Zamboanga City Travel Guide & Itinerary (Tagalog)

By continuing to read this article, you agree to double-check with the concerned establishments for the latest updates.

Pagdating sa makukulay na destinations sa Pilipinas, isa sa mga unang maiisip mo ay ang Zamboanga. Hindi lang dahil sa makulay na vinta na naging simbolo na ng region na ito, pero dahil na rin sa marami pang bagay na nagbibigay kulay sa probinsya. Mula sa rosy hues ng Pink Beach, bright orange na curacha crabs, hanggang sa makukulay na costumes sa Hermosa Festival, siguradong hindi magiging dull ang trip mo kapag nagpunta ka dito.

PHBEACHKLOOK

Makulay rin ang history at food scene ng Zamboanga kaya marami talagang attractions na puwedeng puntahan at mga pagkain na pwedeng tikman. Kaya kung nag-pplano ka na mag-travel ulit for the first time in over two years, isa ito sa mga destinations na puwede mong puntahan. May beach, mga isla at iba pang natural attractions, heritage sites, at masasarap na pagkain na siguradong maeenjoy mo.

Nasa post na ito ang mga information na kailangan mo para magplano ng trip to Zamboanga City. Nandito ang mga puwede mong puntahan, kainan, at iba pang kailangan mong malaman para gumawa ng itinerary.

Understanding Zamboanga City

Ang “Zamboanga” ay tumutukoy sa maraming geographical areas. Ang Region IX ay tinatawag rin na Zamboanga Peninsula at binubuo ng mga probinnsya ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, at ng limang mga city. Ang limang city na ito ay Dapitan, Dipolog, Pagadian, Isabela de Basilan, at ang pinaka malaking urban hub sa region, ang Zamboanga City.

Sa airline industry kapag sinabing Zamboanga, madalas ay ang city ang tinutukoy dahil dito located ang Zamboanga Internation Airport (ZAM). Para malinaw, sa guide na ito, kapag sinabing Zamboanga, ang tinutukoy din ay ang city.

Sinasabing nanggaling ang pangalan ng Zamboanga sa Samboangan na ang ibig sabihin ay daungan. Ang ibang sources naman ay sinasabing ang pangalan ng lugar ay mula sa Indonesian jambangan na ang ibig sabihin ay lugar ng mga bulaklak kaya tinatawag din ang Zamboanga na “City of Flowers”.

Malalim ang history ng Zamboanga City bilang settlement. Mate-trace ito mula noong 12th century noong dumating ang mga Subanon sa lugar. Sa paglipas ng panahon, marami na ring mga Tausug, Yakan, Sama-Banguingui at Sama-Bajau ang lumipat dito mula sa Basilan at Sulu archipelago. Islam ang naging dominant religion dito. Noong dumating ang panahon ng pananakop ng mga Kastila, ginawa nilang military stronghold sa Mindanao ang Zamboanga na naging dahilan ng pagdating ng Christian settlers dito.

Zamboanga City Hall

Ang mahabang history nito ay nagbunga ng pagkakaroon ng complex at eclectic mix ng Zamboanga. Malapit rin ito sa Malaysia, Brunei, at Indonesia kaya maraming mga influences ang nakakapasok dito. Makikita ito sa culture, languages, religions, at cuisines dito.

Ngayon, ang Zamboanga ay isang highly urbanized chartered city. Politically independent ito at nagsisilbing economic, educational, at cultural hub ng region.

Ito ang ilang mahalagang ipormasyon about Zamboanga na kailangan mong malaman bago ang iyong trip.

  • Location: Zamboanga City, Region IX (Zamboanga Peninsula)
  • Nicknames: Asia’s Latin City, City of Flowers
  • Language: Chavacano o Cabacano ang most common na ginagamit dito, isang Spanish-based Creole na mix ng Spanish at ibang native lnguages.
  • Modes of Payment: Cash. Marami ring establishments na tumatanggap ng credit cards at GCash, pero karamihan ay mas preferred pa rin ang cash. Siguraduhing magdala ng cash lalo na para sa transportation at small purchases.

