SHOW MONEY para sa VISA Application? Tips and FAQs Answered

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Kung naga-apply ka para sa visa mula sa kahit saang bansa, maririnig at maririnig mo ang term na “show money.” At kaakibat ng term na ito ay ang tanong kung magkano ba dapat ang laman ng bank account mo para masiguro na maa-approve ang visa application.

Hindi mawawala sa any visa application ang pagpe-present ng financial documents. Gaya ng lagi naming sinasabi, ang pinakamahalagang aspekto ng tourist visa application ay ang pagpapakita na hindi ka mago-overstay sa bansang pupuntahan mo. At malaki ang role ng financial documents mo dito.

PHBEACHKLOOK

Bago natin pag-usapan ‘yan, kaklaruhin na agad namin: walang makaka-guarantee ng approval ng iyong visa application. Mahalagang mapakita ang financial capacity, pero hindi ito ang PINAKAMHALAGANG FACTOR. Sa pananaw namin, walang PINAKAmahalaga dahil ang bawat parte ng visa application ay mahalaga, mula sa pagkalap ng necessary documents hanggang sa pagharap in a presentable manner sa embassy, kung kailangan man ng personal appearance.

Pero kahit na alam natin itong lahat, alam din naming mahirap din talaga magplano kung hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Kaya naman sa article na ito, susubukan namin sagutin in detail ang mga tanong ninyo tungkol sa show money.

PAALALA: Ang nakasaad na tips dito ay mula sa mga experiences namin mula sa kani-kaniyang applications namin, kuwento ng mga kaibigan o kapamilya, at advice from travel agents. Wala sa amin ang nagta-trabaho sa consulate o embassy. Malaking bahagi ng evaluation process ay hindi visible sa outsiders. At the end of the day, exercise ito in taking educated guesses.


What is show money?

Ang show money ay colloquial term para sa funds na mayroon kang access kapag nag-travel ka. Tinatawag itong “show money” dahil kailangan mong magpakita ng proof ng amount na ito, na madalas ay bank certificate o statement of account. Hindi ito tinatawag na show money dahil “for show” lang ito. Ang pera na ip-present mo ay dapat totoo at dapat sa’yo.

Karamihan ng mga embassy ay nagre-require sa mga visa applicants na mag-submit ng proof of funds. Sa una, iisipin mo na ginagawa nila ito para masiguro na kayang suportahan ng applicants ang sarili nila during the trip (financial capacity). Pero may mas malalim pa itong purpose.

Higit sa financial capacity, concerned din sila sa rootedness. Pag-usapan muna natin ang rootedness dahil babalikan natin ito ng ilang beses sa article na ito.


Ano ang “rootedness” at paano ito related sa show money?

Ang rootedness ay kung gaano katibay ang ties mo sa iyong home country. Madalas ay ipinapakita nito ang employment stability, ownership of properties, at personal connections. Pero maaari rin maging factor ang financial steadiness at puwede rin nilang tingnan ang bank documents mo para i-check ito.

Tandaan, maraming applicants ang nagta-try na kumuha ng tourist visa for show pero kapag nakarating na sila sa kanilang destination, nags-stay sila nang mas matagal sa nakatakda sa kanilang visa at nagta-trabaho roon. Tayong mga Pilipino ay notorious for doing this. Mayroon nga tayong slang term para dito: TNT, “tago nang tago,” na tumutukoy sa pagtatago sa mga pulis o immigration authorities. In other words, kailangan mong ipakita na maayos at stable ang buhay mo dito sa Pilipinas at wala kang reason para mag-overstay abroad.

May karapatan sila i-reject ang kahit sino na sa tingin nila ay hindi makaka-contribute sa kanilang economy o makaka-violate ng mga batas nila. Ang pagkakaroon ng good financial standing ay isa sa mga paraan para mabawasan ang mga doubts at patunayan sa kanila na maganda ang buhay mo dito at wala kang reason para mag-overstay o mag-trabaho sa bansa nila.

