judgment niya.
Comments