How to get to Zamboanga City

Ang Zamboanga City at mga kalapit na municipalities ay ginagamit ang Zamboanga International Airport (ZAM) na gateway din papuntang Basilan. Most Tawi-tawi-bound travelers ay nag-ttransfer din sa Zamboanga Airport dahil walang direct flights mula Luzon o Visayas papuntang Bongao.

Karamihan ng local airlines ay may flights mula Manila papuntang Zamboanga. Pero kung naghahanap ka ng affordable fares, may daily flights to Zamboanga City ang AirAsia. Ang travel time ay 1 hour and 40 minutes.

AirAsia Plane

Bawat booking ay may complimentary na 7kg carry-on baggage allowance. Kung weekend trip lang ang balak mo, posibleng enough na ito. Pero kung gusto mo ng mas comfortable na biyahe, puwede ka ring mag-add ng Value Pack na may kasamang 20kg check-in baggage allowance, standard selection, meal, at Tune Protect insurance (para sa baggage delay at 1 hour on-time guarantee protection). Mayroon din silang Premium Flex kung saan may option kang palitan ang date at time ng iyong flight up to two times.

Kung manggagaling ka sa Manila, ang flights ng AirAsia papuntang Zamboang ay nag-ooperate sa NAIA Terminal 4.

Upon Arrival at the Airport

Paglapag sa airport, didiretso kayo sa Arrival area kung saan ninyo kukunin ang check-in baggage (kung meron).

Pagdating sa Arrival Hall, makikita niyo na may tent kung saan sila nag-checheck ng entry requirements. As of writing, tinatanong nila kung saang parte ng Pilipinas ka galing at tsaka nila titignan ang requirements mo. Make sure to double check the entry requirements to Zamboanga at ang protocols depende sa origin mo bago ang iyong trip.

Zamboanga Airport to City Center

Nasa loob ng city center ang Zamboanga airport kaya hindi problema ang mahabang travel time. Pagkalabas ng airport, sasalubungin ka ng mga taxi drivers na nag-ooffer ng ride papunta sa city. Puwede ka ring pumunta sa labas ng airport gate kung saan nakapila ang mga tricycle.

Ito ang mga rate:

  • Taxi: Flagdown rate, P40. Kung malapit sa City Hall, nasa P80 ang fare.
  • Tricycle: P20 for the first km, P5 per additional km

Pero madalas, nakikipag deal ang mga driver para sa presyo. Usually, nasa P150-200 ang sinisingil nila.

Where to Stay in Zamboanga

Ang mga hotel sa Zamboanga ay concentrated sa dalawang key areas: sa city center na malapit sa seaport, at sa area malapit sa airport. Hindi nalalayo ang dalawang areas na ito sa isa’t isa at parehas na accessible. May mga budget-friendly options din in both areas, at maraming dining at shopping establishments sa paligid. Pero isang dapat iconsider ay ang traffic during rush hour. Dahil dito, mamili ng area na pag-sstayan based sa inyong itinerary.

Kung ang pakay mo sa Zamboanga ay puntahan ang Pink Beach o mag day trip sa Basilan, mas magandang mag-stay sa gitna ng city. Kung ang gusto mo namang puntahan ay nasa north ng city tulad ng Once Islas at Merloquet Falls o kung ayaw mo lang mag-worry na baka ma-miss mo ang flight mo pauwi, mas ideal na mag-stay sa area na malapit sa airport.

Twin Room at Ever O Business Hotel, Zamboanga City
Twin Room at Ever O Business Hotel, Zamboanga City

Ito ang ilang hotels na puwede niyong i-book para sa Zamboanga trip ninyo:

Search for more Zamboanga Hotels!

Klook Code PHBEACHKLOOK

How to get around Zamboanga City

By Public Transportation

Pinaka common na modes of transportation sa city ay ang jeep, tricycle, at taxi. Pero kung ayaw mo na isipin pa ang mga ruta ng jeep, ang pinaka-convenient ay ang tricycle o mas kilala bilang “tricy” sa parteng ito ng Mindanao.