Pero may mga cases kung saan hinihingi rin ito ng Immigration Officers, depende sa bansa. Idi-discuss ito sa ibaba.


Paano ko maipapakita na may sapat na funds ako para mag-travel?

Simple lang: Kumuha ka ng bank certificate, bank statement, o both.

Bank Certificate and Bank Statement

  • Ang bank certificate ay madalas isang page lang na document na nagpapatunay na may account ka sa branch na iyon. Madalas, ang latest available balance ay nakalagay dito. Pero sa ibang mga bank, puwede kang mag-request na isama ang ibang details.
  • Ang bank statement, na minsa’y tinatawag din na statement of account, ay detailed record ng balance at mga transactions sa isang account sa loob ng specified period of time. Kasama rito ang mga amount na dine-deposit, wini-withdraw, pati na rin ang mga interest na na-gain ng account na iyon at ang mga corresponding dates.

Alin ang mas mainam na i-submit: bank account o bank statement?

Iba-iba ang rules ng bawat embassy. Halimbawa, ang hinihingi ng Japanese Embassy ay ang bank certificate lang. Ang Australian at Canadian Embassies ay bank statement lang ang kailangan. Ang Chinese, Korean, at karamihan ng Schengen embassies ay hinihingi pareho ang certificate AT statement.

Iba-iba rin ang period na dapat covered. Sa Korean visa, kailangan mong i-present ang mga transactions sa loob ng nakaraang tatlong buwan. Sa Canadian visa, four months ang kailangan. Para sa Chinese, Schengen at karamihan ng ibang mga visa ay six months ang standard.

Paano kumuha ng bank certificate o bank statement?

Pumunta ka lang sa bangko mo at mag-request nito.

Iba-iba ang rules ng mga bangko. Halimbawa, sa experience namin sa BDO, dapat mong kunin ang mga documents na ito sa branch kung saan ka nag-open ng account. Hindi ka makakakuha nito sa ibang branch. Nire-require nila ang requestor na mag-appear personally sa branch kung saan mo in-open ang account mo.

Sa kabilang banda, pinapayagan ng BPI ang mga customers nila na kunin ang mga documents na ito sa kahit saang branch nila. Ideal ito kung kakalipat mo lang sa ibang address. Kung ang original BPI branch mo ay malayo sa kung saan ka nakatira ngayon, hindi mo na kailangan pumunta doon para i-request ito.

Usually, may service fees para dito. Subukan mo rin kumuha ng copy ng official receipt dahil ang ilang embassy ay nag-rerequire na i-attach ito sa document.


Anong tinitingnan ng mga embassies sa account ko?

Hindi lang latest balance ang tinitingnan ng mga embassy na nag-rerequire ng bank statement. Sinusuri din nila ang mga sumusunod:

  • Balance. Magkano ang laman ng iyong account.
  • Opening date. Date kung kailan binuksan ang account. Madalas ay nagre-raise ng suspicions ang new accounts.
  • Transactions. Ang pera na dine-deposit at wini-withdraw sa account na iyon. Tinitingnan din nila kung gaano ka-regular ang activities.
  • Irregularities. Tinitingnan nila kung may anomalies sa mga transaction. Halimbawa, kung may one-time-big-time deposit, madalas ay suspicious ito at posibleng ibig sabihin ay dinadaya ang system.
  • Consistency with your other documents. Kinukumpara nila ang record ng iyong mga transactions sa iyong Certificate of Employment o ITR (Income Tax Returns). Kung may hindi nagtutugma, maaari itong maging reason for rejection. Halimbawa, kung ang sweldo mo ay P15,000 per month lang pero makikita sa bank account mo na may ilang deposit na P100,000 each, maaari itong mag-raise ng red flags at maging dahilan ng denial.

How much show money should I have in the bank para mabigyan ng visa?

Walang isang diretsong sagot para dito dahil nag-iiba ito depende sa maraming factors tulad ng: bansang pupuntahan mo, tagal ng trip mo, at itinerary ng isusubmit mo.