Zamboanga Tricycle

Ito ang approved tricycle fare:

  • P20 para sa first kilometer
  • P5 per succedding km.

Pero in reality, hindi lahat ng tricycle drivers ay sumusunod sa fare matrix. To give you an idea, usually, nasa P40-50 per person ang bayad para sa tricycle ride. Kung mas malayo tulad ng papuntang seaport mula sa airport, umaabot sa P75 per person ang pamasahe.

May mga taxi rin, pero hindi ito ganoon karami. Ang flagdown rate ay P40.

Ano man ang piliin mo na mode of transportation, siguraduhin na iconsider ang rush hour traffic lalo na kung may scheduled flight ka o boat ride.

By Packaged Tour

Mayamaan ang history ng Zamboanga City kaya ang best way to get around ay sumama sa guided tour. Mas maiintindihan niyo ang significance ng bawat attractions at mas maaappreciate niyo ito this way. Kung gusto ninyo mag-join ng guided tour, pwede kayong mag-book sa Buenas Travel & Tours at iTravel Tourist Lane.

Puwede ninyo silang i-contact dito para sa kanilang rates at iba pang inquiries:

  • iTravel Tourist Lane
    Contact Person: Errold Bayona
    (062) 991-1174, +63917-722-6410
    www.itraveltouristlane.com
  • Buenas Travel and Tours
    Contact Person: Jun Camins
    +63905 381 7889

Things to do in Zamboanga

Maraming attractions na puwedeng puntahan sa Zamboanga kaya marami kang pagpipilian depende sa interests mo at sa time and budget na meron ka. Ito ang ilan sa mga pinaka-popular na tourist spots na puwede mong isama sa iyong itinerary.

Pink Beach (Grande Sta. Cruz Island)

Ito ang pinaka-kilalang attraction sa Zamboanga City na located off the coast of Zamboanga Peninsula. Ang highlight nito ay ang buhangin na may rosy blush kapag nasisinagan ng araw. Kinilala ito ng National Geographic bilang isa sa World’s 21 Best Beaches noong 2017.

Pink Beach Zamboanga

Pero don’t expect na bright ang pagka-pink nito. Mula sa malayo, parang usual na white beach lang ito, pero nagiging mas visible ang pagka-pink nito kapag mas malapit. Ang pink na kulay ng sand dito ay galing sa mga nadurog na red organ-pipe corals (tubipora musica) na dinadala ng alon sa shore.

Mula sa city center, puwede kang mag-tricycle papunta sa Paseo del Mar na main jump off point papunta sa Sta. Cruz Grande Island. Nandito ang Santa Cruz Island Ferry Terminal kung saan ka sasakay ng bangka papunta sa isla. nasa 20 minutes na boat ride papunta dito.

Bukod sa Pink Beach, pwede mo din i-explore ang lagoon na puno ng mga mangroves. Puwede kayong mag-join ng separate guided boat tour para mapuntahan ito at matuto tungkol sa iba’t ibang types ng mangroves at makakita ng upside-down jellyfish. Puwede rin kayong mag-row ng colorful na vinta dito!

Puwede niyo rin daanan ang Little Santa Cruz Island para sa quick sand bar experience. Pero tandaan na puwede lang mag-stay dito for 10 minutes.

Little Santa Cruz Island Sandbar

Ito ang ilang information na dapat ninyong malaman kung pupunta kayo sa Santa Cruz Islands.

  • Mag register in advance! Strictly regulated ang number of visitors kaya kailangan mag-register.
  • Nagsisimula ang registration at boat service at 7:00 AM. Day tour lang ang puwede at hindi pinapayagan ang overnight stay.
  • Ang boat fee papunta sa Pink Beach ay P1000 (good for up to 10 passengers). Kung mas maliit ang group niyo, parehas pa rin ang rate ng boat.
  • Kung gusto niyong mag-join ng boat tour sa lagoon, make sure na sabihin ninyo sa bangkero na maghahatid sa inyo sa Pink Beach. Ihahatid nila kayo sa maliit na community malapit sa entrance ng lagoon. May additional na P200 fee ang transfer na ito.
  • Pagdating sa lagoon entrance, lilipat kayo sa mas maliit na “yellow boat”. P300 ang rent sa bawat yellow boat at good for 2 passengers ito.
  • Ang lagoon tour guide fee ay P300. Ang isang tour guide ay pwedeng mag lead ng 5 boats max. Puwede kayong maki-join sa ibang mga bangka para ma-split niyo ang guide fee.
  • Puwede lang mag-arrange ng tour bago mag-12 noon! After 12 noon, hindi na sila mag-aaccept ng booking. Make sure na sundin ang mga rules and regulations sa pag-explore. Ang Grande Santa Cruz Island at ang Little Santa Cruz Island ay protected area.
  • Ipinagbabawal sa island ang single-use plastic. Ang mga single-use water bottles, plastic bags, plastic straws, sachets, junk food in plastic containers, at plastic candy wrappers ay hindi allowed. Magdala ng reusable water bottle. Kung magdadala ka ng pagkain, gumamit ng reusable containers. Nagiinspect sila ng bags bago ang boarding.

Ito ang mga fees sa island:

Pink Beach Entrance Fee: P20 + P5 (terminal fee)
Boat to Pink Beach: P1000 (up to 10 pax)
Boat to entrance: P200 (up to 10 pax)
Yellow paddle boat rental: P300 (good for 2 pax)
Tour guide fee: P300 (good for up to 5 boats)
Additional stop at Sandbar: P200 (up to 10 pax)
Cottage Rental Fee: P100-P500 (depending on the size)

Zamboanga City Tour

Maraming historic at recreational sites sa city center at surrounding areas kung saan makikita niyo ang ilang bahagi ng makulay na history ng city. Puwede niyong puntahan ang mga attractions na ito DIY-style, pero madalas ito rin ang common stops ng mga organized tours.

El Museo de Zamboanga

  • El Museo de Zamboanga. Meron itong dalawang gallery na nag-shoshowcase ng culture at history ng city.
  • Pasonanca Park. Spacious na green space kung saan makikita ang Scout Limbaga, convention center, amphitheater, aviary, floral garden at butterfly sanctuary, at public swimming pools.
  • Fort Pilar Shrine and Museum. Itinayo noong 17th century at naging Spanish military defense post. Mayroon ditong open-air 18th-century Marian shrine— ang Our Lady of the Pillar— na may altar at stone seating para sa mga devotee na gustong magdasal at mag-reflect.
  • Climaco Freedom Park. Ipinangalan sa late Zamboanga City Mayor na si Cesar Climaco na isang local hero na pinatay noong 1984.
  • Paseo del Mar. Waterfront recreational park na may mga souvenir shops, local food vendors, at eateries. Magandang spot ito para manood ng sunset.
  • ZSCMST Bird Sanctuary. Isang protected area sa loob ng Zamboanga State College of Marine Science and Technology kung saan nag-bbreed at nabubuhay ang mga great white egrets.
  • Zamboanga City Hall. Kinikilala na isang National Historical Site. Originally, ito ang official residence ng US Military Governor ng dating Moro Province.

Once Islas Cruise (11 Islands)

Ang Once Islas ay mga isla off the coast of Zamboanga City. Hindi lahat ng isla ay open to the public, pero ang mga accessible na isla ay magandang spot para mag-swimming, sunbathing, at iba pang beach activities. May mga designated snorkeling spots din para sa mga gustong makita ang underwater scene.

Sirommon Island

Ito ang mga isla na accessible sa public:

  • Bisaya-Bisaya Island na may white beach at scenic rocky cliffs. May natural pool din sa nearby island kung saan puwedeng mag-swimming.
  • Buh-Buh Island na kilala sa seaside mosque dito.
  • Baung-Baung Island kung saan may fair sand.
  • Sirommon Island na madalas na lunch stop. Mayroon din itong fine white sand at viewpoint.