Ang personal rule namin ay P10,000 per day + airfare + cost of hotel. Pero personal rule lang iyon. Ipapaliwanag ito sa ibaba.

Hindi sinasabi ng most embassies kung magkano ang dapat laman ng bank account mo. Isang posibleng exception ay ang Chinese Embassy na ayon sa ilang travel agencies ay nag-rerequire na mayroon kang P100,000 sa iyong bank account. (“Posible” dahil may mga kilala kaming mas maliit ang balance pero nabigyan pa rin ng visa.)

Pero may ilang embassies na sinasabi kung magkano ang dapat nakalaan na “pocket money” mo per day kapag pupunta ka sa bansa nila. Halimbawa:

  • Sa France, ang nakalagay sa kanilang visa application website ay EUR 120 per day, kung wala ka pang accommodation.
  • Sa ibang Schengen countries tulad ng Germany, Greece, at Italy, iba-iba ito pero madalas ay between EUR 40 and EUR 60. Para safe, i-assume mo na lang na EUR 60 ito.
  • Sa Turkey, USD 50 per day.

REMEMBER! Dapat proportional ang pera na mayroon ka sa tagal ng stay mo. Halimbawa, kung P100,000 lang ang mayroon ka, huwag kang mag-apply ng 59-day stay dahil siguradong magre-raise ito ng maraming tanong kung afford mo ba o hindi ang trip na iyon.

I-add ang total cost of flights at cost of accommodations, at dapat ay mayroon kang minimum amount sa iyong bank account. MINIMUM dahil, siyempre, dapat mo silang ma-convince na hindi mo uubusin ang lahat ng life savings mo sa trip na ito at dapat ay kaya mo pa rin mabuhay comfortably pagkatapos. Again, tungkol din ito sa rootedness.

Alam naming complicated ito. Kaya sinusunod na lang namin ang personal rule na P10,000 per day + airfare + cost of hotel, bukod pa sa general savings.

Nag-wowork ito lagi para sa amin dahil malaki ang allowance nito.

Hindi enough ang funds ko. Puwede ba akong humiram ng pera at ilalagay ito sa account ko bilang show money?

Ginagawa ito ng iba, pero hindi namin ito nire-recommend o ine-encourage.

As mentioned, sinusuri ng mga embassy ang details ng iyong financial documents. Ayon sa isang dating immigration officer na kilala namin, trained sila na makita ang mga inconsistency at anomalies, at madali lang itong gawin. Kapag nakita nila na hindi nag-mamatch ang ilang bagay o may mga unusual transactions, questionable ito.


Pwede ba akong magpa-sponsor ng travel sa iba habang naga-apply for a visa?

Yes, you can. However, hindi laging ibig sabihin nito na tataas ang chances mo na ma-approve.

Sa Japan, mag-wowork ito. Kapag nag-apply ka ng Japan visa na may sponsor, puwedeng hindi na mag-submit ng bank certificate ang applicant. Proof of funds ng sponsor na lang ang i-provide. Sa ganitong paraaan, malilipat ang burden sa sponsor.

Pero para sa maraming bansa, ang pagkakaroon ng sponsor ay hindi dahilan para ma-exempt ka sa show money. Posible rin na maka-sama pa ito sa iyong application. Para sa maraming visa tulad ng Korean, Canadian, at Schengen, kahit mayroon kang sponsor, kailangan mo pa ring mag-submit ng sarili mong bank documents. Kahit na kaya mong suportahan ang trip mo financially sa tulong ng ibang tao, kailangan pa rin nilang makita ang show money para ma-confirm ang stability at rootedness mo.

Kailangan ko pa bang mag-submit ng sarili kong bank documents to show proof of show money kung mayroon na akong sponsor?

Tingnan ang previous section.


Mahalaga ba ang type of bank account na ipapasa ko for visa applications?

Maraming iba’t ibang considerations sa pag-decide kung anong bank account/s ang ipapakita sa application.

My bank account is newly opened. Can I use that?

Very risky ang move na ito. Maaaring mag-raise ng mga red flag ang newly opened bank account dahil mukhang nagbukas ka lang ng account para mag-apply ng visa. No-no ito.