Day trips lang ang allowed sa mga island na ito at may limit na 200 visitors per day. Dahil dito, required na magpa-register in advance bago kayo magpunta. Para mag-book, mag-send lang ng email sa onceislas@gmail.com one week bago ang inyong trip. Isesend sa inyo ang mga guidelines at steps after ng booking inquiry. Hindi allowed ang walk-ins.

Jump-off Point: Panubigan Ferry Terminal in Barangay Panubigan
Operating Hours: Tuesday – Thursday, Saturday – Sunday, 7:00 AM to 2:00 PM; Mondays & Fridays, CLOSED. Pwedeng magbago ang schedule without prior notice kaya i-check muna bago ang inyong trip.
Boat Rates: P1200 (BiBa o Bisaya-Bisaya at Baung-Baung Route, good for 5 pax); P2000 (Island Cruise, good for 5 pax)
Fees:

  • Entrance Fee – P100/head
  • Environmental Fee – P100/head
  • Guide Fee – P300 (good for 5 pax)
  • Cottage Fee – P150

Merloquet Falls

Two hours away mula sa city center, malapit sa boundary ng Zamboanga Sibugay sa north at Zamboanga del Norte sa west ay makikita ang brethtaking na two-tiered Merloquet Falls. Sinasabing pinaka-maganda ito hindi lang sa buong region pero sa buong bansa. Ang pinaka-photographed part nito ay ang malawak na terraced drop na may magical at intricate textured cascades instead na smooth straight drop lang.

Location: Merloquet Falls road, Barangay Sibulao, Zamboanga City
Admission Fee: FREE
Parking Fee: P20

Heritage Shops & Markets

Madalas ay kasama rin ang mga shop na ito sa mga city tour, pero kung talagang gusto mong mag-shopping, ito ang mga puwede mong puntahan.

Canelar Barter Trade Center

  • Yakan Weaving Village. Dito, makakabili ka ng mga traditonal products at mga practical accessories tulad ng bag, pencil cases, at Yakan fabrics. Makikita mo rin dito ang traditional process ng Yakan weaving. Puwede mo rin itong subukan kung gusto mo.
  • Canelar Barter Trade Center. Shopping center ito kung saan maraming iba’t ibang local at imported goods mula Malaysia at Indonesia. Makakabili ka dito ng mga pagkain, damit, tela, accessories, at mga souvenirs.
  • Aderes Flea Market. Located sa Guiwan ang market na ito kung saan makakabili ka ng freshly caught curacha o spanner crabs, lobsters, shellfish, at iba pang seafood.

Day Trip to Malamawi Island

Ang Malamawi Island ay hindi parte ng Zamboanga City. Sakop ito ng Isabela City sa katabing probinsya ng Basilan. Pero possible itong day trip destination mula Zamboanga dahil easily accessible ito mula sa port ng Zamboanga City.

May stunning white beach sa isla na kilala bilang Malamawi White Beach. Ngayon, private beach na ito called Pahali Resort.

Malamawi Island

Para makapag day trip dito, kailangan mong i-avail ang pinaka-murang package na ino-offer nila— ang seafood tray worth P2,999 (good for 5 pax). Kahit solo or duo lang kayo, kailangan niyo pa ring mag-order nito para makapag day trip. Puwede ninyong i-message ang resort sa kanilang Facebook page para mag-book.

Mula sa Zamboanga sea port, kailangan niyong sumakay ng ferry o fast craft papuntang Isabela City para makarating sa resort. Nasa 1 hour and 40 minutes and biyahe dito. Paglabas sa Isabela Port, kumanan papunta sa James Strong Boulevard hanggang makarating sa waiting shed sa bandang kanan. Dito, sasakay kayo ng bangka papuntang Carbon Port (P10)

Pagdating sa Isabela City, pwede kayong pumunta sa Tourist Assistance Center para mag-register o dumiretso sa resort. Puwede kayong mag-tricycle papunta sa Pahali Resort (P50/person, one-way).