Kung may plano kang pumunta ng visa countries sa future, kahit na hindi ka maga-apply ng visa anytime soon, mas mabuting mag-bukas ka ng bank account as soon as you can.

Puwede ko bang gamitin ang payroll account ko sa visa applications?

Bago ang lahat, i-define muna natin kung ano ang payroll account.

Ang payroll account ay posibleng:

  • EMPLOYER’s payroll account, tumutukoy sa account kung saan nag-dedeposit ng funds ang employer at kung saan nanggagaling ang sweldo o wages ng mga employee.
  • EMPLOYEE’s payroll account, ang account kung saan regular na natatanggap ng employee ang kanilang sweldo o wages.

Kung ikaw ay employee at ang huli ang tinutukoy mo, depende pa rin ito sa uri ng payroll account na mayroon ka. From experiences within our team, ilang beses na naming nasubukan gamitin ito at wala namang naging issue dito. Sa tingin ko, importante na ang payroll account mo ay sumusunod sa mga criteria na ito:

  • Nakapangalan ito sa iyo at hindi sa employer mo.
  • Katulad ito ng characteristics ng personal savings account at hindi cash card o prepaid account.
  • Makakapag-issue ang bangko ng bank certificate at bank statement para sa iyong account.
  • May sapat na laman ito para sa mga gagastusin mo sa trip.
  • Hindi ito newly opened na account.

Kung walang sapat na funds ang payroll account mo, puwede mo itong i-submit kasama ng iba mo pang mga account para mayroon kang mas matibay na proof ng financial capacity mo. Magandang option for submission ang payroll account dahil nakikita dito kung saan nanggagaling ang pera mo, especially alongside your COE at ITR.

Kung employer ka at ang nauna ang tinutukoy mo, wala kaming idea kung puwede mong gamitin ang account na ito.

Pwede bang gamitin ang joint accounts for visa applications?

Oo. Madalas din itong gawin within our team.

Sa experience ng isa naming team member, dalawang joint accounts ang ginamit niya for visa applications sa mga nakalipas na taon: isa kasama ang business partner niya (AND account) at ang isa naman kasama ang nanay niya (OR account).

Wala namang naging issue sa paggamit ng OR account on its own. Pero wala pa kaming experience within the team kung saan AND account ang ginamit on its own. Within the team, ginagamit ang AND account kasama ng ibang accounts, kaya hindi namin masisiguro kung acceptable ba ang AND account bilang stand-alone proof of funds.

Pwede ba akong mag-submit ng multiple bank accounts when applying for a visa?

Oo, puwede. Mas malinaw nitong naipapakita ang finances mo kaya mas madaling maiintindihan ng embassy. Here’s an example from one of our team members na may at least three bank accounts.

  • Payroll account, kung saan pumapasok ang sweldo.
  • Savings account, kung saan tina-transfer ang savings na hindi dapat galawin unless emergency. AND account ito.
  • Travel account, isa pang savings account na binuksan specifically para mag-ipon para sa mga trips.

Most of the time, pinapasa niya ang tatlong accounts na ito for visa applications.


Hinahanap ba ng Immigration Officers sa Pilipinas ang show money upon exit?

Minsan. Mahirap sabihin kung titingnan nila ang show money mo o hindi. Pero oo, tinitingnan nila ito minsan.

Ayon sa Bureau of Immigration, HINDI requirement para mag-travel abroad ang financial capability. Pero kung suspected nila na hindi honest ang isang traveler tungkol sa purpose ng kanyang travel, puwede nila itong paraanin ng secondary inspection.

Ayon sa memorandum entitled Guidelines on Departure Formalities for International-bound Passengers na inilabas ng Bureau of Immigrations sa kanilang airport at seaport officers noong 2012, ie-evaluate ang traveler sa secondary inspection ayon sa edad, educational attainment, and…*drum rolll* financial capability na mag-travel.