Where to Eat in Zamboanga

Isa sa best things sa Zamboanga City ay ang diversity ng mga pagkain na mahahanap mo dito. Ang kanilang cuisine ay resulta ng makulay at complicated history ng lugar kaya naman makikita mo dito ang influences ng iba’t ibang kultura. Ito ang ilan sa mga iconic food spots na dapat mong subukan kapag bumisita ka sa Zamboanga.

Curacha with Alavar Sauce

  • Alavar Seafood Restaurant. Pinaka-kilala ito sa curacha (spanner crabs) na merong signature Alavar sauce nila na gawa sa coconut milk, aligue (crab fat), at iba’t ibang spices. Nasa P1500-1700 per kilo ang serving nito na good for at least 4 persons. Bawat order ay may 3 to 4 crabs depende sa laki nito.
  • Bay Tal Mal. Dito, matitikman mo ang mga Moro dishes. Pwede mong orderin ang kanilang latal na platter ng 10 native dishes para marami kang dish na ma-try. Kasama sa mga dishes na ito ang tiyula itum o beef na may black soup mula sa charred coconut at beef kulma na similar sa beef curry.
  • Hacienda de Palmeras Hotel and Restaurant. Sinasabing dito nag-umpisa ang makulay na dessert called knickerbocker. Similar ito sa halo-halo, pero meron itong mga fruits like mango, pineapple, at watermelon, at may strawberry ice cream sa ibabaw.
  • Jimmy’s Satti. Paborito itong satti place ng mga locals. Ang satti ay similar sa chicken or beef satay na may sweet at medyo spicy na sauce. Isa pang lugar kung saan pwedeng subukan ang satti ay ang Andy’s Special Satti.
  • Dennis Coffee Garden. Nagsimula ang restaurant na ito sa Jolo, Sulu. Nag-seserve sila ng traditional Tausug coffe called kahawa sug at iba’t ibang native merienda items o bangbang sug. Ilan dito ang rice cakes, deep fried bananas at kamote.
  • Tetuan. Isang street ito na may mga kiosks na nagbebenta ng kilo-kilong lechon. Isa sa pinaka-popular dito ang Prince Tasty Lechon. Ang lechon nila ay may calamansi, garlic, onions, pepper, at bay leaf.

Bay Tal Mal Moro Cuisine

Huwag niyo din kalimutan subukan ang mga street food! Meron dito ng mga usual Pinoy favorites tulad ng banana que, fish balls, at kwek-kwek, pero may mga local street food din sila. Subukan ninyo ang chikalang o purple rice cake na parang pilipit o karioka, pastil o empanada, at mee goreng. Makikita niyo ang mga ito sa RT Lim Boulevard at Paseo del Mar.

Sample Zamboanga Itinerary

Ito ang sample itinerary for a 4-day 3-night trip to Zamboanga City. Ang itinerary na ito ay DIY-style, using public transportation. This also assumes na ang hotel ninyo ay nasa city center. Recommended na mag-join ng guided tour para mas ma-apapreciate ninyo ang ang sites, pero kung gusto niyong maka-tipid, puwede niyong gamitin ang itinerary na ito or use it as a guide to make your own.

Day 1- Arrival, City Tour

-Arrival in Zamboanga
-Tricycle to hotel
-Drop bags at hotel
-Mag tricycle papunta sa Pasonanca Jepney Terminal
-Sumakay ng jeep papunta sa Pasonanca Park
-Explore Pasonanca Park
-El Museo de Zamboanga
-Butterfly Sanctuary
-Sumakay ng jeep papuntang Palmeras
-Palmeras (lunch, try knickerbocker)
-Sumakay ng jeep papuntang city center
-Hotel check-in
-Sumakay ng tricycle papuntang Fort Pilar
-Fort Pilar & Museum
-Pilar Shrine
-ZSCMST Bird Sanctuary
-Paseo del Mar
-Sumakay ng tricycle papuntang SM Mindpro
-Dinner at Bay Tal Mal
-Back to hotel