Para malinaw, HINDI LAHAT ng traveler ay dadaan sa secondary inspection. Para lang ito sa mga suspected na may ibang purpose of travel. Ayon sa bureau (as told to a news agency), ang mga turistang mas may posibility na ma-question ay:

  • First-time tourists na pupunta sa hindi masyadong popular na destination.
  • Tourists na walang steady source of income sa Pilipinas at walang benefactors.

Kung unemployed ka at first time mo mag-travel abroad, malaki ang chance na kakailanganin mo dumaan sa secondary inspection at hanapan ka ng proof of financial capability.


Wala akong pera sa bangko? Paano ko maiiwasang ma-offload?

Kumuha ng sponsor na puwedeng mag-shoulder ng travel expenses mo. Nag-aapply ito sa students, fresh graduates, o unemployed individuals na walang kakayahan na i-support ang trip financially.

Ideally, ang sponsor ay immediate relative na Filipino. Dapat naka-handa ang mga sumusunod na documents:

  • Affidavit of support kung saan nakalagay ang relationship within 4th civil degree of consanguinity or affinity, kasama ang mga supporting documents.
  • Affidavit of undertaking/guaranty

Puwede mo pagsamahin ang dalawang ito sa isang document — Affidavit of Support and Guarantee — para mabawasan ang notarization fees.

Minsan, hindi ito hinihingi ng Immigration Officer pero mas mabuti nang handa.

Pero tandaan na ang pagkakaroon ng mga documents na ito ay hindi guarantee na makaka-alis ka. Madadagdagan nito ang chances mo pero depende pa rin sa demeanor at mga sagot mo, at sa judgement ng Immigration Official.


Kung sponsored ng ibang tao ang travel ko, hahanapan ba ako ng Immigration officer ng show money upon exit?

Maybe. Ayon sa isa naming kakilalang Immigration Officer, bukod sa Affidavit of Support and Guarantee, dapat ay mayroon ding proof ang traveler na kayang suportahan ng sponsor ang trip. Puwedeng bank documents (show money) ng sponsor, Certificate of Employment, o ITR.

Kung ang sponsor mo ay foreigner o Filipino na naka-base abroad, maaaring mayroong additional complications.

Again, naka-depende lang sa judgment ng Immigration Officer kung hihingi sila ng proof of funds o hindi.


Naghahanap ba ng show money ang mga Immigration Officers abroad upon arrival sa bansa nila?

Depende sa bansang bibisitahin mo. Halimbawa, bilang policy, nire-require ng Thailand ang mga foreign visitors na dapat ay mayroon silang 10,000 bhat per person o 20,000 per family (o katumbas na amount sa ibang currency) in cash upon entry.

Isa pang example ay ang Taiwan na nagre-require sa visa-free Filipino travelers na mayroon silang proof of sufficient travel funds in the form of cash, credit cards, travelers checks, o similar forms. Hindi nila sinasabi kung magkano exactly.

Pero hindi ito laging ini-implement. Nakapunta na ang team namin sa Thailand at Taiwan pero wala sa aming tinanong kung magkano ang cash na dala namin o kung magkano ang budget na nilaan namin para sa trip.

That said, para sa mga bansa na may show money rule, mas mabuting mag-comply para kung sakaling magtanong sila. Mas mabuting mayroon kang dala at hindi ito kailangan kaysa naman kailangan ito pero wala kang dala.

Naranasan na naming matanong tungkol sa funds sa ibang bansa. Sa Maldives at ibang bansa — possibly Australia o Singapore — tinanong ang isa naming team member kung magkano ang dala niyang pera. They answered truthfull, at sinabi niya na mayroon din silang dalang cedit card at ATM card. Sa parehas na incident, pinatuloy nila siya na wala nang iba pang tanong.


Again, tandaan na hindi guaranteed ang approval ng visa application kahit na malaki ang laman ng iyong bank account. Maraming mga factors ang kinokonsidera ng mga embassies at visa officers sa pag-examine ng iyong application. Isa lamang ang financial capacity or rootedness sa mga factors na ito.


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.