Day 2- Pink Beach, Canelar Barter

-Wake up call
-Bumili ng food para sa lunch at snacks (make sure na ilagay sa reusable container)
-Sumakay ng tricycle papuntang Paseo del Mar
-Registration/briefing
-Sumakay ng bangka papuntang Pink Beach
-Explore Pink Beach
-Lagoon Tour
-Lunch
-Stop at sandbar
-Sumakay ng bangka pabalik sa mainland
-Sumakay ng tricycle papuntang hotel
-Shopping at Canelar Barter
-Sumakay ng tricycle papuntang Alavar
-Alavar curacha
-Sumakay ng tricycle pabalik sa hotel

Day 3- Once Islas

-Wake up call
-Bumili ng pagkain para sa lunch at snacks
-Sumakay ng tricycle papuntang bus/van terminal
-Sumakay ng bus/van papuntang Panubigan Crossing
-Sumakay ng tricycle/habal-habal papuntang Panubigan port
-Registration
-Island hopping tour
-Sumakay ng tricycle/habal-habal pabalik sa highway
-Mag-abang ng bus pabalik sa city center
-Sumakay ng tricycle papuntang Dennis Coffee Garden
-Dennis Coffee Garden
-Sumakay ng tricycle pabalik sa hotel

Day 4- Departure

-Wake up, pack up
-Hotel checkout
-Sumakay ng tricyle papunta sa airport
-Flight back to Manila

Frequently Asked Questions

Kailan ang best time to visit Zamboanga City?

January to May ang driest period.

Year-round destination ang Zamboanga. Hindi tulad ng karamihan ng mga region sa Pilipinas, stable ang weather patterns dito at hindi masyadong nadadaanan ng mga bagyo. Best time para sa mga turista ang January to May dahil less chances of rain sa panahon na ito.

Pinaka-maulan mula June to November, at ang peak ay October. Pero hindi kagaya sa ibang regions, mababa ang amount ng rainfall sa Zamboanga kaya hindi ito masyong makaka-apekto sa inyo. Bukod dito, ang pinaka-maulan na buwan ng October din ang isa sa pinaka best time na pumunta dito dahil sa Hermosa Festival.

Ang Hermosa Festival ang fiesta ng city, in honor sa kanilang patron saint na La Virgen Nuestra Señora del Pilar de Zaragoza na pinaniniwalaan na milagrosa. Month-long ang celebration na ito at ang actual feast day ay tuwing October 12. Maraming mga exciting activities sa first two weeks ng October tulad ng Regatta na isang vinta race.

Common greetings at phrases in Zamboanga City

Chavacano o Chabacano ang pinaka-common language na ginagamit sa Zamboanga City. Ito ang nag-iisang Spanish-based creole language sa Asia. Para itong pinaghalong Spanish at iba’t-ibang Filipino language. Karamihan ng vocabulary sa Chavacano ay galing sa Spanish, pero ang grammatical constructions at structures nito ay katulad ng sa ibang Philippine languages.

Habang nasa city ka, puwede mong gamitin ang mga basic greeting at ibang useful phrases na ito. Magandang way din ito para maka-interact ang mga locals at matutunan ang kanilang culture.

  • Good morning! – Buenas Dias!
  • Good afternoon! – Buenas Tardes!
  • Good evening! – Buenas Noches!
  • Thank you very much! – Muchisimas Gracias!
  • Welcome! – Bienvenidos!
  • How much is this? – Cuanto esté?
  • I’m sorry. – Perdona mi.

Kamusta ang data signal sa Zamboanga City?

Malakas ang signal ng Globe at Smart sa city center pero spotty at unreliable na ito sa mga isla at iba pang remote corners ng city.


More Tips on YouTube ⬇️⬇️⬇️


Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.